Wednesday, November 27, 2013

Alon Book 2 by: EreimondB (episode 13-Finale)



Pasipol-sipol pa si Dale habang naglilinis sa penthouse ni Alo. Kahit tatlong araw nang hindi bumabalik ang binata sa Baler ay pinapanatili pa rin ni Dale na maayos at malinis ang hotel room ng binata.

Alam niya kasing pinagkakatiwalaan siya nito sa kahit anong bagay, at bilang sukli sa magandang pakikitungo ni Alwyn sa kanya ay pinagpapatuloy nitong gawing maayos ang kanyang trabaho.

Habang naglilinis ay kumuha ito ng maiinom sa loob ng refrigerator ng binata. Ang una niyang nakita ay isang lata ng malamig na pineapple juice. Nasa loob din ng ref ang medyo matigas nang doughnut na nabili pa yata ng binata noong nakaraang linggo.

Saglit siya huminto sa paglilinis at umupo sa dinning area upang kainin ang mga pagkaing nakuha sa loob ng ref.

Nilibot ng kanyang mga mata ang kalakihan ng hotel room at pinagmamasdan kung may kakaiba dito. Siya rin kasi ang pinagkatiwalaan ni Alo na siguraduhing walang naka-kabit na spy kamera sa loob ng penthouse. Iniiwasan na rin nilang maulit ang masamang pangyayaring ginawa ni Nestor.

Maya-maya ay may biglang kumatok sa silid ni Alo. Mabilis nitong isinubo ang kabuuan ng doughnut at agad na pinuntahan ang pinto upang tignan kung sino ang taong kumakatok.

Sinilip niya muna sa butas ng pintuan ang taong iyon at nang makita ang kanyang kasamahan sa trabaho ay agad niya itong pinagbuksan.

“Oh! Ikaw pala! Bakit?” Saad nito habang ngumunguya.

“Sarap naman ng buhay mo diyan!!! Wala pa ba si Sir Alwyn?”
“Wala pa. Bakit?”
“Penge naman niyang nilalamon mo?!”
“Wala na. Isa lang yun. Tsaka bawal ka pumasok dito eh.”
“Damot naman!!!”
“Pasensya na, walang personalan. Trabaho lang.”
“Ulol!”
“Hehehe… Oh, bakit ka ba nagpunta dito?”
“Eh kasi ang kulit-kulit ni Bisor. Sabi niya, ikaw na rin daw ang maglinis ng penthouse dun sa kabilang wing.”
“Ngek! Bakit ako? Pagod na pagod na kaya ako dito sa ginagawa mo.”
“Ulol! Puro pasarap ka lang kaya diyan.”
“Hindi pa ako tapos dito. Ikaw na gumawa nun. Ikaw na maglinis.”
“Tol, gustuhin ko mang ako ang maglinis, eh ayaw ni bisor. Ikaw lang daw ang pinagkakatiwalaan dito sa penthouse.”
“Eh nasaan ba si Randy? Siya nakatoka dun di ba? Mamaya may mangyari nanaman, ako ang masisi.”
“Wala nga si Randy. Natigok yung lola niya. Kaya absent.”
“Ganun ba? Langhiya naman oh! Kala ko puwede akong pumetiks ngayong araw eh.”
“Ulol! Sige na. Puntahan mo na yun at bigyan mo ako ng kinakain mo. Nagugutom na rin kasi ako eh.”
“Wala na nga. Kulit!”
“Damot talaga nito. Sige na nga, aalis na ako. Ikaw na bahala dun ha. Basta nasabihan na kita.”
“Eh ano pa bang magagawa ko? Ako lang pinagkakatiwalaan dito eh.. Hehehe…”
“Ulol!”
“Gago ka nakakarami ka nang ulol ah…”
“Eh puro ka ka-ululan eh. Hehehe…”
“Alis na at baka mabangasan kita.”

Mabilis na isinara ni Dale ang pinto ng penthouse ni Alo. Binilisan na nito ang kanyang ginagawang paglilinis upang masimulan ang penthouse nina Don Manuel.

Nang maisiguradong maayos na ang lahat ay inilock na rin niya ang mga silid sa loob ng penthouse at ang main door ng hotel room.
Binitbit na rin niya ang mga gagamitin sa paglilinis patungo sa east wing.

Habang naglalakad ay muling sumisipol si Dale. Matagal rin siyang hindi nakapasok sa isa pang penthouse dahil isa lang din ang pinagkatiwalaan para linisin ito.

Nang nasa harapan na siya ng main door ng penthouse ay ilang ulit itong kumatok at nag-door bell. Tila walang tao sa loob ng penthouse kung kaya’t binuksan na niya ito gamit ang master key.

Pagpasok niya sa loob ay agad nitong napansing patay ang lahat ng ilaw. Medyo magulo din sa bandang sala at halatang hindi nalinis ng ilang araw.

Napakamot na lang sa kanyang ulo si Dale. Hindi kasi siya sanay sa ganitong kagulong penthouse. Di tulad ng sa kanyang amo na marunong mag-alaga ng gamit at masinop sa kanyang pagmamay-ari.

Inumpisahan niya ang paglilinis sa sala at dinampot ang mga bote at lata ng beer sa sahig. May mga tsitsirya ding nakakalat sa sahig, na malamang ay ginawang pulutan ni Don Manuel.

“Tangina! Dumi naman dito.”

Inuna nitong walisan ang maruming bahagi ng hotel room.

Dahan-dahan itong nagtungo sa may dinning area at sa malaking kabinet na nagiging divider sa sala at kusina.

Kinuha niya ang pamunas para sa muwebles at sinimulang tanggalin ang mga alikabok sa mga dekorasyong nakapatong sa kabinet.

Nang makarating ito sa isang babasaging dekorasyon sa may gitna ng kabinet, ay nanlaki ang kanyang mga mata.

Tumingin ito sa kanyang paligid at bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Kinuha niya ang bagay na ito at tinignan ng mabuti. Nakita niyang nakarecord-on pa ito, ngunit nagbabadya nang mag-off dahil sa low battery na ito.

Saglit niyang pinindot ang rewind at agad na pinundot ang play button.

“Putang ina! Tangina!!!!”

Hindi makapaniwala si Dale sa kanyang napanood hanggang sa tuluyan nang namatay ang hawak-hawak na video kamera.


Chapter 13: Dapithapon


Bumukas ang pintuan ng isang convenience store at pumasok ang isang lalaking nakasuot ng itim na jacket.

Tumingin ito sa kanan at kaliwa saka nagsimulang maglakad. Halos hindi naman makilala ang lalaki dahil nakatakip sa kanyang ulunan ang hood ng jacket.

Tila nangingilala pa rin siya sa mga taong nasa paligid niya at hindi sanay na nagtatago habang mabilis na kumukuha ng groceries.

Kung ano na lamang ang binebenta sa convenience store na ito ay iyon na lamang ang pinagtatyagaang kuhanin.

Gusto mang gamitin ng lalaking ito ang kanyang credit card at bumili sa mas malalaking supermarket na nasa tabi ng tinutuluyang condominium ay hindi niya ito magawa.

Kung kaya’t tatlong araw na siyang bumibili ng cup noodles at iba pang mga delatang kakasya sa perang nasa bulsa niya.

Habang nag-iikot-ikot sa loob ng convenience store, nakita niya ang mga disposable underwear at agad tinignan ang mga presyo nito.

Naisip niyang kailangan ng kanyang kasama ang mga ito saka siya kumuha ng tatlong piraso na kakasya sa dala-dala niyang cash.

“Good morning sir.” Bati ng tao na nasa loob ng counter. Tinignan niya ang mga bagay at pagkaing binili ng lalaki saka siya ngumiti rito.

Napansin kasi niyang may binili ang lalaking ito na tatlong pirasong disposable panties.

Ngumiti na lamang ang lalaki saka ibinaling sa iba ang kanyang paningin.

“Sir, mukhang nag-enjoy talaga kayo ng kasama mo kagabi ah.”
“Hehe… oo nga eh.”
“Condom sir? Baka kailanganin niyo ulit.”
“Hindi na nga kakasya sa pera ko pare e.”

Tumingin naman sa kanya ang lalaking nasa counter saka isa-isang ipinasok ang mga bagay at pagkaing kinuha sa cash register.

“545.50 pesos po sir.”

Iniabot naman ng lalaki ang isang libong piso na nasa bulsa ng kanyang jacket.

Agad namang ibinigay ang kanyang sukli at isinilid sa isang paper bag ang mga binili nito.

“Sir… libre ko na yan.”

Sabay abot nito sa tatlong pirasong condom na ibinibenta sa convenience store.

