Monday, December 19, 2011

Katleah’s Sexcapades: Barkada (chapter 41-45)

Katleah’s Sexcapades: Barkada 41

“SORRY, KAGABI, HA?” Sabi ni Joan. Nasa library sila ni Jordan. “Biglaan kasi. ‘Di ko naman alam na darating si Ate.”

“Okay lang,” sagot ni Jordan sabay hikab.

“Teka, nagawa mo na ba ‘yung thesis mo? Mukhang napuyat ka. Ang lalim ng mga mata mo. Ngayon na ang deadline nu’n, ‘di ba?” paalala pa ng nobya.

Syet! Oo nga pala, ‘yung thesis niya. Hindi niya natapos. Ibang project ang nagawa niya kagabi.

“O-Oo, tapos na. Mamaya ipapasa ko na ‘yon,” pagsisinungaling ni Jordan.

Antok na antok ang binata. Medyo nahihilo pa siya. Hindi siya makapag-concentrate sa binabasa niya. Minamasahe-masahe niya ang batok para mapaglabanan ang antok.

“Ano ‘yan?” Tanong ni Joan. May nakita itong mapula sa bandang leeg ng nobyo.

“Ha?” Taka ni Jordan.

“’Yan, o! Ano ‘yan?” Ulit ng nobya. Idinikit na ang daliri sa leeg ni Jordan, itinuturo ang mapulang patse sa balat ng nobyo. Kinapa-kapa naman ito ni Jordan.

May kinuha sa bag si Joan. Maliit na salamin. Ibinigay niya ‘yon kay Jordan.

Sa salamin, sinipat ng binata ang itinuturo ng nobya. Nagulat si Jordan sa nakita.

“Shit ka, Jordan! Kiss mark ‘yan!” Sabi ni Joan. Bigla itong tumayo. Mabilis na lumakad palayo sa nobyo.

“S-Sandali…” tawag ni Jordan sa nobya na halos patakbong lumabas ng library. Nagtinginan ang ibang estudyante sa kanila.

Sa labas ng library, hindi na namataan ni Jordan si Joan. Wala na ito sa pasilyo. Nagpalinga-linga siya, pero hindi niya na makita ang nobya. Naisip niya na baka nagtungo si Joan sa CR. Nasa dulo ‘yon ng pasilyo. Mabilis ang hakbang ng binata na tinumbok ang CR. Tatawagin niya sana ang pangalan ni Joan, pero nasalubong niya papalabas doon si Chona. “Si Joan, nasa loob ba?” Tanong niya agad dito.

“Ha? Wala. Hindi ko nakita,” sagot ni Chona.

“Halika,” sabi ni Jordan, hinawakan sa braso ang dalaga at dinala sa isang sulok. “Tingnan mo ‘to.” Hinatak niya ang kuwelyo ng damit at ipinakita kay Chona ang kiss mark sa leeg. “Ikaw ba ang gumawa nito?”

Natawa si Chona. “Ikaw ba ang gumawa nito?” Tanong uli ni Jordan.

“Hindi. Saka bakit ba parang big deal sa ‘yo ‘yan? Kiss mark lang ‘yan, ‘no!” Muling tumawa si Chona.

“Nakita ni Joan,” sabi ni Jordan.

“Patay. ‘Yon ang problema,” sabi ni Chona. “Paano mo ipapaliwanag sa kanya. Hindi mo ba napansin kanina bago kayo nagkita?”

Umiling si Jordan. At saka lumakad palayo kay Chona.

“O, sa’n ka punta?” Tanong ng dalaga.

“Hahanapin si Joan. Sa’n pa?” Sagot ni Jordan.

“Gusto mo samahan kita?” Alok ni Chona, sabay na lumakad sa kanya.

“’Wag na baka lumala pa,” tanggi ng binata. Napansin niya na nag-iba ang timpla ni Chona. Umismid. Napikon sa sinabi niya. “Hindi ‘yon ang ibig kong…” Hindi na naituloy ni Jordan ang sasabihin, tinalikuran na siya ni Chona. Mabilis ang lakad.

