Monday, December 19, 2011

Katleah’s Sexcapades: Barkada (chapter 41-45)

Katleah’s Sexcapades: Barkada 41

“SORRY, KAGABI, HA?” Sabi ni Joan. Nasa library sila ni Jordan. “Biglaan kasi. ‘Di ko naman alam na darating si Ate.”

“Okay lang,” sagot ni Jordan sabay hikab.

“Teka, nagawa mo na ba ‘yung thesis mo? Mukhang napuyat ka. Ang lalim ng mga mata mo. Ngayon na ang deadline nu’n, ‘di ba?” paalala pa ng nobya.

Syet! Oo nga pala, ‘yung thesis niya. Hindi niya natapos. Ibang project ang nagawa niya kagabi.

“O-Oo, tapos na. Mamaya ipapasa ko na ‘yon,” pagsisinungaling ni Jordan.

Antok na antok ang binata. Medyo nahihilo pa siya. Hindi siya makapag-concentrate sa binabasa niya. Minamasahe-masahe niya ang batok para mapaglabanan ang antok.

“Ano ‘yan?” Tanong ni Joan. May nakita itong mapula sa bandang leeg ng nobyo.

“Ha?” Taka ni Jordan.

“’Yan, o! Ano ‘yan?” Ulit ng nobya. Idinikit na ang daliri sa leeg ni Jordan, itinuturo ang mapulang patse sa balat ng nobyo. Kinapa-kapa naman ito ni Jordan.

May kinuha sa bag si Joan. Maliit na salamin. Ibinigay niya ‘yon kay Jordan.

Sa salamin, sinipat ng binata ang itinuturo ng nobya. Nagulat si Jordan sa nakita.

“Shit ka, Jordan! Kiss mark ‘yan!” Sabi ni Joan. Bigla itong tumayo. Mabilis na lumakad palayo sa nobyo.

“S-Sandali…” tawag ni Jordan sa nobya na halos patakbong lumabas ng library. Nagtinginan ang ibang estudyante sa kanila.

Sa labas ng library, hindi na namataan ni Jordan si Joan. Wala na ito sa pasilyo. Nagpalinga-linga siya, pero hindi niya na makita ang nobya. Naisip niya na baka nagtungo si Joan sa CR. Nasa dulo ‘yon ng pasilyo. Mabilis ang hakbang ng binata na tinumbok ang CR. Tatawagin niya sana ang pangalan ni Joan, pero nasalubong niya papalabas doon si Chona. “Si Joan, nasa loob ba?” Tanong niya agad dito.

“Ha? Wala. Hindi ko nakita,” sagot ni Chona.

“Halika,” sabi ni Jordan, hinawakan sa braso ang dalaga at dinala sa isang sulok. “Tingnan mo ‘to.” Hinatak niya ang kuwelyo ng damit at ipinakita kay Chona ang kiss mark sa leeg. “Ikaw ba ang gumawa nito?”

Natawa si Chona. “Ikaw ba ang gumawa nito?” Tanong uli ni Jordan.

“Hindi. Saka bakit ba parang big deal sa ‘yo ‘yan? Kiss mark lang ‘yan, ‘no!” Muling tumawa si Chona.

“Nakita ni Joan,” sabi ni Jordan.

“Patay. ‘Yon ang problema,” sabi ni Chona. “Paano mo ipapaliwanag sa kanya. Hindi mo ba napansin kanina bago kayo nagkita?”

Umiling si Jordan. At saka lumakad palayo kay Chona.

“O, sa’n ka punta?” Tanong ng dalaga.

“Hahanapin si Joan. Sa’n pa?” Sagot ni Jordan.

“Gusto mo samahan kita?” Alok ni Chona, sabay na lumakad sa kanya.

“’Wag na baka lumala pa,” tanggi ng binata. Napansin niya na nag-iba ang timpla ni Chona. Umismid. Napikon sa sinabi niya. “Hindi ‘yon ang ibig kong…” Hindi na naituloy ni Jordan ang sasabihin, tinalikuran na siya ni Chona. Mabilis ang lakad.

“Sandali. Sandali…” habol ni Jordan, hinawakan sa braso si Chona. Pinigilan. “Sorry. Okey?” Agad niyang banggit. Tiningnan lang siya ni Chona. Hindi sumagot.

“Ganito na lang, kalimutan muna natin ‘tong problema ko kay Joan. Okey?” Sabi ni Jordan. Hindi pa rin kumibo si Chona.

“Nai-video ni Rexy ang nangyari sa atin kagabi,” banggit ng binata, seryoso ang tono. “Nakita ko ang kopya kagabi. May alam ka ba do’n?”

Ikinabigla ni Chona ang tinuran ng kaharap. “W-Wala. Shit talaga si Rexy, pati ‘yon?”

Tumango si Jordan. “Kailangang makuha mo ang kopya. Nasa cellphone niya,” banggit ng binata. (Itutuloy)
====================================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 42

SINUBUKANG TAWAGAN NI Jordan si Joan. Pero hindi sinasagot ng nobya ang tawag niya. Panay lang ang ring ng phone. Ayaw talagang sagutin ni Joan, naisip ni Jordan. Nag-text na lang ang binata, hihintayin niya ang nobya mamayang uwian. Pero sigurado si Jordan na hindi rin siya sisiputin ni Joan.

Bago sila naghiwalay ni Chona kanina, binilinan niya ito na huwag magpahalata kay Rexy na alam na niya ang tungkol sa video. Tiyempuhan na lang ni Chona ang cellphone ng nobyo at i-delete ang video roon.

“Malalaman niyang pinakialaman ko ang cellphone niya ‘pag nawala ang video,” tila pagtutol pa ni Chona. “Magagalit sa akin si Rexy.”

“Anong mas gusto mo, kumalat ang video nating lahat? Kilala mo si Rexy. Kilala natin ang takbo ng utak ng taong ‘yon,” sabi ni Jordan.

“Ba’t ngayon ka nag-aalala? Hindi ba may video ka rin namin? Bakit ayaw mong i-delete din ‘yan?”

Hindi agad nakasagot si Jordan. “Ba’t hindi ka nag-aalalang mapanood ‘yan ni Joan?” Tanong uli ni Chona.

“Okey. Okey. ‘Eto, ide-delete ko na,” sabi ni Jordan habang hinuhugot ang cellphone sa bulsa. Ipinakita pa muna ang video kay Chona bago niya ito binura. “Okey, tapos na ang isa nating problema.” Napansin ni Jordan na may nangingilid na luha sa mga mata ni Chona.

“Hindi lang ‘yan ang problema, Jordan,” sabi nito. “Marami pa… marami pa.” Hindi na napigilan ni Chona ang mapaiyak.

Hindi naman makapaniwala si Jordan sa narinig. “Marami pa?” Tanong pa uli ng binata. Tila gustong maniguro sa kanyang narinig.

Tumango lang si Chona. “S-Sorry, Jordan. Hindi ko dapat sinunod ang lahat ng inutos sa akin ni Rexy,” banggit ni Chona. “H-Hayaan mo, hahanapin ko lahat ng files ni Rexy. Bahala na kung magagalit siya sa akin.”

TULAD NANG INAASAHAN ni Jordan, hindi sumipot si Joan sa hintayan nila. Sinubukan niya uling tawagan ang nobya, pero naka-off na ang cellphone nito. Isang classmate ni Joan ang nagsabi sa kanya na umuwi na ito. Kasabay si Rexy.

Si Joan sasabay kay Rexy? Hindi kasundo ng nobya ang kanyang kaibigan. Ilang beses nang sinabi sa kanya ni Joan na mabigat ang loob nito kay Rexy. Hindi komportable ang nobya kapag nandiyan si Rexy. Bakit ngayon, sumabay ito sa kaibigan?

Ginagantihan ba siya ni Joan? Nagtiim ang mga bagang ni Jordan. Pakiramdam niya ay biglang umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo.

Huwag na huwag mong isasali sa kalokohan mo… sa kalokohan natin si Joan, Rexy! Babala ni Jordan sa isip niya.

Mabilis ang lakad na tinungo ni Jordan ang sakayan. Halos marinig niya sa kanyang tenga ang kabog ng kanyang dibdib. Sinubukan niya uling tawagan si Joan. Wala pa rin. Patay na ang cellphone nito.

NASA TARANGKAHAN PA lang si Jordan ay dinig na niya ang tawanan nina Joan at Rexy. Hindi nakasara ang pinto. Bahagya itong nakaawang. Sinadya.

Dahan-dahan siyang umakyat. Ayaw niyang marinig ng dalawa ang kanyang pagdating. Sumilip siya sa awang ng pinto. Nakita niya si Rexy na nakaupo sa katre, sa puwesto niya. Bahagyang nakasandal sa pader.

“Faithful kang masyado kay Jordan,” dinig niyang banggit ni Rexy kay Joan. “E, siya ba, faithful din sa ‘yo?”

Tumawa si Joan sa tanong na ‘yon ni Rexy. Nasa mesa nakapuwesto ang nobya. “Ewan ko,” sagot nito sa kausap. “Ikaw dapat ang nakakaalam niyan. Kayo ang magkasamang madalas.”

Si Rexy naman ang natawa sa tinuran ni Joan. Tumayo ito. May kinuha sa ibabaw ng katre, sa knapsack niya. “Hindi mo naman ako ka-vibes, ‘di ba? Ba’t mo ako paniniwalaan sa sasabihin ko,” tugon ni Rexy.

Lumapit ang binata sa kaharap. Iniabot ang cellphone na hawak kay Joan.

“Ano meron dito?” tanong ni Joan.

“Tingnan mo do’n sa video gallery,” sabi ni Rexy. (Itutuloy)
====================================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 43

“KALOKOHAN na naman ‘to, Rexy,” sabi ni Joan. Inabot ng dalaga ang cellphone. “Ano naman ang meron dito? Sex video mo?” Tumawa si Joan.

“Nagtanong ka kanina kung faithful ba sa ‘yo si Jordan, ‘di ba?”

“At nandito ang sagot?” Si Joan na ang nagpatuloy. Hindi kumibo si Rexy. Tinungo uli ang katre at doon nahiga. “Hindi ka nagbibiro?” Tanong uli ng dalaga.

Wala pa ring kibo si Rexy. Tumayo si Joan. Lumapit sa nakahigang kaibigan ni Jordan. Iniabot ang cellphone kay Rexy. “Kung anuman ang nand’yan, ayokong makita. Hindi ako interesado,” sabi niya.

Biglang hinawakan ni Rexy sa braso si Joan. Ikinabigla ‘yon ng dalaga. “Bakit, natatakot ka sa makikita mo?” Tanong ni Rexy. Hindi nakasagot si Joan.

Napahigpit ang hawak ni Rexy sa nobya ng kaibigan, nakita niya ang bahagyang pagkatakot sa mukha nito. Nabitiwan ng dalaga ang cellphone na nalaglag sa ibabaw ng katre. Agad na binitiwan ni Rexy ang braso ni Joan. Bumalikwas ng bangon ang binata. “S-Sorry, Joan. Hindi ko sinasadya,” agad niyang sambit.

“M-Mabuti pa, uuwi na ako. ‘Wag mo na lang sabihin kay Jordan na sumabay ako sa ‘yo,” sabi ni Joan. Kinuha ang bag na nakapatong sa mesa.

“Sandali…” pigil ni Rexy kay Joan. “Wala akong ibang intensyon. Gusto ko lang namang makita mo kung ano ang nasa video. Ayokong magsalita, kaya mas mabuting makita mo mismo. Kaibigan ko si Jordan… ikaw, itinuturing ko na ring kaibigan. Kahit alam kong mabigat ang loob mo sa akin…”

Hindi na naituloy ni Rexy ang sasabihin. Dinampot muli ni Joan ang cellphone sa higaan. Pinindot-pindot.

Sa puntong ‘yon biglang pumasok si Jordan. Nagulat ang dalawa.

“J-Jordan,” sambit ni Joan.

Nagkatitigan sina Rexy at Jordan. Nagpalipat-lipat ang tingin ng binata sa nobya at kaibigan niya.

“’Tol, ano ‘to?” Tanong ni Jordan sa barkada. Hindi kumibo si Rexy.

“Pati ba si Joan…?”

“J-Jordan, wala naman kaming ginagawa,” agad na salita ni Joan.

“’Tol, kayo yata ang may problema ni Joan,” kaswal na sabi ni Rexy. “Labas muna ako, mag-usap kayo.”

Hindi magawang magalit ni Jordan. Totoo na wala namang masamang ginagawa ang dalawa. Nasaksihan niya.

Naglakad si Rexy patungo ng pintuan. Bago tuluyang lumabas, tinapik niya pa sa balikat si Jordan. “’Tol, hindi ko kailanman pakikialam si Joan. Alam mo ‘yan,” mahinang sambit nito sa kaibigan. May ibang kahulugan ang tinuran ni Rexy. Alam ni Jordan ang gustong ipahiwatig ng kaibigan. Kung tutuusin, siya ang mas may kasalanan kay Rexy. Siya ang nakialam sa nobya nito. Kay Chona.

Ilang minuto ang lumipas, pero nanatiling walang imikan sina Jordan at Joan. Umupo ang binata sa katre. Nanatiling nakatayo si Joan. Pinipigilan ang sarili na maiyak. Napansin ni Jordan na hawak pa rin ng nobya ang cellphone ni Rexy.

Si Jordan ang unang nagsalita. “Halika nga rito,” aya niya kay Joan. Pero hindi tuminag ang nobya. Tumayo si Jordan at nilapitan ito. “Sorry na, please…” sumamo ng binata. Umakbay na kay Joan. Pero nagmamatigas pa rin ang nobya.

“Ano ‘to, Jordan?” Tanong ni Joan. “Ano ‘tong gustong ipakita sa akin ni Rexy? May itinatago ka ba sa akin, Jordan?”

“H-Hindi ko alam kung ano ang nand’yan,” sagot ni Jordan. Kinabahan siyang bigla.

Muling pinindut-pindot ni Joan ang cellphone ni Rexy. Binuksan ang isang video file. (Itutuloy)
====================================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 44

PAKIRAMDAM NI JORDAN, dumadagundong ang tibok ng kanyang puso. Naririnig niya sa kanyang mga tenga ang kanyang kaba. Nagsimulang mamuo ang mga butil ng pawis sa kanyang noo. Tila uminit nang husto sa silid. Hindi siya makahinga. Napaupo siya sa katre. Nanginginig ang buong katauhan. Pero hindi niya ‘yon ipinahalata kay Joan.

Nagsimula ang video sa cellphone. Naririnig ni Jordan ang usapan doon, pero hindi niya maintindihan. Tumayo ang binata. Pero tila umiikot ang paligid niya. “Jordan!” ‘Yon ang huling narinig niya kay Joan bago tuluyang nagdilim ang lahat sa kanya.

“’TOL… ‘tol…” Sunud-sunod na boses na wari’y mula sa kawalan ang pumupukaw sa diwa ni Jordan. Naramdaman niya rin ang mahinang mga tapik sa kanyang pisngi. May malamig na tubig na humahaplos sa kanyang mukha.

“Jordan… Jordan… okay ka na ba?” Boses ni Joan.

Nang imulat ni Jordan ang kanyang mga mata, agad na tumambad sa kanya ang mga mukha nina Rexy at Joan. Babangon sana siya pero agad siyang pinigilan ni Rexy, “’Tol, higa ka lang muna d’yan. Relax ka lang.”

“J-Joan… anong nangyari?” Tanong niya sa nobya.

Napaiyak si Joan bago nakasagot, “Bigla ka na lang natumba, e. ‘Buti na lang hindi nabagok ang ulo mo.”