“Naku! Sigurado ka ba pre?”
“Sigurado sir. Sa ganda ng bebot mo, alam kong hindi sapat ito.”
“Hehe. Ayos. Mababayaran din kita dito sa utang ko pare.”

Agad namang nagsimulang maglakad ang lalaking ito at inaayos ang pagkakatakip ng hood sa kanyang ulo.

Pagkalabas ng convenience store, ay huminto ito ng saglit at muling tumingin sa kanyang paligid.

Alam niyang may mga matang nakamasid sa kanya, kung kaya’t maingat siya sa kanyang ginagawa upang hindi masundan.

Mabilis siyang naglakad hanggang sa makarating na siya sa kanilang kuwarto.

Gising na ang babae at nagsusuklay ng kanyang buhok habang naka-upo sa kama.

“Good morning!” Bungad ng babae saka ngumiti ito sa lalaking pumasok ng silid.

“Oh! Gising ka na pala. Pasensya na ha, noodles muna ulit tayo ngayong umaga.” Saad ng lalaki.

Inalis niya ang kanyang jacket at inilapag ito sa kama at inihanda ang cup noodles na binili mula sa convenience store.

Habang inaayos ng lalaki ang kanilang kakainin ay biglang yumakap mula sa kanyang likuran ang babae. Mahigpit ang yakap nito at damang-dama ng lalaki ang init na nanggagaling sa magandang babae.

“I will finish this first. Kailangan natin kumain.”
“Thank you.”

Lumingon ang lalaki sa kanya at ngumiti.

“Di mo kailangang mag-thank you.”
“I owe you my life. Ngayon ko lang naramdaman ang maging malaya. Ang ganitong klase ng buhay.”

“Stay with me.” Saad ng lalaki saka hinarap na nito ng tuluyan ang babae. Hinalikan niya sa labi at sa pisngi, at hinaplos ng kanyang kanang kamay ang mamula-mulang pisngi nito.

“I don’t know if this is really worthy, but I am very happy that I am with you. Walang may alam kung saan tayo patungo, pero hindi ako puwede magsinungaling sa sarili ko. Importante ka sa akin Alo. Mahal na yata kita.”

Napangiti na lamang si Alwyn sa narinig mula kay Andrea. Alam niyang may nararamdaman din siya para sa magandang babae, ngunit iba pa rin talaga ang tinitibok ng kanyang puso.

“Parang ganoon kadali ano? Who would have thought na masasabi ko yun sayo? Hihihi…” Biro naman ni Andrea sabay yakap nito sa binata.

Marahang hinalikan ni Alo ang malambot na labi ni Andrea at unti-unti nitong hinuhubad ang suot na damit ng kakaligo lang na babae.

Inalis na rin niya ang kanyang suot na t-shirt, saka isinunod ang suot na pantalon at brief. Dahan-dahan niyang pinahiga ang magandang babae sa kama at pumuwesto naman ito sa tabi niya.

Pansamantalang isinandal ni Andrea ang kanyang ulunan sa balikat ni Alo at bahagyang niyakap niya ito.

Damang dama nila ang pagtibok ng dibdib ng isa’t isa, at masayang nagyayakapan sa iisang kama. Hindi naman akalain ng magandang babae na magiging maligaya ito sa piling ng dati niyang kinasusuklamang lalaki.

“Alam mo… siguro kung nakita ko lang na ganito ka palang klaseng lalaki, hindi na kita pinakawalan… Hihihi…”
“Hehehe… Ikaw kasi, lagi mo na lang ako inaaway dati. Wala naman akong masamang ginagawa sa iyo.”
“Anong wala? Yung ginawa mo kay Nikki is something unforgettable, and unforgivable…hmp!”
“Oo na po… Kasalanan ko na yun, kahit ako na ang pinuntahan sa kuwarto ko…”
“Ikaw nga ang pinuntahan, kasi inakit mo ang pamangkin ko… Bad boy! Very… Bad… Boy!”
“Hehehe… Kasalanan ko na nga… Ako na may kasalanan…”
“Hihihi…”

Mahigpit na niyakap ni Andrea ang hubad na katawan ni Alo. Panay naman ang halik ng binata sa bandang noo ng magandang babae habang hinahaplos ang buhok nito.

“I never imagined na magiging masaya pa ako… Na may pagkakataon pa pala akong maging masaya…”
“Life is beautiful, Andrea. Kailangan, simula ngayon, piliin mo na ang mga bagay na lubos na magpapasaya sayo…”
“You are right. Gusto ko nang tapusin ang pagdurusa ko kasama ni Manuel. Gusto ko nang matuldukan ang walang kuwenta naming pagsasama.”
“We’ll get there. Matatapos din ito Andrea… Matatapos din ito…”

Iniangat naman ng magandang babae ang kanyang maamong mukha kay Alo. Tumingin naman sa kanyang ang binata saka ito nginitian.

Inilapit ni Andrea ang kanyang labi sa labi ni Alo at marahan niya itong hinalikan. Sinabayan na rin ng binata ang kagustuhan ng magandang babae.

Pumatong ito kay Alo at nakita niyang muli ang magandang katawan nito. Napangiti naman si Alo habang nakatingin kay Andrea.

“Suwerte ni Iris sayo… Pero ako muna ang lalasap  ng kasuwertehan niya… Hihihi…”

Bahagya itong dumapa sa katawan ng binata at muli niya itong hinalikan sa labi.

Pababa ng pababa hanggang sa kanyang dibdib at dinaanan ang pusod hanggang sa sinimulang salsalin ni Andrea ang burat ni Alo.

“Aaaaaahhhh shit!” Impit na ungol ni Alo.

Agad namang nabuhay ang kanyang alaga dahil sa init ng palad ni Andrea.

Tila lalo pang nang-aakit ang magandang babae dahil habang dinidilian niya ang ulo ng kargada ni Alo ay tumitingin pa ito sa kanya.

Gustong-gusto naman ng binata ang ginagawa sa kanya ni Andrea, kung kaya’t napapakapit na rin ito sa kanyang ulunan.

Pabilis ng pabilis ang ginagawang pagtsupa ni Andrea sa burat ni Alo  at dinig na dinig pa ito sa loob ng tahimik na kuwarto.

“aaaaaaaahhhhh so goooood!” Tanging nasasabi ni Alo habang pumapaloob ang kanyang burat sa bibig ng magandang babae.

Maya-maya ay mabilis na pumuwesto sa kanyang harapan si Andrea. Agad na itinutok ang tigas na tigas na burat ni Alo.
Panay naman ang sapo ng binata sa malalaking suso ng magandang babae.

Tinitignan din niya ang magandang mukha nito habang pinakikiramdaman ang taba ng kanyang kargada na unti-unting pumapasok sa kanyang puki.

At nang naipasok na ang kabuuan nito ay napayuko ito sa harapan ni Alo.

Unti-unting nabubuhayan naman ng libog ang binata at siya na mismo ang bumabayo sa magandang babae.

Umaangat ang kanyang puwitan habang inaabot ang basang-basa na puki ni Andrea.

Maya-maya ay umayos na rin sa kanyang puwesto ang magandang babae at sinasalubong na nito ang bawat pagkadyot sa kanya ng binata.

Taas-baba na ito sa kahabaan ni Alo habang hawak-hawak ang umaalog niyang mga suso.

“Uhhhhmmmm…ummmm…aaaaaahhhhh…” Malalakas na ungol ni Andrea.

Bahagyang umupo naman si Alo para abutin ang suso ng magandang babae. Habang patuloy sa pagtaas-baba si Andrea sa kanyang burat ay siya namang pagdila nito at pagsipsip sa kanyang utong.

Tila ay labis na nakiliti si Andrea sa ginagawa sa kanya ni Alo at pilit na itinutulak pa nito papaloob ang ulo ng binata.

Tumitirik ang kanyang mga mata sa pagdama ng kakaibang sarap na nararanasan sa pakikipag-niig sa binata. Ibang-iba ang sarap na nararanasan nito kaysa sa pakikipagseks sa kanyang matandang asawa.

“I’m cuuuummmming Alwyn…aaaaaaaahhhhhh…”
“Sige lang… Palabasin mo lang baby… Sige lang… aaaaaahhhhh”

Mangilang-ulit namang nilabasan si Andrea habang patuloy pa rin siyang binabayo ni Alo.

Pawis na pawis naman ang binata habang inaangkin ang asawa ng kanyang ninong Manny. Matagal na niyang gustong angkinin ito, pero dahil sa naging sitwasyon nila ay ilang ulit din itong naudlot.

At dahil sa nakapagsarilinan sila ni Andrea ay nakahanap na rin siya ng pagkakataong matikman ang magandang babae.

