Wednesday, November 27, 2013

Alon Book 2 by: EreimondB (Prologue)



Prologue


Bumukas ang pintuan ng isang convenience store at pumasok ang isang lalaking nakasuot ng itim na jacket.

Tumingin ito sa kanan at kaliwa saka nagsimulang maglakad. Halos hindi naman makilala ang lalaki dahil nakatakip sa kanyang ulunan ang hood ng jacket.

Tila nangingilala pa rin siya sa mga taong nasa paligid niya at hindi sanay na nagtatago habang mabilis na kumukuha ng groceries. Kung ano na lamang ang binebenta sa convenience store na ito ay iyon na lamang ang pinagtatyagaang kuhanin.

Gusto mang gamitin ng lalaking ito ang kanyang credit card at bumili sa mas malalaking supermarket na nasa tabi ng tinutuluyang motel ay hindi niya ito magawa.

Kung kaya’t tatlong araw na siyang bumibili ng cup noodles at iba pang mga delatang kakasya sa perang nasa bulsa niya.

Habang nag-iikot-ikot sa loob ng convenience store, nakita niya ang mga disposable underwear at agad tinignan ang mga presyo nito.

Naisip niyang kailangan ng kanyang kasama ang mga ito saka siya kumuha ng tatlong piraso na kakasya sa dala-dala niyang cash.

“Good morning sir.” Bati ng tao na nasa loob ng counter. Tinignan niya ang mga bagay at pagkaing binili ng lalaki saka siya ngumiti rito.

Napansin kasi niyang may binili ang lalaking ito na tatlong pirasong disposable panties.

Ngumiti na lamang ang lalaki saka ibinaling sa iba ang kanyang paningin.

“Sir, mukhang nag-enjoy talaga kayo ng kasama mo kagabi ah.”
“Hehe… oo nga eh.”
“Condom sir? Baka kailanganin niyo ulit.”
“Hindi na nga kakasya sa pera ko pare e.”

Tumingin naman sa kanya ang lalaking nasa counter saka isa-isang ipinasok ang mga bagay at pagkaing kinuha sa cash register.

“545.50 pesos po sir.”

Iniabot naman ng lalaki ang isang libong piso na nasa bulsa ng kanyang jacket.

Agad namang ibinigay ang kanyang sukli at isinilid sa isang paper bag ang mga binili nito.

“Sir… libre ko na yan.”

Sabay abot nito sa tatlong pirasong condom na ibinibenta sa convenience store.

“Naku! Sigurado ka ba pre?”
“Sigurado sir. Sa ganda ng bebot mo, alam kong hindi sapat ito.”
“Hehe. Ayos. Mababayaran din kita dito sa utang ko pare.”

Agad namang nagsimulang maglakad ang lalaking ito at inaayos ang pagkakatakip ng hood sa kanyang ulo.

Pagkalabas ng convenience store, ay huminto ito ng saglit at muling tumingin sa kanyang paligid.

Alam niyang may mga matang nakamasid sa kanya, kung kaya’t maingat siya sa kanyang ginagawa upang hindi masundan.

Mabilis siyang naglakad hanggang sa makarating na siya sa kanilang kuwarto.
Gising na ang babae at nagsusuklay ng kanyang buhok habang naka-upo sa kama.

“Good morning!” Bungad ng babae saka ngumiti ito sa lalaking pumasok ng silid.

“Oh! Gising ka na pala. Pasensya na ha, noodles muna ulit tayo ngayong umaga.” Saad ng lalaki.

Inalis niya ang kanyang jacket at inilapag ito sa kama at inihanda ang cup noodles na binili mula sa convenience store.

Habang inaayos ng lalaki ang kanilang kakainin ay biglang yumakap mula sa kanyang likuran ang babae. Mahigpit ang yakap nito at damang-dama ng lalaki ang init na nanggagaling sa magandang babae.

“I will finish this first. Kailangan natin kumain.”
“Thank you.”

Lumingon ang lalaki sa kanya at ngumiti.

“Di mo kailangang mag-thank you.”
“I owe you my life. Ngayon ko lang naramdaman ang maging malaya. Ang ganitong klase ng buhay.”
“Stay with me.” Saad ng lalaki saka hinarap na nito ng tuluyan ang babae. Hinalikan niya sa labi at sa pisngi, at hinaplos ng kanyang kanang kamay ang mamula-mulang pisngi nito.

“I don’t know if this is really worthy, but I am very happy that I am with you. Walang may alam kung saan tayo patungo, pero hindi ako puwede magsinungaling sa sarili ko. Importante ka sa akin Alo. Mahal na yata kita.”




No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.