“Sandali. Sandali…” habol ni Jordan, hinawakan sa braso si Chona. Pinigilan. “Sorry. Okey?” Agad niyang banggit. Tiningnan lang siya ni Chona. Hindi sumagot.

“Ganito na lang, kalimutan muna natin ‘tong problema ko kay Joan. Okey?” Sabi ni Jordan. Hindi pa rin kumibo si Chona.

“Nai-video ni Rexy ang nangyari sa atin kagabi,” banggit ng binata, seryoso ang tono. “Nakita ko ang kopya kagabi. May alam ka ba do’n?”

Ikinabigla ni Chona ang tinuran ng kaharap. “W-Wala. Shit talaga si Rexy, pati ‘yon?”

Tumango si Jordan. “Kailangang makuha mo ang kopya. Nasa cellphone niya,” banggit ng binata. (Itutuloy)
====================================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 42

SINUBUKANG TAWAGAN NI Jordan si Joan. Pero hindi sinasagot ng nobya ang tawag niya. Panay lang ang ring ng phone. Ayaw talagang sagutin ni Joan, naisip ni Jordan. Nag-text na lang ang binata, hihintayin niya ang nobya mamayang uwian. Pero sigurado si Jordan na hindi rin siya sisiputin ni Joan.

Bago sila naghiwalay ni Chona kanina, binilinan niya ito na huwag magpahalata kay Rexy na alam na niya ang tungkol sa video. Tiyempuhan na lang ni Chona ang cellphone ng nobyo at i-delete ang video roon.

“Malalaman niyang pinakialaman ko ang cellphone niya ‘pag nawala ang video,” tila pagtutol pa ni Chona. “Magagalit sa akin si Rexy.”

“Anong mas gusto mo, kumalat ang video nating lahat? Kilala mo si Rexy. Kilala natin ang takbo ng utak ng taong ‘yon,” sabi ni Jordan.

“Ba’t ngayon ka nag-aalala? Hindi ba may video ka rin namin? Bakit ayaw mong i-delete din ‘yan?”

Hindi agad nakasagot si Jordan. “Ba’t hindi ka nag-aalalang mapanood ‘yan ni Joan?” Tanong uli ni Chona.

“Okey. Okey. ‘Eto, ide-delete ko na,” sabi ni Jordan habang hinuhugot ang cellphone sa bulsa. Ipinakita pa muna ang video kay Chona bago niya ito binura. “Okey, tapos na ang isa nating problema.” Napansin ni Jordan na may nangingilid na luha sa mga mata ni Chona.

“Hindi lang ‘yan ang problema, Jordan,” sabi nito. “Marami pa… marami pa.” Hindi na napigilan ni Chona ang mapaiyak.

Hindi naman makapaniwala si Jordan sa narinig. “Marami pa?” Tanong pa uli ng binata. Tila gustong maniguro sa kanyang narinig.

Tumango lang si Chona. “S-Sorry, Jordan. Hindi ko dapat sinunod ang lahat ng inutos sa akin ni Rexy,” banggit ni Chona. “H-Hayaan mo, hahanapin ko lahat ng files ni Rexy. Bahala na kung magagalit siya sa akin.”

TULAD NANG INAASAHAN ni Jordan, hindi sumipot si Joan sa hintayan nila. Sinubukan niya uling tawagan ang nobya, pero naka-off na ang cellphone nito. Isang classmate ni Joan ang nagsabi sa kanya na umuwi na ito. Kasabay si Rexy.

Si Joan sasabay kay Rexy? Hindi kasundo ng nobya ang kanyang kaibigan. Ilang beses nang sinabi sa kanya ni Joan na mabigat ang loob nito kay Rexy. Hindi komportable ang nobya kapag nandiyan si Rexy. Bakit ngayon, sumabay ito sa kaibigan?

Ginagantihan ba siya ni Joan? Nagtiim ang mga bagang ni Jordan. Pakiramdam niya ay biglang umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo.

