Thursday, November 28, 2013

Kabilang Mundo (part 15)


by Fiction-Factory


(Kapitulo Kuarienta)

Hindi na namin alam ang eksaktong oras sa mga sandaling ito pero alam kong malalim na ang gabi dahil sa taas ng sikat ng buwan.

Basang-basa kami ni Tony.
Nagpupupulot siya ng mga tuyong sanga at tuyong dahon at kanyang inipon sa isang tabi, sa tabi ng isang puno na napapaligiran ng malalaking bato.

Inilabas niya ang lighter niya, ang luma at palyadong lighter niya na lagi niyang ginagamit sa paninigarilyo.

Tinititigan ko ang lighter niya, lagi ko yung nakikita pero parang iba ang epekto sa akin ngayon, para bang nakita ko na 'yon sa kung saan.
Ang naaaninag ko sa aking imahinasyon ay parang nakasalubong ko si Tony at muntik na kaming makabungguan habang pinipilit niyang sindihan ang lighter niya, pero hindi ko matandaan kung saan ko ito eksaktong nakita. (see previous parts)

"Teka, nabasa na ang lighter mo ha! Gagana pa ba yan?!"
tanong ko kay Tony.

Pilit niyang tini-trigger ang lighter niya ngunit kahit spark man lang ay wala.

"Kakaiba ang lighter ko Maita. Ito ay isang American Zippo Lighter, kahit mabasa ito ay gagana pa rin, hintayin lang nating matuyo."

"Ah talaga Tony?! May gano'ng lighter pala?"

"Oo naman. Kahit nga umuulan ay nasisindihan ko parin ang lighter na ito eh."
sagot niya.

Tama nga siya, dahil ilang saglit lang ay nagka-spark na hanggang masindihan na nga niya ang kanyang lighter.
Pinaapoy niya ang siga at patuloy niya itong ginagatongan, habang ako ay umupo at itinutok ang mga palad ko sa apoy.

Nanlaki nalang bigla ang mga mata ko nang bigla siyang tumayo at bigla nalang naghubad ng damit.
Nakaramdam pa ako ng pagkahiya sa sarili ko.
Kumuha siya ng matibay na sanga at itinusok ito malapit sa apoy, atsaka niya isinampay ang basa niyang damit para agad matuyo.
May pagka-boyscout talaga siya.
Ang sumunod niyang ginawa ay ang talagang ikinagulat ko.
Tumayo siyang muli at ngayo'y kinakalas niya ang sinturon ng pantalon niyang itim na maong.

"O teka! Anong ginagawa mo?!"
pagpipigil ko sa paghuhubad niya.

"Hindi mo ba nakikita? Naghuhubad. Kailangan mo ring gawin ito para matuyo ang damit mo."
sabi niya at nagpatuloy sa ginagawa hanggang mahubad na niya ang pantalon niya.

Ako naman, heto, biglang namula ang mukha nang maaninag ko ang puti niyang brief. Napatalikod nalang ako bigla sa kanya.

"Hahaha bakit? Nahihiya ka ba Eba? Ba't mo kasi kinain ang prutas na 'yon?"
pang-aasar pa niya at halos mamatay sa kakatawa.

Sabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ako maghuhubad sa harapan ng lalaking ito.
Biglang tumahimik ang paligid mga ilang sandaling lumipas.
Paglingon ko, nakita ko si Tony do'n sa malayo, sa gilid ng waterfalls, may hawak na sanga na ginawa niyang sibat, nanghuhuli siya ng isda gamit ang estilo ng mga sinaunang tao.
Biglang nag-init ang magkabila kong tenga at halos mamatay ako sa hiya ng mapansin ko ang mahabang nakalawit sa harapan niya.

"Ano bang iniisip ng lalaking ito? Bakit siya naghubad ng ganito?"
ang paulit-ulit na tanong na nabubuo sa isip ko.
Nagmukmok nalang ako at tumalikod sa kanya. Kung ano-ano ang sumasagi at naglalaro sa isipan ko. Loko-loko rin pala si Tony, pakiramdam ko mas lalo ko pa siyang minamahal minahal, maginoo pero medyo bastos. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti, parang talaga akong teen-ager na kinikilig-kilig sa pag-ibig.

Bigla kong narinig si Tony na nagsalita sa likod ko, tinatawag ang pangalan ko.

"Maita... Maita!"

Ayokong lumingon, ayoko siyang makita sa ganoong ayos niya.
Nakakapangilabot.

"Maita, maghubad ka na at magpatuyo ng damit. 'wag mo ng itago sa'kin ang birthmark mo sa puwet."
nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalamang may balat ako sa puwet?"

"Paano mo nalamang-- binobosohan mo 'ko noh?!"
naiinis na ako sakanya pero ayoko paring lumingon.

"Hahaha Hindi ba nasabi ni Maya sayo? Hindi mo ba 'ko narinig sa sinabi ko kahapon?"
panay pa ang tawa niya.

Pumikit ako at tinakpan ko pa ng mga kamay ko ang mga mata ko nang maramdaman kong papalapit siya papunta sa harapan ko.

"Hubo't-hubad ka noong mga panahong kaluluwa ka. Hahaha"
nakakainis niyang sambit.

Naalala ko na 'yung sinabi niya kahapon, na minsa'y nabanggit nga sa akin ni Maya, hubo't-hubad daw kami noong mga panahong kaluluwa pa kami. Pero kakaiba na ngayon dahil mulat na mulat na ako at buhay na buhay.

"Ano ka ba, tumingin ka nga sa 'kin Maita!"

Pilit niyang tinatanggal ang mga kamay ko na pilit ko namang pinipigilan.

"Ano ba Tony! Wag ka ngang--"

Hindi ko parin siya kinaya dahil mas malakas pa rin siya sa akin.
Natanggal tuloy ang pagkakatakip ng mga kamay ko at napamulat ako.

Akala ko'y hubo ko siyang makikita pero salamat nalang at nagtapis pala siya ng dahon ng saging.

"Kailangan mong magpatuyo dahil baka magkasakit ka pa. O heto, gamitin mo."
nasabi lang niya sabay abot sa mga dahon ng saging para sa akin.

Lumayo na siya sa'kin at inihaw niya na ang mga nahuli niyang isda.
Wala naman akong magawa kundi maghubad at magpatuyo ng damit.
Para kaming sina Adan at Eba sa gayak namin.

Umupo ako sa tabi niya, pinagmamasdan ko ang mga mata niya kung titingin ba siya sa katawan ko o hindi, pero mukhang maginoo naman siya talaga.

Iniisip ko tuloy kung pinagmasdan ba niya ang katawan ko no'ng mga panahong kaluluwa ako. Bakit nga ba wala akong maalala? Baka pinagsawaan niya na ng tingin noon ang katawan ko.
Sabagay, may ibubuga din naman ako. Kaakit-akit din naman ako.

"Tony, pasensiya ka na pala kanina--"

"Sshhhh..."
pagkontra niya sa sinasabi ko.

Umusog siya sa akin, medyo nahiya pa ako nang magkadikit ang mga balikat namin, pero hindi ako umiwas, nakikirandam lang ako.

"'wag mo ng alalahanin 'yon, ang importante ligtas ka, ligtas tayong dalawa"
malamlam niyang sabi kasabay ng pag-akbay ng kamay niya sa akin, sa balikat ko.

Hindi ko alam kung yayakap din ba ako sakanya o mananatiling tahimik, hindi ko masabing gusto ko ang pag-akbay niya pero hindi ko rin masabing ayaw ko.

Iniabot niya sa akin ang naihaw niyang isda at sabay kaming kumain.
Napaka-romantic, kaming dalawa lang at magkasamang kumakain sa ilalim ng maliwanag na buwan.

Napakatahimik ng gabi.
Hindi ko matukoy kung may mangyayari ba sa amin ngayong gabi, o may hindi dapat mangyari o may hahayaan akong mangyari. Pero sa loob-loob ko ay gusto kong may mangyari, hinihiling kong may mangyari nga, gusto kong maramdaman ng aktwal ang pagmamahal niya para sa akin, bago man lang may isang mawala sa aming dalawa, bago man lang ako mamatay.

Kung ano-ano na ang naiisip ko, pero talagang napaka-maginoo nitong si Tony.
Kahit solong-solo niya na ang pagkakataon ay hindi parin niya ako pinagsamantalahan, kahit kaming dalawa lang ang nasa kadiliman ng bundok na ito.
Tumayo siya at naglakad papalayo sa akin.

"Magpahinga ka na Maita, maaga pa tayo bukas."
nasambit lang niya.

"Maya-maya na, hihintayin ko munang matuyo ang mga damit ko."

Hindi na siya sumagot at nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Hindi ko narin siya inusisa kung saan siya pupunta, pero bigla nalang akong nakadama ng kalungkutan. Parang kakaiba ang kinikilos niya ngayon, parang hindi siya ang kilala kong Tony Preacher.

Mga ilang sandali lang ay natuyo kaagad ang mga damit namin, at sa sandaling iyon ay parang napakatagal namang wala ni Tony, hanggang ngayon ay hindi parin siya nagbabalik.

Nagbihis agad ako at pagkatapos ay sinundan ko si Tony sa direksyon kung saan siya nagdaan para sabihing tuyo na ang mga damit niya at para makapagbihis na siya, at dahil narin nag-aalala na ako para sa kanya.

Pagkalagpas ko sa isang napakalaking bato na lampas-tao ang taas ay nakita ko si Tony na nakaluhod sa tabi ng isang puno, nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakita.
Lalapitan ko na sana siya ngunit narinig ko nalang ang biglaan niyang pag-iyak.
Napakasakit ng pag-iyak niya habang may kung anong inuukit siya sa puno gamit ang punyal niya.

Maging ako ay nadadala at nalulungkot din sa pighati ng pag-iyak niya, parang may pinagdadaanan siya, masyadong emosyonal, hindi ordinaryong gawain ng isang lalaki.

"May kapalit ka na sa puso ko..."
bigla siyang nagsalita.

Parang may kinakausap siya, pero wala naman siyang kasama.
Patuloy lang siya sa pag-uukit habang patuloy na nagsasalita.

"Ngayon, handa ko ng palayain ang sarili ko sa iyo. May mahal na akong iba, ngunit mananatili pa rin ang ala-ala mo sa puso ko."
patuloy niya.

Hindi ko maintindihan ang pinag-sasabi niya, ngunit sa tema niya ay nakikita ko ang dating pag-ibig niya.
Nahahabag ako sa kanya, namamangha at kumikirot ang puso ko.
Nakaka-touch naman talaga.
Nakakakilig makita ang mga taong tulad niya na pinapahalagahan ang pag-ibig.
Isa siyang tunay na lalaki na nagpapaalam pa sa dati niyang pag-ibig bago niya muling buksan ang panibagong pag-ibig.

Napakaswerte ng babaeng minahal niya noon, at napakaswerte ko na minamahal niya ngayon.

Hindi ko na siya inabala sa kanyang pag-iisa at bumalik nalang ako sa tabi ng siga.
Nagmumukmok habang pinagmamasdan ang kalangitan.
Sa mga bituing ito, ilan na kaya ang inibig ng buwan, ilan kaya ang pinaluha niya at pinasaya?
Sa ilang daang taon na nabubuhay si Tony, ilang pag-ibig na kaya ang nagdaan sa kanya?
Laganap ang kalungkutan, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Ngayon lang ako nalungkot ng tunay at totoo.

(Kapitulo Kuarienta y uno)

"Maita! Maita!"

pag-gising sa akin ni Tony habang inaalog-alog ang balikat ko.

Akala ko gabi pa, pero naaaninag ko na ang liwanag ng araw.
Pagmulat ko, napayakap ako ng husto kay Tony at sabay kaming napaupo.

Nakatutok sa amin ang maraming sibat, napapalibutan kami ng mga kalalakihang ang tanging suot ay bahag, iisa lang ang hitsura at gayak nila, para silang mga katutubo ng isang tribo, maiitim, may mga balahibo ng ibon na nakatali sa kanilang mga binti, hita, braso at sa ulo, at may kung ano-anong tatak ang nakaukit sa mga balat nila, sa buong katawan nila.

Nagkatinginan lang kami ni Tony.
Natatakot na ako dahil sadyang nakakatakot ang mga hitsura nila, ang mga talim ng sibat nila ay gawa sa buto ng hayop na kanilang pinatulis, maging ang mga palakol na nakasabit sa bewang nila ay alam kong mula sa buto ng hayop.

"Ninu ikayu? Ekayu gagalo at enakayu magtangkang lumaban! O'bat atsu kayu kening sagradung lugar da reng Sirena? (Sino kayo? Huwag kayong gagalaw at huwag na kayong magtangkang lumaban! Bakit nandito kayo sa sagradong lugar ng mga Sirena?)"
nakakatakot na sigaw ng isa sa amin.

Kumunot ang kilay ko dahil hindi ko maintindihan ang lenguahe nila.

"Anong sinasabi niya Tony??x@.."

Nagkibit-balikat lang siya na parang nag-aalala din.

Gustong lumaban ni Tony, pero alam kong dahil sa akin ay nag-aalinlangan siya.
Nang sapilitan nila kaming pinatayo ay wala kaming nagawa kundi magpatali, dahil halos masugat na ang leeg ko sa nakatutok nilang sibat, gayundin kay Tony. Gamit ang baging ay tinalian nila ang mga kamay namin na nakalagay sa likuran namin.

Habang naglalakad kami ay parang kinausap ng isa ang isa pa, parang may sinasabi na hindi ko talaga maintindihan.

"Muna naqa. Sabyan mu qang Datu, atin tang adakap adwang tau, pota yapin na ila ing panayan tamu. (Mauna ka na. Sabihin mo kay Pinuno na may nahuli tayong dalawang nilalang, baka sila na ang hinihintay natin.)"

pagkasabi niya'y bigla nalang tumakbo ang kausap niya at nauna na sa amin, habang ang mga natitirang nakapalibot sa amin ni Tony ay walang humpay na nagbubulungan.

Dinala nila kami sa kanilang Tribo, sa isang lugar kung saan puro kalalakihan lang ang nakikita ko, at ang mga bahay nila ay parang pinagtagpi-tagping balat ng mga mababangis na hayop, parang mga tent.

Nakatayo at nakaabang silang lahat sa amin.
Binigyan nila kami ng daan, nagsitabi sila habang titig na titig sa aming dalawa ni Tony.

Nakakatakot talaga ang mga hitsura nila, mula bata hanggang sa matanda, ngunit wala akong nakita ni isang babae, lahat talaga sila puro mga lalaki.
Napaisip pa ako kung paano sila dumami ng ganito.

Nang maharap na kami sa kanilang pinuno ay laking gulat ko na lang nang bigla siyang tumayo sa kanyang trono at mukhang galit na galit na kinausap ang isa sa mga dumakip sa amin.

"O bat tinali yu la?! Nanung isipan yu?! O nu mong yapin talaga ila reng panayan tamu, odi mengaparusa ta ngan?! (Bakit itinali niyo sila?! Wala ba kayong mga utak?! Paano kung sila nga talaga ang mga taong hinihintay natin, edi mapaparusa pa tayong lahat?!)"