Maya-maya ay pinahiga nito sa kamay ang magandang babae at napanatiling nakapasok pa rin ang kanyang burat sa puki ni Andrea.
Hinalikan niya ito sa labi pababa sa mahabang leeg ng magandang babae.

Tumutulo ang pawis ng binata sa balat ni Andrea na siya namang lalong nagpapalibog dito.

“uuuuhhhhmm….ooooooooohhhhh….sige pa….fuck me harder….”
Pakiusap ni Andrea at bulong nito sa kanyang kaniig.

Sinunod naman siya ni Alo at malalakas na pagbaon sa kanyang kargada ang ibinigay dito.

“Take this…Take this…aaaaahhhhh…” Saad ni Alo habang binabayo si Andrea.

Bigay na bigay sila sa kanilang ginagawa at halata ang gana ng magandang babae sa kantot na ibinibigay ni Alo.

“Shitttt… Malapit na ako….Ayan na…. Ayan naa… Ayan naaaaaa….ughhhh….uuhhhhhh…ugghhhh…” Saad ni Alo sabay bunot sa kanyang karagada at ipinalabas ang kanyang mainit na tamod sa tiyan ni Andrea.

Nanghina si Alwyn sa dami ng kanyang inilabas at dahil sa matinding libog nito.

Bumagsak ito sa tabi ni Andrea.

“Hahahahaha… Pagod?” Saad ng magadang babae.

“Hehehe… You are so good…” Sabi naman ni Alo sa kanyang katabi.

“Hihihihi… Sayo lang din naman ako ginanahan ng ganito… Wait ka lang diyan, maghuhugas lang ako.” Saad ni Andrea at mabilis na nagtungo sa banyo.

Hingal na hingal naman si Alo habang nakalagay ang kanyang kamay sa ulo. Maligaya siya sa karanasang ito kasama si Andrea.

At alam niyang kahit anong mangyari sa kanilang dalawa ay may mababaon siyang magandang alaala.


----------------------------------------------------------



“Yes… Yes that’s true. Huwag kayong mag-aalala dahil everything is still under control. All you have to do is to vote for the person that is deserving for that position. At masasabi ko sayo na I am still fit for that position. 45% lang ang kay Don Manuel at nasa akin pa din ang 55% ng shares. And you are part of that 55% kumpadre. Wala na akong ibang hihilingin pa sa iyo kundi ang kumbinsihin ang mga kaibigan mo to vote for me. Yes kumpadre… Yes, tama ka… Don Manuel is… was my friend. Hindi ko rin ito inaasahan na gagawin niya sa akin. Okay kumpadre… Kahit ang boto mo na lang. Kahit yun lang ang aasahan ko. Okay kumpadre… Salamat. I will appreciate that effort. Salamat.”

Pinipigilan ni Hector na magalit sa kanyang kausap sa telepono.

Alam niyang nawawala na ang tiwala ng mga stockholders sa kanyang pamumuno dahil sa mga paninirang ginagawa ni Don Manuel.

Hindi na rin nito alam kung ano ang nararapat na hakbang para isalba ang hotel laban sa kamay ng kanyang dating kaibigan.

“He’s really doing it.”
“Grabe talaga yang si Don Manuel. Ano bang akala niya sa sarili niya? Wala siya, kung hindi mo siya tinulungan.”
“I can’t believe na tototohanin niya ang lahat ng mga sinabi niya. Bullshit!”
“May panahon pa tayo. We have the whole day to cut a deal. Kakausapin ko ang ibang stockholders.”
“I thinks it’s too late, Angie. Nalason na niya ang utak ng mga stockholders natin. Hindi ko akalain na iisa-isahin niya ang mga ito, para lang makaganti sa akin.”
“Hayup talaga siya…”
“Kamusta si Alwyn? May balita na ba sa kanya?”
“He’s doing fine. Kasama niya pa rin si Andrea.”
“What about Cora? Kinausap ka ba niya?”
“Yes she did. Pero ayaw niyang makipagtulungan. Natatakot pa rin siya kay Don Manuel.”
“Malaki ang naging kasalanan ko kay Cora. Hindi ko siya masisisi kung hindi siya makikipagtulungan sa atin.”
“Hindi ko na rin alam kung paano siya kukumbinsihin. I stayed there for almost two days, pero wala pa ring nangyari sa pakiusap ko.”
“Let’s give her time. Alam kong maiisip niya rin kung ano ang tama.”
“But this is not right. Hindi na ito dapat mangyayari kung nasa kulungan na si Don Manuel.”

Napailing na lang si Hector at parang napanghihinaan na rin siya ng loob sa labang sinimulan ng kanyang dating kumpadre.

Pati si Angie ay pagod na pagod na sa lahat ng kanyang mga nalamang kasamaan ni Don Manuel. At tila mas nag-aalala ito sa kundisyon ng kanyang kinakasama. Alam niyang hirap na hirap na ito sa kanilang sitwasyon at hati ang pakiramdam nito para sa hotel at para sa kanyang nag-iisang anak.

Maya-maya ay tumayo si Angie at kinuha muli ang kanyang maleta.

“Where are you going?”
“Babalikan ko si Cora.”
“Stop it. Give her time to think.”
“But we don’t have time, Hector. The clock is ticking for this hotel. Ayokong mapasakamay ni Don Manuel ang lahat ng pinaghirapan mo. Dapat sa rehas ng kulungan nakahawak ang mga kamay niya dahil doon siya nababagay.”
“Kakauwi mo lang Angie. Give it a rest, please?”
“I can’t. Hindi ko hahayaang may mangyari pang masama dahil sa kasakiman ng matandang iyon. I won’t forgive myself kung may mangyayari sayong masama.”
“Ako dapat ang poprotekta sa iyo Angie, at hindi dapat ako ang pinoprotektahan mo.”
“In time… In time Hector, mapoprotektahan mo rin ako. But this, just let me do it. Just let me do it, this time.”

Agad nitong nilapitan ang ama ni Alo at hinalikan sa kanyang labi.

Hanggang sa kumalas na ito sa pagkakahawak sa kanya ni Hector, sabay buhat ng kanyang maleta. Lumingon ito saglit bago hinawakan ang doorknob at tinapunan ng matamis na ngiti.

Napailing na lamang si Hector at hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanilang buhay.

At ang tanging magagawa na lamang niya sa ngayon ay ang manalangin at maghintay.


-------------------------------------------------------------------


Baler, Aurora

Samantala, aligaga naman ang lahat ng empleyado sa surfing school dahil sa mga nadidinig na balitang ipapasara daw ito kapag si Don Manuel na ang mamamahala ng mga negosyo ni Hector.

Alam nilang lahat sila ay mawawalan ng trabaho at maging si Alo ay mawawalan na rin ng kapangyarihan para ipagtanggol silang lahat.

“Ano bang nangyayari? Nasaan ba si ma’am Angie? Pati si sir Alwyn nawawala din.”
“Laking problema niyan kung bigla nilang ipapasara ang surfing school. Magpapasko pa naman… Mawawalan tayo ng pera.”
“Huwag naman sana mangyari yan. Madaming umaasa sa akin…”
“Kailangan natin hintayin si sir Alwyn. Malamang maipapaliwanag niya sa atin ang mga nangyayari.”
“Tama ka. Maghintay na lang muna tayo ng announcement. Saka tayo gumawa ng hakbang kapag nakumpirma na natin ang katotohanan.”
“Hindi tayo pababayaan ni sir Alwyn. Malaki ang tiwala ko sa kanya.”
“Oh siya! Sige na, balik na kayo sa trabaho. Babalitaan ko kayo pag dumating si sir Alwyn o kaya naman ay si ma’am Angie.” Saad ng HR Manager.

Nagmadali namang umalis ang mga surfing instructors at nagpunta sa tabing dagat.

Kahit na nasabihan silang magtiwala kay Alo ay hindi pa rin nabubura ang pag-aalala nila sa kinabukasan ng surfing school.

“Tangina pare! Ipinaglaban pa naman tayo ni boss. Tapos isang dayuhan lang ang magpapaalis sa atin dito.”
“Kaya nga tol eh… Sino ba iyang si Don Manuel? Wala siyang karapatang gawin sa atin yan.”
“Lagot siya kapag tumakbo ulit siyang mayor. Malamang sa malamang walang boboto sa kanya.”
“Tangina niya! Wala talaga. Kahit ano pang gawin niyang panliligaw sa boto ko, hindi ko siya iboboto.”

Maya-maya ay napansin nila ang isang babae na lumalangoy papalayo sa pampang.

“Tol bantayan mo yun. Medyo lumalayo na sa atin yung babae.”
“Hindi ba si Nikki iyon? Yung girlfriend ni sir Alwyn.”
“Oo nga ano?”
“Teka pare… Parang lumalagpas na siya sa guhit. Malalim na sa parteng iyon…”
“Tangina! Tara languyin natin, baka malunod pa yun.”