Napaling naman ang tingin ni Jordan kay Rexy. “’Tol, ‘buti na lang nand’yan lang ako sa harap, kaya nakaakyat ako agad nang tawagin ako ni Joan,” agad na sabi ng kaibigan. Wari’y alam na nito ang itatanong niya. “Alam mo, ‘tol, bawasan mo ‘yang masyadong pag-aalala mo. Sobrang stress na ‘yan, kaya ka nag-collapse.”

Hindi pa matanto ni Jordan ang buong pangyayari. Huli niyang natatandaan na hawak-hawak ni Joan ang cellphone ni Rexy. May pinapanood ito.

“S-Sorry,” banggit ni Jordan sa nobya. Tumango lang si Joan at yumakap sa kanya. “’Yung cellphone…?” Tanong niya sa nobya. Biglang bumitaw sa pagkakayakap kay Jordan ang dalaga. Nagkatitigan sila.

“’Eto ba?” Si Rexy, inabot ang cellphone kay Jordan. “Sige, panoorin mo.”

Napatingin muna si Jordan kay Joan. Nang tumango ang nobya, saka niya lang inabot ang cellphone mula kay Rexy. Binuksan ni Jordan ang kaisa-isang video file sa gallery. Bigla siyang napatawa. Nagtawanan din sina Joan at Rexy.

“Gago ka talaga, Rexy!” Sabi niya sa kaibigan. “Akala ko ba binura mo na ‘to?”

Ang nasa video: papalabas siya ng banyo, nakatapis ng tuwalya. Kaliligo lang. Nakaupo si Rexy sa bandang mesa nang bigla nitong hinatak ang tapis ni Jordan. Nahubaran siya. Pero agad niyang tinakpan ang harapan ng kanyang mga kamay. Si Chona ang kumukuha ng video.

Hindi na tinapos ni Jordan ang video. “’Tol, burahin mo na ‘yan. Baka ikalat mo pa sa Internet ‘yan,” sabi niya kay Rexy. Tumawa lang ang kaibigan, sagot nito, “Wala namang magkakainteres d’yan.”

Tumayo si Joan para ayusin ang mga gamit na nasa mesa. “Kayong dalawa… kayong tatlo… kung anu-ano talagang mga kalokohan ang ginagawa ‘pag nagkakasama-sama,” sabi nito.

Lumapit si Rexy kay Jordan para kunin ang kanyang cellphone. Tumabi pa ito ng upo sa kaibigan. Pinaglaruan ang cellphone sa kamay. Saka may ibinulong kay Jordan. “’Tol, tulad ng sabi ko, hindi kita ipahahamak kay Joan…. kahit kanino. Pangako ko sa ‘yo ‘yan, ‘di ba?” Ani Rexy bago tumayo at tinungo ang terasa. Napatingin lang si Jordan sa papalayong kaibigan. (Itutuloy)
====================================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 45

“BUKAS PALA, BABALIK na ako sa probinsiya namin,” banggit ni Reylita kay Jordan. Kabibili lang ng sigarilyo ng binata.

“Ha? Bakit?” tanong agad ni Jordan.

“Gusto ni Tita, e. Mas mabuti raw na kasama ako ng mga magulang ko. Saka, hindi rin naman daw niya ako mapag-aaral dito,” sagot ni Reylita.

Napatango lang si Jordan. “Anong plano mo?” Tanong niya uli.

“Gusto ko sana, mamasukan na lang muna ako habang nandirito ako. Pero, sabi ni Tita, kung ‘yon lang din naman ang gagawin ko, do’n na lang sa amin, malapit pa raw sa mga nanay ko,” medyo malungkot na sabi ni Reylita.

“Paano ‘yon, ‘di hindi ka na namin makikita? Text na lang tayo,” sabi ni Jordan.

Ngumiti lang si Reylita. “Basta kung ano ‘yung nangyari….”

“Sus, dapat nga ngayon pa lang hindi mo na binabanggit,” putol agad ng binata. “Teka, papayagan ka pa kaya ng tita mo mamaya? Despedida, kumbaga, para sa ‘yo.”

“Ewan ko. Pero subukan ko,” ani Reylita.

“Sige, pasok na ako,” paalam ni Jordan.

“ANO ‘YUNG SINASABI nina Rexy na gimik sa Batangas sa Sabado?” Tanong ni Joan sa nobyo. Nasa canteen sila ng campus.

“Outing saka overnight yata. Inaya ka nila?” Sagot ni Jordan.

“Tineks lang sa akin ni Rexy, kung gusto ko raw sumama?”

Si Rexy, nagte-text na ngayon kay Joan. Nakuha na ng barkada niya ang loob ng nobya niya? Hindi magkasundo ang dalawa sa simula’t simula. Dahil siguro sa nangyari kaya napalapit si Joan kay Rexy.

“Ows? Friends na kayo ni Rexy?” Biro ni Jordan sa nobya. “Kelan pa?”

“Sira!” Sagot agad ni Joan. “Marami yatang alam na sikreto mo ang kaibigan mo sa ‘yo. Kaya siya ngayon ang bestfriend ko!” Ganting-biro pa ng dalaga.

Natawa lang si Jordan. “Ano naman ang isisikreto ko pa sa ‘yo?” Sabi ni Jordan na pasimpleng hinimas ang hita ni Joan sa ilalim ng mesa.

“O, nagsisimula ka na naman ng kalokohan d’yan!” Sabi ni Joan sabay tampal ng kamay sa nobyo.

“Anong oras ang next class mo?” Tanong ni Jordan.

“Bakit?” Tanong din ni Joan, pero alam na niya kung ano ang ibig sabihin ng nobyo.

WALA PA SI Rexy nang dumating sila sa boarding house. At hindi agad darating ‘yon. Tineks ni Jordan.

Pagpasok pa lang sa kuwarto, agad na naghinang ang mga labi ng dalawa. Si Joan ang mas mapusok. Animo’y sabik na sabik sa bibig ng nobyo. Naglumikot agad ang dila sa bibig ni Jordan. Ginagalugad ang bawat sulok nito. Nakikipaglaro sa dila ng nobyo. Sinisipsip pa ito.

Mabilis naman ang kamay ni Jordan. Hinimas agad ang dibdib ni Joan sa ibabaw ng blouse nito. Marahang piniga-piga. Ramdam niya ang reaksiyon ng katawan ng nobya sa kanyang ginagawa. Nadama ni Jordan na tumayo agad ang mga utong ni Joan sa ilalim ng bra nito.

Agad na kumilos ang mga kamay ni Jordan para isa-isang alisin ang butones ng blouse ng nobya. Hindi naghihiwalay ang magkalapat na bibig na dalawa. Nang matanggal ang mga butones, itinaas na lang ni Jordan ang bra ni Joan at sinimulang simsimin ang korona ng kanang suso ng nobya. Hinagod muna ito ng kanyang dila, paikot-ikot, bago niya ito sinipsip.

“Ooohhh…” ungol ni Joan sa ginagawa ni Jordan. Nahawakan niya ang batok ng nobyo. Tila iginigiya pa ng dalaga ang binata sa dapat nitong gawin.

Panay naman ang lamas ng isa pang kamay ni Jordan sa kabilang suso ng nobya. Tila tinutukso pa nito ang utong ni Joan sa tuwing marahan niya itong nilalapirot.

Bumaba na ang isang kamay ni Jordan sa pagitan ng mga hita ng dalaga. Sinapo ang tambok ng nobya. Basa na ang panty ni Joan. May kakaibang init na nagmumula sa bukana ng pagkakababae nito. Hinimas-himas ni Jordan ang pagkababae ni Joan sa ibabaw ng panty nito.  (Itutuloy)

Katleah’s Sexcapades: Barkada (chapter 31-40)

Katleah’s Sexcapades: Barkada 31


PABILIS NANG PAGBILIS ang pagkilos ng mga kamay ni Reylita sa kanyang hiyas. “Ooohh… malapit na ako… malapit na ako…” paulit-ulit na usal ni Reylita. Gumigiling ang balakang ng dalaga, sumasabay sa paglalaro ng kamay sa kanyang kaselanan.

Isang kakaibang sayaw ang pinanonood nina Jordan, Rexy at Chona. Abala na rin ang tatlo sa paglalaro sa kanilang kaselanan.

“Ano pang hinihintay mo, ‘tol?” Bulong ni Rexy kay Jordan. “Pasukin mo na,” utos pa nito sa kaibigan.

Nakatindig nang muli ang kargada ni Jordan. Titig na titig ang binata sa basang-basa at mapulang bukana ni Reylita. Tumayo siya mula sa katre, lumapit sa dalagang nakahiga sa sahig.

“Sige na, Jordan… sige na…” usal ni Reylita. Lumuhod sa pagitan ng mga nakabukang hita ng dalaga si Jordan. Iniumang ang kargada sa bukana ng tindera. Inabot pa ni Reylita ang pagkalalaki ni Jordan, iginiya sa kanyang lagusan. Isang ulos lang ng binata, bumaon na agad sa kaibuturan ng dalaga ang kahabaan ng kanyang kargada.

“Ooooh…” mahabang ungol ni Reylita nang maramdaman ang pagsagad ng pagkalalaki sa kanyang hiyas.

Nagsimulang kumadyot si Jordan. Madulas na madulas ang lagusan ni Reylita. Suwabe ang paglabas-masok ng kanyang kargada. Sinasabayan pa ng dalaga ang bawat lagapak ng kanyang pagkalalaki sa tuwing sumasagad ito sa kanyang kaibuturan.

Nagpang-abot na rin ang mga bibig ng dalawa. Nagpingkian ang mga dila. Nagsalitan ng paglalaro sa loob ng bibig nila.

Kitang-kita nina Chona at Rexy ang paglabas-masok ng kargada ni Jordan sa hiyas ni Reylita. Siyang-siya sila sa panonood sa dalawa. At lalong nagpasidhi sa kanilang pagnanasa ang eksena sa kanilang harapan. Nagsimulang maglaplapan ang magsyota. Agad na dinakma ni Rexy ang malulusog na dibdib ni Chona. Nilamas-lamas. Itinuloy naman ng dalaga ang paglalaro sa tigas na tigas na kargada ng nobyo. Mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang kamay sa kahabaan nito.

Bumitiw si Chona sa pakikipaghalikan kay Rexy. “Higa ka sa tabi ni Reylita,” utos niya sa nobyo. Tumalima agad si Rexy. At nang makapuwesto sa tabi ng tindera, inabot niya ang isang suso nito at nilamas. Pinaglaruan ang utong.

Isinubo ni Chona ang kargada ni Rexy. Sinuso. Dinila-dilaan ang kahabaan at palibot ng ulo nito, at saka pumuwesto sa ibabaw ng nobyo. Iniumang ni Chona ang kargada ni Rexy sa kanyang hiyas. At dahan-dahan niya itong inupuan hanggang sumagad sa kanyang kaibuturan. Nagsimulang umindayog si Chona sa ibabaw ng nobyo. Hindi taas-baba ang galaw kundi pakiskis.

Nabasa ni Rexy sa koleksiyon niya ng men’s magazine na sa ginagawa ni Chona, ang pagsayad ng kuntil nito sa kanyang puson ang nagdudulot ng matinding sensasyon. Kaya nakatingala na ang nobya habang nilalamas nito ang mga suso. Kanina lang nawasak ni Rexy ang pagka-birhen ni Chona, pero ngayon ay tila wala nang sakit na nararamdaman ang nobya.

Napangiti si Rexy sa nasasaksihan niya. Si Jordan na bumibilis na ang pagkadyot kay Reylita. Abut-abot na ang hingal ng dalawa na hindi bumibitiw sa paghahalikan nila. At ang nobya niya na tila isang exotic dancer sa paggiling sa ibabaw niya. Hindi niya akalain na higit pa ang mangyayari sa plano nila ni Chona.

“Ahh…ahhh… lalabasan na ako,” usal ni Jordan. Mabilis na ang bawat ulos sa lagusan ni Reylita. Paluhod na pumuwesto ang binata sa pagitan ng mga hita ng tindera.

Sinaklit ni Chona ang batok ni Jordan. Ginagap ang bibig nito. Naghalikan ang dalawa habang sabay na umiindayog sa ibabaw ng kanilang mga kapareha.

Kakaiba ang halikan ng dalawa. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi libog ang nakita ni Rexy sa ginagawa ng dalawa. Bigla ay nakaramdam ng selos ang binata. (Itutuloy)
=============================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 32


ANIMO’Y mga hineteng nagkakarera sina Jordan at Chona sa ginagawa nila. Walang humpay ang pagtarak ni Jordan ng kanyang kargada sa hiyas ni Reylita. Halos mamilipit na sa sobrang sarap ang dalagang nasa ilalim niya. Nangunyapit na ang dalawang hita nito sa bewang ni Jordan.

Para namang nasa see-saw si Chona sa pagtaas-baba ng kanyang balakang habang nasa ibabaw ni Rexy. Kitang-kita ng nobyo ang paglabas-masok ng kargada nito sa kanyang nakabukang hiwa.

Magkahinang pa rin ang mga bibig nina Jordan at Chona. May sundot na selos na nadama si Rexy. Pero mas nanaig sa kanya ang matinding pagnanasa. Ipinaling niya ang kanyang mukha kay Reylita. Ginagap ang bibig ng tindera. Sa dalaga niya ibinuhos ang tila pagkainis sa nobya. Naglaro ang mga dila ng dalawa.

Pero bumitiw agad si Reylita sa halikan nila. “Oooohhh… ‘ayan na… ‘ayannn na.. Oooohh…” sunod-sunod na ungol nito. Dinaklot ni Rexy ang mga suso ni Reylita. Nilamas nang husto.

At halos mapasigaw ang dalaga nang marating ang glorya. Ramdam na ramdam ni Jordan ang pagkipot ng lagusan ni Reylita at ang mainit na likido sa kaibuturan ng dalaga. Mas binilisan pa niya ang pagkadyot kay Reylita. Lumalagapak ang tunog ng ulos niya sa lagusan ni Reylita.

“Lalabasan na rin ako…aahhh….” usal ni Jordan. Biglang hinugot ng binata ang kargada niya. Sa ilang pagtaas-baba ng kamay sa kahabaan nito, pumulandit ang masaganang katas ni Jordan. Tumilamsik sa puson ni Reylita, sa tiyan, sa mga suso. Halos maligo ang dalaga sa dami ng lumabas na katas kay Jordan.

“Ooohh…ohhh…” ungol naman ni Chona. Inabot ng bibig ni Jordan ang kaliwang utong ng dalaga, sinipsip at pinaglaruan ng dila. Bumangon si Rexy at sinapo rin ng kanyang bibig ang kanang utong naman ng nobya. Sabay sila ni Jordan na pinagpasasaan ang suso ng dalaga.

Hindi magkamayaw si Chona sa sensasyong nadarama. Parehong niyang nasasabunutan ang magkaibigan. Nang tumigil ang dalaga sa pag-indayog, si Rexy naman ang nagsimulang kumadyot. Itinulak niya ang nobyo para humiga. Kahit siya ang nakaibabaw sa nobyo, ito naman ang patuloy na kumakadyot sa kanyang hiyas.

“I’m coming… ohhh…” ungol ni Chona. Oooh… ooohhh…”

Binilisan pa ni Rexy ang pagkadot. Malapit na rin siyang labasan. “Aahh… ahhh… malapit na rin ako,” nasabi ng binata. Sumabay na si Chona sa pagkadyot ng nobyo. Gusto niyang sabay sila ni Rexy na makarating sa glorya.

Ilang sandali pa at isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig ni Chona. “Oooohh… ang sarap-sarappp…” paulit-ulit na sabi ng dalaga. Tumigil ito sa pagsabay sa kadyot ng nobyo. Ninanamnam ang sensasyong dulot ng orgasmo at ang patuloy na paglabas-masok pa kargada ni Rexy sa kanyang madulas na lagusan.