Hindi ko talaga maintindihan ang pananalita nila, at alam kong gano'n din si Tony.
Mabuti nalang at kumalma na siya at muling umupo sa kanyang trono.
Mas higit na nakakatakot ang hitsura niya, kinulayan ng itim na tinta ang buong katawan niya, o kung ano mang klase ng pangkulay ang ginamit nila, tapos may suot siyang korona na parang gawa sa bungo ng isang tamaraw, may sungay pa nga ito at may pangil din.
Ang ngipin niya ay kulay itim din, at ang mata lang ang tanging puti.

Bigla kaming nagkatinginan, napa-usog pa ako at napadikit kay Tony.
Nagsalita siya at parang kami na ang kinakausap niya.

"Ninu ikayu, at nanung gagawan yu quening lugar ayti? (Sino kayo, at anong ginagawa niyo sa lugar na ito?)"

Nakatingin lang kami ni Tony sakanya at punong-puno ng pagtataka at katanungan ang mga mukha namin tungkol sa sinabi niya. Anong klaseng mga tao kaya ang mga ito?

"Ahm.. Ginoo, pasensiya na po dahil hindi po namin naiintindihan ang lenguahe niyo"
si Tony ang sumagot.

Kumunot bigla ang kilay ng Pinuno nila, at nagkatinginan nalang sa bawat isa ang mga iba pang nakapalibot sa amin kasabay ng bulong-bulongan.

Sinenyasan ng Pinuno ang isa sa kanyang mga alagad, parang may kung anong pinapakuha, at hindi nga ako nagkamali, pagdating ng alagad niya ay may dala itong baho ng niyog na may lamang kulay itim na tubig na idiniretso niya kay Tony at iniabot.

"Inuman yu yan ba tamung mikaintindi. (Inumin ninyo 'yan para magkaintindihan tayo)"
muling nagsalita ang Pinuno na tulad kanina'y hindi pa rin namin maintindihan.

May sinisenyas sa amin ang mga katabi naming katutubo, parang pinupustura niya sa amin at inuutusan kaming inumin ang itim na tubig na ito.

"Ano kaya ito? Parang gusto nilang inumin natin."
sabi ni Tony sa akin.

"Ligtas kaya 'yan? Baka lason yan!"
sagot ko.

"Inuman yu na!! (Inumin niyo na!!)"

Nagulat nalang kami sa tindi ng sigaw ng Pinuno kasabay ng muling pagtutok ng mga sibat sa mga mukha namin ni Tony.
Wala tuloy kaming nagawa kundi uminom.
Medyo mapait ang lasa, parang dahon ng ampalaya, matapos no'n ay hinihintay ko ang epekto nito sa katawan ko, pero wala naman akong kakaibang naramdaman, pati kay Tony ay wala din namang kakaibang nangyari.

"Kami ay mga Malay na nabuhay ayon sa kapangyarihan ng Huling Witchcrafter."
muling nagsalita ang Pinuno, at sa pagkakataong ito ay malinaw na naming naintindihan ni Tony.

"Aba! Naiintindihan na po namin kayo!"
nasambit pa ni Tony sakanya.

"Tama. Dahil yan sa ininom ninyo. Ngayon, magpakilala kayo. Sino kayo at anong ginagawa niyo sa lugar na ito?"
nanlilisik na tanong niya.

"Kami po ay mga manlalakbay, at hinahanap po namin ang tinutukoy ninyo kaninang Huling Witchcrafter"
hinayaan ko lang si Tony na siya ang sumagot.

Nanlaki naman bigla ang mga mata ng Pinuno, at lalong tumindi ang bulong-bulongan.

"Tahhiimmiiikkk"
sigaw niya sa mga maiingay na bunganga.

"Ano ang kailangan niyo sa kanya?"
naging siryoso na ang pagtatanong niya.

"Kami po ay naparito para tuparin ang Propesiya niya."

Gulat na gulat ang Pinuno sa narinig niya kay Tony.

"Sabihin mo Ginoo, isa ka bang Witch?"
muling tanong ng Pinuno.

Hindi pa man nagagawang makasagot ni Tony ay may panibagong mga Malay na dumating at may dala nanamang bihag, at laking gulat namin ni Tony ng makilala namin ang mga kasama nilang bihag.
Sina Jacob at Maya! Nakagapos din sila tulad namin, iniharap din sa Pinuno at itinabi sa amin.

(Kapitulo Kuarienta y dos)

"Tony! Maita!"

"Jacob! Maya!"

halos maluha-luha kami ni Maya nang muli kaming nagkakita-kita.
Pinainom din sila ng itim na tubig.
Nakuwa pa talaga naming magkatagpo-tagpo sa ganitong sitwasyon.
Nakagapos at nakahilera.

"Hmm.. Dalawang pares ng mga tao, at mukhang magkakakilala kayo. Kunin ang kalatas ng Propesiya."
sambit ng Pinuno kasabay ng pag-utos niya sa kanyang alagad.

"Hawak nila ang ikatlong Propesiya"
wika ni Tony.

"Ikatlong Propesiya?!"
pagtataka nina Jacob at Maya.

"Oo, kahapon lang ay napadpad kami sa lugar ng mga Diwata, at inilathala nila ang Ikalawang Propesiya, at ang sabi nila'y apat ang Propesiyang iyon na hawak ng iba't-ibang nilalang. Una, kay Lola Esme, ikalawa ay sa mga Diwata at heto na ang ikatlo."
paliwanag ko.

Pagdating ng lalaki, tumayo agad ito ng diretso sa tabi ng Pinuno, tapos nakarinig nalang ako ng tunog ng tambol kasabay ng pagluhod ng lahat ng mga Malay na nakapalibot sa amin.

Binuksan ng lalaki ang kalatas at binasa niya ng malakas ang Propesiya;

"Sa kanyang pagdating, kayo'y mabubulabog. Huwag kayong palilinlang sapagka't ginabayan siya ng isang White Witch at nagnining-ning ang itim niyang buhok, at sa kanilang pagtatagpo ay nalalapit na ang aking paglathala"

pagkatapos niyang basahin ay muli niya itong inirolyo kasabay ng muling pagtayo ng mga nagsipagluhod.

"Narinig niyo ang Propesiya, ngayon sabihin niyo, sino sa inyo ang Witch?"
tanong ng Pinuno.

Napatingin kaming tatlo nina Tony at Jacob kay Maya, siya ang kaisa-isang Witch na kasama namin at maliwanag na kaming dalawa ang nasasaad sa Propesiya ng Huling Witchcrafter.

"A-ako po ay isang Witch at ako po ang nakasaad sa Propesiya."
sambit ni Maya habang nagtataas ng kamay.

"Binibini, paano mo mapapatunayan sa amin na isa ka ngang Witch, at ang Witch na tinutukoy ng Propesiya samantalang puti ang buhok mo?"
hindi makapaniwala ang Pinuno.

"Wala akong dapat patunayan. Ako ay ako."
mahusay ang pagsagot ni Maya.

"Opo. Siya po ang Witch na tinutukoy ng Propesiya."
pagkumpirma naman ni Jacob.

Pagkasabing-pagkasabi ni Jacob ay bigla nalang nagbalik ang dating kulay ng buhok ni Maya.
Mula sa pagiging puti ay nagbalik ito sa dating kulay itim kasabay ng pagtingkad ng mga mumunting kristal, parang mga glitters.

Namangha ang lahat at ngayo'y mukhang kumbinsado na, na si Maya nga ang Witch na nakasaad sa Propesiya.

"Siya na nga"

"Isa nga siyang Witch"

"Siya na ang hinihintay natin"

Napakaraming kuro-kuro at bulong-bulongan ang nag-usbungan.
Maging ang Pinuno ay gulat na gulat, at sabay-sabay silang mga Malay na nagsiluhod at nagsipag-bigay pugay kay Maya.

"Naku, magsipagtayo po kayo. Hindi po ako ang kataas-taasan para inyong luhuran"
sambit ni Maya.

"Ano pang hinihintay niyo? Kalagan niyo sila."
mabilis na utos ng Pinuno.

Parang walang narinig ay mabilis na kinalagan ng mga alagad niya si Maya, at pati na rin si Jacob.
Hinihintay kong kami na ni Tony ang susunod nilang kakalagan ngunit hindi nila kami kinalasan.

"Kung ang babaeng ito ay ang Witch, ibig sabihin, ang lalaking ito ay ang itinakda"
sambit ng Pinuno at ang tinutukoy niya'y si Jacob.

Nagkatinginan kami ni Tony.
Mukhang ito na ang paglilinlang na tinutukoy sa Propesiya.

Nagulat nalang kami sa sumunod na utos ng Pinuno na nauukol sa amin ni Tony.

"Pugutan ng ulo ang dalawang impostor na ito"

Nanlaki ang mga mata namin ni Tony, pati narin sina Jacob at Maya ay nagulat din.

"Teka! Teka! Nagkakamali po kayo, hindi po ako ang itinakda."
sabat agad ni Jacob.

"Ang babae pong ito ang tunay na itinakda na nasasaad sa Propesiya."
patuloy niya sabay lapit sa akin.

"Maliwanag nating narinig ang Propesiya na ang itinakda ay ginabayan ng Witch. Ikaw ang kasama ng Witch kung kaya't malinaw na ikaw ang itinakda."
nagsimula ng malito ang Pinuno.

"Ang dalawang ito ay malinaw na impostor, at ang nararapat sa kanila ay kamatayan"
patuloy pa niya.

Kung ano-anong esplikasyon ang ginawa ni Jacob at maging ni Maya ngunit tila buo na ang desisyon ng Pinuno.

Si Tony naman ay tahimik lang at parang nag-iisip ng malalim.

"Tony, natatakot ako."
pag-daing ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala Maita, maraming beses ka ng nakaranas sa bingit ng kamatayan pero hanggang ngayon buhay ka parin. Alam kong ang gumagabay sa iyo na Witch ay ang Witchcrafter mismo at hindi si Maya, kaya huwag kang mag-alala."
mukhang nakuha niya ang tunay na ibig sabihin ng talinhaga.

Mga ilang saglit pa ay may isang matangkad at malaking lalaki na dumating na may dalang mahaba at malaking talim na palakol at may pasan na malaking piraso ng putol na punong-kahoy, parang malaking sangkalan.

Natakot ako sa hitsura niya, lalo na sa suot niyang maskarang kulay itim na bungo ng hindi ko matukoy na hayop.

"Nandito na po ang Berdugo!"
sigaw ng isang alagad.

Sabi na nga ba't isa siyang Berdugo na taga-pugot ng ulo, isang berdugong tagabitay.

Pinatabi nila ang lahat ng mga Malay na nakapaligid sa amin, maging kami ay kanilang pinaatras hanggang malinis nila ang pinaka-sentro na nasa harapan mismo ng Pinuno.

Inilapag ng Berdugo ang pasan niyang malaking sangkalan sa gitna kasabay ng pagkapit sa magkabilang braso ko ng dalawang alagad na katabi ko.

"Teka! Ano'ng gagawin niyo?"
maiyak-iyak kong tanong habang pilit na nagpupumiglas at tumatanggi, ngunit hindi ako makapalag dahil sa mahigpit na pagkakagapos ko.

"Teka! Nagkakamali kayo. Huwag niyong gawin yan."
sabat ni Tony na humarang sa dadaanan namin.

Dadalhin nila ako sa gitna para pugutan ng ulo. Kumakabog ang dibdib ko, kabadong-kabado ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Maging si Tony ay walang magawa dahil kinabig siya at hinawakan ng dalawang Malay.
Pilit niyang kinakalas ang baging na nakatali sa likuran niya, ngunit sadyang mahigpit ang pagkakatali.

"Ihinto niyo yan. Siya ang tunay na itinakda!"

Nagsimula na ring mataranta sina Jacob at Maya, ngunit maging sila na inaakala nilang nasa Propesiya ay walang magawa.

"'wag! 'wag!! 'waaaggg!!!"
wala silang tigil sa kakasigaw.

Nang makarating kami sa gitna ay pinaluhod nila ako sa tabi ng Sangkalan at inilapat nila ang ulo ko dito, ang leeg ko.
Nanlalabo na ang paningin ko sa dami ng luhang inilalabas ko.

"Huh-huhu Tony! Tony!"
walang tigil ang pag-iyak ko, tinatawag ko ang pangalan ng pinakamamahal ko sa huling pagkakataon na ito.

Tinalian nila ng baging ang leeg ko at itinali nila ang kabilang dulo nito sa isang hook na nasa sangkalan.
Sinigurado nilang hindi ako makakagalaw, ni makapalag.

Lumapat at dumikit ng husto ang pisngi ko sa sangkalan nang hilahin na nila ang mala-lubid na baging.
Nasasakal ako sa sobrang higpit nito.

Nakaharap ako kay Tony, wala siyang tigil sa kakapalag kahit pa nakatutok sa kanya ang mga sibat.

"'wag! 'waaagggg!!"

Malakas ang sigaw niya, para na siyang nababaliw na hindi malaman kung ano ang gagawin.

Sa puntong ito, wala na akong magawa kundi ang hintayin na pugutan ako ng ulo, ngunit sa punto ring ito, sa malagim na oras na ito ay nakita kong lumuha para sa akin si Tony, naramdaman ko ang kanyang pag-iyak, tunay na para sa akin.

Isang tunay na lalaking umiiyak sa harapan ng isang babae, dahil ito ang tunay niyang nararamdaman.

Pumwesto na ang Berdugo at humarang sa paningin ko kay Tony, habang ang mga lalaking Malay sa likod ko ay lalong humigpit sa pagkakahawak sa akin.

Kung sakaling hindi na ako makaligtas pa dito, at kung sakaling dito na talaga magwakas ang buhay ko, masasabi kong masaya parin ako kahit papa'no dahil sa nakita ko kay Tony.
Wala akong ibang iniisip ngayon kundi siya at ang pag-ibig ko para sa kanya.

Itinaas na ng Berdugo ang palakol niya, handang-handa na niya akong hatawin at pugutan ng ulo.

Paalam, mahal ko...

To be continued...

Kabilang Mundo (part 14)


by Fiction-Factory


(Kapitulo Trienta y Siete)

"Maita! Maita!"

Naririnig ko ang tinig ni Tony.
Bigla akong napalanghap ng hangin kasabay ng pagmulat ng aking mga mata.
Nakita ko si Tony na nakaluhod sa tabi ko pati na ang mga Diwata na nakapalibot sa aming dalawa.

"Ahh... An-anong nangyari?"
tanong ko habang hawak ang sumasakit kong ulo.

Minamasdan ko ang paligid, naalala ko na, nandito parin kami sa lugar ng mga Diwata.

"Pinag-uusapan lang natin ang tungkol sa mga talinhaga at apat na elemento ngunit nahilo ka ata at bigla ka nalang natumba at nawalan ng malay."
sagot ni Tony habang tinutulungan akong makabangon.

Biglang bumabalik sa akin ang mga flash of scenes na hindi ko alam kung saan ko nakita.
Si Tony, sinaksak ko siya, tapos may dugo, hindi gaanong detalyado ang nakikita ko, ngunit nakakarandam ako ng kaba.

"Ayos ka lang ba Maita?"
tanong ng Diwata sa akin.

"Ah.. Opo.."
maikling sagot ko, hindi ko na sinabi ang mga flash of scenes na nasa isipan ko.

Pinilit kong makatayo kahit pa nanlalambot ako. Alam kong kailangan na naming umalis, wala na kaming oras, may tatlong araw nalang kami, masyado na kaming maraming naigugol na oras sa lugar na ito.