Mabilis namang nilangoy ng dalawang surfing instructors ang dagat papalapit sa kinaroroonan ni Nikki. Kahit sigaw na ng sigaw ang dalawa para bigyang babala ang magandang dalaga ay tila wala itong nadidinig.

Patuloy pa rin siyang pumupunta sa malalim na parte ng dagat at hindi niya alintana ang malalakas na alon na dumadampi sa kanyang mukha.

Kahit hirap na hirap ang dalawa sa paglangoy ay naabutan pa rin nila si Nikki. Nagpupumiglas naman ang magandang dalaga at tila nais pang kumawala sa mga taong magliligtas sa kanya.

“Let me go! Let me go!!!!!”
“Malulunod kayo dito ma’am”
“Gusto niyo po bang mamatay?! May mga pating na dito!”
“I wanna die! Let me go!!! I wanna die!!!”

Nagtinginan naman ang dalawa at hinawakan ng mabuti si Nikki.

Kahit na pahirapan ang ginagawang pagligtas kay Nikki ay nagawa pa rin nilang maihatid sa pampang ang magandang dalaga.

Umiiyak si Nikki at tila wala ito sa kanyang sarili.

“Anong nangyari? Anong nangyari?”
“Kailangan ng first aid?! Baka maraming nainom na tubig si ma’am?!”
“Tabi kayo diyan! Bigyan niyo siya ng hangin.”

Nag-aalala ang lahat sa ginawang pagtangakang magpakamatay ni Nikki.

“Let me go! I want to die! I want to end my stupid life! Let me go!!!!” Sigaw ng sigaw si Nikki habang umiiyak ito at paulit-ulit ang kanyang mga sinasabi.

Maya-maya ay dumating ang HR Manager ng surfing school at marahan nitong inalalayan si Nikki papasok ng eskuwelahan.

Agad nilang pinatignan si Nikki sa isang duktor na naka-base sa eskuwelahan at pinatahan nila ito sa pag-iyak.

Nagtitinginan naman ang mga empleyado ng surfing school.

Nagtataka sila sa kung ano ba talaga ang nangyayari sa pamilya ng kanilang boss at kung bakit tila nagkakagulo silang lahat.

Alam nilang may hindi magandang nangyayari sa hotel, na labis nilang pinag-aalala. Lalo na ang bali-balitang pagkawala ng kanilang boss na si Alo.


------------------------------------------------------------


Habang nagpapahinga si Andrea sa kama, ay minabuti naman ni Alo na tumayo papunta sa isang lamesa. Kinuha nito ang kanyang cellphone at nakitang wala na itong baterya.

“Shoot! Kailangan ko nang magcharge. Nasa sasakyan yung charger ko. Kukuhanin ko lang…” Saad nito sa kasama niyang magandang babae.

Tumango lang si Andrea sa kanya, at mabilis namang nagsuot ng damit ang binata.

Inilagay niya muli ang kanyang jacket at kinuha ang plastic na pinaglagyan ng mga ipinamili niya kani-kanina lang.

Maya-maya ay nakapa nito ang condom na inilibre sa kanya ng lalaki sa counter. Ilang ulit na nitong inililibre ang binata ng condom na siya namang pinagtataka ni Alo.

Napailing na lamang siya sa kanyang naiisip at agad na lumabas ng kanilang kuwarto. Tahimik itong naglakad sa hallway at nagmamasid sa mga nakakasalubong na tao.

Alam kasi niyang may mga matang nakamatyag sa kanya, na malamang ay padala ni Don Manuel. Kung kaya’t mabilis itong kumilos para makabalik agad sa kuwarto, kung saan naroroon si Andrea.

Pagdating niya sa parking lot ay nagmamadali itong pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Pinaandar niya ito at saglit na nanatili sa kanyang sasakyan upang icharge ang kanyang cellphone.

Maya-maya ay binuksan na nito ang kanyang telepono at sunod-sunod na natanggap ang lahat ng mensahe galing sa iba’t ibang tao.

Tinitignan nito ang mahahalagang mensaheng natanggap at may isang text message na sadyang nabahala siya.

Ito ay ang mensaheng galing kay Angie, at sinabihan siyang bumalik na agad ng Baler upang iligtas ang kumpanya nila laban kay Don Manuel. Hindi lubos isipin ni Alo na pagbabalingan nito ng galit ang kanyang ama.

Sandali itong sumandal sa kanyang kinauupuan at malalim na nag-isip. Hindi niya mawari kung ano ang dapat na gawin matapos nitong basahin ang mensahe ni Angie.

Maya-maya ay lumabas na ito ng kanyang kotse at nagmadaling umakyat patungo sa kanilang tinutuluyang kuwarto.

“Kailangan na nating bumalik ng hotel.” Saad nito sa ngayo’y nakaupo nang babae.

“Bakit? Anong nangyari?”
“Si ninong, may masama siyang plano sa hotel ni daddy. Hindi ko alam ang buong detalye, pero alam kong kailangan nila ang tulong ko.”
“Pero papaano yung…?”
“Tatawagan natin si Angie. Gagawa tayo ng plano bago makarating ng Baler. Nakapagfile naman na tayo, kailangan lang natin ng karagdagang magrereklamo.”
“Sige… Magbibihis lang ako.” Saad ni Andrea sabay dampot ng kanyang mga damit.

Maya-maya naman ay biglang nag-ring ang cellphone ni Alo.

“Hello?! Sino ito?” Tanong ng binata sa kausap niya sa kabilang linya.

“Hello… Sir Alwyn?! Si Nadia po ito ng surfing school.”
“Oh! Bakit ka napatawag?”
“Sir… Kanina pa po naming kayo kinokontak… May problema po kasi…”
“Ano yon?”
“Sir… Yung girlfriend niyo po kasi… Si Nikki… Nagtangka po siyang magpakamatay sir…”
“Si Nikki?” Gulat na gulat na saad ni Alo.

Nang marinig naman ni Andrea  ang pangalan ng kanyang pamangkin ay nagmadali itong lumapit sa binata.

“Anong nangyari? Anong nagyari kay Nikki?” Tanong nito sa binata.

Pagkababa naman ng cellphone ni Alo ay napatingin ito kay Andrea.

“Si Nikki… Nagtangka daw magpakamatay…”

Nanlaki ang mga mata ni Andrea at tila bigla itong nanghina. Agad naman siyang inalalayan ni Alo.

“Uwi na tayo… Umuwi na tayo… Wala na akong pakialam sa mga plano… Kailangan ako ni Nikki… Kailangan ako ni Nikki…”
“Oo Andrea, uuwi na tayo… Tatagan mo ang loob mo… Please…”
“Anong nangyari sa kanya? Ano nanamang ginawa sa kanya ng hayop kong asawa???”
“We have to go Andrea… Tara na…”

Mabilis na inalalayan ng binata si Andrea papalabas ng silid.

At nang nakarating na sa sasakyan ay agad na isinaksak ni Alo ang kanyang cellphone sa car charger. Mabilis siyang nagpatakbo ng sasakyan at pareho na sila ni Andrea na nag-aalala sa sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay.



--------------------------------------------------------------------



Malungkot na umiinom ng alak mag-isa si Hector sa kanyang opisina sa villa. Hawak-hawak ng kanyang isang kamay ang litrato ng kanyang yumaong asawa.

Mahal na mahal niya ang ina ni Alo. At mali ang paratang ni Don Manuel na inagaw niya ito sa kanya. Dahil kahit kalian ay hindi niya minahal ang kababata at kapatid lang ang turing niya dito.

Hindi rin maisip ni Hector na may kinikimkim na galit pala sa kanya ang dating mayor ng Baler. Lagi niya namang sinusuportahan lahat ng proyekto ni Don Manuel, at siya rin ang madala na tinatawagan nito sa tuwing nagkakaproblema siya.

At ngayon, ay unti-unti nang nakikita ni Hector ang tunay na pagkatao ng kanyang tinatawag na kumpadre. Alam niyang may mali si Alo sa pakikipagrelasyon noon kay Andrea, ngunit mas matimbang pa rin ang kagustuhan nitong iligtas ang magtita sa kamay ng isang halimaw.

Napapailing na lang siya sa tuwing na naiisip ang kahihinatnan ng lahat. At ang tanging panalangin niya ay  walang mapahamak sa kanilang mag-ama.

Maya-maya ay may kumatok sa kanyang pintuan, at agad naman niya itong pinahintulutang pumasok.