Sunud-sunod na pagpintig ng kargada ng nobyo ang nadama ni Chona sa kanyang kaibuturan. Ilang segundo na lang ay puputok na ang kargada nito, kaya agad niyang hinugot ang kargada ng nobyo. Mabilis na binayo hanggang pumulandit ang mainit at malagkit na katas mula rito. Sa lakas ng talsik, may mga patak pa na napunta sa mukha ni Chona. Hindi niya tinigilan ang pagtaas-baba ng kamay sa pagkakalaki ng nobyo. Punumpuno na ng puting katas ang kamay ni Chona.

Kumiwal-kiwal ang katawan ni Rexy, tanda na patuloy na dumadaloy sa kanyang punong-katawan ang matinding sarap. Abot ang hingal ng binata nang tila nasaid ang katas na bumulwak sa kanyang pagkalalaki.

Humiga si Chona sa pagitan nina Reylita at Rexy. Pumuwesto naman si Jordan sa tabi ng tindera. Amoy na amoy sa silid ang mga likidong nanggaling sa kanilang mga katawan.

Walang nagsasalita sa apat. Wari’y ninanamnam pa nang husto ang nangyari sa kanila. (Itutuloy)
=============================================================

Katleah's Sexcapades: Barkada 33

UNANG BUMANGON SI Jordan. Tinungo ang banyo. Walang kibo. Bumangon na rin si Reylita, hinanap ang mga damit. Nanatiling nakahiga sina Chona at Rexy habang nagbibihis ang tindera.

“U-Uwi na ako,” sabi ni Reylita. Walang kumibo sa magsyota. Tumagilid pa si Rexy. Bumangon si Chona at sa katre naman pumuwesto ng higa.

“Maaga pa naman. Ubusin muna na natin ‘yung beer. Marami pa ring pagkain,” sabi ni Chona habang pinanonood si Reylita na inaayos ang sarili. Nakatulog na si Rexy, napansin ng dalaga. Niyugyog niya ang nobyo. “Huy, uuwi na raw si Reylita,” sabi niya kay Rexy. Umungol lang ang binata. Tumango.

“Napagod ang loko!” Natatawang sabi ni Chona.

“W-Wala namang makaaalam ng ginawa natin, ‘di ba?” Tanong ni Reylita.

Umiling si Chona. “Maliban na lang kung ikukuwento mo,” sabi pa niya.

“Ba’t ko naman ikukuwento?” Sagot ng tindera.

“Puro tayo siraulo, ‘no?” Sabi ni Chona.

Hindi kumibo si Reylita. Wari ni Chona, nahimasmasan na ang tindera. Tila hiyang-hiya na ngayon ang hitsura nito. “Okay ka lang, Reylita?” Tanong niya.

“Oo naman!” Sagot nito, pero hindi na makatingin ng diretso kay Chona. Bigla ay tumulo ang luha ni Reylita.

“Ba’t ka umiiyak?” Tanong ni Chona.

Umiling si Reylita. “W-Wala,” sagot nito. “Ganito na yata talaga ako. Kahit saan ako magpunta…”

Hindi na naituloy ng dalaga ang sasabihin nang lumabas mula sa banyo si Jordan. “O, bakit?” Tanong niya.

Nagkibit-balikat lang si Chona at itinuro si Reylita. Isinenyas kay Jordan na umiiyak ito.

“Bakit?” Baling ng binata kay Reylita.

Umiling-iling lang ang dalaga. “Uuwi na ako,” sabi na lang nito.

Napatingin muli si Jordan kay Chona. Nagtatanong ang mga mata. Pero hindi nagsalita si Chona. Nagsimula na rin itong magbihis. Muling niyugyog ng dalaga si Rexy. Ginigising. Pero walang reaksiyon sa nobyo.

“Para talagang mantika matulog ‘to!” sabi ni Chona. Tinampal pa ang balikat ni Rexy, pero hindi pa rin ito nagising. “Teka, sabay na ako sa ‘yo,” sabi ni Chona kay Reylita. “CR lang muna ako.”

“May problema ba, Reylita?” Tanong ni Jordan habang nagbibihis.

“Wala…” tugon ng tindera. “Nakagawa na naman kasi ako ng kalokohan. Baka malaman ito ng tita ko.”

“Basta ba walang magkukuwento,” sabi ni Jordan. “Kain muna tayo. Nagutom ako,” aya niya kay Reylita.

Lumapit ang tindera sa mesa. “Beer ka pa?” Alok ni Jordan.

“’Wag na, mahirap nang malasing. Baka…”

“Teka, hindi pa nga tayo lasing nu’n kanina!” Natawang sabi ni Jordan. Natawa na rin si Reylita.

“O, ‘kala ko ba uuwi na tayo?” Tanong ni Chona nang maabutan na kumakain ang dalawa.

“’Lika kain muna tayo,” ayaw ni Jordan.

“Sabagay, nakakagutom din,” sabi ni Chona. Pumuwesto siya sa tabi ni Reylita. Kumuha ng pagkain.

“L-Lagi n’yo ba itong ginagawa?” Tanong ni Reylita.

Nagkatinginan sina Chona at Jordan, sabay na malakas na napatawa. “Hindi. Ngayon lang nangyari ‘to,” sagot ni Jordan.

“Ngayon lang nangyari ‘yung ganito, pero…” pabulong na sabi ni Chona, hindi na niya natuloy dahil tiningnan siya ni Jordan. Pinigilan sa sasabihin pa. Alam niya na ang sasabihin ni Chona ay ang kalokohan nilang dalawa kapag wala si Rexy.

“Ikaw, ngayon mo lang nagawa ‘to?” Tanong naman ni Jordan.

“H-Hindi. Kaya nga ako pinatira rito, kasi… maloko raw ako,” sagot ni Reylita.

Nagkatinginan uli sina Chona at Jordan.

Patuloy ni Reylita, “Kaya ‘pag nalaman ito ng tita ko, baka pauwiin na lang uli ako sa probinsiya.” (Itutuloy)
=============================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 34

WALANG KIBUANG KUMAIN ang tatlo. Hindi na itinuloy ni Reylita ang kuwento niya. Wala naman kina Jordan at Chona ang gustong mag-usisa pa. Tila nagkailangan na ang tatlo.

“Basta, wala sanang makaalam nito,” sabi ni Reylita. “Baba na ako,” paalam na nito. Tumayo ang tindera.

“Sabay na tayo,” sabi ni Chona.

“Hatid ko na lang kayo,” alok ni Jordan.

Sabay-sabay na tumayo ang tatlo. Nilapitan ni Chona ang nobyong natutulog. Napangiti siya nang marinig na naghihilik pa ito. Nakakatawa ang hitsura ni Rexy, nakahubo’t hubad pa ito. Hindi na nakuhang magbihis. Nakatagilid nang higa.

Kinuha ni Chona ang kumot sa katre at kinumutan ang nobyo. Nang muling mapagmasdan ang mukha nang natutulog na si Rexy, pumitlag ang puso niya. Mahal niya ang nobyo – mahal na mahal, kaya siguro siya sunud-sunuran dito. Hinalikan niya sa pisngi si Rexy. Bakit ba gusto niyang maiyak? Pero pinigilan ni Chona ang sarili.

Nakatayo na sa pintuan sina Jordan at Reylita. Wala muling imikan sa tatlo habang pababa sila. Bukas pa ang tindahan nang ihatid nina Jordan at Chona si Reylita.

“S-Salamat,” sabi ng tindera sa dalawa at tuluy-tuloy na itong pumasok sa tindahan.

“Ako na, tita, ang magbabantay…”

“Hindi na, matulog ka na…”

Narinig nina Jordan at Chona ang pag-uusap ni Reylita at ng tita niya. “Hatid na kita,” alok ni Jordan kay Chona.

“’Wag na, malapit lang naman ako. Lakarin ko na lang,” tanggi ng dalaga.

“Gabi na. Mas maiging may kasabay ka, kaya hatid na kita,” sabi uli ni Jordan. Hindi na nakatanggi si Chona.

Habang naglalakad, tila walang gustong mag-umpisang magkuwento kina Jordan at Chona.

Si Chona ang unang nagsalita. “Ano ang iniisip mo?” Tanong nito.

“Tungkol saan?”

“Sa lahat… sa nangyari sa atin kanina,” ani Chona.

“W-Wala… Ewan ko. Nangyari ba talaga ‘yon?” Medyo natatawang tanong ni Jordan.

“Oo naman! Masakit pa nga, e,” biro naman ni Chona.

“Ang alin?” Tanong ni Jordan. Tiningnan lang siya ni Chona. At sabay na natawa ang dalawa.

“Mahal mo ba si Rexy?” Biglang tanong ng binata.

“Bakit mo tinatanong?”

“W-Wala. Tanong lang…”

“Ikaw, mahal mo ba si Joan?” Tanong naman ni Chona.

“Hmmm… Oo. Siyempre. Bakit mo rin tinatanong?”

“Wala. Tanong lang din,” sagot ni Chona. Muling nagkatawanan ang dalawa.

Patay na ang ilaw sa bahay nina Chona ng makarating sila rito maliban sa isang bombilya na nasa labas na nakasindi pa. Tumayo muna ang dalawa sa harap ng gate.

“Sama ka ba sa outing sa Sabado?” Tanong ni Chona.

“Hindi ako sure, e. Wala akong budget, alam mo naman…” sagot ni Jordan.

“Sana makasama kayo ni Joan,” ani Chona. Nagtama ang tingin ng dalawa. Nag-usap ang kanilang mga mata. At naglapat ang kanilang mga labi. Nang bumitiw si Chona, bigla nitong sinabi, “Mahal din kita, Jordan. Alam mo ‘yon…” (Itutuloy)
=============================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 35

HINDI MAKAPANIWALA SI Jordan sa tinuran ni Chona. Pero alam niyang totoo ‘yon. Nakatitig sa kanya si Chona, naghihintay ng sasabihin niya. Pero hindi alam ni Jordan kung ano ang itutugon niya kay Chona. Sa girlfriend ng kaibigan niya.

May tumulong luha kay Chona. “Hindi ako masamang tao, Jordan,” garalgal ang boses na sabi ng dalaga. “Ginagawa ko lang ‘to dahil gusto ni Rexy. Mahal ko rin ang kaibigan mo. Weird? Pero gusto ko ring mapalapit sa ‘yo. Hindi mo siguro ako maiintindihan, Jordan.” Pinahid ni Chona ang luha sa kanyang mga mata. “Sige na,” sabi nito at saka tumalikod.

Maraming katanungang tumatakbo sa isipan ni Jordan. Pero maski man siya ay walang kasagutan. Naging mapusok sila, ‘yon ang gustong isisi ni Jordan sa mga ginawa nila. Nagpadala sa tawag ng laman. Pinagsisihan niya ba ito ngayon?

Napailing si Jordan at nagsimulang maglakad pauwi. Tulad ng kasunduan nila kanina, dapat kalimutan na lang nila ang nangyari. Walang dapat na makaalam.

Pero may ibang plano si Rexy.

Nang makaalis ang tatlo, bumangon ang binata. Nagtulug-tulugan lang pala ito. Agad na nagbihis si Rexy. Kinuha ang kanyang knapsack na nakapuwesto sa ibabaw ng isang silya. Nagmamadali nitong inilabas ang isang cellphone. Tumatakbo pa ang video mode. Pinindot niya ang ‘Stop’ at hinintay mag-save ang video sa cellphone. Pinindot niya ang Play Video, napangiti si Rexy.

Kuhang-kuha ang lahat ng eksena nilang apat. Nai-video niya ang nangyari kanina.

Una ang eksena nina Jordan at Reylita. Sumunod ang pagsali nila ni Chona sa dalawa.

Muling nabuhay ang init sa katawan ni Rexy habang pinanonood ang eksena nilang apat. Kahit sinong makapanood ng ginagawa nila, tiyak na malilibugan. Katulad niya na nakahawak na sa kargadang muling naghumindig.

Syet! Sana nandito pa si Chona at sabay nilang pinanood ito, naisip ni Rexy nang magsimulang magtaas-baba ang kanyang kamay sa kanyang pagkalalaki.

Bumilis ang kamay ng binata sa paglalaro sa kanyang sarili. Pansamantala lang tumigil upang humiga sa katre. Habang nakahiga at pinanonood ang mainit nilang eksena sa video, mas lalong bumilis ang pagtaaas-baba ng kanyang kamay sa kahabaan ng kargada.

“Ahh…ahhhh….” ungol ni Rexy. Mahigpit ang pagkakasalikop sa pagkalalaki habang titig na titig sa palabas sa hawak na cellphone.

Malapit nang lumabas ang mainit na likido sa kanyang puson. Binitiwan ni Rexy ang cellphone upang mapaglaruan niya naman ang kanyang mga utong. Nilapirot niya ito. Nagpalipat-lipat sa dalawang utong ang kamay ni Rexy.

Hanggang hindi na napigilan ng binata ang pagpulandit ng kanyang mainit na katas. Kumalat ‘yon sa kanyang puson. Tumalsik ang iba sa bandang dibdib. Pero hindi tumigil sa pagtaas-baba ang kamay ni Rexy.

Bumukas ang pinto. Si Jordan. “’Tol…” sabi nito. Pero hindi na naituloy ang sasabihin nang makita ang ginagawa ng kanyang kaibigan. (Itutuloy)
=============================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 36

BAHAGYA LANG NAGULAT si Rexy sa pagdating ni Jordan. Pero hindi tinakpan ang kahubdan. Inabot ng binata ang t-shirt na nasa tabi. Ipinunas ‘yon sa nagkalat na katas sa kanyang katawan. Saka ibinato kay Jordan. Pabiro. Sinalag ni Jordan ang damit. Walang kibo na lumapit sa mesa ang binata at kumuha ng isang beer. Mainit na ang alak. Tunaw na rin ang mga yelo. Pero tinungga na rin ni Jordan ang alak.

Tumawa si Rexy. “’T***na, ‘tol! Ang lupet… ang lupet!” Paulit-ulit na sabi nito. Tumayo ito. Nakahubo’t hubad. Nakatindig pa rin ang harapan. At saka lumapit sa mesa. Kumuha na rin ng isang beer. “Ubusin na natin ‘to, ‘tol,” sabi ni Rexy. “Cheers!”

Gusto sanang utusan ni Jordan na magbihis muna si Rexy. Kaharap niya kasi ang barkada, nakahubo. At nakaturo sa direksyon niya ang kargada nito. Tila naaalibadbaran si Jordan sa hitsura ng kaibigan.

“Naihatid mo si Reylita? Anong sabi ng tita niya?” Tanong ni Rexy.

Tumango si Jordan. “Wala namang sinabi ang tiyahin niya,” aniya pa.

“Eh, si Chona…”

“Nakauwi na rin,” sabi agad ni Jordan.

“Lintek ka, ‘tol. Tinalo mo ako! Syota ko ‘yung kinana mo kanina!” Sabi ni Rexy, pero hindi ito galit. Natawa pa. “Ang lupet din ni Reylita, ‘no?”

Hindi alam ni Jordan kung ano ang itutugon kay Rexy. Gusto niyang lumabas ng bahay. Iwan muna ang kaibigan. Puntahan si Joan. Hindi maintindihan ni Jordan ang tumatakbo sa utak niya. Lalo na nang maisip niya ang nobya.

Pagsisisi ba ang nararamdaman niya? Guilt?

Pero ngayong muling sumasagi sa isip niya ang nangyari sa kanilang apat kani-kanina lang, nag-iinit na naman ang katawan niya. Pilit na pinaglalabanan ni Jordan ang mga imahe sa utak niya: ang hubo’t hubad na mga katawan nila – si Chona at si Reylita, siya at si Chona, siya at si Reylita, siya at sina Chona at Reylita, si Rexy at si Reylita, si Chona at Reylita at si Rexy – silang apat na naglulunoy sa tawag ng laman.