"Maaari kayong manatili dito kung inyong gugustuhin, para makapagpahinga ka na rin Maita."
alok sa amin ng Pinunong Diwata.

Biglang hinarap ni Tony ang Diwata.

"Hindi na po kami magtatagal, kami po ay lilisan na."
paalam ni tony sakanila.

"Ngunit maaari n'yo po bang ituro ang daan papuntang tuktok ng bundok?"
hiling ko naman.

Bigla akong napahinto, may bigla akong naalala, mga putol-putol na flash of scenes nanaman ang sumasagi sa isip ko.
Iginala ko ang aking paningin at pinagmamasdan ko ang paligid.

"Teka! Parang nangyari na ito huh!"
nasabi ko nalang sa sarili ko.

Hindi ko alam kung saan ko ito nakita, maaaring isa sa aking mga panaginip o maaari ding isang pangyayari sa mga nakalipas na kaganapan sa buhay ko, ngunit natitiyak kong nakita ko na at nangyari na nga ang tagpong ito.

"Kung 'yan ang nais niyo. Sasamahan kayo ni Shantal. Siya ang diwata ng kagubatang ito, kabisado niya ang bundok na ito kaya matutulungan niya kayong marating ang rurok"
patuloy ni Inang Diwata.

Hindi na kami natagal pa at pinutol na ang usapan nang magsimula na kaming maglakad patungong Norte, kasama si Shantal na umalalay sa amin.
Pinagmamasdan kong muli ang paligid, nagmamasid-masid sa daanang aming tinatahak.
Pati ang paglalakad naming ito ay nasisiguro kong nakita ko na, ang malinis na daan, ang paraan kung paano maglakad sina Tony at Shantal ay parang nasaksihan ko na at parang nangyari na talaga dati.

Hindi ako mapanatag kaya nakipagkwentuhan nalang ako kay Shantal na nasa harapan ko, habang si Tony ay nasa likuran ko naman.

"Ahm, Shantal, saan ba nagmula ang mga Diwata?"

"Mortal, ang mga Diwata ay nagmula sa Paro-paro"

"Paro-paro?! Dati kang paro-paro? Butterfly?"
nagtatakang tanong ko.

"Opo. Lahat po kaming mga Diwata ay mga dating paro-paro, at hindi po kami tribo o lahi na dumarami, wala po kaming mga lalaki, at kami pong mga Diwata ay kami lang, mula noon, hanggang ngayon."
paliwanag niya.

Kahit napasarap ang pakikipag-kwentuhan ko sa kanya ay hindi parin mawala sa isip ko ang mga flash of scenes, nakikita ko nanaman si Tony.

"Si Marcus", "Si Tony!"

"Mamamatay!"

"Sa bundok Sinai..."

"Immortal", "Mortal"

Hindi ko maintindihan ang putol-putol naming usapan ni Tony sa imahinasyon ko.
Bakit kaya sumasagi sa isipan ko ang mga ganitong tagpo?
Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad habang patuloy pa rin ang usapan namin ni Shantal.

"Kami po ay Nilikha ng Butihing Witchcrafter para atasang tagapamahala ng Kalikasan, tulad ko na ang iginawad ay ang kagubatan"
patuloy ni Shantal.

Napakahiwaga talaga ng Last Witchcrafter, mukhang napaka-makapangyarihan ng nilikha niyang Witchazel.

"Ang ibig mong sabihin, nabuhay kayong mga Diwata ng dahil din sa Witchcrafter?"

Nagtataka talaga ako dahil ibang-iba ito sa mga napapanood kong Fairy Tales.

"Gano'n na nga po, at marami pa pong nilalang ang nilikha ng Huling Witchcrafter"
sagot niya.

"Maita, ang tagal mo na sa misteryo ng Huling Witchcrafter ngunit hanggang ngayon hindi mo pa rin alam ang mga nilikha ng Witchazel?"
bigla namang nagsalita itong si Tony.

"Siya ang may likha ng mga Bampira, tayo! Ng mga Werewolf, si Jacob, Diwata, Orcs, Tikbalang, Serena, at kung ano-ano pang Immortal na Supernatural being."
patuloy niya.

Bigla akong napahinto nang marinig kong bigkasin niya ang salitang Immortal.

"huh! Teka!!!"
bigla ko nalang naisigaw.

"Oh Maita, bakit ka tumigil?"
nagulat ko ata si Tony na nasa likod ko.

Napalingon din si Shantal na nasa unahan naman namin.

"Tony, pahiram ng balisong mo."
hiling ko sakanya.

"Bakit Maita? Anong gagawin mo sa punyal ko?"
nagsimula na siyang magtaka.

Bigla ko kasing naalala ang mga flash of schemes na kanina pa paikot-ikot na naglalaro sa isip ko.
Naalala ko na nasa bundok Sinai pala kami, at kung hindi umubra ang kapangyarihan nina Tony at Jacob dito ay siguradong hindi rin uubra ang kapangyarihan ni Marcus dito.

"Tony... uhm... Hindi mo ba naisip? Nasa loob tayo ng bundok Sinai, kapag namatay ako dito, at sa oras na mabuhay na si Marcus sa katawan kong ito ay madali mo na siyang mapapatay, dahil mawawalan siya ng kapangyarihan."
paliwanag ko sakanya.

"Ano bang pinag-iiisip mo Maita? Nakalimutan mo na bang wala rin akong kapangyarihan ngayon?"

"Hindi Tony. Mapapatay mo siya, sa tulong ni Shantal."

"hindi maita, lalo lamang lalala ang sitwasyon kapag ginawa mo yan.
Alam mo namang lalabas agad si marcus pagkamatay na pagkamatay mo at mabubuhay siya sa katauhan mo, at kapag nangyari 'yon ay hindi ko rin kayang patayin si marcus"
sagot niya.

Sumasakit na ang ulo ko sa mga flash of scenario na nabubuo sa isipan ko.
Parang nakikita ko ang mga susunod na mangyayari pa.

"Dahil mahal kita"

"Kamatayan"

"Sakripisyo"

"Pag-ibig"

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay biglang sumabat si Tony.

"Hindi ko kaya maita, hindi ko kayang masaksihan ang kamatayan mo! At kung mabuhay sa 'yo si marcus, kaya ko siyang patayin, ngunit paano ko siya sasaksakin kung ikaw, ang katawan mo ang nakikita ko?"
muling nagsalita si Tony.

Bigla akong nalungkot sa narinig ko sa kanya.
Maliwanag na mahal ako ni Tony, ngunit mas mahal ko siya, ngayon alam ko na ang tumpak na kahulugan ng sakripisyo, ang tunay na kahulugan ng Pagmamahal.
Ako ang magtatakda ng kamatayan ko, at ang araw na ito ko gustong igawad ang kamatayan sa sarili ko.

"Maita, wala akong ibang hinihiling sa 'yo kundi ang manatili ka sa piling ko. Wag kang mawalan ng pag-asa, hindi ito paraan, kundi isang pagtakas!"
patuloy niya.

Pagtakas? Bakit niya naisip na tumatakas lang ako sa suliraning ito?
Mukhang siryoso na talaga siya.

"Hindi Tony, wala akong tinatakasan. Gusto ko lang matigil na ang palaisipang ito, ang paghihirap natin."
paliwanag ko.

"Hindi Maita, huwag kang magpadalos-dalos, malapit na tayo sa tuktok ng bundok."

"Tapos ano?! Mamatay si Marcus, pati na ikaw at si Jacob?! At ano Tony?! Nakakasiguro ka bang maliligtas din ako?"

Naiinis na ako sa kanya, bakit ba hindi niya ako maintindihan? Heto na nga at pinapadali ko na ang lahat.

Biglang umihip ang malakas na hangin at panandaliang tumahimik ang paligid, tapos ay hinugot ni Tony ang balisong niya sa kanyang tagiliran, at nagulat nalang ako nang kusa niya itong inaabot sa akin.

"Maita, Hubo't-hubad ka no'ng una kitang makilala, isang kaluluwang pagala-gala, ngunit ang araw na 'yon ang pinaka-matamis at pinaka-masayang araw sa buong buhay ko. Ang araw na makilala ko ang babaeng hindi ko inakalang mamahalin ko.
Heto ang punyal, gawin mo ang nais mo. Ngunit pagkatapos mo, magpapakamatay na rin ako.
Maita, mahal kita"

Napakatamis ng ngiti na ipinakita niya sa akin na nagpaluha ng husto sa puso ko.

Humakbang ako papalapit sa kanya, habang siya ay nanatiling nakatayo at nanatiling nakatingin sa mga mata ko.
Biglang napalitan ng kasiyahan ang kalungkutang nadarama ko.
Mahal niya talaga ako, alam ko na noon pa, at ngayon ay sigurado na ako sa sarili ko na mahal ko na rin si tony.

Sayang lang at sa ganitong mundo pa kami nagkakilala, at ngayon iiwan ko na siya dahil buong-buo na ang desisyon ko.

Hinarap ko siya, mata sa mata, pakiramdam ko ay sa amin lang umiikot ang buong paligid sa mga oras na ito,
parang solong-solo namin ang bawat sandali.

Nagnining-ning ang mga mata niya, napakapungay talaga.
Minahal ko siya sa ganoong kaikling panahon lang.

Nakakalungkot isiping kung kailan umusbong ang pagmamahal ay 'yon din ang oras na kailangan niyo ng maghiwalay, dahil sa hinihingi ng kapalaran, dahil ito ang nakaukit sa tadhana.

Kinuha ko ang inaabot niyang balisong, na siya namang ibinigay niya ng maayos, ngunit pagkatapos ay marahan kong inilalapit ang mukha ko sa mukha niya, habang ang mga mata niya'y punong-puno ng pagtataka.
Nakatingin ako sa mga labi niya, oo nakatitig ako, at oo gusto ko siyang halikan, gusto kong maramdaman ng tunay at aktwal ang pagmamahal niya sa huling pagkakataon, bago man lang ako mamatay.

"Maita..."
pagsambit niya sa pangalan ko.

Napaatras pa siya pero kinabig ko ang katawan niya para hindi siya makalayo sa akin.
Hindi ko na alintana ang kasama naming diwata na si Shantal, basta ang nasa isipan ko ay mahalikan si tony.
Siya ang natatangi kong pag-ibig.

Dumampi ang mga labi ko sa mga labi niya, damang-dama ko ang tamis ng aming unang halik.
Naramdaman ko nalang na bigla siyang gumanti ng halik, dumiin ang pagkakalapat ng mga labi niya, nagsimula ng lumikot sa mga labi ko hanggang tuluyan na siyang bumigay.

Nakangiti ako pero sa loob-loob ko ay nalulungkot ako.
Sa tingin ko ay dito na talaga matatapos ang buhay ko.

Alam kong kasalanan ang magpatiwakal, ngunit kung ito lang ang tanging paraan para maligtas ang lahat ay handa ko na itong gawin ngayon, sa mga oras na 'to.

Gusto ko mang magbabad, ngunit pinutol ko na ang umiinit naming halikan.
Itinulak ko siya papalayo sa akin kasabay ng mabilis kong pag-atras.
Napaupo siya sa lupa sa lakas ng pwersa ng pagkakatulak ko.

Itinaas ko ang hawak kong balisong na itinutok ko sa dibdib ko.

"Maaaiittaaa!!! Waaagg!!!"
naisigaw nalang ni Tony dahil hindi na niya ako mahahabol at mapipigilan sa hangarin ko.

"Paalam mahal ko..."
ang tanging nasambit ko at ang mga huling katagang gusto kong sabihin.

Binawi ko na pababa ang hawak kong punyal, buong pwersa at isasaksak ko na sana sa sarili ko, sa tiyan ko, ngunit biglang sumabay ang mabilis na pag-galaw ng mga damong baging sa paligid na sa isang iglap lang ay naipon sa harapan ko, sa mismong kinakatayuan ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang mabuo ang katauhan ni Shantal sa mga damong ito sa harap ko, laking gulat ko nang bigla nalang sa isang iglap lang ay magkadikit at magkaharap ngayon kami ni Shantal, humarang tuloy ang katawan niya sa akin, at sa kanya ko tuloy naisaksak ang patalim na sana'y sa aking tiyan babagsak.

"Aaaahhhggg"

Imbes na sarili ko ang masaksak ko ay siya tuloy ang nasaksak ko.
Lumubog ang binitawan kong patalim na naiwang nakabaon sa likod ni Shantal kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin.
Malakas na malakas na hangin na parang may bagyo.

(Kapitulo Trienta y otso)

"Shantal! Bakit?! Bakit ka humarang?!"

Kinakausap ko siya, ngunit hindi siya makasagot, napapapikit siya at napaatras. Yayakapin ko sana siya ngunit bigla nalang siyang natumba, mabuti nalang at nasalo siya ni Tony.
Si Tony na hanggang ngayo'y gulat na gulat sa pangyayari.

Lalapitan ko sana sila ngunit hindi ako makahakbang, parang nabuhay ang mga damong gubat at naramdaman ko nalang na pumalupot ang mga ito sa mga paa ko, gumagapang ang mga damong baging sa mga binti ko, papuntang mga hita ko hanggang sa katawan ko.

"Tony! Tony!"

Tinatawag ko si Tony para tulungan niya ako.
Bigla kasi akong nakaramdam ng takot dahil sa mga mala-lubid na damong pumapalupot sa akin.

Napatay ko ata ang Diwatang si Shantal, at ngayo'y nagagalit sa akin ang kagubatan, ang kagubatang kaloob sa kanya.

Nilalamon ng mga mala-lubid na damong ito ang buo kong katawan.
Napakasakit, parang pinipiga ng mga damong ito ang mga paa ko, at ngayo'y gumagapang narin sa magkabila kong mga kamay, mga baging na gumagapang paakyat na rin sa leeg ko, at ilang saglit lang ay lalamunin narin pati ang ulo ko.

"Maita! Maita!"
sigaw ni Tony, natataranta at parang hindi alam ang gagwin.

Parang nasa kalagitnaan kami ng malakas na bagyo sa tindi ng hagupit ng hangin.
Natutumba na ang ilang mga puno sa paligid, parang hindi matanggap ng kagubatan ang pagkamatay ni Shantal, at ako ang sinisisi nito.

Binitawan ni Tony si Shantal at inihiga niya ito sa lupa.
Lumapit si Tony sa akin para tulungan ako, inabot niya at hinawakan niya ang kamay ko, ngunit mabilis na gumapang ang mala-lubid na damong ito sa kamay ni Tony, pati mga paa niya ay nilalamon at nababalutan na rin ng mga baging na damong ito, hanggang sa mukha nalang namin ni Tony ang nakalitaw.

"Maaiittaaaa!"

"Tonnnyyyy!"

Nahihirapan na akong huminga, lalo na nang pumulupot narin ang mga baging na damo sa ilong ko, patuloy na humihigpit ang mga damo sa katawan ko, hanggang tuluyan ng matakpan ang buong mukha ko, maging kay Tony na hindi ko na makita, nilamon na siya ng damo, nilamon na kami ng kagubatan.

Ngunit bago pa man tuluyang magdilim ang paningin ko ay may nakita akong liwanag.
Nakakasilaw na puting liwanag, at bago pa ako tuluyang malagutan ng hininga ay biglang lumuwag ang mga baging na damo sa pagkakagapos sa katawan ko.