“Sir, may schedule po kayo mamayang alas-tres.”
“Alas-tres? Para saan?”
“Sabi daw po kasi may board meeting daw mamaya. Nasabihan na ang lahat ng stockholders.”
“Hindi ako nagpatawag ng meeting.”
“Sir, si Don Manuel po ang nagpatawag.”

Tila naguluhan naman si Hector sa biglaang meeting na ito. Ang alam niya ay sa makalawa pa ang board meeting ayon sa napagkasunduan.

Nanghina naman ang ama ni Alo at parang umiikot ang kanyang paningin. Hindi niya inaasahang ganito kabilis mawawala sa kanya ang lahat ng pinagpaguran.

“Sir, okay lang po ba kayo? Gusto niyo po dalhin ko kayo sa clinic?”
“No… You can leave now… Ako na bahala.”
“Sige po sir…”

Agad naman siyang inawan ng kanyang sekretarya at napaupo naman si Hector sa isang sofa na nasa kanyang opisina.

Sinusubukan nitong patatagin ang kanyang kalooban dahil alam niyang may mas malala pang darating sa board meeting.

Hindi na niya alam kung ano ang mangyayari dahil wala na ang suporta ng mga stockholders sa kanya. Nakuha na lahat ni Don Manuel ang tiwala ng mga ito at malamang ay siya na ang piliin na CEO ng kumpanya. Ang kumpanyang kanyang pinagpaguran ng ilang taon. Ang kumpanyang naging kahati ni Alwyn sa puso at oras niya. At ngayon ay mawawala na lang ito ng parang bula sa kanyang mga kamay.

Maya-maya ay kinuha nito ang kanyang cellphone at idinail ang numero ni kanyang pinakamamahal na girlfriend.

“Hello… Angie… Where are you?”
“I’m driving home. Papauwi na ako, honey.”
“Angie… Make it fast… It’s happening…”
“What do you mean?”
“Nagpatawag ng board meeting si Manuel at three o’clock. We need to be there.”
“Shet!”
“Wala na tayong magagawa… Mapupunta na sa kanya ang lahat ng ito…”
“That’s bullshit… Hold on, Hector… Mananagot sa atin yang si Manuel. That bastard!”
“Please help me find my son… I need him right now…”
“Okay. I will call him. Wala kasing sumasagot sa telepono niya kanina, that’s why I just texted him. But don’t worry, I will try to call him again.”
“Okay. Thanks Angie. Please bilisan mo, but drive safely.”
“Okay honey. Pauwi na ako.”
“I love you Angie…”
“I love you too…”
“Bye.”

Nangingilid naman ang mga luha ni Hector. Natatakot ito sa kung anong posibleng mangyari mamaya sa board meeting. At hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung sakaling mawawala lahat ang business na itinaguyod niya. Maging ang surfing school ng kanyang pinakamamahal na anak.


----------------------------------------------


Samantala, mabilis ding nagmamaneho si Alwyn papauwi ng Baler. Mahigit isang oras pa ang biyahe patungo dito mula sa bayan na kanilang tinuluyan ng tatlong araw.

Panay naman ang pag-iyak ni Andrea. Kung kani-kanina lang ay naging masaya na ito, ay agad namang nabawi ang lahat ng kalungkutan.

“Nikki… Hold on please… Pauwi na ako…” Bulong nito habang nakasilip sa bintana ng kotseng sinasakyan.

Panay naman ang tingin ng binata kay Andrea. Wala siyang maisip na magandang salita na puwedeng sabihin para mapatahan si Andrea. Mayroon din kasi siyang ibang iniisip at pinoproblema.

Maya-maya ay nag-ring muli ang kanyang cellphone. Pagkatingin niya rito ay si Angie ang tumatawag. Agad niyang itinabi ang kotse upang makausap ang girlfriend ng kanyang ama.

“Hello, Angie?! Anong nangyayari?”
“Alwyn. Kailangan mo nang bumalik sa hotel. Nagpatawag ng board meeting si Manuel. Baka mapalitan na ang daddy mo sa pagiging CEO. You have to come home.”
“Shet! That’s bullshit!” Saad ni Alo sabay hampas sa manibela ng kanyang sasakyan.

Napatingin naman si Andrea sa kanya at tila nabahala din siya sa kung ano ang nangyayari sa Baler.

“We are on our way. Don’t worry, aabutan pa namin yun. Tangina lang talaga!”
“Okay Alwyn. Pauwi na rin ako. We’ll meet there.” Saad ni Angie sabay baba ng kanyang cellphone.

Napatulala naman si Alo sa balitang narinig niya mula kay Angie.

Alam niya kung gaano kahalaga kay Hector ang mga negosyo nito.

At lalo itong nakonsensya dahil siya pa ang nag-ayos ng meeting para maging business partner sila ng asawa ni Andrea.

Kinusot nito ang kanyang mga mata at panay ang hampas sa kanyang manibela dahil sa sobrang galit.

“Anong nangyari, Alwyn?”
“Si Manuel… He is threatening to replace my father as the CEO of our businesses in Baler.”

Napatigil naman saglit si Andrea at tila napaisip ito sa mga sinabi sa kanya ni Alo.

“Wait… Ang alam ko, marami siyang kinakausap na investors and stockholders, bago pa mangyari ito.”

Lumingon naman ang binata sa kanyang katabing babae.

“What do you mean?”
“Sa tingin ko, matagal na niyang pinaplano ito… Naalala ko pa yung isang call na tinanggap ko from Mr. Chua, asking for his support sa candidacy niya for congress. At ang alam ko, ang kapalit noon ay yung support naman ni Mr. Chua para sa kanya sa hotel. Noong una, hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi nila, pero ngayon, malinaw na. Matagal na niyang pinaplanong palitan si Hector bilang CEO ng hotel.”
“Bullshit!”
“Hayop talaga siya! Hayop talaga siya!”
“Hindi ko mapapalampas ito Andrea. Baka mapatay ko siya…” Saad ni Alo.

Akmang ilalagay na niya sa drive ang kambyo ng kanyang kotse nang bigla uling nag-ring ang kanyang cellphone.

“Hello?! Sino ito?” Tanong ng binata sa kausap niya sa kabilang linya.

“Sir Alwyn… Si Dale po ito…”
“Oh! Dale bakit?”
“Kanina ko pa po kayo kinokontak… Sir… May bidyo nanaman… May video camera nanaman po akong nakuha…”
“What? Saan? Sa penthouse ko?”
“No sir. Doon po sa penthouse ng girlfriend ninyo."

Napaisip naman si Alo kung papaanong nagkaroon ng video camera sa penthouse nina Andrea. Hanggang sa naalala nitong naabutan niya si Nestor sa loob kasama si Nikki. At doon na niya nakumpirma na malamang ay nag-iwan ng video camera ang lalaki para kuhanan nanaman sila ng scandal.

“Shit!!! Nestor…”
“Pero sir… Hindi po kayo ang laman…”
“Huh? Sino? Anong meron diyan…”
“Sir… Huwag po kayong mabibigla ha… kasi yung girlfriend niyo po, si Nikki… May sex video po sila ni Nestor…”
“Huh?!”
“Oo sir… Tsaka po… sir… sorry po ha… Si Nikki din po ulet, pati si Don Manuel… Pero nangalahati lang yung video dahil nalowbatt na ata siya noong nakukuhanan sila.”

Nagimbal si Alo sa narinig nito mula kay Dale.

Hindi niya alam kung malulungkot siya sa nadinig o magagalit sa kanyang dating girlfriend. Hindi niya sukat akalaing magagawa ni kanyang ninong Manny na pagsamantalahan ang pamangkin ng kanyang asawa.

“Sir… Pauwi na po ba kayo sir???”
“Sino nakapanood niyan?”
“Ako pa lang sir… Ipinapaalam ko po sa inyo… Sirain ko na ba sir?”
“Hindi… I need a favor. Kailangan ko ng kopya ng video scandal na yan. Pero yung last part lang. The rest, itapon mo na. Uulitin ko, I need the last part only. Naiintindihan mo Dale?”
“Opo sir. Klarong-klaro!”
“Then, isetup mo yan sa audio-visual room, katabi ng conference room. Sabihin mo ipinapagawa ko yan sayo. Okay, Dale?”
“Yes sir. Naiintindihan ko po. Pupuntahan ko na po agad.”
“Good. Very good Dale! Very good!”

Tila nagkaroon ng kakarampot na pag-asa si Alo mula sa nakuhang video ni Dale. Hindi niya akalaing may maitutulong pala sa kanya ang yumaong si Nestor.

Hindi niya nga lang alam kung papaano ito sasabihin kay Andrea.

Alam nitong labis na malulungkot ang magandang babae sa mapapanood na video scandal. Pero inisip na lamang niya na ito na lang ang tanging alas nila laban kay don Manuel.