Huwag na huwag mong isasali sa kalokohan mo… sa kalokohan natin si Joan, Rexy! Babala ni Jordan sa isip niya.

Mabilis ang lakad na tinungo ni Jordan ang sakayan. Halos marinig niya sa kanyang tenga ang kabog ng kanyang dibdib. Sinubukan niya uling tawagan si Joan. Wala pa rin. Patay na ang cellphone nito.

NASA TARANGKAHAN PA lang si Jordan ay dinig na niya ang tawanan nina Joan at Rexy. Hindi nakasara ang pinto. Bahagya itong nakaawang. Sinadya.

Dahan-dahan siyang umakyat. Ayaw niyang marinig ng dalawa ang kanyang pagdating. Sumilip siya sa awang ng pinto. Nakita niya si Rexy na nakaupo sa katre, sa puwesto niya. Bahagyang nakasandal sa pader.

“Faithful kang masyado kay Jordan,” dinig niyang banggit ni Rexy kay Joan. “E, siya ba, faithful din sa ‘yo?”

Tumawa si Joan sa tanong na ‘yon ni Rexy. Nasa mesa nakapuwesto ang nobya. “Ewan ko,” sagot nito sa kausap. “Ikaw dapat ang nakakaalam niyan. Kayo ang magkasamang madalas.”

Si Rexy naman ang natawa sa tinuran ni Joan. Tumayo ito. May kinuha sa ibabaw ng katre, sa knapsack niya. “Hindi mo naman ako ka-vibes, ‘di ba? Ba’t mo ako paniniwalaan sa sasabihin ko,” tugon ni Rexy.

Lumapit ang binata sa kaharap. Iniabot ang cellphone na hawak kay Joan.

“Ano meron dito?” tanong ni Joan.

“Tingnan mo do’n sa video gallery,” sabi ni Rexy. (Itutuloy)
====================================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 43

“KALOKOHAN na naman ‘to, Rexy,” sabi ni Joan. Inabot ng dalaga ang cellphone. “Ano naman ang meron dito? Sex video mo?” Tumawa si Joan.

“Nagtanong ka kanina kung faithful ba sa ‘yo si Jordan, ‘di ba?”

“At nandito ang sagot?” Si Joan na ang nagpatuloy. Hindi kumibo si Rexy. Tinungo uli ang katre at doon nahiga. “Hindi ka nagbibiro?” Tanong uli ng dalaga.

Wala pa ring kibo si Rexy. Tumayo si Joan. Lumapit sa nakahigang kaibigan ni Jordan. Iniabot ang cellphone kay Rexy. “Kung anuman ang nand’yan, ayokong makita. Hindi ako interesado,” sabi niya.

Biglang hinawakan ni Rexy sa braso si Joan. Ikinabigla ‘yon ng dalaga. “Bakit, natatakot ka sa makikita mo?” Tanong ni Rexy. Hindi nakasagot si Joan.

Napahigpit ang hawak ni Rexy sa nobya ng kaibigan, nakita niya ang bahagyang pagkatakot sa mukha nito. Nabitiwan ng dalaga ang cellphone na nalaglag sa ibabaw ng katre. Agad na binitiwan ni Rexy ang braso ni Joan. Bumalikwas ng bangon ang binata. “S-Sorry, Joan. Hindi ko sinasadya,” agad niyang sambit.

“M-Mabuti pa, uuwi na ako. ‘Wag mo na lang sabihin kay Jordan na sumabay ako sa ‘yo,” sabi ni Joan. Kinuha ang bag na nakapatong sa mesa.

“Sandali…” pigil ni Rexy kay Joan. “Wala akong ibang intensyon. Gusto ko lang namang makita mo kung ano ang nasa video. Ayokong magsalita, kaya mas mabuting makita mo mismo. Kaibigan ko si Jordan… ikaw, itinuturing ko na ring kaibigan. Kahit alam kong mabigat ang loob mo sa akin…”

Hindi na naituloy ni Rexy ang sasabihin. Dinampot muli ni Joan ang cellphone sa higaan. Pinindot-pindot.

