Wednesday, November 27, 2013

Alon Book 2 by: EreimondB (Epilogue)




Five Years Later

Kasalukuyang nagtuturo si Alo sa mga batang gustong matutong lumangoy. Nasa bagong gawang kiddie pool sila ng kanyang mga estudyante at masigasig itong nagtuturo sa kanila.

Kahit na makukulit ang mga ito ay hinahabaan lang niya ang kanyang pasensya upang maturuan silang lahat ng maayos. Ayaw niyang daanin sag alit ang mga ito, dahil mga bata pa nga lang sila.

“Sir Alwyn! Sir Alwyn!” Sigaw ng HR Manager kay Alo at patakbo pa itong tinatawag ang binata.

Napalingon naman agad ito sa may katabaang empleyado ng kanyang surfing school.

“Oh Bakit? Ano yun?”
“Sir, Alo… May naghahanap sa inyo…”
“Huh? Sino naman…”
“Basta sir, sumunod na lang kayo sa akin…”

Takang-taka naman si Alo sa kung sino ang naghahanap sa kanya. Wala naman siyang naisip na puwedeng dumalaw sa kanya dahil wala naman siyang gaanong kaibigan, maliban sa mga taong nakakasama sa Baler.

Isinuot ni Alo ang kanyang sando at inayos ang kanyang basang buhok. Gusto niyang magmukhang presentable sa pagharap nito sa kanyang bisita.

“Ano na? Asan na siya?” Tanong ng binata sa kanyang empleyado.

“Sir, andiyan lang po siya kanina eh… Teka lang, tawagin ko po…”
“Niloloko mo yata ako eh… Hehehe…” Biro ni Alwyn sa kanyang HR Manager.

Nakita naman ng binata na tila may buhanging sumama sa kanyang suot na tsinelas. Kung kaya’t kinuha niya ito at pinagpag sandali upang matanggal ang mga maliliit na bato at buhangin.

Maya-maya ay may nakita siyang paang nakasuot ng puting sapatos. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo upang masilayan ang nagmamay-ari ng sapatos na ito.

Laking gulat niya sa kanyang nakita.

“Iris?” Saad ni Alo na halo napanga-nga sa kanyang pagkamangha.

Ibang-iba na ang hitsura ni Iris. Lalo itong gumanda at humaba ang kanyang buhok. Medyo tumaba rin ng kaunti ang dalaga pero kitang-kita pa rin ang seksing kurba ng kanyang katawan.

“Iris…” Muling saad ni Alo, sabay yakap nito sa magandang babae.

Yumakap din sa kanya ang babae at tila masaya rin itong makitang muli si Alo.

“Saan ka ba nagpunta? Hindi kita mahanap… Ilang taon akong naghanap sa iyo…”
“Kalma… Naandito na ako… Hihihi…”
“Iniwan mo ako… Bakit mo naman ginawa iyon…”
“Sabihin na lang natin na… naduwag ako. Siguro hindi pa ako ganoon kahandang harapin ka… Sorry.”
“Ayos lang… Ako nga dapat ang magsorry sa iyo eh… Malaki ang pagkukulang ko sa iyo… Saka ko lang naramdaman ang kahalagahan mo noong nawala ka sa tabi at paningin ko… I’m sorry, Iris… Mahal na mahal kita...”
“Hihihihi… Totoo ba iyan?”

Tumango naman ang binata saka nito hinalikan sa labi si Iris.

Nagpalakpakan naman ang lahat ng mga empleyado ng surfing school. Kanina pa pala silang nakasilip sa kanilang dalawa.

Maya-maya ay may lumapit na batang lalaki kay Iris. Napatingin naman si Alo sa batang ito at tila nabigla siya sa kanyang nasaksihan.

“May anak ka na? o may asawa ka na pala?” Tanong ni Alo kay Iris.

“Wala akong asawa… Pero may anak ako…” Sagotnaman ng magandang babae.

Napangiti na lamang si Alo sa bata at kay Iris.

“Zeke, say Hi to him…”

Tumingin naman ang bata kay Iris at tila nahihiya itong kausapin si Alo.

“Sige na… say Hi to him… say Hi to your dad…” Muling saad ni Iris.

Nabigla naman si Alo sa kanyang narinig. Tinignan niya ang magandang babae at tinanguan lamang siya nito.

“Alwyn… Siya nga pala si Ezekiel. Zeke for short… Anak natin… Anak mo…”

Hindi naman makapaniwal si Alo sa kanyang nalaman mula kay Iris. Agad itong lumuhod upang lapitan ang kanyang anak.

Hinawakan niya ito sa kanyang braso, saka niyakap ng mahigpit.

Yumakap naman agad ang bata sa kanyang ama at tila nadama nilang dalawa ang lukso ng dugo.

Napapaiyak naman ang lahat ng taong nakamasid sa kanila.

Maging si Angie na kanina pang nakasilip ay napapaiyak sa kayang nakikita. Masaya siya dahil muling nagkasama sina Alwyn at Iris, at kasama pa ang kanilang limang taong gulang na supling.

Agad namang binuhat ni Alo ang kanyang anak at niyakap sa kaliwang braso si Iris. Pinaghahalikan niya ang dalawa at hindi mapagsidlan ang kanyang tuwa dahil sa nakasama niyang muli ang taong mahal na mahal niya. Lalo pa’t nagbunga ang kanilang pagmamahalan.



--FIN--

1 comment:

Note: Only a member of this blog may post a comment.