“’Tol… ‘tol… lumilipad na naman utak mo,” pukaw ni Rexy sa kanya. “Bitin ka pa?”

Umiling si Rexy. Sinaid ang laman ng bote ng alak na hawak-hawak. Sobrang pait.

“Ako… bitin na bitin pa!” Narinig ni Jordan na sabi ng kaibigan. Muli na naman itong tumawa.

‘T***na, ‘tong si Rexy. Hindi yata mauubusan ng libog sa katawan! Naisip ni Jordan. Hindi na nga kailangan pang ideklara ng kanyang kaibigan ang takbo ng utak. Kitang-kita niya ang tigas na tigas na pagkalalaki ni Rexy.

“Teka, ‘tol. ‘Di yata patas, ah! Ako, hubo’t hubad dito, ikaw bihis na bihis!” Sabing bigla ni Rexy. Napansin yata nito ang panakaw niyang tingin sa harapan nito. “Pareho naman tayong barako rito, ‘tol,” sabi pa nito.

“Salsal tayo,” kaswal na sabi ni Rexy. Medyo lumiyad pa ito sa pagkakaupo at saka sinimulang laruin ang pagkalalaki.

“’Pre, wala na yata akong ibubuga,” nasabi ni Jordan.

“Kalokohan! Malibog ka ring tulad ko!” Tukso ni Rexy. “Ano, panonoorin mo na lang ako? Ano ka, nasa gay bar?” Sabi pa ng kaibigan na sinabayan ng pagtawa.

Parang napahiya sa sinabi ng kaibigan, tumayo si Jordan. Unang hinubad ang T-shirt. Tinanggal sa pagkakabutoes ang maong. Ibinaba ang zipper. At saka tuluyang hinubad ang pantalon.

“O, kitam… Bitin ka pa rin,” sabi ni Rexy. Tumawa.

Nakasungaw na kasi sa briefs ni Jordan ang ulo ng kargada. Tigas na tigas.

“Dali, ‘tol! Malapit na ako sa finish line,” muling sabi ni Rexy, patuloy ang pagtaas-baba ng kamay sa pagkalalaki.

Hinubad ni Jordan ang kanyang briefs. (Itutuloy)
=============================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 37


SINIMULAN NI JORDAN na paglaruan ang kanyang pagkalalaki. Mabilis agad ang pagtaas-baba ng kanyang kamay. Nagmamadali. Hindi siya umalis sa kinatatayuan.

“’Tangna, ‘tol. Sa iba ka pumuwesto,” utos ni Rexy. “Baka sa akin tumalksik ‘yan.” Tumawa pa ito.

Pero hindi pinansin ni Jordan ang sinabi ng kaibigan. Patuloy siya sa kanyang ginagawa. Hindi maipaliwanag ng binata kung bakit biglang may namuong galit sa dibdib niya para kay Rexy.

Pakiramdam ni Jordan ay ginawa silang sunud-sunuran ng kaibigan.

“Ano ba, ‘tol…” Hindi na naituloy ni Rexy ang sasabihin dahil biglang kinabig ni Jordan ang batok nito. Idinukdok ng binata ang mukha ng kaibigan sa nakahumindig niyang kargada.

Naramdaman ni Rexy ang mainit na pagkalalaki ni Jordan sa mukha niya. Dalawang kamay na hinawakan ng kaibigan ang ulo niya at saka ikinanyod ang kargada nito sa labi niya. Pilit ipinapasok sa bibig niya.

“P***ngna ka…!” Palag ni Rexy.

“’Di ba malibog ka? Malibog tayong dalawa? ‘T***na ka, susuhin mo ako ngayon!” Sabi ni Jordan, patuloy na ikinakanyod ang harapan sa mukha ng kaibigan.

Malakas na itinulak ni Rexy si Jordan. Bumalandra ito malapit sa katre. Muntik nang tumama ang ulo sa kanto ng higaan. Matatawa ang makakakita sa hitsura ng binata na napahiga sa sahid. Nakabuka ang dalawang hita. Nakalalay ang dalawang itlog. At tirik na tirik ang pagkalalaki.

Sinugod ni Rexy si Jordan. Kinubabawan. Susuntukin niya na ito, pero biglang sinaklit ni Jordan ang batok niya. Malakas nitong hinigit ang mukha ni Rexy palapit sa kanyang mukha. Ginagap ni Jordan ang bibig ni Rexy. Agad na ipinasok ang dila sa loob.

Nagpumiglas si Rexy. Pero mahigpit ang kapit ni Jordan sa kanyang batok. Patuloy na kinuyumos siya ng halik ng kaibigan. Malikot ang dila ni Jordan sa bibig niya. Patuloy na pumalag si Rexy sa ginagawa ni Jordan. Pero hindi bumibitiw ang kaibigan sa ginagawa nitong paggalugad sa bibig niya.

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Jordan sa batok ni Rexy. Nabawasan na rin ang pagpalag ni Rexy. Kahit medyo nag-aalangan, gumanti ang dila niya sa dila ni Jordan. Nagsimulang makipaglaro.

Naramdaman ni Rexy ang pagbundol ng matigas na pagkalalak ni Jordan sa hiwa ng kanyang puwet. Mainit. Doon tila nahimasmasan ang binata. Tumigil siya sa pakikipaghalikan kay Jordan. Nagkatinginan ang dalawa.

Tatayo na sana si Rexy pero pinigilan siya ni Jordan, sabay sabing, “Bakit, natatakot ka? Katuwaan lang naman ‘to, ‘di ba? Lahat naman ng ginagawa natin, katuwaan lang. Kalokohan lang. ‘Di ba? Walang pinagkaiba ito sa mga ginawa na natin.”

Hindi nakakibo si Rexy sa tinuran ni Jordan. Bakit nga siya maduduwag ngayon? Siya naman ang nagsimula ng lahat. May mawawala ba sa kanya? Wala naman. May mababago ba sa pagkakaibigan nila ni Jordan? Wala. Kung meron man dapat noon pa. Nu’ng malaman niyang may nangyayari kay Chona at Jordan. Hindi siya kailanman umiwas na mapasubo sa kumplikadong sitwasyon. Tulad ngayon.

Hinawakan ni Jordan ang kargada ng kaibigan. Hindi pumalag si Rexy. Pumikit na lang siya. Naramdaman niya ang pagdampi ng mga labi ng kaibigan sa isa niyang utong. Naglaro ang tulis ng dila ni Jordan sa paligid nito.

Napahawak si Rexy sa batok ng kaibigan. Hinahagud-hagod.

Nagtaas-baba ang kamay ni Jordan sa pagkalalaki ng kaibigan. Mabagal. Ayaw niyang madaliin. Ramdam niya sa palad ang pagpintig nito. Sumasabay sa kabog ng kanyang dibdib.

“Katuwaan lang ito. Katuwaan lang ito…” Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ni Jordan. (Itutuloy)
=============================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 38

PATULOY NA NAGTAAS-BABA ang kamay ni Jordan sa kahabaan ng kargada ni Rexy. Sa umpisa ay mabagal hanggang sa bumilis ang galaw ng kanyang kamay. “Ahhh…ahhh,” namutawi sa bibig ng kaibigan.

Kumilos na rin ang kamay ni Rexy. Inabot niya ang mainit na pagkalalaki ni Jordan na bumubundol sa kanyang puwitan. At isinabay ang kilos ng kamay sa ginagawa ni Jordan sa kanyang kargada. Naging malikot ang dila ni Jordan. Nagpalipat-lipat sa mga utong ni Rexy. Dinidilaan at sinisipsip.

Tuluyan nang nawala ang pag-aalinlangan sa isip ni Jordan. Nagpatangay na siya sa tawag ng laman. Sa buyo ng init na nanalaytay sa kanyang punong katawan. Ramdam na ni Jordan na pareho na silang natangay na magkaibigan.

Tumigil ang kamay ni Rexy sa paglalaro sa kargada ni Jordan. Ginagap niya ang mukha ng kaibigan at mariin nitong hinalikan ang bibig ni Jordan. Naglaro ang kanilang mga dila. Habang panay ang kanyod ni Jordan sa pisngi ng puwitan ni Rexy hindi naman tumitigil ang nakasalikop niyang mga palad sa pagtaas-baba sa kargada ng kaibigan. At sa tuwing nakararating sa pinakaulo, nilalaro niya ito nang husto. Kinakatas upang mas lalong dumulas.

Umangat ang puwet ni Rexy. Tila nanunuksong pinadausdos ang ulo ng kargada ni Jordan sa bukana ng kanyang puwet. Napahiran ng mainit na katas. Kumanyod si Jordan, pero agad na umiwas si Rexy.

“’Wag, ‘tol,” bulong niya sa kaibigan sa pagitan ng mainit nilang halikan.

Pumuwesto si Rexy sa ibabaw ni Jordan para magharapan ang kanilang mga nakahumindig na sandata. Hinawakan niya ang kargada ng kaibigan at muling sumabay sa ginagawa ni Jordan. Tila nagpapabilisan pa ang magkaibigan.

Impit ang mga ungol ng dalawang binata sa loob ng kanilang mga bibig. Walang gustong bumitiw sa halikan. Animo’y mga inasnang bulate ang pagkislot ng kanilang mga dila sa loob ng kanilang mga bibig.

“Ahhh… ahhh… lalabasan na ako…” usal ni Jordan. Ito ang unang bumitiw sa pakikipaghalikan kay Rexy. Mas lalong bumilis ang pagtaas-baba ng kamay ng kaibigan sa kanyang pagkalalaki.

Napatingala si Jordan. Binitiwan ang pagkakahawak sa kargada ng kaibigan. Humiga ang binata at hinayaan si Rexy na tapusin ang ginagawa. Nasa rurok na ng glorya si Jordan. Napakagat sa labi ang binata nang nagsimulang umalpas ang masagana niyang katas. Panay ang pulandit. Halos mapuno ang kamay ni Rexy na patuloy pa ring nagtataas-baba sa kanyang kahabaan.

“Aahhh…ahhhh…ahhhh…” ungol at hingal ni Jordan. Napapapikit ang binata sa matinding sensasyong kumubkob sa buo niyang katauhan. May konting sakit siyang naramdaman sa ilalim ng kanyang dalawang bola. Marahil ay nasaid na siya. Nakailan na ba sila ni Rexy ngayong gabi? Kaya siguro sa kabila ng sarap na nararamdaman ay may tila humihigit sa ilalim ng kanyang punong katawan.

Tumayo si Rexy. Itinuloy ang pagpapaligaya sa sarili. Nasa ilalim niya si Jordan. Nakahiga sa pagitan ng dalawa niyang mga paa.

Nakita ni Jordan ang ginagawa ng kaibigan. Alam niya ang balak nito. Pero hindi siya bumangon. Hihintayin niya ang gustong mangyari ni Rexy.

Pabilis nang pabilis ang pagtaas-baba ng kamay ng kaibigan sa kargada nito. Kitang-kita ni Jordan ang paninigas ng masel sa mga hita ni Rexy. At ang pagpulandit ng katas nito.

“Shiiittt… shiittt… ahhhh…” sabi pa ng kaibigan. Habang ang bawat talsik ng katas nito ay nagbagsakan sa hubad na katawan ni Jordan. Itinapat pa ni Rexy ang kanyang alaga sa mukha ni Jordan. Pumikit na lang ang binata. Hinayaang humilamos sa kanyang mukha ang katas ng kanyang kaibigan. Mainit. Malagkit. At tila walang katapusan. (Itutuloy)
=============================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 39

HALOS NALIGO SA katas ni Rexy ang katawan ni Jordan. At nang humupa ang pagpulandit nito, pabagsak na humiga ang binata sa tabi ng kaibigan. Abut-abot ang hingal ni Rexy. Nakapako ang mga mata sa kisame.

Mula sa kanyang ulunan, hinablot ni Jordan ang kumot na nasa katre. Ipinamunas sa nagkalat na katas ni Rexy sa kanyang katawan. Ilang minutong hindi nag-imikan ang dalawa. Napuno ng katahimikan ang kanilang kuwarto. Dinig na dinig nila ang ingay ng kalsada sa labas. Pati ang tibok ng kanilang mga puso, halos marinig na nila.

Si Rexy ang unang bumasag ng katahimikan. “Ano kaya ang sasabihin ng mga syota natin ‘pag nalaman nila ‘to?” Tanong niya.

Hindi sumagot si Jordan. Pero biglang natawa ang binata. Mahina sa simula. Hagikhik. Sinabayan siya ni Rexy. Ang mga hagikhik ng dalawa ay naging malakas na pagtawa. Kung may makaririnig sa kanila, iisipin na nasisiraan na ng bait ang magkabarkada.

Halos bumaluktot na ang katawan ni Rexy sa pagtawa. Si Jordan, sumandal sa katre. Hindi rin tumitigil sa pagtawa.

“Ano ang sasabihin nila?” Sabi ni Jordan sa pagitan ng pagtawa. “Bakla tayong dalawa!”

Lalong napabulanghit sa pagtawa si Rexy. “Ako, bakla?” Sabi pa nito, sabay sundot na biro, “Pero ang sarap mong humalik, ‘tol!”

Napahiga muli sa sahig si Jordan. Gumugulong sa katatawa.

Biglang tumigil sa pagtawa si Rexy. Sumeryoso ang hitsura. “Alam mo, ‘tol,” umpisa ng binata, “matagal ko nang alam ang nangyayari sa inyo ni Chona.”

Hindi naman ikinabigla ni Jordan ang tinuran ng kaibigan. Ramdam niya naman ‘yon kay Rexy kahit hindi aminin ng kaibigan.

“’Tol, s-sorry…” tanging nasambit ni Jordan.

Bumangon si Rexy. “Wala ‘yon,” sabi nito. “Barkada tayo. Kaibigan kita.” At saka tinungo ang banyo.

Tumayo na rin si Jordan. Hinanap ang mga damit. Nagbihis. Wala nang beer. Kumuha na lang siya ng isang sigarilyo sa mesa. Sa terasa muna siya. Magpapahangin. Magpapaantok. Bukas na niya iisiping mabuti lahat ng nangyari sa kanila ngayong gabi.

Alas-dos na nang madaling-araw. Pero gising pa ang mga tao sa lugar nila. Paroo’t parito. Aligaga pa sa ganitong oras. Ilan kaya sa mga taong ito ang katulad nila? Tanong ni Jordan sa sarili. Marami. Baka nga mas matindi pa sa kanila ang kayang gawin. Pinapalis niya lang ang guilt na nararamdaman, pag-amin sa sarili ni Jordan.

Namataan ng binata si Reylita. Nagliligpit na ng tindahan. Sa pagitan ng paghitit ng sigarilyo, naglaro na naman sa isipan ni Jordan ang kanina lang ay kalokohan nila.

Bahagyang natawa ang binata sa isipan: kalokohan. Pare-pareho sila ng kalokohan. Umiling-iling si Jordan, gusto munang iwaksi ang mga imahe sa isipan niya.

Nakaligo na si Rexy nang mapadaan sa pintuan ng terasa. “Hoy, bakla matulog ka na!” Sigaw na biro ng kaibigan na sinabayan ng pagtawa. Sinenyasan niya ng dirty finger ang kaibigan. Pero hindi niya ito nilingon.

Narinig ni Jordan ang paglangitngit ng katre. Sa taas ang puwesto ni Rexy. Nahiga na ito. Pareho kaya sila nang iniisip ngayon? Ibang klase ang kaibigan niya. Mahalaga lang kay Rexy ‘yung ngayon. Kapag lumipas na, tapos na ‘yon.