Agad nitong pinaharurot ang kanyang kotse at nagmamadaling makaabot sa board meeting na ipinatawag ng kanyang ninong Manuel.


----------------------------------------------------


Hanggang sa sumapit ang nakatakdang oras. Labing-limang minuto bago sumapit ang alas tres ng hapon, ay maagang nagsipagdatingan ang mga investors at stockholders sa opisina ng hotel.

Malugod naman silang kinamayan ni Don Manuel at tila mataas ang kompiyansa niyang makukuha ang matamis na oo ng mga ito sa botohan.

Maya-maya ay dumating na si Hector at agad naman siyang nakita ng dating kaibigan.

“Kumpadre!!!” Sigaw ni Manuel sabay yakap sa ama ni Alo.

“Son of a bitch!”
“Hehehe… Masyado ka namang pikon Hector… Ganyan mo ba ako babatiin sa nalalapit kong pagkapanalo?”
“Tanging mura lang ang maririnig mo mula sa akin. Hindi kita papupurihan, hayop ka!” Saad ni Hector na halatang galit na galit sa dating kumpadre.

“Gusto ko lang ipaalala sa iyo na hawak ko ang buhay ninyong mag-ama. Konting pagkakamali niyo lang, eh, isa sa inyo ang mamamatay.”
“Bakit hindi mo pa ako patayin?! Ako na lang ang patayin mo at iwan mo mag-isa si Alo!?”
“That’s bullshit Hector… Tanga ka ba talaga at hirap kang intindihin ang sitwasyon? Mas importante ka, kaysa sa tarantado mong anak! Alwyn is just a messed-up kid, a brat, and a stupid heir. At ang mga walang kuwenta, eh dapat tinetepok agad, para hindi na magkalat pa.”
“How dare you! Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ng isang ama, kasi kahit kalian hindi ka bibiyayaan ng anak.”
“Hehehe… pikon ka naman agad Hector eh… Sige na nga. Simulan mo na ang meeting. I want you to announce na magbobotohan na for the new CEO ng hotel. Gusto ko manggaling sa iyo ang kahihiyan na ito. Hehehehe….”
“You have to kill me first before I do that.”

Medyo nagagalit na si Don Manuel sa inaasal sa kanya ni Hector.

Tila hindi na ito nakapagpigil, kung kaya’t hinatak nito ang matanda papunta sa pader.

“Huwag mo nang pinag-iinit ang ulo ko Hector. Baka hindi ako makapagpigil at pasabugin ko yang bungo mo at hayaang magkalat ang utak mo dito sa hotel.”
“Gawin mo na! Gawin mo na ngayon, o kahit kailan ay hindi mo na ito magagawa…”

Pilit na nagpipigil pa rin ng galit ang matandang lalaki, sa halip ay inayos na lamang nito ang necktie ni Hector na bahagyang nawala sa tamang puwesto dahil sa pagkakahatak niya rito.

“Sabi ko naman sayo, hindi kita papatayin. Dahil si Alwyn ang manganganib kapag hindi mo ginawa ang inuutos ko sa iyo. Alam mo bang nakasunod ang mga tauhan ko sa anak mo at kay Andrea ngayon. I know that they are driving back home. So, kung ayaw mo talaga ng ipinapagawa ko sayo, puwede naman nating palabasing naaksidente ang dalawa sa highway pauwi ng Baler. What do you think, kumpadre?!”

Nabahala naman si Hector sa pananakot sa kanya ni Manuel. Ayaw niyang may mangyaring masama sa kanyang nag-iisang anak.

Kung kayat agad na lang itong sumunod sa kagustuhan ng matandang lalaki.

Nagsitayuan lahat ng mga tao sa loob ng conference room nang pumasok si Hector. Nagpapalakpakan ang lahat at tila alam na nila ang mangyayari sa board meeting na ito.

Nagsalita naman sa harap si Hector at ipinaliwanag sa lahat ang dahilan ng pagpapatawag ng board meeting. Ito ay para pagbotohan kung sino ang karapat-dapat na maging CEO ng kumpanya. Pikit mata siyang nagsisinungaling sa lahat upang mapalabas na kagustuhan niya ang mga nangyayari. Dahil bilang business partner, ay may karapatan si Don Manuel sa puwesto.

Tila pinagsisisihan na ni Hector ang araw kung saan kinuha niya ang serbisyo ng kanyang anak para ayusin ang merger at business partners’ meeting. Nagkamali siya sa pagpili kay Don Manuel. Hindi niya inaasahang sasaksakin pala siya nito patalikod.

Parang gusto na niyang himatayin habang pilit na pinapabango ang pangalan ng kanyang dating kaibigan sa harap ng investors at stockholders.

Tatawa-tawa na lamang si Don Manuel at tila tinatanggap ang lahat ng papuring sinasabi ni Hector.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan ng conference room at pumasok sina Alwyn at Andrea.

“Stop this meeting!” Sigaw ni Alo.



Nagsipagtayuan naman ang lahat sa entrada ng anak ni Hector.

Tila natuwa naman ang matanda nang makita ang kanyang anak. Lumakas ang kanyang loob at tila nabuhayan siya sa pagdating ni Alo.

“We need a five minute break. May pag-uusapan lang muna kami.” Saad ni Hector sa mga investors at stockholders.

Tila naguluhan naman ang lahat at nagtitinginan sa kung ano ang kasalukuyang nangyayari.

Samantalang si Don Manuel naman ay nagpipigil pa rin ng galit at agad nilapitan ang dalawang salarin.

Mabilis nitong kinaladkad si Andrea papalabas ng conference room. Hinatak ni Alo ang kamay ng matanda papalayo sa braso ni Andrea at pinapunta niya ito sa kanyang likuran.

“Ako ang harapin mo. Itigil mo na yang kahayupan mo kung gusto mong manahimik kami sa lahat ng kababuyang pinaggagagawa mo.”
“Hahahaha… Ano nanamang stint ito, my stupid inaanak?”
“It is not a stint… And you have to deal with it.”

Hindi naman ito naniniwala sa mga sinasabi ni Alo sa kanya.

Pumasok sila sa isang silid malapit sa conference room.

Nakasalubong ni Alo si Dale sa loob ng conference room at mukhang nagawa na nito ang lahat ng iniutos sa kanya ng binata sa telepono.

Tumango na lang ito bilang hudyat na nakaayos na ang lahat ayon sa plano. Lumabas na si Dale sa silid at iniwan sina Hector, Andrea, Don Manuel at Alwyn.

“Stop this non-sense… Hindi mo puwede kuhanin ang hindi sa iyo.” Saad ni Alo kay Manuel.

“So, kayong mag-ama lang ang may karapatang kuhanin ang hindi niyo pagmamay-ari? Anong ginagawa mo sa asawa ko? Hindi ba’t may relasyon kayo nito.”
“Wala kaming relasyon ni Andrea. At tanging si Nikki lang ang naging girlfriend ko.”
“You can’t fool me, Alwyn… Alam kong iba ang mga tingin mo sa asawa ko. At ito namang malandi kong asawa ay panay rin ang pagpapapansin sa iyo. Akala niyo hindi ko alam?!”
“That’s bullshit!”
“Hayop ka talaga Manuel! Kung kani-kanino mo ibinibintang ang mga kahayupan mo. Balang araw mapagbabayaran mo rin lahat ng kababuyan mo!!!” Sigaw ni Andrea sa asawa.

Napapangisi na lang si Don Manuel sa nadidinig niya mula sa dalawa.

“Nothing can stop me now. Your father has almost declared me as the new CEO. You should have heard his speech!”
“Hinding-hindi mo makukuha ang posisyon na yan sa daddy ko.”
“Why? Ano bang magagawa mo para mapatigil ang botohang ito? Tell me, Alwyn? Mayroon pa bang makakapigil sa akin? Hehehehe…” Pagmamalaki ni Don Manuel.

Hindi naman alam ni Alo ang kanyang gagawin. Hindi pa kasi alam ni Andrea ang tungkol sa nakuhanang sex video nina Nikki at Manuel. Ngunit ito na lang ang naiisip na alas ni Alo para matigil ang kahibangan ng matandang lalaki.

“Stop it… Or we’ll let them watch this video…” Panakot ni Alwyn sa kanyang ninong Manny.

“What the hell is that video? Saan mo nanamang napulot yang kasinungalingang iyan?”
“Wait ‘til you see it.” Saad ni Alo.

Napatingin naman si Andrea sa binata.

Hindi na rin nakatiis si Alo at agad na pinindot ang play button ng video player.

Nanlaki ang mga mata ng bawat taong nakakanood ng sex video nina Nikki at Manuel.

