Saturday, December 17, 2011

Katleah’s Sexcapades: The Unfaithful (6-11)

Katleah’s Sexcapades: The Unfaithful 6

“ANG LAKAS NG loob mong sabihin sa akin ‘yan!” Sabay surot ng daliri sa kinaiinisang binata.
“Relaks ka lang.” Saka sinenyasan nito si Sofia na mahiga sa tabi nito.
Hindi pa rin maalis ang inis ni Sofia sa kasabwat at kalaguyong binata. Kahit na nagpaparamdam na ito sa kanya. Naging sunud-sunod ang pagpiksi ng kanyang mga labi. Sa inis ay pinag-walk- out-an niya ito at nagmamadaling lumabas sa kanyang silid.
“Hoy, saan ka pupunta?” Habol naman ni Dave na bumangon sa pagkakahiga sa sahig.
Diretso sa pagbaba nang hagdanan si Sofia na kaagad namang sumunod sa kanya ang nagmamadaling binata.
“Sofia, sandali! H’wag ka nang magalit sa akin.”
Wala nang pakialam pa si Sofia dahil sa inis sa binatang ito. Nagmadali na talaga siya sa pagbaba sa hagdanan. Ngunit, mabilis na nakuha naman ni Dave ang braso niya na ikinatigil naman niya ng pagbaba. Ang talim ng kanyang mga matang binalingan si Dave.
“Bitawan mo ako! Sinabing bitawan mo ako!”
“Sori na.”
Nagpumiglas pa rin si Sofia. Ibig kumawala talaga. Pero hindi naman siya binitawan ng binatang si Dave. At upang hindi na siya makapalag ay bigla nitong kinabig ang batok niya at sinakmal ang kanyang mga labi. Nagpumiglas na naman siya. Halos lunukin naman ni Dave ang mga labi niya. Piglas siya nang piglas. Nagpupumilit naman si Dave na ibuka ang kanyang bibig at maipasok nito ang dila sa kanyang bibig. Sinipsip iyon. Hindi naman siya halos makahinga. Ang kaninang panay ang piglas niya ay nauwi sa pagsuko na rin.
Nakipaglaplapan na rin nang labi sa labi si Sofia. Kinabig naman nang husto ni Dave ang kanyang likuran habang patuloy na magkahinang ang kanilang mga labi.
Laplapang umaatikabo hanggang sa pareho na silang mapaupo sa ikatlong baitang ng hagdanang iyon. Papainit na ang sinimulan nilang dalawa.
Ang hirap ng posisyon ni Sofia na nakadaiti ang kanyang likuran  sa malapad  na baitang. Habang pinupupog naman siya ng halik ni Dave. Sinibasib siya nito sa kanyang pawisang leeg, na tumalon sa kanyang pisngi na nagtapos sa kanyang mga labi.
Napaungol si Sofia. Habang minamarinong romansa siya ni Dave. Istilong silindro ba. Naglulumikot naman ang isang kamay nito nakapasok na sa lalylayan ng suot niyang night gown. Pumataas pa ang gapang ng isang kamay nito hanggang sa maabot na nito ang pakay, ang kanyang malulusog na dibdib.
“Oooooohhhhhh… oooooooohhhhhhhhhh,” napalakas ang ungol at halinghing ni Sofia.
Paanong hindi magdidiliryo si Sofia ay pinipisil-pisil ang kanyang suso at pinaglalaruan pa ng kamay nito ang kanyang nipol. Ibayong sensasyon iyon para sa kanya. Dumadaloy ang kiliti. Parang kuryente na nagpapanginig sa kanyang kalamnan. Nanghihina siya na kinakapos ang paghinga. Iyon ang kahinaan ni Sofia na kabisadung-kabisado na ni Dave.
Init na init si Dave na gustung-gustong sagpangin na ang alindog ni Sofia. Hindi maikakaila iyon sa pamumukol ng kargada nito sa suot na pantalon.
Bigay na bigay naman si Sofia. Kailan man ay hindi naging ganito ang response niya sa asawang si Alrex kapag magtatalik silang dalawa. Frigid. Habang kay Dave, halos lahat ng hiya sa katawan ay inalis na niya.
Mariing nakapikit ang mga mata ni Sofia habang lumalaban ng laplapan sa kapareha. Ninanamnam. Napapasabay pa ang pag-ungol at paghalinghing kapag napapariin ang pagpisil ni Dave sa kanyang mga suso. Salit-salitan kasing pinipisil-pisil iyon. Hindi lang iyon naghahatid ng kiliti kundi nakasasaid ng hangin sa kanyang buong katawan.
“Nasa langit ka na ba, Babe? Idinuduyan na ba kita sa langit? Kung hindi pa ay patuloy kong ipalalasap sa ‘yo ang aking …” saka walang habas na pinunit ang neckline ng suot na night gown ni Sofia. (Itutuloy)