Sa puntong ‘yon biglang pumasok si Jordan. Nagulat ang dalawa.

“J-Jordan,” sambit ni Joan.

Nagkatitigan sina Rexy at Jordan. Nagpalipat-lipat ang tingin ng binata sa nobya at kaibigan niya.

“’Tol, ano ‘to?” Tanong ni Jordan sa barkada. Hindi kumibo si Rexy.

“Pati ba si Joan…?”

“J-Jordan, wala naman kaming ginagawa,” agad na salita ni Joan.

“’Tol, kayo yata ang may problema ni Joan,” kaswal na sabi ni Rexy. “Labas muna ako, mag-usap kayo.”

Hindi magawang magalit ni Jordan. Totoo na wala namang masamang ginagawa ang dalawa. Nasaksihan niya.

Naglakad si Rexy patungo ng pintuan. Bago tuluyang lumabas, tinapik niya pa sa balikat si Jordan. “’Tol, hindi ko kailanman pakikialam si Joan. Alam mo ‘yan,” mahinang sambit nito sa kaibigan. May ibang kahulugan ang tinuran ni Rexy. Alam ni Jordan ang gustong ipahiwatig ng kaibigan. Kung tutuusin, siya ang mas may kasalanan kay Rexy. Siya ang nakialam sa nobya nito. Kay Chona.

Ilang minuto ang lumipas, pero nanatiling walang imikan sina Jordan at Joan. Umupo ang binata sa katre. Nanatiling nakatayo si Joan. Pinipigilan ang sarili na maiyak. Napansin ni Jordan na hawak pa rin ng nobya ang cellphone ni Rexy.

Si Jordan ang unang nagsalita. “Halika nga rito,” aya niya kay Joan. Pero hindi tuminag ang nobya. Tumayo si Jordan at nilapitan ito. “Sorry na, please…” sumamo ng binata. Umakbay na kay Joan. Pero nagmamatigas pa rin ang nobya.

“Ano ‘to, Jordan?” Tanong ni Joan. “Ano ‘tong gustong ipakita sa akin ni Rexy? May itinatago ka ba sa akin, Jordan?”

“H-Hindi ko alam kung ano ang nand’yan,” sagot ni Jordan. Kinabahan siyang bigla.

Muling pinindut-pindot ni Joan ang cellphone ni Rexy. Binuksan ang isang video file. (Itutuloy)
====================================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 44

PAKIRAMDAM NI JORDAN, dumadagundong ang tibok ng kanyang puso. Naririnig niya sa kanyang mga tenga ang kanyang kaba. Nagsimulang mamuo ang mga butil ng pawis sa kanyang noo. Tila uminit nang husto sa silid. Hindi siya makahinga. Napaupo siya sa katre. Nanginginig ang buong katauhan. Pero hindi niya ‘yon ipinahalata kay Joan.

Nagsimula ang video sa cellphone. Naririnig ni Jordan ang usapan doon, pero hindi niya maintindihan. Tumayo ang binata. Pero tila umiikot ang paligid niya. “Jordan!” ‘Yon ang huling narinig niya kay Joan bago tuluyang nagdilim ang lahat sa kanya.

“’TOL… ‘tol…” Sunud-sunod na boses na wari’y mula sa kawalan ang pumupukaw sa diwa ni Jordan. Naramdaman niya rin ang mahinang mga tapik sa kanyang pisngi. May malamig na tubig na humahaplos sa kanyang mukha.

“Jordan… Jordan… okay ka na ba?” Boses ni Joan.

Nang imulat ni Jordan ang kanyang mga mata, agad na tumambad sa kanya ang mga mukha nina Rexy at Joan. Babangon sana siya pero agad siyang pinigilan ni Rexy, “’Tol, higa ka lang muna d’yan. Relax ka lang.”

“J-Joan… anong nangyari?” Tanong niya sa nobya.