Pinitik palayo ni Jordan ang sigarilyo nang maupos na. Nagtama ang paningin nila ni Reylita. Pero hindi man lang ito ngumiti.

Lumapit sa katre ang binata upang kunin ang tuwalya. Nakita niya ang cellphone ni Rexy sa higaan. (Itutuloy)
=============================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 40

DINAMPOT ni Jordan ang cellphone ni Rexy. Malamang na may mga sikreto ang kaibigan niya na nasa cellphone. Mga video nito kasama si Chona – mga sex video? Dahil kung siya nga ay may video ng ginagawa ng magsyota, si Rexy pa kaya ang wala?

Bahagyang kumilos ang kaibigan. Umiba ng posisyon. Tumagilid paharap kay Jordan. Natigilan ang binata. Napatingin kay Rexy. Pero tulog na tulog na ito. Medyo naghihilik pa.

Hinanap ni Jordan ang ‘gallery’ sa cellphone. Binuksan niya ang unang video. Si Chona at Rexy, nagkakatuwaan at nagtatawanan ang laman. Pinatay niya agad ‘yon. Binuksan ang sumunod na video. Ganoon pa rin. Pinatay din agad ni Jordan ‘yon. Ang sumunod, si Chona na naka-panty at bra lang, nakahiga sa katre, sa higaan niya, tumatawa at kunwari ay sinasaway pa si Rexy sa pagkuha ng video sa kanya.

Magalaw ang simula ng sumunod na video. Nang umayos, ang nasa video ay ang katre nila ni Rexy, parang hinahanapan ng tamang anggulo. May mga boses na nag-uusap. Sigurado si Jordan na sina Chona at Rexy ‘yon. Tumigil ang paglikot ng video. Nakatutok na sa katre. Patuloy ang pag-uusap ng mga boses. Nahagip ng camera ang isa, si Chona, naglakad patungo ng katre. Umupo doon, pero hindi rin nagtagal. Pumuwesto naman ito sa mesa, kalahati lang ng katawan ang kita. Nag-uusap sila ni Rexy. Nagtatawanan.

May ikatlong boses sa video – boses na niya! At sumulpot si Reylita, nakatayo sa may pintuan, bahagya siyang natatakpan. Kumabog ang dibdib ni Jordan. Mga usapan ang sumunod na eksena. Tawanan. May ideya na si Jordan sa mga susunod na eksena. Nanginig ang kamay niya. Bumilis ang tibok ng puso.

Kumilos uli si Rexy sa higaan. Pero tulog pa rin.

Puro kuwentuhan na ang sumunod na eksena sa video. Nakaupo siya sa katre. Magkatabi sila ni Reylita. Gusto nang i-fastforward ni Jordan ang napapanood niya. Biglang tumunog ang cellphone. May nag-text.

Puta! Ang lakas ng message alert tone ni Rexy! Hindi alam ni Jordan kung paano patitigilin.

Gumalaw si Rexy, nagising. Nagkatinginan sila ni Jordan. Pinatay agad ni Jordan ang video. “M-May text ka,” sabi ni Jordan sabay abot sa cellphone ng kaibigan. Napatingin muna si Rexy sa cellphone bago niya ito inabot.

Kunwa’y inayos muna ni Jordan ang higaan niya, saka kinuha ang tuwalyang nakasabit sa gilid ng katre. “L-Ligo muna ako,” paalam niya.

Hindi sumagot si Rexy. Abala na sa pagpindot ng cellphone. Nagte-text. “’Tol, hindi mo pinakialaman ‘to?” tanong ni Rexy.

Napatigil si Jordan. Humarap kay Rexy. “Ba’t ko naman pakikialaman ‘yan? Nalaman ko nga lang na nasa higaan ko ‘yan dahil tumunog,” sagot niya. Tumango lang si Rexy.

Pumasok na si Jordan sa banyo. Nai-video ni Rexy ang nangyari sa kanila. Sigurado siya. Nakaramdam ng kakaibang kaba si Jordan. May halong takot. At doon niya napagtanto ang lahat kung bakit alam ni Rexy na may nangyayari sa kanila ni Chona. Ngayon niya napagtatagpi-tagpi ang lahat.

Kung may isa siyang kopya ng video nina Rexy at Chona. Baka hindi lang ang video nila ngayon meron si Rexy. Kailangang makuha niyang lahat ‘yon. Kilala niya si Rexy. At parang alingawngaw sa kanyang isipan ang tinuran ng kaibigan: “Wala ‘yon. Kaibigan kita. Barkada tayo…”

“Wala ‘yon….”

Dahil sa huli, kay Rexy pa rin ang huling halakhak.

Dahil sa huli, tulad ni Chona, magiging sunud-sunuran na rin siya sa kaibigan. Sa barkada niya. (Itutuloy)

Kaway ng kasalanan (chapter 1-14)