Unti-unting natatanggal sa mukha ko, sa ulo, sa mga kamay na parang umaatras na ang damo.

Sa pinagmumulan ng liwanag ay nakita ko si Reynang Diwata na nakatayo sa tabi ng katawang nakahandusay ni Shantal, at nasa likod niya ay kasama ang lima pang Diwata.

Tuluyan ng nawala ang makapal na damo na kanina'y nakabalot sa mga katawan namin ni Tony.

Lumanghap ako ng hangin at huminga ng malalim, bumagsak ang katawan ko at napahiga ako sa damuhan, habang si Tony naman ay napaluhod, pareho kaming nakikipaghabulan sa hininga, hingal na hingal at nakakapanlambot.

"Nakita ko ang lahat ng pangyayari"
biglang nagsalita ang Reynang Diwata.

Habang nagsasalita siya ay binuhat ng mga kasama niyang Diwata si Shantal.

"Huwag kayong mag-alala, buhay pa si Shantal."
patuloy niya.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya, nahihiya ako at nagi-guilty sa nagawa ko kay Shantal, muntik ko na siyang mapatay dahil sa katangahan ko.

"Maita, ano bang nangyayari sa iyo? Bakit nagpapakita ka ng kahinaan? Masyadong mahaba ang natitira mong tatlong araw para mawalan ka ng pag-asa, ngunit maikli ito para sa'yo sapagka't wala kang determinasyon."
sambit sa akin ng Pinunong Diwata.

Masyado nga ata akong nagpadalos-dalos sa aking nagawang desisyon.
Hindi ko alam ang aking isasagot, nakatingin lang ako sa Diwata, maging si Tony.

"Kung tatahakin niyo ang diretsong daan ay dadalhin kayo nito sa tamang direksyon, ngunit mag-ingat kayo sa mga Amazonang inyong madadaanan. Hindi na namin kayo maaaring samahan mula rito, gagamutin pa namin si Shantal."

tunay na mabait ang diwata.
Hinubad niya ang suot niyang kuwintas ng apat na elemento, ang kuwintas niya na sumasagisag ng kanyang pagiging Reyna.

"Heto, kunin mo ang kuwintas ko, baka sakaling kailanganin mo."

Inabot niya ito sa akin, tapos ay inabot din niya ang punyal ni Tony.

"Heto na ang balisong mo Ginoo at magpatuloy na kayo sa inyong misyon"
pagtatapos niya ng usapan.

Nang mahimasmasan na kami ni Tony ay naghanda na kami.

"Mahal na Reynang Diwata, patawarin niyo po ako, at sana'y mapatawad din ako ni Shantal"
paghingi ko ng paumanhin.

"Huwag kang mag-alala Maita, nangyayari talaga ang hindi inaasahan. Makakarating ito kay Shantal. Nakakasiguro akong hindi siya nagsisisi sa kanyang pagsasakripisyo."
nakangiting sabi ng Reynang Diwata.

"Sino po pala ang tinutukoy niyong Amazona?"
tanong ko nang maalala ko ang pagbanggit niya sa amazona.

"Ah. Sila ang tagapag-alaga ng gawing Norte. 'wag kayong mag-alala, galing din sila sa kapangyarihan ng Witchcrafter."
sagot niya.

Nagsimula na kaming maglakad ni Tony, bitbit ang habilin ng Diwata, ayos na ang katawan ko ngunit hindi parin natatanggal ang pagkahabag ng aking dibdib.
Nasa mata ko parin ang luha.

"Maita, tandaan mo, ikaw lang ang tanging makakasagot sa lahat ng katanungan mo, at ikaw lang ang makakalutas ng misteryong ito, kaya pag-ingatan mo ang iyong sarili."
mga huling katagang binitawan ng Reynang Diwata.

Ngayon, pursigido na ako at determinado.
Nagpatuloy na kami ni Tony, at ngayo'y kaming dalawa nalang.
Hindi matanggal sa mukha ko ang kalungkutan, nakaka-praning dahil napakatahimik nitong si Tony na naglalakad sa unahan ko, napaka-seryoso niya, hindi ko siya mabasa, hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o kung ano na.
Napaka-init ng sikat ng araw, para kaming naglalakad sa disyerto.

"Tony, nauuhaw ako"
pagdadahilan ko para lang makuha ang atensyon niya at para makapagbukas ng usapan.

Ngunit imbes na kausapin niya ako ay huminto lang siya sa tapat ng isang matayog na puno ng buko, walang ano-ano'y bigla nalang siyang umakyat. Ang galing! Ang bilis! Gumapang siya paakyat na parang umakyat lang sa hagdan.
Pinaikot ang bunga ng buko atsaka inihagis sa damuhan hanggang maka-apat siya, atsaka na bumaba.

"Paano natin ito bubuksan?"
muli akong nagtanong pagbaba niya.

Umaasa ako na kakausapin na niya ako ngunit hindi parin siya kumibo, at ang poker face niya ang tanging iniharap sa akin.

Umupo siya at binalatan niya ang mga buko gamit ang kamay niya, parang nakapadali ng ginagawa niya.

"Marunong ka pala niyan?"
tanong ko, gusto ko talaga siyang kausapin niya ako, hindi 'yung tahimik lang siya na nakakatorete.

Pagkabalat ng mga buko ay binuksan niya na ang mga ito gamit ang patalim niya atsaka iniabot sa akin ang isa.

Kinuha ko at ininom ng may halong sama ng loob. Bakit ayaw niya akong kausapin? Kung may ayaw siya, bakit hindi niya sabihin?
Habang umiinom ako ay muli siyang kumilos at nagtungo sa kung saan, ni walang pasabi kung saan siya pupunta, kung lalakad na ba kami o kung ano na!
Naiinis na talaga ako sa kanya.

Pagbalik niya ay may dala siyang iba't-ibang uri ng prutas, papaya, guyabano, mangga at kung ano-ano pang pwedeng makain.
Binalatan niya gamit ang punyal at ibinigay sa akin.

"Naku, sabik na sabik na akong makakain ng Mr. Crab's Burger!"
parang tanga na akong dada ng dada ngunit hindi parin niya ako kinakausap.

Hindi ko maayos-ayos ang pagkain ko dahil talagang nababanas na ako, at nang hindi ko na matiis ay diniretso ko na siya.

"Tony, ano ba?! Kung galit ka sa akin, sabihin mo! Hindi yung ganito na parang iniiwasan mo ako!"

Nanlaki ang mga mata niya at napatigil sa pagkain ng prutas nang marinig niya ang sinabi ko.
Nagulat ko ata siya.

"Ano bang sinasabi mo?"
nasabi lang niya na ang kasama ay ngiti.

"Bakit hindi mo ako kinakausap?"
muli kong tanong.

"ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko ngayon Maita?"

"at ngayon namimilosopo ka!"
naiinis na talaga ako sakanya.

"Ano bang gusto mong pagusapan natin Maita?"
tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan.

"Gusto mo bang ipagbalat kita ng saging?"
pang-aasar pa niya.

Ako naman itong hindi makasagot, gusto ko sanang pag-usapan namin ang nasabi niya kanina, ang tungkol sa nararamdaman niya para sa akin.
Gusto kong itanong kung totoo nga ba ang sinabi niya kanina na mahal niya ako, o nasabi niya lang iyon dahil nagpapakamatay ako?

"Nahihirapan ka na ba Maita?"
nagulat ako sa biglaan niyang pagtatanong.

"A-ano'ng ibig mong sabihin?"

"uhm.. Wala naman.. Bakit mo nga pala naisipang magpakamatay?"
naging tuloy-tuloy na rin ang usapan namin.

"Strategy nga 'yon Tony, kapag namatay nga ako ngayong dito sa lugar na ito ay madali mo ng mapapaslang si Marcus."

"Sya nga?! Bakit mo nga naisip 'yon? Siguradong may basehan at batayan ka!"
muli nanaman siyang naging siryoso.

"Ewan ko Tony! Basta naisip ko lang, parang nangyari na kasi 'yon, parang naulit lang, parang nakita ko na 'yon dati pa. Isang uri ng Deja Vu"

"Deja Vu? Ibig sabihin nalaman mo na ang nangyari bago pa ito mangyari?"

"Parang gano'n na nga..."

"at nalaman mo ring may mamamatay, huh, Maita?!"

"uhm.. Oo?!x@.."

"Nalaman mo na palang may mamamatay, bakit tinuloy mo pa, at bakit hindi mo kami binalaan?"
napatindig pa siya sa tanong niya.

Maliwanag na sina-Psywar ako ni Tony. Maliwanag na gusto niya akong kumprontahin at gusto niyang isakdal sa akin ang buong sisi.

"No'ng una hindi ko alam Tony! Akala ko simpleng flashback lang ang nangyayari, hindi ko naman alam na magkakatotoo eh!"

Gusto ko ng maiyak sa pagpapahirap sa akin ni Tony, masyado na akong nabibigatan.

Bigla siyang tumayo at inalalayan din niya ang pagtayo ko.
Hinarap niya ako at nagulat ako sa kagandahan ng ngiting ipinakita niya sa akin.

"Kung talagang mahal mo ako, lahat ng nangyayari sa'yo o lahat ng kakaibang maisip mo, dapat ipaalam mo sa akin."
buong puso niyang banggit.

Natulala parin ako at natigilan sa sinabi niya, parang nasagot na lahat ng mga katanungan ko, at ang masarap pa nito ay nang magyaya na siyang umalis.

"Tara na!"

Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na siyang maglakad.
Nagnining-ning ang mga mata ko habang tinititigan ko ang aming hawak-kamay, wala akong pakialam kahit matalisod man ako sa paglalakad.
Parang akong bumalik sa pagkabata, isang dalagita na kung umibig ay ubod tamis, ubod kilig.

(Kapitulo Trienta y nueve)

Inabot kami ng dilim sa gilid ng isang malawak na ilog, na ang dulo ay malalim at matarik na bangin, kung saan umaagos at nahuhulog ang tubig.

"Waterfalls ang dulo ng ilog na ito"
sambit ni Tony.

Sinubukan ni Tony na lumusong sa tubig, ngunit hindi pa man siya nangangalahati ay umabot na hanggang sa bewang niya ang tubig.

"Malalim ang ilog, at talagang matatangay tayo sa lakas ng pag-agos ng tubig."
sabi ni Tony nang makabalik na siya sa akin sa pangpang.

"Marunong ka bang lumangoy?"
tanong pa niya.

Umiling-iling lang ako dahi hindi ko natutunan ang paglangoy sa buong buhay ko.

"Paano tayo tatawid sa ilog na ito?"
tanong ko, at nangangamba din dahil hindi ako marunong lumangoy.

"Hmm... Ang mabuti pa, dito na tayo magpalipas ng gabi, bukas na tayo tumawid"

"Hindi Tony, may tatlong araw na lang tayo, kailangan na nating magpatuloy."
pagtanggi ko.

"Ayan ka na naman Maita! Mapanganib na ang gabi, palipasin muna natin"

"Sayang ang oras Tony, kailangan na tayong umalis bago pa maging huli ang lahat."

"Huwag kang makulit Maita!"

Pagkasabi niya'y tumalikod na siya kaagad sa akin.
Dahil sa pagpupursige ko na hikayatin siya na magpatuloy na ay nagtanggal ako ng sapatos at lumusong ako sa ilog.
Alam kong hindi rin niya ako matitiis at makukumbinse ko rin siya na magpatuloy.
Napakalamig ng tubig na nadarama ko sa aking mga paa, palingon-lingon ako kay Tony, umupo siya at sumandal sa isang puno.

"Huwag kang makulit Maita, bumalik ka na rito"
sabi niya.

"Hindi! Tutuloy na ako!"
mariin kong sagot.

Tinitignan ko ang malawak na tubig, napakalakas ng aagos, pati mga malalaking sanga ay natatangay, ngunit natatanaw ko ang kabilang pang-pang.
Sa sumunod kong hakbang ay nakarandam na ako ng nierbyos.

"Aahh"

Nagulat ako nang biglang lumubog ang paa ko hanggang tuhod, damang-dama ko ang matutulis na bato na naaapakan ko.

"O ayan na Maita, bumalik ka na dito"

Napansin kong biglang nag-alala si Tony.
Ahm konti nalang at mapapasunod ko na siya.
Nang humupa na ako ay muli akong humakbang, ngunit bigla akong natalisod, nakaapak ako ng matalim na bagay, pinipigilan kong matumba ngunit nanlambot ako ng husto.

"Aaahhhahhhrrrrggg"

Napadapa ako, hindi malaman kung sa'n kakapit.
Bago ako mapaluhod sa tubig ay napansin ko pa si Tony na tumayo at tumakbo ng matulin papalapit sa akin.

"Maaaitttaaa"

Huli na siya, hindi na niya ako nahabol, tuluyan na akong natumba at lumubog ang buo kong katawan sa tubig.
Napapikit ako sa ilalim ng tubig, sumakit ang ilong ko dahil nakalanghap ako ng tubig.
Sinubukan kong iahon ang ulo ko habang winawagayway ang mga kamay.
Halos hindi ko na makapa ang lupa, wala na, napadpad na ako sa malalim na parte ng ilog.
Naiahon ko pa ang aking ulo, ngunit sadyang natatangay na ako sa malakas na agos.

"To-toonnnyyy!"

Nakita ko siya na tumalon at nag-dive papunta sa akin.
Sinusubukan kong lumangoy, ngunit hindi ko makontrol ang sarili ko, tinatangay ako ng agos papunta sa matarik na falls.
Nagsimula na akong mataranta at matakot, habang si Tony ay pilit akong inaabot.
Malakas ang paghampas ng tubig.
Inunat ko ang mga kamay ko at pilit ko rin siyang inaabot, hanggang sa nagaga niyang abutin ang kamay ko.
Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at hindi niya ako binitawan, tapos humawak siya sa isang sanga ng puno na nakatiyangyang sa ilog.

"Kapit Maita, kapit!"
sigaw niya.

Pilit niya akong hinihila palapit sa kanya, habang ang isang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa sanga.
Ngunit sadyang malupit ang ilog na ito, parang tsunami ang paghampas ng tubig sa mga katawan namin ni Tony.

Akala ko ay maliligtas na kami, hindi ko napansin ang isang kahoy na mabilis na natatangay ng agos, diretso papunta sa akin. Bigla itong bumangga sa akin, dumulas tuloy ang kamay ko sa kamay ni Tony, nabitawan niya ako at kasama kong sumalpok ang kahoy patungo sa dulo kung saan pabagsak na ang tubig.

"Maaaittaaaa!!"
sigaw ni Tony.

Kinilig ako ng husto sa kanya nang bigla nalang siyang bumitaw sa sanga para sundan ako, mahal niya talaga ako.
Alam na niyang malapit na akong malaglag sa dulo ng riverfalls pero heto, sinundan parin niya ako para iligtas.

Huli na, malapit na malapit na talaga akong bumagsak sa bangin ng riverfalls.
Pumikit nalang ako at naramdaman ko nalang na bumagsak bigla ang katawan ko, napalanghap pa ako ng hangin dahil parang naiwan ang puso ko sa taas.

Hindi ko na rin matanaw si Tony, nilamon na siya ng tubig. Nabablanko na ang isip ko. Muli akong dumilat, bumabagsak ang tubig sa mukha ko, pinilit kong makita ang langit, parang naririnig kong kumakanta ang mga mumunting Kerubin.
Palakas ng palakas ang pagkabog ng dibdib ko habang hinihintay kong bumagsak ang katawan ko sa tubig.