Maging ang matandang lalaki ay napatayo sa kanyang nasaksihan.

Hindi niya akalaing mahuhuli siya sa ginawa nitong pananamantala sa pamangkin ng asawa.

Tila nagdilim ang paningin ni Andrea at agad nito hinawakan ang vase na nakalapag sa lamesa.

“Putang ina mong baboy ka!!!!!! Hayup ka!!!!!! Hayup ka!!!!” Saad nito sabay hampas sa bandang ulunan ni Don Manuel.

Mabuti na lamang at nakaiwas ito ng bahagya at tanging kamay lamang niya ang nasugatan sa pag-ilag nito sa inihampas ng kanyang asawa.

Agad namang inilayo ni Hector si Andrea sa kanyang asawa. Panay pa rin ang sigaw nito at tila nagwawala sa kanyang napanood na kababuyan ni Don Manuel.

Parang nabuhusan naman ng malamig na tubig ang matandang lalaki habang pinapanood ang kanyang ginagawang pagtataksil sa kanyang asawa.

Hanggang sa pinatay na ni Alo ang video player at maging siya ay nagulat sa kanyang napanood. Wala sa kanyang hinagap na magagawa ito ni Manuel kay Nikki. Lalong nag-alab ang galit nito sa matanda at gusto na rin niya itong patayin sa mga oras na iyon.

Mabuti na lamang at dumating na rin si Angie at agad nitong kinuha si Andrea para ilabas sa silid na iyon. Nakatulala pa rin si Don Manuel at halatang nawawala sa kanyang sarili.

Maya-maya ay may pumasok na mga pulis para arestuhin si Don Manuel. Nagulat na lamang ito nang may humihila sa kanyang dalawang kamay para siya ay posasan. Nagpupumiglas ito at tila takot na takot sa kung ano na ang mangyayari sa kanya.

Habang inilalabas siya sa silid ay sinalubong naman siya ng kanyang dating asawa na si Cora.

Siya na mismo ang nagkaso ng criminal case laban kay Don Manuel.

Nang makaharap na niya ito ay pinagsasasampal ang kanyang dating asawa. Inilabas nito ang lahat ng kanyang galit hanggang sa napadugo ang nguso ng matandang lalaki. Inawat na lamang siya ng pulis at ng iba pa niyang mga kasamahan.

Iyak ng iyak si Cora at Andrea, at tila kulang pa para sa kanila na makulong si Don Manuel.

Nakita ng mga investors at stockholders na inilalabas si Don Manuel ng hotel na nakaposas at dumudugo ang ilong at nguso.

Tahimik lamang silang nagmamasid at nagbubulung-bulungan sa mga nasasaksihan nila.

Maya-maya ay nilapitan ni Alo ang kanyang ama na si Hector at niyakap niya ito ng mahigpit. Tuwang-tuwa sila dahil nalagpasan nila ang isang mabigat na pagsubok.

Inalalayan naman ni Angie sina Andrea at Cora papasok sa isang silid upang patahanin sa kanilang pag-iyak. Sinasabihan niya ang mga ito na malapit na nilang makuha ang hustisya at hayaang mabulok sa kulungan ang dating asawa.

Minabuti naman ni Hector na harapin ang mga investors at stockholders sa isang closed-door meeting para ipaliwanag ang hindi magandang pangyayari sa kanila ni Don Manuel.

Sinamahan naman ni Alo si Andrea papunta sa kinaroroonan ni Nikki. Bumuhos naman ang matinding emosyon habang niyayakap ng magandang babae ang kanyang pamangkin.

Hindi naman makausap ng matino si Nikki dahil sa kanyang mga pinagdaanan sa mga nakalipas na araw. Awang-awa sila sa sinapit nito at tila hindi naman mapatawad ni Andrea ang kanyang sarili dahil hindi nito lubos na nabantayan ang anak-anakan.

Iniwan na lamang ni Alo ang magtita, upang bigyan sila ng pagkakataong makapag-usap. Minabuti na lamang niyang maghintay sa villa upang harapin ang kanyang ama.


------------------------------------------------------------


Samantala, hinintay ni Cora si Hector pagkatapos ng closed-door meeting. Sinamahan siya ni Angie sa paghihintay, dahil may mahalaga raw itong sasabihin sa ama ni Alo.

Nang nakalabas na sa conference room si Hector, ay iniwan na sila ni Angie, upang makapag-usap ng mabuti.

Pumasok sila sa isang silid upang walang makarinig sa kanilang pag-uusapan.

“How are you, Cora? It’s been quite a long time na hindi tayo nagkita at nag-usap.” Saad ni Hector sa matandang babae.

Maya-maya ay nilapitan siya nito at binigyan ng isang malutong na sampal.

Hindi naman nagulat si Hector sa ginawa sa kanya ng matandang babae. Inaasahan na niya ito dahil sa kasalanang nagawa niya rito upang tulungang pagtakpan ang nagawang kasalanan ni Don Manuel.

“I should have included you. Gusto kongmagkasama kayo ng best friend mong mabulok sa kulungan. Mga hayup kayo!”

“Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo. Sa naging partisipasyon ko sa krimeng nagawa ni Manuel. Patawad Cora… Patawad… Haharapin ko kung anumang kaso ang ibabato mo sa akin. Tatanggapin ko Cora, para sa kapatawaran mo.”

Saglit na natahimik ang matandang babae at bahagyang napayuko. Tila naghahanap ng mga salitang puwedeng sabihin sa kaibigan ng dating asawa.

“You must be grateful, na hindi lumaking katulad mo ang iyong anak. Napakalayo niya sa iyo. Nagtaka ako nang humingi sa akin ng tulong si Angie, at laking gulat ko dahil nanggaling pa ito sa anak ng taong nagpatapon at nagpalayo sa akin. Isang taong walang ibang kayang gawin kundi ang sumunod sa utos ni Manuel. I am so happy to know, na hindi ka naging katulad ni Alwyn. Alwyn helped her and protected her with his own life. He sacrificed himself para lang matulungan ang babaeng binaboy ni Manuel.”

Napayuko naman si Hector dahil sa mga pangaral na nanrinig mula kay Cora. Tanggap niya ang mga pagkukulang niya kay Alo, lalo na ang kasalanang nagawa nito sa dating asawa ni Manuel.

Maya-maya ay naglakad na si Cora papalapit sa pintuan. Bahagya na siyang nakalabas sa silid nang muling nilingon si Hector.

“You have to thank Alwyn. Dahil sa ginawa niya kay Andrea, at dahil sa pagmamahal sa iyo ni Angie, hindi kita kinasuhan. But just be ready… Dahil alam kong ilalaglag ka ng dati mong kaibigan. At wala na akong maitutulong sa inyo pagdumating ang araw na yon. Bye, Hector… See you around…” Saad ng matandang babae at tuluyan na itong naglakad papalabas ng hotel.



-------------------------------------------------------------



Nang makauwi na sina Hector at Angie sa villa ay nadatnan nilang natutulog si Alo sa may sofa. Nakaidlip ang binata sa sobrang pagod na naranasan sa kanilang pagtatago ni Andrea.

Bakas sa mukha ni Hector ang pag-aalala sa kanyang anak at hinayaan na lang muna niya makapagpahinga ito sa kanilang bahay.

Ngunit tila narinig naman ni Alo ang yabag ng kanilang mga paa, kung kaya’t agad itong bumangon at hinarap silang dalawa.

“Anong nangyari? Napaliwanag po ba sa investors at stockholders ng maayos dad?”
“You need to take a rest first, son.”
“Dad… I need to know… I want to know…” Pagpupumilit ng binata.

Nagtinginan naman sina Hector at Angie. Minabuti naman ni Angie na iwan muna ang mag-ama para makapag-usap ng maayos.

Pinapunta ni Hector si Alo sa kanyang opisina at doon na lamang sila nag-usap.

“Everything is okay now…”
“That’s good news dad! I’m happy na okay na ulit ang lahat.”
“Thanks to you son… Salamat at natulungan mo ako dito.”
“No problem dad. Alam niyo naman po na gagawin ko ang lahat para makabawi sa mga pagkakamali ko. I promis you, na gagawin ko pa ang best ko para sa hotel. I promise you dad.”

Tila natahimik naman si Hector nang marinig ang mga katagang ito mula sa kanyang anak. Napayuko ito at halos hindi niya masabi ang isang kundisyon na tinanggap nito para maisaayos ang lahat.

“Is there another problem, dad?” Tanong nito nang mapansing malungkot pa rin ang kanyang ama.

“Son… The investors asked for internal position as a condition in fixing this unfortunate situation. Gusto nilang magtalaga ng isang stockholder bilang miyembro ng management. And they asked for your position. As Operations Manager. They voted for Mr. Valdez as the new Ops Manager, effective immediately.” Saad ni Hector.