Kaway ng kasalanan (Unang Labas)
KABILANG ANG MAG-ASAWANG Alfred at Myra sa mga magkatuwang sa buhay na naghahangad mabigyan ng magandang bukas ang dalawang anak at magkaroon ng katuparan ang mga binuong pangarap. At tulad ng marami, natutok ang kanilang isipan sa pagtatrabaho sa ibang bansa para sa katuparan ng kanilang mga mithiin sa buhay. Pangkaraniwang empleyado si Alfred at registered nurse si Myra nagtatrabaho sa isang pribadong ospital sa Metro Manila. Malugod at maluwag sa kaloobang tinanggap ni Alfred na higit dapat makapagtrabaho sa abroad ang asawa dahil kikita nang malaki kaysa siya ang magtatrabaho.
Wala siyang technical skills para sa pag-a-abroad kaya mahihirapang maghanap ng trabahong may magandang sahod. Tiyak niyang mas malaki ang kikitain ng asawa kapag ito ang nagtrabaho sa ibang bansa dahil isang nurse. At upang magkaroon ng katuparan ang kanilang pangarap, nag-aplay sa abroad si Myra bilang nurse sa bansang Bahrain. Dahil mahusay at hitik sa karanasan sa pagtatrabaho, agad siyang natanggap dahilan upang puspusan at masusi nilang pag-usapan ang nalalapit na pansamantalang paghihiwalay.
Hindi lang araw, mga buwan, kundi dalawang taon ang kontrata ni Myra. Para sa tulad nilang nasanay magkatuwang sa pagbaka sa hamon ng buhay sa simula’t simula ng pagsasama bilang mag-asawa, hindi pangkaraniwang pagsubok ang kanilang kakaharapin. Kapwa nila kailangan ang tatag ng kalooban at isipan sa paghihiwalay na maraming kuwentong ugat ng pagkawasak ng maraming tahanan at relasyon sa ngalan ng pag-ibig.
“Tiyak na makakapag-abroad ako sabi no’ng recruiter.” Paniniyak ni Myra kay Alfred. “Gusto raw ng may-ari ng ospital ang aking work experience at school credentials!”
“Kailangan talagang mangyari ‘yon,” sagot ni Alfred. “Kailangan nating kumita nang malaki para sa ating mga anak at sa katuparan ng pangarap sa buhay!”
“May balak ka pa bukod sa mga bagay na ito?” Urirat ni Myra sa asawang tiyak niyang may naglalaro pang iba sa isipan liban sa mga sinabi.
“Kapag may salaping magagamit sa puhunan, magtatayo ako ng negosyo para magamit ko ang pinag-aralan sa kolehiyo sa kursong komersyo!” Wika ni Alfred. “At kapag maunlad na ito, titigil ka na sa pagtatrabaho sa ibang bansa at ako naman ang kakayod sa pagnenegosyo!”
“May-edad na ako kaya mahihirapan nang maghanap ng trabaho sa panahong ‘yon!” Dagdag ni Alfred.
“Anong negosyo ang plano mo?” Tanong ni Myra.
“Kahit ano, basta ‘yung tiyak na lalago at aasenso!” Sagot ni Alfred. “Kaya habang nagtatrabaho ka sa ibang bansa, pag-aaralan ko naman kung anong negosyo ang puwede nating itayo!”
“Kailangan mong tumigil sa pagtatrabaho kapag natuloy ako sa Bahrain. Hindi dapat nating iasa sa katulong ang pag-aasikaso sa dalawa nating anak!” Wika ni Myra.
“Ako ang personal na mag-aasikaso sa kanila. Kailangan kong magamit ang aking pagiging ‘tigasin’!” Natatawang sagot ni Alfred. “Tigalaba, tigasaing, tigaplantsa at iba pang gawaing gawain ng babae sa bahay!”
“Talagang kengkoy ka, kahit kailan!” Wika ni Myra.
“Hindi ba isa ‘yun sa mga katangian kong nagustuhan mo?”
“Hindi lang nagustuhan…” sagot ni Myra. “Minahal nang labis!”                        (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-2 Labas)
MATAPOS ANG MADAMDAMING pagsasalita ni Myra, yumakap siya kay Alfred nang mahigpit, muling ipinadama ang kahalagahan sa kanya ng asawa. Bigla, may lumukob sa kanyang kalungkutan at pangungulila dahil sa nalalapit na paghihiwalay, dahil sa kanyang balak na pagtatrabaho sa ibang bansa. Ngunit tulad niya, naramdaman din ni Alfred ang kalungkutan at pangungulilang lumukob sa asawa. Mahigpit silang nagyakap. Dinama ang katawang tiyak nilang kasasabikan sa pansamantalang paghihiwalay. Kaunos ng mahigpit na yakap, muling naghinang ang kanilang mga labing nananatiling uhaw sa isa’t isa kahit may sampung taon nang magkasama sa iisang bubong.
“Fertile ako…” Pabulong na wika ni Myra nang maramdamang nasa kanyang kaselanan ang isang kamay ng asawa.
Walang problema…” sagot ni Alfred. “Gagamit ako ng condom.” Sumagot si Myra. Ngunit mabilis na sumang-ayon ang isipan at diwa sa sinabi ng asawang nagnanais ng isang maalab at naglalagablab na pagtatalik sa kamunduhan. Sinundan na lamang niya ng tingin ang asawang tumindig at nagtungo sa plastic cabinet na lalagyan ng kanilang personal at iba’t ibang mahalagang gamit. Nagmamadaling hinugot ni Alfred ang isang drawer at kinuha ang isang sachet ng condom. Matapos maisara ang drawer bumalik siya sa kama at nahiga sa tabi ng asawa. Muli, kumilos ang kamay ni Alfred, isa-isang tinanggal ang lahat ng damit at saplot sa katawan ng asawa. Walang itinira kahit isang piraso dahilan upang mabuyangyang ang hubo’t hubad na katawan ng asawang tuwina, labis niyang kinasasabikan!
At muli ginawa ni Alfred ang ritwal ng pag-ibig hindi lang upang antigin at pag-initin ang katawan ni Myra sa kamunduhan kung hindi bigyan ang sarili ng kaligayahan. At tulad naman ng dati, buong-buong ipinagkaloob ni Myra ang hubo’t-hubad na katawan sa asawang patuloy sa walang sawang paghalik sa nakabuyangyang niyang dibdib. Ngunit makaraan ang ilang sandali, inangkin naman nito ang korona ng dalawa niyang bundok dahilan upang mamutawi sa kanyang bibig ang malakas na ungol at halinghing. Ingay na nagpapahayag ng labis niyang kaligayahan sa ginagawang kapilyuhan ng asawa sa ma-seselang bahagi ng kanyang katawang sadyang ginawa ng Dakilang Manlilikha sa ganitong kaganapan!
At muli, dahil sa ingay na namutawi ng asawa, natiyak ni Alfred na darang na darang na sa kamunduhan ang asawa. Nagmamadaling bumaba ang kanyang paghalik patungo sa nakabuyangyang nitong kaselanan. At tulad ng kanyang ginawa sa mayamang dibdib ng asawa, walang sawa niya itong hinalikan at tuluyang inangkin. Nagmistula namang isang talunang mandrigma si Myra na tuluyang isinuko ang natitirang lakas sa isang labanang tiyak na kanyang pagwawagian sa huling bahagi ng labanan. Hindi siya tumutol nang higit pang paghiwalayin ng asawa ang kanyang makinis, maputi at hugis-kandilang legs.
At tulad ng dati, ginawa ni Alfred ang kakaibang ritwal ng pag-ibig upang muling buhayin ang makamundong pananabik sa katawan ng asawang pansamantalang naglaho dahil sa sabay nilang pagsapit sa rurok ng kaluwalhatian. At minsan pa, naramdaman ni Myra ang hindi mapapantayang ligayang idinudulot ng ginagawang kapilyuhan ng asawa sa mga maseselang bahagi ng kanyang katawang nakabuyangyang. Naramdaman niya ito sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang nag-iinit na laman. Muli, lumutang sa loob ng kanilang silid ang ingay na nagpapahayag ng suko sa langit na kaligayahan ni Myra.                    (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-3 Labas)
“TIYAKIN MONG NAKASUOT nang maayos ang condom!” Pabulong na wika ni Myra habang pinagmamasdan ang asawang isinusuot ang plastic na supot na magsisilbing proteksyon upang hindi siya mabuntis.
“Baka matulad ‘yon noong nangyari noon, nabutas ang condom kaya nabuo nang wala sa panahon ang ating bunsong si Ray-ann!” Dagdag ni Myra na nananatiling nakatingin sa ginagawa ng asawa.
“Ikaw talaga, hindi na malimutan ang pangyayaring ‘yon…” natatawang wika ni Alfred. “Ano ka ba naman, hanggang ngayon hindi pa naaalis ang phobia sa condom?!”
“Mahirap na,” sagot ni Myra. “Baka mabutas, lobo ring tiyak ang tiyan ko. Masyadong mabagsik ang kamandag mo sa babae!”
“Nagkataon lang ‘yon…” natatawang sagot ni Alfred. “Suwerte-suwerte lang ang pagbubuntis ng babae!”
“Heh! Tumigil ka!” Natatawang wika ni Myra. “Pati ba naman ako, lolokohin mo pa sa kamandag ng iyong punlay!”
“Baka lamang makalusot!” Natatawa ring wika ni Alfred.
At makaraan ang ilang sandali, pinagsaluhan nina Alfred at Myra ang walang kapantay na kaligayahang idinudulot ng pagtatalik sa kamunduhan ng babae at lalaki. Dahil sa walang katulad na sarap at kiliting idinudulot ng ritwal ng pag-ibig na kanilang pinagsaluhan, tuluyan nang nalimutan ni Myra ang takot sa condom na mabutas at muli siyang mabuntis. Hindi niya malimutan ang isang insidenteng nabutas ang condom habang maigting at maalab silang nagtatalik ng asawa. Bagama’t maituturing itong isang hindi pangkaraniwang pangyayari, natatak sa kanyang isipan at paulit-ulit nagbabalik tuwing magtatalik silang fertile siya at kailangang gumamit ng condom ng asawa. At tulad ng dati, sabay nilang narating sa rurok ng kaluwalhatian!
“Mami-miss ko ang ganitong pangyayari kapag nasa abroad ka na.” Naglalambing at masuyong wika ni Alfred habang yakap si Myra.
“Ikaw lang ba? Kahit ako mami-miss ko.” Sagot ni Myra na damang-dama sa tinig ang lumulukob na kalungkutan at pangungulila sa napipinto nilang paghihiwalay.
“Minsan nga, iniisip kong hindi na mag-abroad!” Dagdag ni Myra, “Dito na lamang ako sa Pilipinas magtrabaho para hindi na tayo magkalayo!”
“Bakit naman?” Urirat ni Alfred.
“Baka mawasak lamang ang ating pagsasama!” Wika ni Myra, ibig ipahiwatig at ipinaalala sa asawa ang mga totoong kuwento ng paghihiwalay na nangyari sa mag-asawang nagpunta ang iasa sa abroad upang magtrabaho.
“Pinagduduhan mo yata ang kadakilaan ng pag-ibig ko sa ‘yo?” Tanong ni Alfred.
“Hindi naman,” sagot ni Myra. “Nadadala lamang ako ng maraming kuwentong totoong naganap sa paghihiwalay ng mag-asawa kapag isa ang nagpupunta sa ibang bansa upang magtrabaho!”
“Manalig ka sa pag-ibig natin, hindi mangyayari ang kinatatakutan mo. Mahal na mahal kita kaya pangangalagaan ko ang matrimonya ng ating kasal!” Wika ni Alfred na damang-dama ang sinseridad sa sinasabi sa asawang nana-natiling yakap.
“Sumpa, ikaw lamang ang mamahalin ko buong buhay. Walang ibang magmamay-ari sa aking puso at katawan kung hindi ikaw!”
“Salamat, Alfred!” Sagot ni Myra na nakadama ng kapanatagan sa pangako ng asawa. “Aalis akong hindi babagabagin ng anumang isipin at hinalang pagtataksilan mo ako!”
“Hindi ko susuklian ng kalokohan ang gagawin mong sakripisyo para sa ating pamilya, Myra!” Sagot ni Alfred. “Ikaw at ikaw lamang ang pag-hahandugan ko ng aking wagas at dalisay na pag-ibig!”
(Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-4 na labas)
MULI, MAHIGPIT NAGYAKAP sina Alfred at Myra dahil muli silang inalipin ng hindi mapigilang init ng kamunduhan. Muli, matagal naghinang ang kanilang mga labing uhaw sa labi ng isa’t isa. At tulad ng dati, hindi nila pansin ang pagkaubos ng hangin sa dibdib, ang mahalaga, masimsim ang labing labis nilang pinagnanasaan. At tulad pa rin ng dati, matapos ang matagal na paghihinang ng labi, bumaba ang paghalik ni Alfred sa nakabuyangyang na dibdib ng asawang nananatiling walang anumang suot na damit o saplot. Hindi rin tumutol si Myra nang muling pasukin ng asawa ang nakabuyangyang niyang paraisong nananatiling sabik sa kanyang pag-ibig at pagmamahal!
Kapwa may ngiti sa labing nakatulog sina Alfred at Myra. Halos hindi nila namalayan ang paglipas ng sandali dahil sa pagod sa dalawang ulit na pagtatampisaw sa mundo ng kakaibang ritwal ng pag-ibig. Kapwa sila may pansariling dahilan kung bakit mainit at mapusok. Nais nilang samantalahin ang mga sandaling magkasama dahil sa nalalapit na pagpunta ni Myra ibang bansa. Kapwa nila tiyak na kasasabikan ang maigting at maalab na pagtatalik sa kamunduhang mahigit sampung taon nilang pinagsasaluhan. Ngunit masakit man at mahapdi ang napipintong
paghihiwalay, kailangan ito para sa kinabukasan ng anak at sa katuparan ng kanilang mga binuong pangarap.
Kinabukasan, hindi pumasok si Alfred sa opisina dahil magkasama silang pupunta sa recruitment agency na magpapadala kay Myra bilang nurse sa bansang Bahrain. Muli, ang kasambahay nilang si Geralyn ang nag-asikaso sa dalawa nilang anak na papasok sa elementary school. Grade three ang panganay na si Michelle at grade two ang bunsong si Ray-ann. Pamangkin sa pinsan ni Myra ang dalagang may limang taon na nilang kasambahay. Pinalitan nito ang kapatid na nag-abroad na domestic helper sa Hong Kong. Labis din ang kasiyahan ni Geralyn dahil makakapagtrabaho na siya sa pinag-aplayang pabrika dahil may mag-aasikaso na sa dalawang batang inaalagaan.
“Maghanda ka na, Myra…” Wika ng may-ari ng recruitment agency. “Next week, lilipad ka na patungong Bahrain. Nakahabol ka sa batch ng mga pupunta sa bansang ‘yon ngayong buwan!”
“Salamat naman!” Tuwang-tuwang wika ni Myra. “Akala ko, aabutin pa ako ng ilang buwan sa paghihintay!”
“Hindi ‘yon mangyayari dahil kailangang-kailangan ang mga medical workers sa Bahrain. At isa pa, laging in-demand ang mga Filipina nurse sa Middle East dahil sa kanilang ipinakikitang pagmamahal at pagmamalasakit sa kanilang mga pasyente!” Dagdag ng may-ari ng recruitment agency.
“Sir, gagawin ko ho ang lahat upang masuklian ng tamang trabaho ang perang kikitain ko at hindi sasayangin ang pagkakataong ibinigay ninyo sa akin!” Sagot ni Myra.
Bagama’t nakikita lang at hindi naririnig ni Alfred ang pagpapalitan ng mga pangungusap ng asawa at ng may-ari ng recruitment agency, labis ang kanyang kasiyahan. Nababasa niya sa reaksyon ng asawa ang malaking kaligayahang alam niya ang kahulugan. Nalalapit na ang katuparan ng kanilang nais mangyari, ang makapagtrabahong nurse sa ibang bansa si Myra. Matapos ang mahabang pag-uusap ng may-ari ng recruitment agency at ni Myra, nagmamadaling sinalubong ni Alfred ang asawang palapit sa kanyang kinaroroonan. Ibig kaagad niyang malaman ang nangyari sa pag-uusap ng dalawa at kung tama ang naglalaro sa kanyang isipan sa naganap na pag-uusap.               (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-5 Labas)
“ANO’NG NANGYARI?” KAAGAD tinanong ni Alfred si Myra na papalapit sa kanyang kinaroroonan matapos ang pakikipag-usap sa may-ari ng recruitment agency.
“Lilipad na raw ako next week. Sila na raw ang kukuha ng ticket sa eroplano at iba ko pang kailangan sa pagpunta sa Bahrain!” Sagot ni Myra, dama sa tinig ang malaking kasiyahan.
“Buti kung gano’n, makakalipad ka nang mas maaga sa ating inaakala!” Tuwang-tuwang sagot ni Alfred.
“Kaya aasikasuhin ko na ang mga papeles para sa early retirement sa ospital. Ikaw na lang ang kukuha sa aking separation pay at iba pang benepisyo!” Sagot ni Myra.
“Tama ang gagawin mo.” Mabilis na sang-ayon ni Alfred. “Ako, magreretiro lang kapag nandoon ka na. ‘Yon ang dapat nating gawin upang matiyak na may matatag tayong pinagkikitaan. Paniguro, baka may problemang mangyari!”
“Pero tiyak ko, ayos ang magiging trabaho ko roon. Hindi basta-basta recruitment agency ang pinag-aplayan ko. Marami na itong mga napaalis na magtratrabaho sa medical services.” Sabi ni Myra.
“Saka tiniyak nating maganda ang record ng recruitment agency ito sa POEA!” Dagdag ni Alfred. “Walang aberya sa kanilang pagpapadala ng mga OFW!”
Masayang-masaya ang mag-asawa habang lulan ng taksi pabalik sa kanilang bahay. Patuloy nilang pinag-uusapan ang nalalapit na pag-alis ni Myra patungong Bahrain upang magtrabahong nurse. Hindi rin nila prinoproblema ang panggastos dahil pinahiram sila ng pera ng kapatid nitong may-ari ng bahay para sa placement at iba pang gastusin. Wala silang pagsidlan ng kaligayahan dahil tiyak na ang katuparan ng kanilang mga mithiin sa buhay kahit batid nilang magdudulot ito sa kanila ng kalungkutan at pangungulila.
Mga damdaming pangkaraniwang umaalipin sa mga nagmamahalang pansamantalang nagkakahiwalay kahit walang namagitang hidwaan o hindi pagkakaunawaan. Naging paksa rin ng kanilang usapan ang magiging sitwasyon sa bahay kapag si Alfred na ang mag-aasikaso dahil matagal nang nagpapaalam ang kasambahay nilang si Geralyn na magtatrabaho sa pabrika upang matutunan at maranasan ang buhay sa Metro Manila sa pagtindig sa sariling paa. Pamangkin sa pinsan ni Myra ang kasambahay na pumalit sa nakakatanda nitong kapatid nang mag-abroad. Muli, pinatunayan ni Alfred sa asawang kayang-kaya niyang gampanan ang trabahao sa bahay kasama na ang pag-aasikaso sa kanilang dalawang anak na sina Michelle at Ray-ann.