=============================================================

Katleah’s Sexcapades: The Unfaithful 7

NAPADILAT NG KANYANG mga mata si Sofia. Lumuwa ang kanyang malulusog na suso na kaagad namang sinubsuban ng lalaki at sinagpang na ang mga iyon. Ang lakas-lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Sobra na ang kanyang pananabik. Lulundo na sa sobrang papanabik.Paano’y basang-basa ng laway na ni Dave ang isa sa mga utong niya. Sinisipsip na nagpahilahod sa kanya. Sarap na sarap siya.
“Oooooohhhhhhh…. oooooooohhhhhhhh.”
“Nakababaliw ka, Sofiaaaaaaa… aaahhhhhhh.”
Nasasaktan man si Sofia dahil napadidiin ang pagdaiti ng kanyang likuran sa kanto ng baitang ng hagdanan. Pero mas nangingibabaw ang sarap, kiliti at pananabik sa susunod pang ipatitikim sa kanya ni Dave.
Si Dave naman ay nagmamadaling kinalas nito ang butones ng suot na pantalon. Saka isinunod ang pagbaba ng siper, hanggang sa tuluyang hubuin na rin iyon. Umigkas ang nagngangalit nitong ugat na kanina pa tirik na tirik sa kasabikan.
Napasinghap naman sa hangin si Sofia nang paghiwalayin na ni Dave ang kanyang mga hita. Saka pumagitna iyon sa kanya. Saka dumaiti. Saka ramdam niyang naggumiit ang matikas na hayop ni Dave sa kanyang basang lagusan. Nagsumikip iyon na tila nilamon ang kahindigan ni Dave. Bumulusok iyon papasok saka bumuwelo ng labas-pasok. Saka naglapat ang pawisan nilang mga katawan. Nagsimulang mag-pump si Dave. Indayog na nakahuhugot-hininga. Saka kapwa nila narinig ang mabibilis na pintig ng kanilang mga puso. Saka nalanghap na rin niya ang mainit nitong hininga na tumama sa kanyang pisngi. Napakagat na lamang siya nang mariin nang maramdaman ang matigas na bagay na nagsumiksik sa kanyang lagusan. Pauli-ulit. Pabilis nang pabilis. Napanganganga siya at napakakagat sa mga labi sa tuwing huhugutin at muling ibabaon iyon. Iyon na ang simula patungo sa alapaap… sa walang kapantay na langit… sa ikapitong langit.
KINABUKASAN, NAGISING SI Sofia sa kama na wala na rin ang nobyong si Dave. Nag-iisa na naman siya. Kung minsan talaga, gusto na niyang kalasan si Dave dahil kapag nakararamdam lamang ito ng “utog” ay saka siya naiisip na dalawin. Matapos maging parausan ay basta iiwanan na lamang siya nang walang paalam.
Katahimikan.
Kay tagal na nakatanaw sa labas ng bintana si Sofia. Blanko ang isipan. Nagambala lamang ang kanyang pananahimik nang may bumagsak na bagay sa labas ng kanyang silid. Kalansing ng nabasag na bagay. Kaagad na kumilos siya para alamin kung ano ang bumagsak na bagay na iyon. At para makatiyak sa sariling kaligtasan ay kinuha niya sa drawer ang isang baril.
Ang baril na pag-aari ng kanyang asawang si Alrex. Ang baril na ginamit niya sa pagpaslang kay Alrex. Wala iyong bakas ng kanyang mga kamay. Walang makikitang ebidensiya ang mga imbestigador. Malinis ang kanyang pagkakatrabaho katulong si Dave.
Gimbal si Sofia nang makita ang nabasag na bagay na nasa kanyang paanan. Nagtitili na siya. Takot na takot. Sindak na sindak. Ang nabasag kasi ay picture frame ng asawa niyang si Alrex. Itinago na kasi niya ang lahat ng mga litrato ng kanyang asawa sa bodega para hindi siya makunsensiya. Sinigurado niyang ang lahat ng mga larawan nito ay naitago na niya talaga.
“S-sino ang kumuha ng… paanong…? Hindi iyon p’wedeng mangyari!”
Hysterical na naman si Sofia. Nangamba na naman. Sino nga kaya ang may kinalaman sa pagkabasag ng picture frame ng kanyang asawa. Sino ang kumuha ng bagay na iyon sa bodega.
“Ako lamang ang may hawak ng susi ng bodega. At ako na lamang ang natitira rito sa bahay. Mahigit isang linggo ko nang pinalayas ang mga katulong namin ni Alrex magmula nang may mangyari sa kanya.”
Sino nga ba ang taong naglalaro sa kanya?
“Sino kaya ang taong iyon? Hindi ako makapapayag na makasira siya sa plano namin ni Dave. Sa oras na matagpuan ang bangkay ng asawa ko at maipalibing ay tiyak na sa akin mapupunta ang kanyang mga naiwang kayamanan. Itutuloy namin ni Dave ang planong pagpapakasal sa ibang bansa.”
Maingat na dinampot ni Sofia ang larawan ng pinatay na asawa. Hindi nga lang siya makatingin nang diretso dahil kinukunsensiya siya. Nang bigla na lamang makarinig siya ng mga paang nagmamadali sa pagbaba ng hagdanan. Kaagad na nagmamadali niyang tinungo ang hagdanan. Nagmadali na rin siya sa pagbaba para sundan kung sino man iyon.
“Kailangang mahuli ko na ang taong iyon.” (Itutuloy)