"Aaaaaahhhhhhhh"

Napapasigaw ako sa tuwing mararamdaman kong parang babagsak na ako sa tubig.
Nag-iipon ako ng hangin sa loob ng aking bibig, ang lakas ng pagsalpok ko sa tubig at bigla nalang akong hinigop pababa.
Lumubog ang buong katawan ko, napakalalim, wala na akong ibang marinig kundi ang pagaspas ng tubig sa aking tenga, nakakalunok na rin ako ng tubig at nagsimula na akong mawalan ng hininga.

"Maita... Maita..."

Bigla kong narinig na may tumatawag sa pangalan ko, parang boses ng isang babae.

"Maita... Maita..."

Tama. Boses babae nga, at hindi lang isa kundi marami at iba't-ibang boses babae ang naririnig ko sa aking isipan.

"Maita... Huwag na huwag kang susuko..."
ang paulit-ulit kong naririnig na salit-salitan nilang sinasabi.

Salamat nalang sa kanila at bigla akong nabuhayan ng loob. Minulat-mulat ko ang mga mata ko, kahit wala akong makita, sinubukan kong lumangoy, hinampas-hampas ko sa tubig ang aking mga kamay habang ang mga paa ko'y aking itinadyak-tadyak. Sinubukan kong lumangoy pataas, patungo sa liwanag na naaaninag ko.
Ngunit parang hindi man lang ako umuusad, hindi man lang ako lumalapit sa liwanag, hanggang maramdaman ko nalang na parang may mga kamay na humawak sa buong katawan ko, napakaraming kamay, pakiramdam ko napakaraming nakahawak sa akin.
Isinulong nila ako pataas, tinulungan nila akong makaahon.

Nang masilayan ko na ang liwanag ng buwan ay humigop agad ako ng hangin, hinahabol-habol ko ang hininga ko.
Bigla kong nakapa ang lupa sa mga paa ko. Nang mahimasmasan na ako ay napagtanto ko na nasa pangpang na pala ako. Nagtataka pa ako kung papa'no ako nakarating ng pangpang, salamat na lang sa mga tumulong sa akin, kung sino man sila, siguradong nasa panig ko sila.

Umahon ako at napahiga sa pangpang, sa baybay. Pagod na pagod ako at hinihingal pa rin.
Tinitignan ko ang itaas ng falls, may kataasan din pala, buti na lang at buhay pa ako.
Nakaramdam ako ng kaba, nakaramdam ako ng pag-aalala para kay Tony nang maalala ko siya, ngunit ang labis-labis kong ikinakaba ay ang naaaninag ko sa gilid ng aking mata, parang may kung anong bagay ang gumagalaw sa ibabaw ng tubig na papalapit sa akin.

Paglingon ko, laking gulat ko nang makita ko ang mata ng isang malaking buwaya na papalapit sa akin, isang buwayang nakalutang sa tubig at mukhang gutom na gutom.

Umakyat ang nerbyos ko sa aking ulo, parang nabuhayan ako ng dugo at nagsimula na akong maalarma.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung gagalaw ba ako o mananatiling nakatunganga sa buwaya.
Mga dalawang metro nalang ang layo nito sa akin, natatakot akong tumakbo dahil baka bigla niya akong habulin, nanginginig na ako, nanginginig pati labi ko.

"Wooaaahhh"

"Aaaahhhhh"
napatili na ako nang makita kong bumuka ang bunganga ng buwaya.

Napapaatras ako at napasampa sa lupa, pansin kong bumilis ang pagkilos ng buwaya papunta sa akin.
Sa kakaatras ko ay may nakapa akong matigas na bagay, madulas at magalaw, paglingon ko nanlaki nalang ang mga mata ko dahil ahas ang nakapa ko, at ngayo'y heto na at tutuklawin niya na ang balikat ko, sa bilis ng mga pangyayari ay hindi ko magawang umilag, ngunit bago pa man makaabot ang mga pangil ng ahas sa balikat ko ay may isang kamay na sumakmal sa ulo ng ahas, mabilis at malakas, bigla niyang inihagis sa malayo ang ahas, malayo ang narating.

Paglingon ko sa dumakma ng ahas, nakilala ko agad. Si Tony!
Napanatag bigla ang kalooban ko dahil sa wakas nandito na ang Hero ko.
Laking pasasalamat ko at walang nangyaring masama sa kanya.

Mabilis siyang tumakbo papunta sa buwaya, laking gulat ko nang bigla niya nalang itong sinunggaban.
Napakatapang talaga niya, hindi man lang siya nagdalawang isip na sugurin ang mabangis na buwaya, walang tigre o buwaya, bangin o kamatayan sa kanya mailigtas lang niya ako.

Alalang-alala ako sa pakikipag-dwelo niya sa buwaya, naglalapasag sila sa ibabaw ng tubig, hindi ko malaman kung papa'no ko siya tutulungan.
Tapos, napapikit nalang ako nang makita ko siyang pinagtataga ang buwaya, pinagsasaksak niya sa ulo ang buwaya gamit ang balisong niya, hanggang sa mamatay ang mabangis na buwaya.

Kumalma na ang tubig, naglalakad si Tony sa pag-ahon niya, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit napatayo nalang ako bigla at sinalubong ko si Tony. Oo, sinalubong ko siya at bigla ko nalang siyang niyakap, hindi lang basta yapos kundi mahigpit at makabuluhang yakap kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Iniyakan ko ang balikat ni Tony, wala, basta umiyak lang ako, umiyak ng umiyak.

To be continued...

Kabilang Mundo (part 13)


by Fiction-Factory


(Kapitulo Trienta y singko)

"Hindi na po kami magtatagal, kami po ay lilisan na."
paalam ni tony sakanila.

"Ngunit maaari n'yo po bang ituro ang daan papuntang tuktok ng bundok?"
hiling ko naman.

"uhm. Sasamahan kayo ni Shantal. Siya ang diwata ng kagubatang ito, kabisado niya ang bundok na ito kaya matutulungan niya kayong marating ang rurok"
ika niya.

Mga ilang saglit pa ay umalis na kami, nagpatuloy sa paglalakad kasama ang diwatang si shantal.
Tinahak namin ang gawing norte, kung saan malinis na ang daan, wala na ang mga makakapal na damo ngunit marami paring samu't-saring mga puno sa paligid.

Kung ano-ano ang pumapasok sa aking isipan.
Tensyonado ako lalo na't may tatlong araw nalang kami.
Hindi ko rin maiwasan ang hindi mag-alala sa dalawa pa naming kaibigan, bagama't white witch si maya ay nag-aalala parin ako.
Si daddy, iniisip ko rin, sana'y nasa mabuti parin siyang kalagayan, alam kong malungkot siya ngayon at nag-iisa.

Ang pinakamasaklap ay ang bagay na nangyayari sa akin, napakahirap magdesisyon, hanggang ngayon ay hindi parin ako mapanatag.
Naiipit ako sa sitwasyon, lahat ng pag-pipilian ko ay walang maidudulot na maganda.
Kamatayan ko, o ang kamatayan ng dalawang kaibigan kong sina Tony at Jacob?
Sa ganitong isipin ako biglang napahinto sa paglalakad.

"oh maita, bakit ka tumigil?"
nagulat ko ata si tony na nasa likod ko.

Napalingon din si Shantal na nasa unahan naman namin.

"Tony, pahiram ng punyal mo."
hiling ko sakanya.

"bakit maita? Anong gagawin mo sa patalim ko?"
nagsimula na siyang magtaka.

Hindi ko alam ang isasagot ko, ngunit buo na talaga ang desisyon ko.
Tatapusin ko na ang palaisipang ito.
Tatapusin ko na ang paghihirap naming lahat.
Oo tama, magpapakamatay nalang ako, at nawa'y mapatay din ni tony si marcus.

"basta tony, may gagawin lang ako"
biglang tumulo ang luha sa mga mata ko.

Alam kong kasalanan ang magpatiwakal, ngunit kung ito lang ang tanging paraan para maligtas ang lahat ay handa ko na itong gawin.

"hindi maita! Alam ko ang balak mo kaya hindi ko maaaring ibigay ang punyal ko."
nakahalata na siya, at ngayo'y napaatras pa.

"tony, ito lang ang paraan para matapos na ang lahat ng ito, kaya ibigay mo na sa akin ang patalim mo"
mariin kong sabi.

"hindi maita, lalo lamang lalala ang sitwasyon kapag ginawa mo yan.
Alam mo namang lalabas agad si marcus pagkamatay na pagkamatay mo at mabubuhay siya sa katauhan mo, at kapag nangyari 'yon ay hindi ko rin kayang patayin si marcus"
sagot niya.

Umihip ang malamig na hangin na sinabayan ko ng matamis na ngiti.

"tony...uhm... Hindi mo ba naisip? Nasa loob tayo ng bundok Sinai, kapag namatay ako dito at sa oras na mabuhay na si marcus sa katawan kong ito ay madali mo na siyang mapapatay, dahil mawawalan siya ng kapangyarihan"
tugon ko.

Nakangiti ako pero sa loob-loob ko ay nalulungkot ako.
Sa tingin ko ay dito na talaga matatapos ang buhay ko.

Nanlaki ang mga mata ni tony, panandaliang natahimik na parang nag-iisip ng malalim, at nang makuha na niya ang ibig kong sabihin ay muli siyang nagsalita.

"Hindi ko kaya maita, hindi ko kayang masaksihan ang kamatayan mo! At kung mabuhay sa 'yo si marcus, kaya ko siyang patayin, ngunit paano ko siya sasaksakin kung ikaw, ang katawan mo ang nakikita ko?"

"bakit ba tony? Heto na nga ako at nagsasakripisyo. Mas madali na ngayon pero bakit mo ba ako pinipigila--"
parang naiirita na ako sa kanya, ngunit natigilan ako sa narinig ko sakanya.

"dahil mahal kita!"
bigla siyang sumigaw.

Nagulat ako sa kanya at bigla akong natigilan, parang nagyelo ang buo kong katawan sa narinig ko sa kanya.
Ang tanga ko, ba't nawala nga ba sa isip ko ang pagtingin sa akin ni tony?
Ngunit mas mahal ko siya kaya nakahanda na talaga ako sa gagawin kong ito.

Humakbang ako papalapit sa kanya, habang siya ay nanatiling nakatayo at nanatiling nakatingin sa mga mata ko.
Biglang napalitan ng kasiyahan ang kalungkutang nadarama ko.
Mahal niya talaga ako, alam ko na noon pa, at ngayon ay sigurado na ako sa sarili ko na mahal ko na rin si tony.

Sayang lang at sa ganitong mundo pa kami nagkakilala, at ngayon iiwan ko na siya dahil buong-buo na ang desisyon ko.

Hinarap ko siya, mata sa mata, pakiramdam ko ay sa amin lang umiikot ang buong paligid sa mga oras na ito,
parang solong-solo namin ang bawat sandali.

Nagnining-ning ang mga mata niya, napakapungay talaga.
Sariwang-sariwa pa sa ala-ala ko ang araw ng una naming pagkikita.
Ang araw kung kailan nagwala si jacob, ang araw kung kailan namin nakilala si maya, at sa maikling panahon lang ay minahal ko na siya.

Ako man ay nagtataka at hindi parin makapaniwala, pero marami talagang mahihiwagang bagay sa mundo na hindi natin inaakalang mangyayari sa tunay na buhay, ni hindi alam kung paano ipapaliwanag, katulad na lamang ng nangyayari sa akin ngayon.

Sinong maniniwalang In-love ako sa isang bampira, at may kaibigang werewolf at witch?

Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit magsasakripisyo ako ngayon.
Ganito ba talaga ang magmahal ng totoo?
na kahit sarili mong buhay ay kaya mong ibigay?

"Maita, hindi kita kayang makitang mamatay, at hindi ko magagawang saktan ka"
muli siyang nagsalita.

Pareho kami ng iniisip, tulad niya ayaw ko rin siyang makitang mamatay, hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko, ngunit kapag namatay ako, siguradong maghihiwalay din kami.

Kahit saang banda ay masakit pa rin.
Nagmamahalan kami, pero pilit kaming pinaghihiwalay ng kamatayan.

Akala ko noon ay masakit ang ginawa sa akin ni Ron, mali ako, may mas masakit pa pala kaysa iwanan ka at pinagpalit ka ng taong mahal mo, at heto na 'yon, mas masakit pa pala ito, na alam mong mahal na mahal mo siya at alam mong mahal na mahal ka rin niya, alam mong tunay kayong nagmamahalan sa isa't-isa ngunit hindi kayo pwedeng magkasama.

Nakakalungkot isiping kung kailan umusbong ang pagmamahal at 'yon din ang oras na kailangan niyo ng maghiwalay, dahil sa hinihingi ng kapalaran, dahil ito ang nakaukit sa tadhana.

Marami ng isinakripisyo para sa akin si tony, marahil ito na ang tamang panahon para ako naman ang magsakripisyo.

Isa pa, ito lang ang tanging meron ako na kaya at handa kong ibigay para sa kanya para malaman niyang mahal na mahal ko rin siya.

"Tony, marami ka ng ginawa para sa akin na nagpatunay ng pagmamahal mo, at ako, ito lang ang kaya kong gawin para mapatunayan ko sa'yo na mahal din kita."
buong puso kong sambit.

Sa hitsura niya ay parang alalang-alala siya, tapos hinawakan niya ang magkabila kong braso.

"Maita, hindi mo kailangang patunayan ang pag-ibig mo sa akin, sapat na sa akin ang mahal kita, sapat na sa akin ang maramdamang mahal mo rin ako, sapat na sa akin ang malaman ko ito."
ito ang mga katagang nagpaluha sa akin ng husto, ang mga katagang nanggaling mismo sa puso niya.

Wala ng sasarap pa ang malamang mahal na mahal ka rin ng taong pinakamamahal mo.
Walang katumbas at walang hinihinging kapalit.
Purong-puro, natural na natural, totoong-totoo at iyong-iyo.
Lalo tuloy akong nagpursige sa hangarin ko.

(Kapitulo Trienta y Sais)

Ako ang magtatakda ng kamatayan ko, at ang araw na ito ko gustong igawad ang kamatayan sa sarili ko, ang araw kung kailan ko nadama ang tunay na kaligayahan.

"Maita, wala akong ibang hinihiling sa 'yo kundi ang manatili ka sa piling ko. Wag kang mawalan ng pag-asa, hindi ito paraan, kundi isang pagtakas!"
patuloy niya.

Pagtakas? Bakit niya naisip na tumatakas lang ako sa suliraning ito?
Mukhang siryoso na talaga siya.

Marahan kong inilalapit ang mukha ko sa mukha niya, habang ang mga mata niya'y punong-puno ng pagtataka.
Nakatingin ako sa mga labi niya, oo nakatitig ako, at oo gusto ko siyang halikan, gusto kong maramdaman ng tunay ang pagmamahal niya sa huling pagkakataon, bago man lang ako mamatay.

"Maita..."
pagsambit niya sa pangalan ko.

Napaatras pa siya pero kinabig ko ang katawan niya para hindi siya makalayo sa akin.
Hindi ko na alintana ang kasama naming diwata na si Shantal, basta ang nasa isipan ko ay mahalikan si tony.
Siya ang natatangi kong pag-ibig.