“Kaya tiyak ko, matutuwa nang husto si Geralyn dahil matutupad na ang pangarap niyang makapagtrabaho sa pabrika at mamuhay nang sarili sa Metro Manila!” Wika ni Myra.
“Pabor sa kanya ang gusto niyang mangyari,” sagot ni Alfred. “Hindi lang niya matututunan ang mga pasikut-sikot ng buhay sa Metro Manila kung hindi matututo pang tumindig sa sariling paa!”
“Kaya mo ba talaga ang trabaho sa bahay?” Muli, seryosong tanong ni Myra. “Kung hindi, puwede tayong kumuha ng bagong kasambahay!”
“Kayang-kaya!” Sagot ni Alfred. “Sa totoo lang nagpapasalamat ako dahil magagamit ko ang pagiging “tigasin” ko!”
“Ikaw talaga, pulos biro!” Putol ni Myra sa iba pang sa-sabihin ng asawa dahil sa hindi na mabilang na pag-ulit nito sa joke na hindi lamang gasgas, kung hindi pudpod na.
“Ngayon biro ito, kapag nakaalis ka na, hindi lang totoo, kundi, totoong-totoo!” (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-6 Labas)
HINDI NA SUMAGOT si Myra sa pagsasalitang pabiro ni Alfred dahil kahit alam niyang hindi sineseryoso ang sinasabi, totoo ito at kayang pangatawanan. Kampante lamang siyang sumandal sa balikat ng asawa upang damahin ang katawan nitong tiyak niyang kasasabikan at hahanap-hanapin kapag nagtatrabaho na sa ibang bansa. Wala siyang dudang kayang-kaya ni Alfred ang iba’t ibang trabaho sa bahay tulad ng paglalaba, pagluluto, paglilinis at iba pa dahil kapag wala siya, ang asawa ang guma-
gawa ng mga gawain. At hindi lamang basta nagagawa, kundi nagagampanan nang maayos at masinop ‘di tulad ng ibang mga lalaki. Kaya ngayong mag-aabroad siya, tiyak niyang hindi mapapabayaan ng asawa ang kanilang dalawang anak, pati ang kanilang bahay na pina-tirhan ng kanyang kapatid na nag-migrate sa Australia.
Mahusay na welder ang kanyang kapatid kaya tumulong ang gobyerno ng Australia upang maging permament resident ito ng kanilang bansa. At dahil sa maraming benepisyong ipinagkakaloob, nawalan na ng interes ang kapatid ni Myra na magbalik sa Pilipinas, kaya pinaalis sila sa apartment nilang tinitirahan at pinalipat sa iniwan nitong bahay. Sabi sa kanila, huwag nang maghanap ng bibilihing bahay, sa halip bayaran na lamang ang bahay kahit hulugan. Tuwang-tuwa ang mag-asawa dahil bukod sa sanay at kilala na sila sa lugar, maganda ang puwesto ng bahay. Malapit sa paaralan, pelengke, botika at iba pang lugar madalas puntahan ng mga tao para sa pangangailangan ng sarili at pamilya.
“Salamat at magkakaroon na rin ako ng pagkakataong magtrabaho at makatindig sa sariling paa.” Tuwang-tuwang wika ni Geralyn nang ibalita nina Alfred at Myra na tuloy na pag-aabroad ng huli sa Bahrain.
“Hindi naman sa ayaw kong magtrabaho at tumira sa inyo, gusto ko lamang matutunan ang buhay sa Metro Manila. At isa pa, tanggap ko ang katotohanang hindi habampanahong titira ako sa inyo!” Dagdag ni Geralyn.
“Alam namin ang gusto mong mangyari sa iyong buhay!” Sagot ni Myra. “At labis naming hinahangaan ang determinasyon mong umangat ang buhay sa sariling pagsisikap!”
“Tama ang desisyon mo, Geralyn!” Mabilis namang sang-ayon ni Alfred. “Napakahalaga sa taong matutong tumindig sa sariling paa dahil marami siyang matututuhan sa buhay!”
“At kapag nakaipon ako ng sapat na pera, mag-aaral ako sa TESDA. Ibig ko ring makapag-abroad para umasenso sa buhay at makatulong kina Itay at Inay.” Dagdag na wika ni Geralyn, damang-dama ang determinasyon sa hinahabing pangarap sa buhay.
“Sa nakikita naming tiyaga at determinasyon mo sa buhay, tiyak na matutupad ang mga gusto mong mangyari at pangarap sa buhay, Geralyn!” Nasisiyahang wika ni Alfred. “Kung sakaling kailangan mo ang aming tulong, huwag kang magdalawang-isip lumapit, hindi ka namin bibiguin!”
“Salamat, Ate Myra at Kuya Alfred, napakabuti talaga ninyong kamag-anak!” Tuwang-tuwang wika ni Geralyn. “Malaking tulong sa amin ang inyong kabutihan!”
“Sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo ring magkakamag-anak dito sa Metro Manila!” Konklusyon ni Alfred.
“Tama si Alfred, Geralyn…” Sagot ni Myra. “Kailangang magtulungan ang magkakamag-anak hindi lang ang magkakapamilya upang umasenso ang lahat sa buhay!”
“’Yun ang dapat gawin ng mga tulad nating nandayuhan sa Metro Manila!” Dagdag ni Myra. “Kung maghihiwalay at magkakani-kaniya, mawawalan ng saysay ang ating pagsisikap at pagtitiyaga!” (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng kasalanan (Ika-7 Labas)
AT MULI, NAPATUNAYAN nina Alfred at Myra na napakabilis ng paglipas ng araw dahil kinabukasan, lilipad na ang huli papunta sa Bahrain. Kaya nagkasundo silang ga-wing maalab, marubdob at naglalagablab ang huling gabi ng kanilang pagtatalik sa kamunduhan bilang mahalagang alaala sa pansamantalang pag-hihiwalay.
Dalawang taon ang kontrata ni Myra sa pagtatrabaho sa ibang bansa kaya kailangang masaid ang ningas at alab ng kamunduhan sa kanilang katawan. Napilitan din si Myra na uminom ng alak upang gatungan at pag-initin nang husto ang katawan sa ritwal ng pag-ibig na kanilang pagsasaluhan. Ngunit labis ang gulat niya sa kahilingan ng asawa sa huling gabi sa kanilang pag-uulayaw.
“Ako ang magtatrabaho?” Kahit pabulong ang tanong ni Myra, malakas ang kanyang boses dahil nasa impluwensya ng inuming nakalalasing. “Naku, alam mo namang hindi ko pa ‘yun ginagawa!”
“Kayang-kaya mo ‘yun…” sagot ni Alfred na nanghihikayat ang boses. “Kaya ng ibang babae, kaya tiyak ko kaya mo rin!”
“S-sige na nga…” napi-pilitang sagot ni Myra. “Tutal dalawang taon naman ito bago maulit.”
“Ngunit hindi lang ikaw ang magtatrabaho…” sabi ni Alfred. “Gagawin mo ang hindi pa ginagawang kaytagal ko nang hinihiling!”
“Ano ‘yon?”
Hindi sinabi ni Alfred sa asawa ang kanyang kahilingan sa gagawin nilang maigting, maalab at naglalagablab na pagtatalik. Sa halip, masuyo at malambing na ibinulong. Gulat na gulat si Myra sa sinabi ng asawa kaya pinagkukurot kasabay ng pagsasabing bastos, bastos at bastos pa. Ngunit muli, masuyo at malambing na nakiusap si Alfred na pagbigyan ang kanyang kahilingan dahil huling gabi ito ng kanilang pagtatalik. Pagtatalik na muling mauulit pagkatapos ng dalawang taon kaya dapat nilang bigyan ng walang kapantay na kaligayahan ang isa’t isa sa pagsasaluhang ritwal ng pag-ibig. Hindi tumutol si Myra. Sa halip, mahigpit na yumakap sa asawang hindi niya matitikman ang yakap at halik sa loob ng dalawang taon.
“Sige, gagawin ko ang gusto mong mangyari dahil mahal na mahal kita.” Wika ni Myra, naglalambing sa asawa. “Ngunit sa isang kundisyon…”
“Gagawin ko rin sa iyo ang ginawa mo sa akin?” Mabilis na tanong ni Alfred. “Payag ako, lagi ko namang ginagawa ‘yon sa ‘yo, ‘di ba?”
“Hindi!” Mabilis na sagot ni Myra.
“Ano ang kundisyon?”
“Ipapangako mo sa aking hindi ka gagawa ng kalokohan habang nagtatrabaho ako sa ibang bansa. Alam mo na ang ibig kong sabihin!”
“Okey na okey!” Mabilis na sagot ni Alfred mahigpit ding niyakap ang asawa. “Pangako, hindi ako magtataksil sa ating sumpaan!”
“Salamat, Alfred…” sabi ni Myra. “At sana, tuparin mo ang iyong pangako para sa ating dalawang anak at mga pangarap!”
Hindi sumagot si Alfred. Sa halip, lalong hinigpitan ang yakap sa asawa at mariing hinalikan sa labi. Dahil sa nalalapit nilang paghihiwalay ng dalawang taon, buong pananabik at pagnanasang gumanti ng mainit na halik si Myra sa asawa. Matagal naghinang ang kanilang mga labing sabik na sabik sa isa’t isa. At matapos ang ritwal na ito ng pag-ibig, isa-isa nilang tinanggal ang damit at saplot sa katawan hanggang magmistula silang mga bagong silang na sanggol. Muli, pinagmasdan nila ang katawan ng bawat isa na punung-puno ng pananabik at pagnanasa sa kamunduhan!  (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-8 Labas)
“DAHIL MAHAL na mahal kita, gagawin ko ang iyong kahilingan, Alfred…” masuyo at malambing na wika ni Myra. “Basta tuparin mo ang pangako sa aking hindi magta-taksil sa ating sumpaan.”
“Pangako, mahal…” sagot ni Alfred na itinaas pa ang kanang kamay na tila nanunum-pang nagsasabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang.
At dahan-dahang lumuhod si Myra nang walang belo sa harapan ng asawang hubo’t hubad at lantad na lantad sa mukha ang naghuhumindig nitong pagkalalaki. Tila batikan at matikas itong mandirigma hindi susuko sa anumang balak niyang gawin at labanang nanaisin. At ginawa ni Myra ang kahilingan ni Alfred bago nila simulan ang maigting, maalab at naglalagablab na pagtatalik sa kamunduhan. Matagal siyang naging abala sa naghuhumindig na pagkalalaki ng asawang tiyak niyang kasasabikan at hahanap-hanapin sa kanilang paghihiwalay ng dalawang taon dahil sa pagtatrabaho niya sa bansang Bahrain. Labis naman ang kasiyahan ni Alfred dahil natuldukan ang mga bagay na gusto niyang maganap sa kanilang pagtatalik ng asawa sa kamunduhan.
At tulad ng dapat asahan, dama niya sa kaliit-liitang himaymay ng laman ang kakaibang sarap at kiliting idinudulot ng ginagawa ng asawa na patuloy na abala sa naghuhumindig niyang pagkalalaki. Patuloy namang isinagawa ni Myra ang kahilingan ng asawang nagbigay rin sa kanya ng hindi matingkalang kaligayahan sa mundo ng kalibugan at kahalayan. Ni sa guni-guni o imahinasyon, hindi niya akalaing magagawa ang matagal nang kahilingan ng asawa sa kanilang pagtatalik sa kamunduhan. Noong una, iniisip lamang niyang mga babaeng sobra ang ‘L’ sa pagtatalik ang gumagawa ng ganitong bagay. Tiyak na tiyak niya ang dahilan kung bakit sinunod ang
kahilingan ng asawa, mahal na mahal niya ito kaya bibigyan niya ng kaligayahang hindi malilimutan habang nagtatrabaho siya sa ibang bansa!
“Sabi ko na’t kayang-kaya mong gawin ang ganitong bagay!” Wika ni Alfred, damang-dama sa boses ang malaking kaligayahan sa pagpapaunlak ng asawa sa kanyang natatanging kahilingan sa huling gabi ng kanilang pagtatalik sa kamunduhan.
“Napakasarap ng kaligayahan mong ibinibigay sa akin, mahal. Hinding-hindi ko ito malilimutan.” Dagdag ni Alfred na pabiling-biling ang katawan at madalas napapakagat-labi. “Tiyak, hahanap-hanapin ko ang sarap at kiliting ito!”
Gustuhin mang sagutin ni Myra ang mga sinasabi ng asawang punung-puno ng papuri sa kanyang pagsunod sa kahilingan nito, hindi niya magawa. Abalang-abala siya sa buong pusong pagsunod sa kahilingan ng asawang gawin ang matagal nang hinihiling tuwing magtatalik sila nang maalab, maigting at naglalagablab sa mundo ng kalibugan at kahalayan. At makaraan pa ang ilang sandali, natiyak niyang handang-handa na siya upang gawin ang pinakatampok na ritwal ng pag-ibig na kanilang pagsasaluhan ng asawang nakatakda niyang iwan ng dalawang taon dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Itinigil niya ang ginagawa sa naghuhumindig na pagkalalaki ni Alfred at sinabing gagawin na ang huling yugto ng kanilang maalab, maigting at naglalagablab na pagtatalik sa kamunduhan!
“Mahal, titiyakin kong hindi mo malilimutan ang pagsasalong ito natin sa daigdig ng kamunduhan!” Dagdag na wika ni Myra na humanda upang gawin ang pinakatampok na ritwal ng pag-ibig nila ng asawa.
“Salamat, Myra…” tuwang-tuwang wika ni Alfred nanatiling nakatikhaya sa malapad at malambot nilang kama.
“Basta ipapangako mong hindi ka magtataksil sa ating sumpaan!” Ulit ni Myra habang hawak ang sandata ng asawang nakakabuhay kapag pumuputok sa halip na makamatay.
“Pangako!” Mabilis na sagot ni Alfred.                      (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-9 labas)
AT GINAWA ni Myra ang pagsunod sa huling yugto ng kahilingan ni Alfred sa huling gabi ng kanilang pagtatalik, dahil kinabukasan lilipad na siya papunta sa ibang bansa. Damang-dama ni Alfred ang walang kahulilip at kapantay na kaligayahan nang tuluy-tuloy bumulusok ang naghuhumindig niyang pagkalalaki sa basang-basang balon ng kaligayahan ng asawa. At tulad ni Alfred, labis ding kaligayahan ang naramdaman ni Myra nang madama sa kaibuturan ng sinapupunan ang naghuhumindig na pagkalalaki ng asawa. At sa mga sumunod na sandali, mabilis siyang nagbaba-taas sa kakaibang bandera ng asawang tiyak niyang susuko sa mga darating na sandali. At minsan pa, sabay nilang narating ang langit na nasa lupang pakay ng mga magsing-irog sa pagtatalik sa kamunduhan!
“Happy?” Tanong ni Myra habang nakahiga sila ni Alfred sa kama.
“Haping-hapi!” Sagot ni Alfred na hinalikan at mahigpit na niyakap ang asawang na nanatiling walang damit at saplot.
“Ngunit hindi pa tayo matutulog,” dagdag ni Alfred. “May gagawin pa tayo at ako naman ang magtatrabaho.”
“Kaya mo pa?” Tanong ni Myra na tila nagdududa at tinitiyak ang katotohanan sa sinabi ng asawang tumutukoy sa muli nilang pagtatalik sa kamunduhan.
“Sobra sa kaya!” Sagot ni Alfred. “Pinaghandaan ko ang ating romansa-despedida!”
“Ikaw talaga, sobrang likot ng isipan at diwa sa ganitong bagay.” Natatawang wika ni Myra. “Kaya tiyak mami-miss ko nang husto ang mga kalokohan mong ito!”
“Ako man, tiyak na mami-miss ang ginawa mong pagpapaunlak sa aking kahilingan. Hahanap-hanapin ko ang san-daling magkasama tayo!”
“Huwag kang mag-alaala, mabilis lamang matatapos ang dalawang taong kontrata ko sa abroad. Matagal lamang ang panahon sa mga taong nakatutok at nagbibilang sa paglipas ng mga araw!” Paliwanag ni Myra.
“Tama ka, Myra…” sagot ni Alfred. “Binigyan mo ako ng ideya kung paano lulunasan ang pangungulila kong madarama sa ating pansamantalang pagkakalayo!”
“Ikaw lang ba?” Tanong ni Myra. “Ako rin…”
“Kaya wala tayong dapat gawin kundi samantalahin ang panahong magkasama pa!” Sagot ni Alfred na nagsimulang kumilos upang muling ipadama sa asawa ang wagas at dalisay na pagmamahal.
At muli, inangkin niya ang hubo’t hubad na katawan ng asawang tiyak niyang kasa-sabikan sa mga darating na panahon dahil sa pagpunta sa ibang bansa. Kahit tiyak niyang alipin ng malaking kalungkutan at pangungulila sa kanilang pansamantalang paghihiwalay, hindi niya tinutulan ang pag-alis ng asawa. Kailangan mag-abroad si Myra para sa magandang kinabukasan ng kanilang dalawang anak at katuparan ng kanilang mga pangarap sa buhay. Kaya inubos nila ang ningas at alab ng kamunduhan sa katawan sa huling gabi ng pagniniig. At tulad ng dati, sabay silang sumapit sa sukdulan ng kamunduhan!
Kinabukasan, tulad ng mga magkarelasyong nakatakdang maghiwalay sa airport, mahigpit na yakap at mainit na halik ang naging pamamaalam nina Alfred at Myra sa isa’t isa. Mahigpit ding niyakap ni Myra ang dalawang anak na iiwan kahit may bahagi sa kanyang puso at isipang tumututol sa kaganapan. At tulad pa rin ng ibang mga naghatid sa aalis na mahal sa buhay, nananatili sa paliparan si Alfred at dalawang anak habang natatanaw ang dambuhalang sasakyang panghimpapawid na mabilis na naglakbay palayo sa kalawakan. Hindi niya napigilan ang mga luhang dumalisdis sa pisnging tanda ng malaking kalungkutan at pangungulila sa kanilang pag-hihiwalay ng asawang si Myra.
(Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng kasalanan (Ika-10 Labas)
KINABUKASAN, KAHIT wala na si Myra, umikot ang buhay ni Alfred sa kanilang bahay na pansamantalang pinatirahan ng kapatid ng asawang nag-migrate sa Australia. Dahil nanga-ko ang kasambahay nilang si Geralyn na aalis lamang kapag natiyak nang okey ang trabaho sa Bahrain ng tiyahing si Myra, pumasok sa trabaho si Alfred. Ngunit buong-buo na sa isipan ang gagawing pagreretiro sa pinapasukang kumpanya kapag natiyak nang okey ang trabaho ng asawa sa abroad. Lalakarin niya ang pagreretiro sa trabaho upang siya na ang mag-aasikaso sa bahay at dalawang anak dahil aalis na sa kanila si Geralyn bilang kasambahay.
“Puwede ka nang magretiro, Alfred.” Balita ni Myra sa asawa makaraan ang isang buwang pagtatrabaho sa ospital sa bansang Bahrain nang mag-usap sila sa cellphone. “Okey ang suweldo at benepisyo sa aking trabaho. Tumupad ang ospital sa kontrata!”
“Okey kung ganoon!” Damang-dama sa tinig ni Alfred ang malaking tuwa at saya dahil natiyak niyang nasa magandang kalagayan ang asawa sa pagtatrabaho sa ibang bansa. “Tamang-tama ang tawag mo, nakahanda na ang mga papeles at dokumentong kailangan ko!”
“Tiyak, matutuwa si Geralyn sa balita kong ito,” dagdag ni Myra. “Magagawa na niya ang balak na pagpunta at pakiki-pagsapalaran sa Metro Manila.”