Napaiyak si Joan bago nakasagot, “Bigla ka na lang natumba, e. ‘Buti na lang hindi nabagok ang ulo mo.”

Napaling naman ang tingin ni Jordan kay Rexy. “’Tol, ‘buti na lang nand’yan lang ako sa harap, kaya nakaakyat ako agad nang tawagin ako ni Joan,” agad na sabi ng kaibigan. Wari’y alam na nito ang itatanong niya. “Alam mo, ‘tol, bawasan mo ‘yang masyadong pag-aalala mo. Sobrang stress na ‘yan, kaya ka nag-collapse.”

Hindi pa matanto ni Jordan ang buong pangyayari. Huli niyang natatandaan na hawak-hawak ni Joan ang cellphone ni Rexy. May pinapanood ito.

“S-Sorry,” banggit ni Jordan sa nobya. Tumango lang si Joan at yumakap sa kanya. “’Yung cellphone…?” Tanong niya sa nobya. Biglang bumitaw sa pagkakayakap kay Jordan ang dalaga. Nagkatitigan sila.

“’Eto ba?” Si Rexy, inabot ang cellphone kay Jordan. “Sige, panoorin mo.”

Napatingin muna si Jordan kay Joan. Nang tumango ang nobya, saka niya lang inabot ang cellphone mula kay Rexy. Binuksan ni Jordan ang kaisa-isang video file sa gallery. Bigla siyang napatawa. Nagtawanan din sina Joan at Rexy.

“Gago ka talaga, Rexy!” Sabi niya sa kaibigan. “Akala ko ba binura mo na ‘to?”

Ang nasa video: papalabas siya ng banyo, nakatapis ng tuwalya. Kaliligo lang. Nakaupo si Rexy sa bandang mesa nang bigla nitong hinatak ang tapis ni Jordan. Nahubaran siya. Pero agad niyang tinakpan ang harapan ng kanyang mga kamay. Si Chona ang kumukuha ng video.

Hindi na tinapos ni Jordan ang video. “’Tol, burahin mo na ‘yan. Baka ikalat mo pa sa Internet ‘yan,” sabi niya kay Rexy. Tumawa lang ang kaibigan, sagot nito, “Wala namang magkakainteres d’yan.”

Tumayo si Joan para ayusin ang mga gamit na nasa mesa. “Kayong dalawa… kayong tatlo… kung anu-ano talagang mga kalokohan ang ginagawa ‘pag nagkakasama-sama,” sabi nito.

Lumapit si Rexy kay Jordan para kunin ang kanyang cellphone. Tumabi pa ito ng upo sa kaibigan. Pinaglaruan ang cellphone sa kamay. Saka may ibinulong kay Jordan. “’Tol, tulad ng sabi ko, hindi kita ipahahamak kay Joan…. kahit kanino. Pangako ko sa ‘yo ‘yan, ‘di ba?” Ani Rexy bago tumayo at tinungo ang terasa. Napatingin lang si Jordan sa papalayong kaibigan. (Itutuloy)
====================================================================

Katleah’s Sexcapades: Barkada 45

“BUKAS PALA, BABALIK na ako sa probinsiya namin,” banggit ni Reylita kay Jordan. Kabibili lang ng sigarilyo ng binata.

“Ha? Bakit?” tanong agad ni Jordan.

“Gusto ni Tita, e. Mas mabuti raw na kasama ako ng mga magulang ko. Saka, hindi rin naman daw niya ako mapag-aaral dito,” sagot ni Reylita.

Napatango lang si Jordan. “Anong plano mo?” Tanong niya uli.

“Gusto ko sana, mamasukan na lang muna ako habang nandirito ako. Pero, sabi ni Tita, kung ‘yon lang din naman ang gagawin ko, do’n na lang sa amin, malapit pa raw sa mga nanay ko,” medyo malungkot na sabi ni Reylita.

“Paano ‘yon, ‘di hindi ka na namin makikita? Text na lang tayo,” sabi ni Jordan.