Dumampi ang mga labi ko sa mga labi niya, damang-dama ko ang tamis ng aming unang halik.
Naramdaman ko nalang na bigla siyang gumanti ng halik, dumiin ang pagkakalapat ng mga labi niya, nagsimula ng lumikot sa mga labi ko hanggang tuluyan na siyang bumigay.

Napapikit siya sa kalagitnaan ng aming halikan, hinihintay ko talaga ang pagpikit niya tulad ng aking plano.
Oo, ito nga ay kasama sa plano kong pagpapatiwakal.
Ngunit ang halik ko ay totoo, ginamit ko lang talaga ang pagkakataon.

Sa kainitan ng aming masidhing halikan ay marahan kong kinapa ang punyal na alam kong ngayon ay nasa tagiliran na niya.

Hinugot ko ang matalim na punyal habang abala siya sa ginagawa naming halikan.

Akala ko ay hindi siya nakahalata ngunit laking gulat ko nang bigla niyang sakmalin ang wrist ko sa kamay ko na may hawak ng kutsilyo, kasabay ng pagbitaw niya sa halikan namin.

"Maita, mukhang hindi ka na talaga maawat at nagawa mo pa akong linlangin"
sabi niya na ngayo'y damang-dama ko ang pagkasiryoso niya.

"Tony, kailangan kong gawin 'to!"

Biglang itinapos ni tony ang kamay ko at mukhang nagalit siya, tapos humakbang siya paatras.

"Gusto mong magpakamatay? O ayan, sige! Pero kapag nagpakamatay ka, magpapakamatay na rin lang ako!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinasabi niya, bina-blackmail niya na ako.

"Hindi tony! Hindi ka mamamatay dahil immortal ka!"
sagot ko.

"Maita, maita, baka nakakalimutan mo, nasa bundok sinai tayo, at hindi uubra ang pagiging immortal ko dito."

Tama siya, mamamatay din siya tulad ng ordinaryong tao dahil sa bundok na ito.

Hawak ko na ngayon ang matalim na punyal at malayang-malaya ako, ano man ang gawin ko.
Ngunit sa sinabi niya'y tila ba nag-aalinlangan ako.
Makakaya nga kaya niyang magpakamatay pagkatapos ko?
Napatigil ako at napatunganga sakanya.

"oh ano maita? Hindi mo kayang gawin 'no?"
nagkalakas tuloy siya ng loob para pigilan ako.

"ibigay mo na sa akin ang punyal"
patuloy niya sabay abot ng kamay niya sa akin.

Ngunit imbes na iabot ko ang punyal ay mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak ko dito.

"hindi tony! Lumayo ka, 'wag mo na akong pigilan dahil buo na ang desisyon ko!"
mariin kong sabi.

Napapaatras ako sakanya habang siya'y patuloy sa paghakbang papalapit sa akin.

"ibigay mo na maita, 'wag kang padalos-dalos"
patuloy niya akong kinukumbinsi.

Desperado na ako, at wala na akong balak itigil pa ang nasabi ko na. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha kong walang-humpay sa pagtulo.
Umiiyak ang puso ko. Nalilito na ako.

"'wag kang lumapit tony!"

Pagkasabi ko'y bigla kong itinutok ang punyal sa sarili kong dibdib, diretso sa puso ko, ngunit bago pa magawang dumampi ng punyal sa dibdib ko ay nahabol ni tony ang kamay ko.
Hinawakan ng dalawang kamay niya ang kamay kong may hawak ng punyal.
Mas malakas parin siya dahil lalaki siya, ni hindi ko maidiin sa sarili ko ang patalim.

"ano ba tony! Bitawan mo ako!"
pagpupumilit ko.

"tama na! Itigil niyo na yan!"
sigaw naman ni Shantal na hindi malaman kung ano ang gagawin.

Nag-agawan parin kami sa punyal ni Tony.
Walang ano-ano'y bigla ko nalang itong nabitawan at nahulog ito sa lupa.
Masyadong mabilis ang pangyayari, nawala ako sa sarili ko at tila nangibabaw ang pagkainis ko sakanya gawa ng pagpipigil niya sa hangarin ko.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla ko nalang dinampot ang patalim at bigla ko nalang nasaksak si tony sa tiyan.

"Aaahhhgg!!"
"Aaahhhyyy!"
bigla nalang napasigaw si Tony, gayundin si Shantal.

Napabitaw ako sa punyal na naiwan sa tiyan ni Tony.
Huli na nang mapagtanto ko na nasaksak ko siya.

"Ano bang nagawa ko?!"
ang tanging naglaro sa isip ko habang minamasdan ko ang mga kamay ko.

Napaatras si Tony na parang matutumba, hawak-hawak niya ang tiyan niya sa parte kung saan ko siya nasaksak, napaupo siya sa lupa at tuluyan ng bumulagta.

"Tony! Tony!"
sigaw ko.

Bigla nalang akong naalarma, parang natauhan na ako sa bagay na nagawa ko.
Sinaksak ko ang taong nagmalasakit sa akin, ang taong minahal ako at ang taong pinakamamahal ko.

Linapitan ko siya kasabay ng pagluhod ko sa tabi niya.
Bubunutin ko na sana ang punyal ngunit pinigilan ako ni Shantal.

"'wag mong gagawin 'yan, baka lalo lamang siyang mapahamak!"
sambit niya.

"huh?! Eh anong gagawin ko? Hindi ko siya maaaring panoorin nalang!"
lalo ko atang pinalala ang sitwasyon.
Imbes na ako ang mamatay ay si tony pa ata ang mapapahamak.

"uhm. Hintayin mo ako dito. Hihingi ako ng tulong kay Reynang Diwata."
sambit niya at natatarantang tumakbo pabalik.

"huh-hu-huhuh"
Walang humpay ang pag-iyak ko.
Napansin kong hirap magsalita si Tony, hinahabol ang hininga at napapapikit.

"Tony o tony! Wag kang pipikit, 'wag na 'wag kang matutulog! Patawad! Patawarin mo 'ko! Hindi ko alam ang ginawa ko"
Pagtangis ko sa kanya.

Iniangat ko ang likod niya at niyakap ko siya, pilit ko siyang sinasampal para hindi makatulog. Ngunit sa isang iglap lang ay bigla nalang siyang nalagutan ng hininga.

"Tony?!! Tony! Tony! 'wag mo akong iiwan tony!"

Isinagawa ko ang nalalaman kong first-aide, pi-nump ko ang dibdib niya gamit ang dalawa kong kamay, ngunit wala paring epekto.
Pinulsohan ko siya ngunit wala na akong maramdamang pintig nito.
Dito ko na nakumpirmang iniwan na ako ni Tony, ang masakit pa nito ay ako pa mismo ang pumatay sakanya.

Ngayong wala na siya, paano na?
Ang tanging taong pinagkakatiwalaan ko, ngayo'y pumanaw na.
Ano ng saysay ng pakikibaka ko?
Ang tanging taong nagtatanggol sa akin ay sumakabilang-buhay na.

Hinawakan ko ang patalim na nakabaon sa tiyan niya.

"Tony, patawarin mo 'ko. Bilang pagsisisi, sasamahan na kita sa kabilang buhay"
sambit ko.

Hindi ko na inisip si Marcus na muling mabubuhay pagkatapos ko, ang mahalaga sa'kin ngayon ay ang mamatay na kasama ni Tony.

Marahan kong binunot ang patalim, pansin ko pa ang pagtulo ng masaganang dugo sa pinagbunutan nito.
Kawawang Tony, namatay ng wala sa oras dahil sa katangahan ko.

Ngayon nakahanda na ako para saksakin ang sarili ko, nakahanda na akong damayan si Tony, nakahanda na akong mamatay.

"Aaahhhgg"

Biglang nanginig ang buo kong katawan nang mabaon ko na sa sarili kong tiyan ang punyal.

Napapapikit na ako at nakakaramdam ng panghihina, umiikot na ang aking paningin, nakakarandam na ako ng panghihilo.

Nagulat ako at biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Tony na biglang suminghap ng hangin.
Bigla nalang siyang napamulat.

"Ma-maita!"
nasambit niya habang sinusubukan niyang bumangon.

"To-tony...."
nanghihina na ang buo kong katawan.

Biglang bumagsak ang katawan ko sa lupa, napasubsob ako.
Pinilit kong tignan si Tony, habang siya ay hirap na hirap bumangon at pinipilit abutin ang aking kamay.

"Maita! Maita! Maita!"
paulit-ulit niyang sinasambit ang pangalan ko.

Sumisikip na ang aking dibdib, nahihirapan na akong huminga.
Sumasakit na rin ang ulo ko at nanlalabo na ang paningin ko hanggang tuluyan nang nagdilim ang buong mundo.
Wala na akong makita at tanging sigaw nalang ni Tony ang naririnig ko.

"Maita! Maita! Maaaiiittttaa!!"

To be continued...

Kabilang Mundo (part 12)


by Fiction-Factory


(Kapitulo Trienta y uno)

"Sigurado ka bang ito ang tamang direksyon?"
ani jacob kay maya.

"Oo naman. Kahit ngayon ko lang naakyat ang bundok na ito, natitiyak kong tama ang landas na tinatahak natin"
sagot naman ni maya.

Hirap na hirap kaming maglakad gawa ng pataas ang lupang aming inaapakan.
Nakakapagod at nakakahingal ngunit tuloy lang kami sa paglalakad.

"Kung nandito lang sana ang mga lobo ko siguradong maginhawa lang tayong nakasakay sa kanila."
panay ang reklamo nitong si jacob.

"sa tingin mo ba sasakay kami ni maya sa mga halimaw mo?! Hahaha"
pang-aasar ko.

"Hindi sila mga halimaw ah! Disiplinado ang mga lobo ko, at sumusunod lang sila sa utos ko."
depensa ni jacob.

Napahinto kami dahil napakatarik ng cliff na nasa harapan ng aming daraanan, napakataas nito at tila kayhirap akyatin.
Nasa 8ft. ang taas nito, parang pader na ito kung titignan.

"mukhang hindi ko kaya 'yan"
pauna agad ni maya.

Pagkasabing-pagkasabi palang ni maya ay nagulat kami kay jacob na biglang tumalon sabay akyat sa mataas na cliff na ito.

"ikaw talaga maya. Ang dali-dali lang eh! Heehee"
parang nagmamalaki pa itong si jacob na nakatayo sa taas at nakapamewang pa ang mga kamay.

"ang yabang mo talagang lalaki ka!" pagkaasar ni maya.

Mula sa taas ay lumuhod si jacob at iniabot ang kamay niya kay maya.

"ano pang hinihintay mo?! akyat na!"
matamis na ngiti ang ipinakita niya.

Inabot naman ni maya ang kamay niya kay jacob kasabay ng pag-apak niya sa cliff para matulungan ang katawan niya na maiangat habang hinihila siya ni jacob.

Walang kahirap-hirap ang pag-akyat ni maya sa tulong ni jacob.
Sumunod ay ako naman ang aakyat.
Muling ibinaba ni jacob ang kamay niya para abotin naman ang kamay ko.
Pagkahawak ko sa kamay niya ay ginaya ko ang ginawa ni maya, umapak ako sa naka-usling bato sa cliff na inapakan ni maya, ngunit sa kasamaang palad, paangat na sana ako nang maramdaman ko ang pamumulikat ng hita ko.

"Aaahhhhhgggg"

"huh?! Bakit?!?"
nasambit nalang ni jacob.

Biglang nag-crack ang inaapakan kong bato at nawalan ako ng balanse.
Naramdaman ko na may mga kamay na humawak sa puwet ko, nakaramdam pa ako ng pagka-hiya nang mapalingon ako sa likod.
Mabuti nalang at nandito si tony para suportahan ako, kundi ay nahulog na sana ako.
Hindi pa siya makatingin ng diretso sa akin, na parang nahihiya pa dahil sa puwet ko siya napahawak, randam na randam ko naman ang mga palad niya na sinasalat ang puwet ko.

Tinulungan niya akong maiangat ang katawan ko habang si jacob na nasa taas ay buong pwersa akong hinila paakyat.
Kumapit agad ako sa dulo ng cliff at buong lakas akong sumampa.
Maya-maya pa ay nakaakyat narin si tony.

"Ano ba yan maita! Mag-dieta ka nga! Ang bigat mo eh!"
reklamo ni jacob na halatang hiningal.

"ang sabihin mo, mahina ka lang talaga! Hmp!"
pagtatanggol ko sa sarili ko habang pinapagpag-pagpag ang alikabok na kumapit sa aking katawan.

Nagulat kami at napalingon kay maya nang bigla itong magsalita.

"Huh! Kuya paano tayo dadaan dito?"

pagtingin namin sa tinutukoy niya ay nagulat kami sa aming nakita.
Nahaharangan ng mga pinagpatong-patong na malalaking bato ang daraanan namin.

Tumingala ako para tignan ang taas. Nasa gilid kami ng bundok, matatarik na bangin ang nakikita ko.

"Maya, dito ba talaga ang daan? Ni hindi pa nga tayo nangangalahati pero bakit puro bangin na kaagad?"
tanong ko kay maya.

"Dito nga ang daan ate, ang pinakamalapit at pinakaligtas na daan. Kapag nalampasan na natin ang mga bangin dito, patag at maayos na ang daraanan nating gubat."
sagot niya.

Lumapit si jacob sa mga malalaking bato, ipinwesto ang magkabila niyang kamay at sinubukang itulak ang malaking bato.

"teka jake, baka gumuho ang paligid kapag ginawa mo 'yan"
pagpipigil ni tony sakanya.

May punto siya, baka 'pag may nagalaw sa mga bato ay baka maging dahilan pa ng landslide.
Nakatingin si tony sa kabilang ruta, tinitignan niya kung may iba pa kaming daraanan.

"Sana pala'y nagdala tayo ng lubid. Maya, kung dito sa kabila tayo dadaan, posible kaya?"
tanong niya kay maya.

"teka kuya titignan ko po"

Lumapit si maya sa gilid ng bangin kung saan kami umakyat kanina at tinignan ang maaaring daraanan namin.
Nanatili siyang nakatayo do'n, para siyang nagkokonsentrasyon, parang meditasyon, tapos bigla nalang may humulmang ugat niya sa gilid ng kanyang mga mata, sa taas ng kanyang mga pisngi, tapos biglang lumiit ang mga eyeballs niya, parang tuldok nalang. At sa isang iglap lang ay bumalik din sa dati.
Manghang-mangya naman kami sa nasaksihan namin kay maya.

"Kuya, may daraanan nga tayo, kaya lang makipot ang daan at sa ilalim ay bangin"
sambit niya kay tony.

Hindi pa kami agad nakarecover sa pagkatulala dahil sa nakita namin na ginawa ni maya.

"Maya, an-nong?...pa-anong?...kailan ka pa nagkaroon ng kapangyarihan?"
pagtatakang tanong ko.

"huh?! Anong kapangyarihan ate?"

"ang mga mata mo, biglang nag-iba."

"hindi ko po alam ate, nakatingin lang naman ako do'n tapos bigla nalang lumayo at lumawak ang paningin ko."
sagot ni maya habang kinakapa-kapa niya ang mga mata niya at maging siya ay nagtataka.