“Ibabalita ko agad sa kanya ang pagtawag mo!” Sagot ni Alfred. “Basta ‘yong bilin ko, lagi mong susundin. Kakain at matutulog sa tamang oras upang may sapat na lakas at resistensya sa trabaho.”
“Kung mayroon nga lang akong technical skill na kikita nang malaki sa pagtatrabaho sa ibang bansa, ako ang nag-abroad.” Dagdag ni Alfred damang-dama sa boses ang pag-aalala sa asawa.
“Sabi ko naman sa iyo, huwag mo nang sasabihin ang bagay na ‘yan. Tanggapin na lamang nating kailangan ta-yong pansamantalang magkahiwalay para sa magandang kinabukasan ng ating dalawang anak at katuparan ng ating mga pangarap sa buhay!”
“Okey, you’re the boss!” Sagot ni Alfred.
At tulad ng dati, bago matapos ang kanilang pag-uusap, muli nilang ipinaalaala ang dapat nilang gawin sa pansamantalang paghihiwalay at muli nilang ipinahayag sa pamamagitan ng salita ang marubdob na pag-ibig at pagmamahal sa isa’t isa. Mga katagang nagdagdag sa umaalipin sa kanilang matinding
kalungkutan at pangungulilang pangkaraniwang nararamdaman ng iniiwan at gayundin ng naiiwang karelasyon. Damdamin at emosyong tiyak nilang madadagdagan paglipas ng araw. Ngunit tiyak din nilang malalagpasan ang pagsubok dahil sa pagnanais mabigyan ng magandang bukas ang dalawang anak at magkaroon ng katuparan ang kanilang mga pangarap sa buhay.
“Totoo pong okey na si Ate Myra sa Bahrain?” Tuwang-tuwang tanong ni Geralyn nang ibalita sa kanya ni Alfred ang napag-usapan nila ni Myra.
“Okey na okey nang talaga, puwede ka nang magretiro!” Pabirong sagot ni Alfred. “At ibinilin din niyang bigyan kita ng bonus para makatulong sa iyong pagharap sa buhay nang nag-iisa sa Metro Manila.”
“Salamat Kuya, Alfred…” Sagot ni Geralyn.
“At tulad ng sinabi namin ni Myra sa iyo noong hindi pa siya umaalis, huwag kang mahiyang hingin ang aming tulong kung iyong kailangan,” dagdag pa ni Alfred.
“Salamat uli sa inyong dalawa, Kuya Alfred. Hindi ko ma-lilimutan ang inyong kaganda-hang-loob!” Tuwang-tuwa pang wika ni Geralyn.
“Huwag ka nang magpasa-lamat,” sagot ni Alfred. “Ginawa lang namin ang aming tungkulin sa kapamilya at kamag-anak!”
(Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-11 Labas)
MAKARAAN ANG ilang araw, natapos ni Alfred ang paglalakad sa kanyang pagreretiro sa trabaho. Dahil kumpleto sa mga papeles at iba pang kailangang dokumento, nakakuha siya ng separation pay pati ang iba pang benepisyong nakalaan sa magreretirong empleyado. Kinabukasan, hinarap niya nang nag-iisa ang buhay dahil umalis na si Geralyn upang hanapin ang kapalaran sa magulo at maingay na mundo ng Metro Manila. Maaga siyang gumi-sing at inihanda ang pagkain ng dalawang anak na papasok sa paaralan gayundin ang almusal at babauning pagkain. Lihim din ang kanyang pasasalamat dahil tinapos lahat ni Geralyn ang lalabhan at plantsahing damit bago umalis upang sumama sa isang kaibigang umuupa sa isang kuwarto.
Matapos mag-almusal, maligo, makapagbihis at makapag-handa ang dalawa nilang anak sa pagpasok, sinamahan niya ang mga ito sa pag-aabang sa school service sa pagpasok sa paaralan sa kalsada sa kanilang harapan. Dahil walang sama ng panahon, dumating ang sasakyan sa tamang oras. Nakaalis na ang dalawang bata ngunit nananatiling nakatindig sa kalsada si Alfred dahil sa isang babaeng kumakaway sa kabilang kalsada. Kasalukuyang naglilinis ang babae sa harapan ng apartment na nasa kabilang kalsada. Matagal at walang kurap niyang pinagmasdan ang kumakaway na tiyak niyang kilalang-kilala siya dahil tinawag pa ang kanyang pangalan.
“K-kilala niya ako. Tiyak, kilala ko rin siya!” Wika ni Alfred habang pinagmamasdan ang babaeng nasa harap ng apartment sa kabilang kalsada. “Hindi niya ako kakawayan kung hindi ako kilala!”
“Tama, kilala ko nga siya…” pabulong na wika ni Alfred na nanatiling nakatingin sa babaeng kumakaway at pinalalapit siya. “Si Cathy! Tama, si Cathy nga. Hindi ako maaaring magkamali!” Konklusyon niyang nananatiling nakatingin sa babaeng kumaway. “Maiksi lamang ang kanyang buhok at tumaba nang kaunti kaya hindi ko agad nakilala!”
Bigla, salabat-salabat na alaala ang nagbalik sa isipan at diwa ni Alfred nang maki-lala ang babaeng kumakaway mula sa apartment na nasa kabilang kalsada ng kanilang bahay. Ang apartment na nabakante dahil sa pag-alis ng dating nangungupahan na kanyang katrabahong lumipat sa kinuhang hulugang bahay sa isang subdibisyon. Hindi lang niya kilala ang babae, kung hindi kilalang-kilala. Kababata, kabarangay at dati niyang karelasyon ang babaeng kumakaway sa apartment na nasa kabilang kalsada. Childhood sweetheart sa tuwirang salita. Tiyak niya, kalilipat lang ng dating karelasyon dahil puspusan ang ginagawang paglilinis sa harapan ng apartment na ilang araw ring nabakante.
Tanda rin ni Alfred na nakasabit pa ang karatulang may nakasulat na ‘apartment for rent’ nang minsan niya itong mapagmasdan ng nagdaang araw. At tulak ng mga damdaming nararamdaman kapag nakakakita ng taong dating kakilala, mabilis siyang naglakad patawid sa kalsada. Hindi naman umalis sa harapan ng apartment ang kumaway na babae at hinintay ang kanyang pagdating. Matapos magkalapit, saglit na tinitigan ni Alfred ang babae upang tiyaking hindi nagkamali ng pagkilala, hindi kamukha o kahawig ng taong matagal na niyang kakilala. Makaraan ang ilang sandali, natiyak niyang hindi siya nagkamali sa pagkikilala sa babaeng kumaway upang lumapit siya at mag-usap. Isang babaeng hindi dapat niya nakita sa panahong wala ang kanyang asawa dahil maaaring maging hadlang sa pagtupad niya sa binitiwang sumpa. (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-12 Labas)
“CATHY?” TILA namamalikmatang wika ni Alfred nang makaharap ang babaeng kumaway sa kanya upang lumapit sa apartment na nasa tapat ng kanilang bahay sa kabilang kalsada.
“Ikaw ba talaga ‘yan? Hindi ako dinadaya ng paningin!” Dagdag niyang wika habang pinagmamasdan ang mukha ng nilapitang babae.
“Ako nga ito, Alfred…” sagot ng babae. “Ano ka ba naman, hindi mo kaagad ako nakilala!”
“Maiksi kasi ang gupit ng buhok mo at tumaba ka nang kaunti kaya hindi agad kita na-kilala. At isa pa, lalo kang pumuti at kuminis ang kutis!” Dagdag ni Alfred, pinagmasdan nang mabuti ang dating karelasyon.
“Ikaw pa rin talaga si Alfred na bolero at palabiro!” Wika ni Cathy na inaya ang dating ka-relasyon sa loob ng apartment.
“Kalilipat mo lang ba?” Tanong ni Alfred, iginala ang paningin sa loob ng apartment na hindi pa lubusang naisasaayos ang mga gamit at kasangkapang nakatambak sa isang tabi. “Kung hindi ako nagkakamali, kagabi!”
“Oo!” Sagot ni Cathy. “Nakasanayan kong lumipat nang gabi para hindi usyosohin ng mga tao ang aking pagdating!”
Matapos ang ilan pang pagpapalitan ng salita, saglit nagpaalam si Cathy sa dating karelasyon upang kumuha ng meryenda. Patuloy namang nag-iisip si Alfred sa biglaang pagku-krus ng kanilang landas ng babaeng dating iniibig at minamahal. At tila pinagtiyap ng pagkakataong wala ang kanyang asawa kaya uhaw na uhaw siya sa pag-ibig at pagmamahal ng babae. Ngunit nang bumalik sa isipan ang pagsumpa kay Myra na hindi magtataksil, pilit iwinaksi sa isipan ang naglalarong mga bagay na may kaugnayan sa kamunduhan.
“Ang mister mo?” Tanong ni Alfred nang bumalik si Cathy mula sa kusina. Hindi napigilan ang sariling magtanong sa asawa ng dating karelasyon.
“Nasa Amerika pa!” Sagot ni Cathy habang inaayos ang dalang meryenda sa center table.
“Foreigner nga ba ang napangasawa mo?” Walang ma-sabi si Alfred kung hindi tiyakin sa dating karelasyon ang impormasyong matagal na niyang nalaman.
“Oo!” Mabilis na sagot ni Cathy. “Hindi mo ba naalaalang ang pagkikipag-chat ko sa internet ang ugat ng ating hindi pagkakaunawaan at tuluyang pagkaputol ng komunikasyon!”
“Ay, oo nga pala!” Mabilis na sagot ni Alfred. “Nagiging makakalimutin na yata ako. Pasensya na, nagkaka-edad na kasi!”
“Ikaw? Nasaan ang misis mo?” Tanong ni Cathy na sinabayan ng pagtanaw sa bahay ng dating karelasyong nasa harap ng inuupahan niyang apartment.
“Nasa abroad. Doon siya nagtatrabaho, magdadalawang buwan na!” Sagot ni Alfred. “Ang hirap pala kapag wala ang asawa at nag-iisa sa buhay!”
“Sinabi mo pa!” Mabilis na sang-ayong ni Cathy.
At sa patuloy nilang pag-uusap sa kani-kaniyang buhay, nalaman ni Alfred na nasa Amerika pa ang asawa ni Cathy at marami pang bagay na inaasikaso bago sumunod sa Pilipinas. Nauna raw siyang umuwi sa Pilipinas upang maghanap ng pansamantalang tirahan habang naghahanap ng mabibiling lupa at bahay sa probinsiya. Umuwi raw sila sa Pilipinas dahil maysakit ang asawa at gustong manirahan sa Pilipinas sa pagbabakasakaling gumaling sa mga faith healer at herbal medicine sa Pilipinas. Ayon pa kay Cathy, pinili ng asawa ang Tagaytay City o lugar na tanaw ang bulkang Taal at ang kagandahan sa mga pamayanang nasa mataas na lugar at nakatunghay sa lawa ng Taal tulad ng nabanggit na siyudad.
(Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-13 Labas)
AT DAHIL wala ang kani-kaniyang asawa, hindi maiwasan nina Alfred at Cathy na pag-usapan ang mga bagay na nagdudulot sa kanila ng pa-ngungulila at kalungkutan. Dahil minsang naging karelasyon, naihinga ni Cathy kay Alfred ang hirap at pasakit na tiniis sa asawang dayuhang madalas nag-iinit ang ulo dahil sa karamdaman. Sinabi naman ni Alfred na baka matagpuan ng asawa ng dating karelasyon ang lunas sa Pilipinas sa sakit na hindi nagagamot ng makabagong syensya ng medisina. At tulad ng dapat asahan, naging paksa rin ng kanilang usapan ang pangungulila at kalungkutan sa mga bagay na pinagsasaluhan ng mag-asawa tulad ng pagdadamayan, pagtutulungan at higit sa lahat ang kaligaya-hang pinagsasaluhan sa mundo ng kahalayan at kalibugan.
Kay Alfred ang pagpunta ng asawang si Myra sa ibang bansa upang magtrabaho. Kay Cathy, ang pagkakaroon ng karamdaman ng asawang hindi nabibigyan ng sapat na lunas sa Amerika. Saglit silang nagkatitigan dahil inalipin ng kakaibang init ng katawan na minsan nilang pinagsaluhan noong magkarelasyon pa. Hindi niya basta-basta malilimutan si Alfred dahil ito ang unang lalaki sa kanyang buhay. Ito ang nagmulat sa kanya sa walang kasing sarap na mundo ng kahalayan at kalibugan. Naputol lamang ang kanilang relasyon dahil sa pagnanais niyang magkaroon ng katuparan ang pangarap na makapag-asawa ng dayuhan at makapanirahan sa ibang bansa. Natigil sa pagsasalita si Alfred nang makita ang wall clock na nakasabit sa dingding.
“Bakit?” Tanong ni Cathy.
“Ten thirty na pala, uuwi muna ako. Magluluto ako ng tanghalian para sa dalawa kong anak na nag-aaral sa elementarya.”
“Sige!” Sagot ni Cathy. “Basta mangako kang ipagpapa-tuloy natin ang pagbabalitaan!”
“Okey…” Sagot ni Alfred na itinaas ang isang palad na nakabukas. Nag-apir sila ng dating karelasyon. “Kawayan mo ako kung hindi pa nagbabago ang iyong isipan sa pakikipagbalitaan sa akin!”
“Sure!” Mabilis na sagot ni Cathy na inihatid ang dating karelasyon sa pintuan ng apartment na kanyang nirerentahan.
Hindi man aminin ni Alfred sa sarili, nagkaroon siya ng ibayong sigla at saya sa muling pagku-krus ng landas ng dating karelasyong si Cathy. Damang-dama niyang magaan ang kanyang kilos at galaw habang naghahanda ng panang-halian. Paminsan-minsan, sinasabayan niya ng pagkanta at paminsang-minsang pagtanaw sa apartment na nasa kabilang kalsadang tinitirhan ng dati niyang karelasyong nagbalik-bayan mula sa Amerika. At ayaw man niyang aminin, tila nakadikit sa kanyang isipan at diwa ang hitsura at anyo ng dating karelasyong paulit-ulit niyang inangkin noong masidhi at maalab pa ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa. Noong hindi pa natutuldukan ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.
At hindi rin maitatatwa ni Alfred ang katotohanang tuluyang nabuhay sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang laman ang makamundong pagnanasa sa dating karelasyon. At ayaw man niyang aminin o tanggapin, nagsusumiksik sa kanyang isipan at diwa si Cathy, ang papawi sa makamundong pagnanasang umaalipin sa kanyang katawan at isipan dahil sa pag-a-abroad ng asawang si Myra. Nakarehistro sa kanyang diwang hindi pa rin nababawasan ang alindog at kariktan ng dating karelasyong minsan niyang sinamba at paulit-ulit inangkin. Taglay pa rin ng dating karelasyon ang mga katangiang hindi lang nagpapainit ng kanyang damdamin, kundi nagdudulot din ng maalab at masidhing makamundong pagnanasa. Ang manipis at malambot na labi, ang mayamang dibdib, ang mabilog at maumbok na balakang at makinis, maputi at hugis-kandilang legs! (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-14 Labas)
“PAPA ANG saya, saya ninyo, nagkausap ba kayo ni mama?” Tanong ng panganay na si Cheryl kay Alfred nang mapansing masaya ang ama habang inihahanda ang kanilang tanghalian.
“Oo nga papa. Nagkausap ba kayo ni Mama?” Tanong naman ng nakababata nitong kapatid na si Patrick.
“Tama kayo!” Sagot ni Alfred, nagsinungaling sa dalawang anak sa kauna-unahang pagkakataon. “Hindi kasi ako sanay na wala ang inyong ina kaya labis ang tuwa ko at saya nang magkausap kami!”
Ngunit hanggang makaalis ang dalawang anak papunta sa eskuwelahan, tuloy pa rin ang pagsisinungaling sa sarili ni Alfred. Dahil ng mga sandaling ‘yon, tuloy ang lihim niyang nararamdamang tuwa at saya sa muling pagku-krus ng landas ng dating karelasyong si Cathy. At tiyak niya, hindi lang matatapos sa pagku-krus ng landas ang kanilang muling pagkikita dahil kitang-kita niya sa mata ng babae ang dating pananabik na naramdaman sa kanya noong sila pa ang nagmamahalan. Hindi siya maaaring magkamali dahil kilalang-kilala niya ang dating karelasyon, simula nang pagkabata kaya madali niyang nababasa ang naglalaro sa isip nito at kahit pa sa puso!
“May lihim pa rin siyang pagtingin sa akin…” Nasisiyahang wika ni Alfred habang paminsan-minsang tinatanaw ang apartment na nasa tapat ng kanilang bahay. “Talagang minsan, mapaglaro ang tadhana, ang taong ayaw mong makita, dahil sa isang masakit at mahapding nakaraan, biglang nakikita!”
“At ang mahirap, sa sandaling kailangan ng isang tao ang pag-ibig at pagmamahal dahil sa pansamantalang paglayo ng kanyang bagong minamahal, tulad ko!” Malinaw na tinutukoy ni Alfred sa sinasabi ang asawang si Myra.
“Kung hindi lamang ako nakapangakong hindi magtataksil madali akong magkakasala dahil hindi ko maiiwasan ang kaway ni Cathy na isang KAWAY NG KASALANAN!” Konklusyon ni Alfred. “Dahil tulad niya, uhaw na uhaw rin ako sa ligayang dulot ng kamunduhan!”
Natigil ang malalim na pag-himay ni Alfred sa mga pangyayaring kinasangkutan nang biglaang pagku-krus nila ng landas ng dating karelasyong si Myra. Payak lamang ang dahilan, nakita niyang nakatanaw ito sa kanya at nang makitang nakatingin siya, kinawayan at pinapupunta sa apartment na kinaroonan. At bugso ng hindi maipaliwanag na saya at tuwang naramdaman sa ginawa ng dating karelasyon, kumaway rin si Alfred at nagbigay ng senyas na sandali lamang. Matamis na ngiti ang namutawi sa labi ni Cathy na nagbigay rin ng hindi matingkalang kaligayahan kay Alfred na nagmamadaling pumunta sa banyo at naligo. Ibig niyang humarap nang mabango at malinis ang katawan sa babaeng paulit-ulit niyang nakasalo sa makamundong kaligayahan nang nagdaang panahon.
“Okey na ang porma ko,” wika ni Alfred, pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin.
Saglit siyang tumingin sa orasan bago tuluyang lumabas sa pinto ng kanilang bahay. Dalawang minuto bago sumapit ang ika-walo ng umaga, mahigit pang dalawang oras silang mag-usap ni Cathy. At nagmamadali siyang naglakad patawid sa kalsada upang puntahan ang dating karelasyon upang ipagpatuloy ang kanilang balitaang kusa niyang pinutol kahapon dahil sa pagsapit ng oras sa
pagluluto ng pananghalian para sa dalawang anak na uuwi mula sa eskwelahan. Buong giliw naman siyang pinapasok sa loob ng apartment ng dating kare-lasyong tulad niya, bagong ligo at umaalingasaw sa katawan ang iwinisik na mamahalin at imported na pabango. (Itutuloy)