Ngumiti lang si Reylita. “Basta kung ano ‘yung nangyari….”

“Sus, dapat nga ngayon pa lang hindi mo na binabanggit,” putol agad ng binata. “Teka, papayagan ka pa kaya ng tita mo mamaya? Despedida, kumbaga, para sa ‘yo.”

“Ewan ko. Pero subukan ko,” ani Reylita.

“Sige, pasok na ako,” paalam ni Jordan.

“ANO ‘YUNG SINASABI nina Rexy na gimik sa Batangas sa Sabado?” Tanong ni Joan sa nobyo. Nasa canteen sila ng campus.

“Outing saka overnight yata. Inaya ka nila?” Sagot ni Jordan.

“Tineks lang sa akin ni Rexy, kung gusto ko raw sumama?”

Si Rexy, nagte-text na ngayon kay Joan. Nakuha na ng barkada niya ang loob ng nobya niya? Hindi magkasundo ang dalawa sa simula’t simula. Dahil siguro sa nangyari kaya napalapit si Joan kay Rexy.

“Ows? Friends na kayo ni Rexy?” Biro ni Jordan sa nobya. “Kelan pa?”

“Sira!” Sagot agad ni Joan. “Marami yatang alam na sikreto mo ang kaibigan mo sa ‘yo. Kaya siya ngayon ang bestfriend ko!” Ganting-biro pa ng dalaga.

Natawa lang si Jordan. “Ano naman ang isisikreto ko pa sa ‘yo?” Sabi ni Jordan na pasimpleng hinimas ang hita ni Joan sa ilalim ng mesa.

“O, nagsisimula ka na naman ng kalokohan d’yan!” Sabi ni Joan sabay tampal ng kamay sa nobyo.

“Anong oras ang next class mo?” Tanong ni Jordan.

“Bakit?” Tanong din ni Joan, pero alam na niya kung ano ang ibig sabihin ng nobyo.

WALA PA SI Rexy nang dumating sila sa boarding house. At hindi agad darating ‘yon. Tineks ni Jordan.

Pagpasok pa lang sa kuwarto, agad na naghinang ang mga labi ng dalawa. Si Joan ang mas mapusok. Animo’y sabik na sabik sa bibig ng nobyo. Naglumikot agad ang dila sa bibig ni Jordan. Ginagalugad ang bawat sulok nito. Nakikipaglaro sa dila ng nobyo. Sinisipsip pa ito.

Mabilis naman ang kamay ni Jordan. Hinimas agad ang dibdib ni Joan sa ibabaw ng blouse nito. Marahang piniga-piga. Ramdam niya ang reaksiyon ng katawan ng nobya sa kanyang ginagawa. Nadama ni Jordan na tumayo agad ang mga utong ni Joan sa ilalim ng bra nito.

Agad na kumilos ang mga kamay ni Jordan para isa-isang alisin ang butones ng blouse ng nobya. Hindi naghihiwalay ang magkalapat na bibig na dalawa. Nang matanggal ang mga butones, itinaas na lang ni Jordan ang bra ni Joan at sinimulang simsimin ang korona ng kanang suso ng nobya. Hinagod muna ito ng kanyang dila, paikot-ikot, bago niya ito sinipsip.

“Ooohhh…” ungol ni Joan sa ginagawa ni Jordan. Nahawakan niya ang batok ng nobyo. Tila iginigiya pa ng dalaga ang binata sa dapat nitong gawin.

Panay naman ang lamas ng isa pang kamay ni Jordan sa kabilang suso ng nobya. Tila tinutukso pa nito ang utong ni Joan sa tuwing marahan niya itong nilalapirot.

Bumaba na ang isang kamay ni Jordan sa pagitan ng mga hita ng dalaga. Sinapo ang tambok ng nobya. Basa na ang panty ni Joan. May kakaibang init na nagmumula sa bukana ng pagkakababae nito. Hinimas-himas ni Jordan ang pagkababae ni Joan sa ibabaw ng panty nito.  (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.