"Isa ring uri 'yon ng Genjitsu, tulad ng jitsu ko, hindi ko lang alam kung anong tawag nung ginamit niya, at sa tingin ko hindi 'yon technique sa bayan ng konoha."
sabat naman ni tony.

"Pero maya, teritoryo ninyo itong mga witch, mukhang umuubra at mukhang makapangyarihan ka sa lugar na ito"
patuloy pa niya.

Si jacob naman ay nakatameme parin kay maya, hindi rin siguro makapaniwalang may kapangyarihan din si maya at hindi lang siya isang ordinaryong tao lang.

(Kapitulo Trienta y dos)

Nagpatuloy na kami sa paglalakad, nasa gilid kami at parang paikot ang daan ng bundok habang papataas, animo'y hagdan at habang papaakyat kami ay kumikipot ang daan.

Mula sa maluwag na inaapakan naming lupa, ngayon ay nakapila na kami dahil saktong-sakto nalang ang isang tao sa inaapakan namin.
Sa gawing kaliwa namin ay puro lupa na parang pader na, at sa gawing kanan naman ay nakakatakot at nakakalulang matarik na bangin.
Pero mukhang walang balak umatras ang mga kasama ko, sa kanila talaga ako humuhugot ng lakas ng loob.

Hanggang nakita nalang namin ang aming mga sarili na nakatagilid at nakahawak sa mga naka-usling bato sa parang pader na cliff.
Para kaming nakayakap sa pader.

Ni sa panaginip ay hindi ko naisip na makakaya kong gawin ang bagay na ito.
Isang maling hakbang lang ay siguradong patay sa lalim ng banging nakaabang.

Lahat kami ay walang imik at lahat kami ay nangangawit na.

"Malayo pa ba tayo?"
tanong ko dahil talagang tumutulo na ang pawis ko sa pangangawit.

"Malapit na tayo, konting tiis nalang"
sigaw ni tony na nasa unahan.

Biglang umihip ang malakas na hangin. Napabitaw ang isang kamay ko sa pagkakahawak habang ang isa kong paa ay biglang dumulas sa makitid na daang inaapakan ko.

"Aaahhhhhaaaaahhhhh"

Nawalan ako ng balanse at laking gulat ko nang bigla akong matumba.

"Ttooonnnyy! Aaahhh"

Napatili ako ng todo.
Nahulog ako sa bangin at biglang nanikip ang dibdib ko.
Nakatingin ako kay tony, bigla siyang tumalon.
Tama ba ang nakita ko? Bigla nalang siyang tumalon ng walang pag-aalinlangan, buong-buo ang desisyon at hindi man lang nagdalawang-isip?

Pagkatalon niya ay may maliit na punyal siyang binunot sa kaliwang sapatos niya.
Nakita ko nalamang ang sarili ko na nakahawak sa kaliwang kamay niya, habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa punyal na nakatusok naman sa bangin.

"Aaahhgg"

Sumalpok ang katawan ko sa pisngi ng bangin, napakasakit, ngunit tiniis ko kumpara sa pagtitiis na nakikita ko ngayon kay tony.
Masyado kaming mabigat para madala ng maliit niyang kutsilyo.

"Tony, bitawan mo na 'ko para di ka na mahirapan pa!"
sigaw ko sa kanya.

"tumahimik ka nalang at 'wag kang malikot! Aaahhhhhh"

buong puwersa niya akong iniangat, gamit ang buong lakas ng mga braso niya ay itinaas niya ako.
Pagdaan ko sakanya, alam kong hirap na hirap siya dahil sa hitsura niya.
Handa talaga niyang ibuwis ang buhay niya alang-alang sa akin.

Sinalubong naman ako nina maya at jacob na nakaluhod sa kakurampot na inaapakang bangin.
Parehong nakaabang ang kamay nila sa akin.

Ngunit hindi pa man nila ako nahahawakan ay biglang bumigay ang punyal na kinakapitan ni tony.

Biglang nabunot ang punyal at tuluyan na kaming nahulog ni tony.

"mmaaiittttaaaa....."
"aaattteee"
"tttonnny!"
"kuuyyaaa"

Nagkasabay pa ang pagsigaw nina jacob at maya.
Nakikita ko sila habang nakalutang ako sa ere, hinihintay ko na lamang ang pagbagsak ko sa lupa.
Bigla kong naramdaman na hinila ako ni tony, pagkahawak niya sa akin ay bigla niya akong niyakap.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari at ngayo'y magkaharap kami ni tony, tapos bigla siyang pumailalim sa akin.

Alam ko ang gagawin niya, magsasakripisyo nanaman siya.
Siya ang unang babagsak sa lupa, at ako ay kanyang poprotektahan.

Mga ilang saglit pa ay nasasagi na kami sa mga dahon ng mga malalaking puno, sa mga sanga.
Mabuti na lang at hindi kami dumiretso sa lupa, dahil kung nagkataon ay hindi ko talaga alam kung mabubuhay pa kami ni tony.

"Ahh ahh ahh"

Alam kong nasasaktan parin si tony sa tuwing babagsak siya sa mga sanga, ngunit gayon paman ay nagawa nitong bagalan ang bilis ng pagbagsak namin.

Nang malampasan na namin ang mga sanga at dahon ay bigla kaming naghiwalay sa pagkakayakap namin ni tony.

Bumagsak ako sa mga makakapal na damo habang si tony ay nagpagulong-gulong sa lupa.

Hindi agad ako nakatayo dahil sa pagka-shocked sa nangyari, ngunit sa kabutihang palad ay wala naman akong kakaibang nararamdaman sa sarili.
Ang inaalala ko ay si tony, sana ay ayos lang siya.

Tumayo ako at lumapit agad sa kinaroroonan ni tony.

"tony! tony! Kumusta ka? Ayos ka lang ba?"
tanong ko agad pagkalapit ko sakanya.

"aaahhhhhh"

Daing niya habang nakahawak sa kaliwang braso niya.

"aaahhh ayos parin naman, pero mukhang nadali ang kaliwang braso ko.

Lumuhod ako at buong lakas kong iniangat ang likod niya at inalalayan ko siyang umupo.

"ikaw, ayos ka lang ba?"
tanong niya.

"huwag mo akong alalahanin, ayos lang ako. Nabalian ka ba?"
pag-aalala ko.

"hindi ko alam, pero sumasakit ang braso ko. Teka, nasa'n na kaya tayo? Hindi pa man tayo nangangalahati sa bundok pero parang napakataas na ng binagsakan natin"
pagtataka pa ni tony habang pagala-gala ang mga mata sa paligid.

Tumayo ako at tumingala.
Makakapal ang mga pinagsama-samang dahon ng mga puno na bumabalakid sa kinaroroonan nina jacob at maya.
Naglakad-lakad pa ako para humanap ng tamang anggulo para makita ko sila pero talagang makakapal ang mga dahon, na kahit langit ay hindi ko na matanaw.

"'wag kang mag-alala maita, siguradong nakikita tayo ni maya ngayon, at alam kong hahanapin nila tayo"
sambit ni tony.

Pinipilit niya ang kanyang sarili na makatayo.

"magpatuloy na tayo sa pag-akyat, nauubusan na tayo ng oras"
patuloy ni tony.

"pero kaya mo na bang maglakad? Magpahinga muna tayo"
wika ko.

"maita, wala na tayong oras, ni hindi natin alam pareho ang tamang daan kundi si maya lang, pero dapat nating subukan, kesa maghintay nalang dito. Isa pa, mamamatay din naman ako."
paliwanag niya.

Sa puntong ito ay natahimik ako at biglang nalungkot. Hindi ko maipaliwanag ang totoong nararamdaman ko. Ilang beses na niya akong iniligtas at ngayon, isasakripisyo pa niya ang kanyang buhay para sa akin. Posible nga kayang may pag-ibig din sa puso ng isang bampira? Posible kayang umiibig sa akin si tony?

"pero tony, papa-gabi na rin, at isa pa, nagugutom na ako"
sambit ko.

Ipinasok niya ang kamay niya sa loob ng jacket niya, at parang may kung ano siyang kinakapa.

"huh! Teka, nahulog ata ang blood bag ko kanina maita. Paano na kaya tayo niyan? wala ng natira"
bigla siyang nag-alala.

"hindi mo ba narinig si lola esme? Hindi tatalab ang ano mang kapangyarihan dito at tayo'y magiging ordinaryong tao lang."
paalala ko.

"huh?! Ano naman ang kinalaman no'n?"
napakunot-kilay pa siya.

"ano ka ba tony! Ibig sabihin, hindi dugo ang kailangan natin ngayon, kundi pagkaing mortal"
sagot ko.

Nang mahanap na namin ang punyal ni tony ay nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Tinumbok namin ang diretsong daan paakyat ng bundok.
Puro malalaki at iba't-ibang punong kahoy at makakapal na damo ang nakikita ko.
Inabot na kami ng gabi sa paglalakad pero parang paikot-ikot lang kami sa kagubatang ito.

"Magpahinga muna tayo dito maita, palipasin na natin ang gabi"

Pinaupo niya ako sa isang malaking bato katabi ng isang malaking puno habang kinakapa-kapa at nililinis niya ang paligid.

"Kailangan na nating magpatuloy tony. Ang oras ang hinahabol natin"

"Maita, anong saysay ng lakad natin kung mapapahamak ka lang? Mas makakabuti na magpahinga ka muna, hindi ko sigurado ang kapahamakang dala ng kadiliman."
paliwanag niya.

Nagpulot siya ng mga tuyong sanga at mga tuyong dahon na kanyang pinagsama-sama.
Gumawa siya ng siga gamit ang palsipikado niyang lighter.
Buti nalang at nasindihan din niya kaagad, kitang-kita ko siya sa liwanag na gawa ng apoy.

Sa simula't-sapol pa lang ay kasama ko na si tony, sa kabila ng hirap at pasakit ay nandito parin siya sa tabi ko.

"maita, matulog ka na, ibalik mo ang nawalang estamina sa katawan mo. Ako na ang bahalang magbantay sa'yo."

Ako lang, at ako lang lagi ang inaalala niya, samantalang siya itong nabalian pa ng braso.

"tony...uhm..."

Nagkatinginan kami at panandaliang umusbong ang katahimikan.
Panatag ang kalooban ko sa kanya pero tila nakakaramdam ako ng hiya ngayon.
Marahil sa isiping babae ako, lalaki siya, at heto kami ngayon sa kalagitnaan ng kagubatan na kaming dalawa lang sa kalagitnaan ng gabi.

"Tony...uhm...pwede bang dito ka nalang umupo sa tabi ko?"
Kabado kong pagsambit.

Tinignan lang niya ako, ngumiti at lumapit sa akin.
Umupo siya sa tabi ko tulad ng hiniling ko sakanya.
Ngunit hindi ko na alam pa kung ano ang mga katagang aking sasambitin.
May bigla akong naalala na matagal ko ng gustong itanong sa kanya.

"Tony. May isang tanong sana ako sa'yo"
pagbabasag ko sa katahimikan.

"ano 'yon maita?"

humugot muna ako ng hangin at huminga ng malalim bago ako nagpatuloy sa tanong ko, parang medyo nag-aalinlangan pa ako.

"ba-bakit mo ginagawa ang mga bagay na ito, gayong alam mo na palang maaari mo itong ikamatay?"

Dumampo't siya ng kapirasong sanga, isang stick.
Nilaro-laro niya ang siga gamit ito.

"maita, medyo mahirap ang tanong mo.. Sabihin na lang nating, ito ay isang bagay na gusto kong gawin...
Isinilang ako sa dusa at pighati, nabuhay sa kadiliman at lumaki sa kasamaan. Noon, wala akong ibang inisip kundi ang maghiganti kay marcus. Ilang beses na akong namatay at muling nabuhay, nasaksihan ko na halos ang lahat ng digmaan, kasakiman at kung ano-ano pang bagay sa mga tao."
paliwanag niya.

"so may punto parin na nagsasawa ka na tony?"

Napaharap ako sa kanya, at gayun din siya sa akin.

"marahil gano'n na nga siguro... Maita, halos hindi ko na matandaan kung ilang daang taon na akong nabubuhay, halos hindi ko na matandaan kung ilang buhay na ang binawi ko gawa ng mithiin ko."

Hindi ako makaimik at taimtim lang na nakikinig sa kanya. Napakalungkot pala ng naging buhay niya.

"No'ng araw na 'yon, may nakilala akong tao, dahil sakanya, nakaramdam ako ng pagod. Tunay na iniba niya ng direksyon ang takbo ng buhay ko."
Patuloy pa niya.

Gusto ko man siyang tanongin kung ako ba ang taong tinutukoy niya pero hindi ko na ginawa, hindi ko rin alam kung ano ang mga katatagang sasabihin ko para malaman niyang naiintindihan ko siya.

Nakatitig lang kami pareho sa apoy ng siga.
Tapos, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla nalang napasandal ang ulo ko sa balikat niya.
Alam kong may ngiti sa kanyang mga labi, tulad ng ngiti sa mga labi ko ngayon.

(Kapitulo Trienta y Tres)

Kinabukasan, nagising ako sa ray-of-light ng araw.
Nakasandal na ako sa puno at wala si tony sa tabi ko.
Napatayo ako at lumingon-lingon sa paligid para hanapin siya.
Napakatahimik ng kagubatan, tanging huni ng mga ibon, insekto at kung ano-anong uri ng hayop ang naririnig ko.
Nakaramdam ako ng takot sa aking pag-iisa.

"Huh-huhuhuhu"

"hah?!"

Nagulat ako nang may bigla akong narinig na umiiyak, parang boses ng isang batang babae na hindi ko mawari kung saan nagmumula.

"huuhuhuhuhu"

Lumingon ako sa direksyon kung saan ko ito naririnig.
Patuloy lang siya sa pag-iyak, at dahil hindi ako mapanatag ay sinundan ko ang tinig na ito.

Hinawi-hawi ko ang mga damo papunta sa boses niya.
Hinahanap ko siya kung nasaan siya.

"huhuhuhuhu"

Kahit punong-puno ako ng kaba ay lakas-loob kong tinahak ang makakapal na damo para hanapin siya.
Nang mapadpad na ako sa dulo ng damohan ay sa wakas at nakita ko rin siya.
Hindi nga ako nagkamali, boses nga ng isang batang babae.
Parang siyang isang igorot sa suot at ayos niya.
Nakamukmok siya sa tabi ng puno at walang humpay na umiiyak.

Nilapitan ko siya para tanongin kung anong nangyari.

"bata, bak-"

"Rrroooaaaarrr"

"huh-huuhuhuhu"

Napahinto ako nang marinig ko ang malakas at dumadagundong na tinig.
Paglingon ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang tigreng gubat na mukhang galit na galit at nanlilisik ang mga mata sa amin.

"rrooaaaarrr"

Umusbong ang kaba sa dibdib ko, takot na takot ako.
Hindi ko alam kung ano'ng aking gagawin.
Papahakbang na palapit sa amin ang tigre, tantiya ko ay mga dalawang metro nalang ang pumapagitan sa amin.
Niyakap ko ang batang babae na yumakap din sa akin.
Kaya pala siya umiiyak dahil may isang tigreng nakaabang sa kanya.

Halos tumalon-talon na ang puso ko nang mapansin kong patakbong lumulusob na ang tigre.
Sa puntong ito ay wala na akong magawa kundi ang umiyak nalang.