Saglit na tumahimik si Alo at unti-unting ninanamnam ang mga sinasabi ng kanyang ama.

“Sorry, son. Hindi ko nasalba ang posisyon mo sa hotel. But don’t worry, pasasaan din at mapupunta rin sayo ang lahat ng naipundar ko…”
“Dad! I’m okay… Okay lang talaga ako sa ginawa nilang kundisyon…”
“Really son?”
“Of course dad! At wala akong pakialam kung hindi na nila ako pabalikin sa hotel. Because, dad… I really miss my people sa sufing school. I’m willing to become an instructor again… I will still let Angie manage the school… I'm good with that, dad! Alam kong marami pa akong dapat matutunan… and I am willing to learn more…”

Napangiti naman si Hector dahil sa positibong pagtanggap ng kanyang anak sa masama niya balita. Nilapitan niya ito at binigyan ng mahigpit na yakap.

“Your mom will be proud of you, son… And I am so proud of you… I love you, son…” Saad ni Hector sabay patak ng mga luha nito.

Ngumiti lamang si Alo at tinapik ang balikat ng kanyang ama.

“Thanks dad… Iyon lang po ang gusto kong marinig galing sa inyo… Na you are proud of me… And that’s enough…” Sagot naman ng binata.

Agad namang bumitiw sa pagkakayakap si Alo sabay lakad nito papalabas sa opisina ng kanyang ama.

“I miss my bed… I really miss my bed, dad… Hehehe…”
“Sige Al, take a rest… You deserve it.”

Tuluyan na niyang iniwan si Hector sa kanyang opisina at akmang palabas na ito sa villa nang bigla siyang harangin ni Angie.

“Good job, Alwyn! Napahanga mo talaga ako…”
“Well, thanks sa video na iyon… May he rest in peace.”
“Hehehe… But that was so good. Mabuti naman at natiklo na rin yang si Manuel. That evil fat guy.”
“Yes. And of course, salamat sa tulong at effort mo. Alam kong nahirapan ka ring kumbinsihin si Cora. You did great, Angie…”
“Thanks! Sobrang tagal kong hinintay yang papuri na iyan galing sayo. Hihihihi…”
“You deserve it. And I’m sorry for sometimes not recognizing your efforts.”
“No problem… So, see you sa surfing school.”
“Yes ma’am… I will be your new surfing instructor… Hehehe…”
“Okay! Don’t be late. Hihihi…”

Napatawa naman si Alo habang naglalakad patungo sa kanyang kotse. Maya-maya ay tinawag muli siya ni Angie dahil may nakalimutan pa itong sabihin sa binata.

“Alwyn, wait… I forgot to tell you something…”
“Oh! Ano yun?”
“Tungkol doon sa batang hinampas mo ng surfboard noon… He is not dead and not related to Nestor. Actually, tama ang daddy mo… Kasama siya sa mga naging scholar natin.”

Lalo namang natuwa si Alo sa narinig na kumpirmasyong buhay pa ang batang nakaaway niya noon. Hindi na lamang niya inisip pa ang ginawang pagsisinungaling sa kanya ni Nestor. Gusto na rin kasi nitong kalimutan ang masamang bangungot na iyon na dumating sa kanyang buhay.

“That’s great. Makakatulog na talaga ako ng maayos niyan… Thanks, Angie… Thank you…”
“You’re welcome. Ingat sa pagdadrive.”
“Sure.”

Masayang masaya si Alo sa mga nangyayari sa kanyang buhay ngayon. Nalutas niya ang lahat ng mga suliranin sa kanyang buhay. Babalik na siya sa surfing school at higit sa lahat ay nawala na ang anumang agam-agam na nasa kanyang puso at isipan. Puwede na siyang makapagsimula muli sa kanyang buhay.


------------------------------------------------------------


Dahil sa maaga siyang nakapagpahinga, ay maaga din siyang bumangon sa kama kinabukasan. Isinuot ang kanyang paboritong sando at board shorts. Inilagay ang kanyang pampasuwerteng kuwintas na nakasabit sa may salamin at agad na kinuha ang kanyang bag.

Sa may pintuan naman ay inabot nito ang kulay asul niyang surfboard. Masayang-masaya ito dahil makakapag surf na ulit siya.

“Perfect timing sir… Ingat po sa pagsusurf… Hehehe…” Saad ng kaibigan nitong security guard.

“Salamat manong! Mag-eenjoy ulit ako ngayong araw na ito… Hehehe…” Sagot naman ni Alo.

Mabilis itong naglakad patungo sa pampang. Inilibot muna niya ang kanyang mga mata sa paligid at nilanghap ang sariwang hangin na nanggagaling sa dagat.

Maya-maya ay hinubad na nito ang kanyang suot na sando at inilapag ito kasama ang kanyang bag sa may buhanginan.

Tumakbo ito patungo sa dagat at nilangoy hanggang sa umabot ito sa kalagitnaan. Tila hinihintay nito ang isang malaking alon na siya namang sasalubungin ng binata.

Maliksi itong pumatong sa kanyang surfboard habang nakikipagsayaw ito sa saliw ng alon ng dagat.

Malayang-malaya ang kanyang nararamdaman at tila wala siyang balak itigil ang kaligayahang nadarama nito.

Makailang-ulit siyang nakipagsayaw sa alon at lumangoy ng lumangoy sa dagat. Nagpakasawa ito hanggang sa unti-unti na siyang napagod at nauhaw.

Nagapasya na itong lumangoy patungo sa pampang at nang papalapit na siya rito ay natanaw niya ang isang pamilyar na mukha ng babae.

Nginitian niya agad ito at sinuklian din naman siya ng ngiti ng babae.

“You are back with your daily routine…” Saad ni Andrea sa kanya.

“Yes… Sobrang saya ko dahil nakapag-surf na ulit ako…”

“Good for you…” Sagot ng babae sabay abot nito ng tuwalya ni Alo.

“Thanks…” Saad ni Alo.

“Ako nga dapat ang magpasalamat sa iyo eh… Thank you for saving us…”
“Wala iyon… Ginawa ko iyon dahil you deserve to be happy… Kahit si Nikki… And, sorry nga pala about doon sa video…”
“Huwag na nating pag-usapan iyon. Actually, nagpapasalamat pa nga ako doon eh, dahil may malinaw na tayong basehan at ebidensya laban sa kanya… Huwag na nating banggitin iyon… Pati pangalan niya… Mag move on na lang tayo…”
“yeah! That’s the spirit, Andrea… Good job! Hehehe…”
“Well… I learned from the best… Hihihi…”
“Kamusta si Nikki?”
“She is okay now… Kaya nga ako naandito ngayon, para magpaalam sa iyo. Babalik na kami ng Maynila. Alam kong kailangan ni Nikki ng titingin sa kanyang espesiyalista… I will take good care of her, from now on..”
“Good… Mag-iingat kayo… Lalo ka na…”

Ngumiti naman si Andrea at tila ay may namumuong luha sa kanyang mga mata.

“Thank you for giving back my life… Salamat sa tatlong maliligayang araw na kasama ka…” Saad ni Andrea.

“Ako rin… Salamat sa lahat ng maliligayang araw na kasama ka… Hehehe…” Sagot naman ni Alwyn.

“Bye, Alo. I will miss you…”
“Mamimiss din kita.”

Agad na tumalikod ang magandang babae sa binata. Hindi na siya lumingon muli kay Alo habang patuloy naman ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Diretso lamang ito sa paglalakad hanggang sa nakarating ito sa kanilang sasakyan.

Hindi katulad dati, na puno ng galit si Andrea habang nililisan ang Baler. Ngayon ay punong-puno na ng pag-asa at pagmamahal ang kanyang puso at isipan. Magsisimula ulit sila ng panibagong buhay ni Nikki at sabay na nilang haharapin ang  mga mabibigat na problemang ibabato sa kanila.

At ipinapangako niyang balang araw, ay mabibigyan niya ng maayos na buhay ang kanyang anak-anakan, galing sa kanyang sariling pagsisikap at hindi na siya muling dedepende sa ibang tao.
Panibagong buhay… Panibagong bukas...

Samantalang si Alo naman ay punong-puno ng kaligayahan ang kanyang puso. Tahimik na ang dating gulong-gulo na isipan at ngayon ay handa na muling harapin ang panibagong hamon ng buhay.

Dahil alam niyang, may darating at darating pa ring mga alon sa kanyang buhay.

At ang tanging magagawa lamang ng binata ay sabayan ang hampas ng mga pagsubok at isiping may mga kapamilya pa siyang handang tumulong sa kanya.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.