"ttooonnnyy!!!"
naisigaw ko nalang ang pangalan niya kasabay ng paghagulgol ko.

"Rrroooaaaarrr"

Biglang huminto ang tigre at lumingon sa gawing kanan.
Pagtingin ko, nando'n si tony, binabato-bato niya ang tigre ng maliliit na bato.

"Tumakbo na kayo palayo!"
sigaw niya habang patuloy na inaagaw ang atensyon ng tigre.

Bigla namang nagpumiglas at tumakbo ang batang babae na kanina'y hawak ko.

"hoy bata! teka lang!"

Ang bilis niyang tumakbo, nagsususuot siya sa makakapal na damo.
Hahabulin ko pa sana siya ngunit nag-aalala naman ako kay tony, kaya hinayaan ko nalang siya.

Paglingon ko sa kinaroroonan ni tony ay wala na siya, maging ang mabangis na tigre, malamang naghahabulan sila ngayon.
O tony, buti nalang at nandiyan ka palagi para sa akin, paano nalang kung wala ka?

Mga ilang saglit pa ay natatanaw ko na siya sa hindi kalayuan.
Hindi ko mawari ang sarili ko kung bakit bigla nalang akong tumakbo para salubungin siya, at nang makalapit na ako sa kanya ay bigla ko nalang siyang niyakap.

"tony...tony..."
halos mangiyak-iyak na ako.

"wala na maita, nailigaw ko na siya"

pakirandam ko ligtas na ligtas talaga ako sa piling niya.
Naramdaman ko ang kamay niya na dumampi sa likod ko, niyakap din niya ako, kaya lalong humigpit ang pagkakayakap ko sakanya.

"Nasa'n na ang batang kasama mo? Sino siya?"
tanong niya sabay kalas sa pagkakayapos niya.

"tumakbo siya, ni hindi ko siya nakilala"
maikling sagot ko.

"gano'n ba... sino kaya ang batang 'yon? mukhang mapanganib ang lugar na ito maita, dapat maging alisto"

"tama ka tony. Nagulat talaga ako sa mabangis na tigreng 'yon. Teka! Sa'n ka nga pala nanggaling? Bakit mo 'ko iniwang natutulog kanina?"
bigla kong naitanong nang mahimasmasan na ako.

"ah! 'yon ba? Mahimbing kasi ang tulog mo kaya hindi na kita ginising. Naghanap ako ng mga prutas para may makain tayo, kaya lang naihulog ko nang makita ko kayo nung tigre"

Naglakad kami sa kinaroroonan ng mga prutas kung saan niya ito naihulog.
Kumain muna kami bago nagpatuloy sa paglalakad.
sa tantiya ko ay mga alas-sais na ng umaga.
May tatlong araw nalang kami para mahanap ang babaeng witchcrafter.

"huh? Teka tony, hindi kaya ang batang 'yon ang hinahanap nating huling witchcrafter?"
nanlaki pa ang mga mata ko.

"hmm... Pupwede nga siguro, pero bakit hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya? at mukhang napakabata naman ata niya"
pangamba niya.

"bakit, ilang taon na ba ang huling witchcrafter?"
bigla kong naitanong.

"malay ko!"
nagkibit-balikat lang siya.

"tara na, magpatuloy na tayo!"

(Kapitulo Trienta y kwatro)

kumuha ng matibay na sanga si tony at nilinis niya ito gamit ang maliit niyang kutsilyo.
Habang naglalakad kami ay hinawi-hawi niya ang mga damo gamit ang kahoy para malinisan ang aming daraanan.
Pang-bulyaw narin sa mga ahas o anumang mapanganib na hayop sa bundok na ito.
Nasa unahan ko siya at ako sa likuran niya.

"Nasa'n na kaya sina maya?"
tanong ko sa kanya.

"malamang hinahanap din nila tayo ngayon. Sana lang ay tama ang direksyong tinatahak natin"
sagot niya.

"tony, paano nalang kung maligaw tayo at mawalan na tayo ng oras, ano na'ng mangyayari?"

"uhm. Alam mo maita, may sikreto ang mga taga-lupa na parang nakakahiligan ko narin"

Kumunot ang kilay ko sa sinabi niya, hindi ko ito kaagad nakuha.

"kapag madilim ang natatanaw mo sa iyong kapaligiran at tila naliligaw ka na ng landas, magtiwala ka lang at sundan ang kaisa-isang hinirang na Pastol, at ika'y kanyang gagabayan."
patuloy niya.

Hindi ako makapaniwalang ang isang nilalang na bampira ay naniniwala din sa kalangitan.

Paglingon ko sa may gawing kaliwa, nakita ko ang isang magandang waterfalls.

"tony, tony! Tignan mo, ang ganda ng tanawin"
sabi ko kay tony.

Tumakbo ako palapit sa batis dahil sa pagkamangha ko.

"teka maita!"

hindi ako maawat ni tony kaya sumunod nalang siya sa akin.

Nagnining-ning ang mga mata ko sa nakikita ko.
Punong-puno ng magaganda at mababangong iba't-ibang kulay ng mga bulaklak.
Napakalinis at napakalinaw ng kulay bughaw na tubig-batis na nagmumula sa taas ng waterfalls.

"hindi ako makapaniwalang may ganito kagandang tanawin sa bundok na ito."
nasambit ko nalang.

Tanyag ang mount makiling, ngunit wala akong nababalitaang ganitong klase ng lugar sa bundok na ito.

Nagliliparan ang mga paro-paro sa buong paligid at ang mga ibon ay umaawit.

Pagtingin ko kay tony, nakatayo lang siya at parang gulat na gulat habang nakatingin sa waterfalls.

"bakit tony?"
tanong ko.

"t-teka! Tignan mong mabuti ang falls"
sagot niya habang itinuturo ang kinaroroonan ng waterfalls.

Nagpukol ako ng paningin sa falls, tinitigan ko ito ng maayos at bigla nalang nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"oo nga! T-totoo ba 'to? P-paanong nangyari 'yon?"
naitanong ko bigla sa kanya.

Parang kinilabutan pa ako sa aking nakikita.
Hindi normal ang pagdaloy ng tubig sa falls.
Imbes na pabagsak pababa ang buhos ng daloy ng tubig nito ay baliktad ang nakikita ko.
Papaakyat pataas ang tubig na dumadaloy sa waterfalls.
Nakakamangha, nakakapangilabot.

Lumuhod si tony sa mga batong nakapaligid sa batis, tapos sumapo siya ng tubig sa kanyang kamay sabay inom.

"hindi ito tubig-batis (tabang), ito ay tubig-dagat (alat)"
sabi niya.

"huh? Tubig-dagat?"
para makumpirma ko ay uminom din ako.

"tama ka tony, tubig-dagat nga ito."

"mukhang mahiwaga ang lugar na ito."
ayon sakanya.

Nakakapagtaka na ang tubig ng batis na ito ay tubig-dagat, samantalang nasa bundok kami, at ang mas kinagulat ko ay ang daloy ng tubig sa waterfalls.
Bakit kaya pabaliktad ang agos nito?

Mukhang maraming hiwaga ang nakapaloob sa bundok na ito.

"Mukhang may mga panauhin tayo"

Narinig ko ang magandang boses ng isang babae.
Paglingon namin ni tony, sabay pa kaming napaatras nang makita namin ang mga magagandang dilag na nakatayo sa likod namin.
Sa pagbilang ko ay nasa biente sila o higit pa, at lahat sila ay nakasuot ng puting saya na punong-puno ng iba't-ibang uri ng bulaklak.
Lahat sila ay may mahahabang buhok na halos sumayad na sa lupa, nagnining-ning na kulay puting buhok, at lahat siya ay puro magaganda, mga diyosa ng kagandahan, at lahat ng maipupuri sa babae ay nasa kanila na, matatangkad, sexy at magagandang kutis.

Lumapit sa amin ang isa, parang siya ang namumuno sa kanila.

"Paano kayo nakarating dito? at paano niyo nakita ang lugar na ito"
unang tanong niya.

Busilak sa kanya ang kabaitan, at mukhang wala kaming dapat ipag-alala.

"Napadaan lang po kami, pasensya na kung napasok namin ang lugar niyo"
si tony ang sumagot.

Natahimik ang babae na parang may kung anong iniisip.

"uhm. Ano ang inyong nais sa bayan ko?"
nagpatuloy siya sa pagtatanong.

"wala po. Tulad ng aking sinabi ay napadaan lang kami, at kami'y paalis na rin"
sagot ni tony ng may ngiti.

"ginoo. Ang aking ipinagtataka ay kung bakit ninyo nakikita ang bayan ko. Alam kong nakaapak kayo ngayon sa bundok sinai, at hindi sa bundok makiling. Ano ang pakay niyo?"

nagkatinginan kami ni tony.
Sabi na nga ba't hindi ordinaryo ang lugar na ito dahil hindi ito nakikita ng mga ordinaryong tao.

"may hinahana-"
hindi pa ako tapos magsalita ay kinabig ni tony ang braso ko.

"maita!"
sambit niya na parang nangungusap ang mga mata niya.
Tama, sinisenyasan niya ako na 'wag ituloy ang sinasabi ko.

"nauunawaan kong nangangamba kayong pagkatiwalaan kami"
mukhang nakahalata ang babae.

"tignan niyo, kami'y mga diwata na tagapag-alaga ng bundok sinai"
nagulat kami ni tony sa sinabi niya.

Ang mga babaeng ito ay mga Diwata? May nabubuhay nga bang diwata sa mundong ito? Sabagay, nasa kabilang mundo pala ako.

"kayo po ay mga Diwata?"
maging si tony ay hindi makapaniwala.

"tama ang inyong narinig. Kami'y mga diwata na nagpapatunay sa existance ng bundok sinai, kung kaya't nararapat lamang na sabihin niyo sa amin ang inyong hangarin sa bundok sinai."
patuloy ng babae.

Hindi na ako nakatiis pa kaya nagtapat na ako.

"Naparito po kami upang hanapin si Maria"
Buong hinahon kong sabi.

"huh?!"

Nanlaki bigla ang mga mata ng babae, tila nagulat sa sinabi ko.
Tapos bigla nalang siyang lumuhod na parang nagbibigay pugay, gayundin ang lahat ng kasamahan niya ay lumuhod din at nagsipag-yuko.

"ang araw na ito ay sagrado, natupad na ang nakasaad sa propesiya."
wika ng babae sa malakas na tono.

Nagkatinginan na naman kami ni tony.
Ang tinutukoy ba niya ay ang propesiyang sinasabi din ni lola esme?
Mukhang nakatadhana nga talaga ang bagay na ito.

"teka, anong propesiya 'yon?"
paniniguro ko.

"pahintulutan niyo po kaming tumayo, at ito'y aking ilalathala"
sobra naman ang paggalang niya.

"tumayo na po kayo at hindi ako sanay ng ganito."
sambit ko.

Bigla siyang tumayo kasabay ng paglapit sa kanya ng isa pang diwata.
Parang may kung anong bagay siyang inabot, parang lumang papel na nakarolyo.

"Ang kalatas na ito ay piraso lamang ng propesiya, ang talinhagang ipinaubaya sa amin ng huling Witchcrafter"
sabi niya habang inilalad-lad ang hawak niyang kalatas.

"'Isang mortal ang sasambit sa pangalan ko. Hahanapin niya ako sa manining-ning na mga puting bulaklak.', tanging ito lamang ang hawak naming talinhaga"
ayon sa diwata.

Totoong nasambit ko ang pangalan niya, ngunit hindi ko naman siya hinahanap sa mga mapuputi at makikinang na bulaklak.

"ano po'ng ibig sabihin ng talinhagang binasa niyo?"
tanong naman ni tony.

"kayo palang ang tanging nakakapunta sa lugar na ito, at kayo palang ang nilalang na naiiba sa amin ang nakita ko.
Ang babaeng ito ay sinambit ang pangalan ng huling witchcrafter."
sagot niya.

"tama po kayo, si maria po na huling witchcrafter ang hinahanap namin, ngunit hindi po sa mga puting bulaklak"
sabat ko.

Nagkatinginan ang lahat ng diwata sa isa't-isa at nagbulong-bulungan.

"Maaaring ipinapahiwatig ng talinhaga na matatagpuan niyo ang huling witchcrafter sa mapuputi at manining-ning na mga bulaklak"
sambit ng diwata.

"'yan lang po ba ang propesiyang alam niyo?"
muling naitanong ni tony.

palalim ng palalim ang usapang ito.
Mukhang nagsimula ng mapaisip ang mga diwata.

"tama ka ginoo. Tanging ito lang ang pinanghahawakan naming talinhaga ng propesiya, ngunit ayon sa mga ninuno namin, nagkabaha-bahagi sa apat na piraso ng kalatas na talinhaga ang propesiya."
sagot ng diwata.

"bago kami pumarito ay may talinhaga ding sinabi ang isang matandang babae sa amin na tungkol din sa propesiya. Ang pangalan niya ay Esmeralda."
patuloy ni tony.

"Esmeralda? Hmm... Mukhang hindi namin siya nakikilala, marahil ay isa rin siya sa mga pinagkatiwalaan ng huling witchcrafter."
nagkibit-balikat pa ang diwata.

Masyado ng malalalim ang batuhan nila ng salita, nakakalito, nakakasakit-ulo, ngunit pilit ko parin itong iniintindi, sana lang ay tama ang lahat ng pag-aaral namin sa nasabing propesiya ni maria para kay marcus.

"ano ba ang talinhaga ni Esmeralda?"
siryosong tanong ng diwata.

"'Makikita niyo lang huling witchcrafter kapag natagpuan niyo ang apat na elemento sa daigdig, ang hangin, apoy, tubig at lupa.', iyan po ang talinhaga niya"

Biglang natahimik ang pinunong diwata matapos marinig ang sinabi ni tony.
Hinawakan niya ang pendant na nakakwintas sa leeg niya.
Isang bilog na pendant na nahahati sa apat na kulay. Crystal clear, pula, asul at grey.

"Hindi kaya natupad na rin ang propesiya ni Esmeralda?"
muling nagsalita ang diwata.

"Nakikita niyo ba ang pendant na ito? Ito ang patunay na ako....ako nga ang diwata ng apat na elemento, ang diyamte ng hangin, asul na zapphire ng tubig, pulang ruby ng apoy at ang silver grey ng lupa"
patuloy niya.

Laking-gulat namin ni tony sa kanya. Totoo bang diwata siya ng apat na elemento? Totoo bang siya nga ang tinutukoy sa propesiya?

"Ngunit ang apat na elemento po ay makikita daw namin sa ilalim ng maliwanag na sikit ng bilog na buwan."
pag-aalinlangan ni tony.

"at sa tuktok po ng bundok."
dagdag ko.

Imposibleng siya nga ang hinahanap namin dahil alas-nueve pa lang ng umaga, at wala mismo ang buwan, isa pa, wala pa kami sa tuktok ng bundok.

Tila nadagdagan pa ngayon ang palaisipan namin, no'ng una, apat na elemento sa ilalim ng buwan sa tuktok ng bundok, ngayon naman ay kumpol daw ng puting makikinang na bulaklak, pahirap ng pahirap ang pagkakataong makita namin ang huling witchcrafter.
Sa kakaisip ko ay parang nakaramdam ako ng pagkahilo.

To be continued...