=============================================================
Katleah’s Sexcapades: The Unfaithful 8
PABABA PA LAMANG si Sofia nang makarinig na naman siya nang malakas na kalabog ng pinto sa dakong ibaba. Kaagad naman niyang natukoy kung saan nagmula iyon.
“Sa silid ng mga katulong.”
Dinatnan ni Sofia na nakauwang pa ang pintuan ng silid ng mga katulong. At tama ang kanyang hinala na naroon sa loob ang taong may kinalaman sa pagkuha ng picture frame ni Alrex.
“Hindi ako natatakot kung sino ka man,” aniya na ikinasa ang hawak na baril.
Kabado man, bahagyang itinulak pa ni Sofia ang pintuan ng silid na iyon. Diretso ang tingin sa loob na wala naman siyang nakita kundi ang maayos na kama. Nakiramdam din siya.
Dumiretso na nang pasok sa loob ng silid na iyon si Sofia. Ang hindi alam ni Sofia ay may mga paang nagsusumiksik sa likuran ng pintuang iyon. Napapiksi na lamang siya at napailing na rin.
“Saan nagpunta ang taong iyon?”
Huli na ang lahat.
Hindi na nakakilos pa si Sofia nang biglang may magtakip ng panyo sa kanyang bibig. May bahid iyon ng gamot-pampatulog. Nagpumiglas pa siya pero nang makalanghap ay tuluyan na siyang nawalan ng malay-tao.
NANG BALIKAN NG malay-tao si Sofia, nakagapos na ang kanyang mga kamay sa isang silyang kinauupuan niya. Nakapiring din ang kanyang mga mata. Katapusan na nga ba niya? O, nakatakda nang pagdusahan ang kataksilang ginawa sa kanyang asawa?
“S-saan ako naroroon?”
Tinangka na ni Sofia na pakawalan ang sarili pero mahigpit ang pagkakagapos sa kanyang mga kamay. Nagpumilit pa rin siya. Pati pala mga paa niya ay nakagapos din. Paano na?
“Kailangan kong makatakas sa lugar na ito. Kung hindi ay mapapahamak ako.” Piglas pa rin siya nang piglas.
Sa pagpupumilit ni Sofia na makawala sa mahigpit na pagkakagapos sa kanyang mga paa at kamay, nawalan naman siya ng panimbang. Tumumba ang upuan na kanyang kinauupuan sa sahig na lupa. Subalit, ang kinabagsakan niya ay katawan ng isang tao. Malambot iyon. At narinig pa niya ang mahinang pag-ungol na sa pagkakadinig niya ay tinig ng isang taong hinang-hina na.
Napapitlag si Sofia. May malamig na kamay kasi na dumampi sa kanyang mukha. Napatili tuloy siya.
“S- Sofiiiaaa… Sofiaaa…” mahinang tinig ng isang lalaki.
“S-sino ka?!”
“Uuuunnnggg… uuunnnggg….”
“SINO KAAA?!”
“P-papa…ta…yin ka riiinnn niya.” Hirap na hirap na nitong sambit sa kanya.
“S-sino ang papatay sa akin? Sinnnooo?!”
Hysterical na talaga si Sofia. Ngayon pang alam na niyang may taong nagtatangka sa kanyang buhay. Pero sino ang taong iyon? Bakit gusto siya nitong iligpit? Bakit gusto nitong patayin siya?
“Pakiusap, tulungan mo akong kalagin ang mga tali sa mga paa at kamay ko. Pakiusap, tulungan mo ako.” Nagsusumamo na niyang pakiusap sa hindi nakikilalang tinig ng kausap.
Ungol at daing na nanghihina na ang naging tugon kay Sofia.
“He… tohhh na si… ya.”
“Huh!”
Dinig na dinig ni Sofia ang yabag ng mga paang papalapit sa kanilang dalawa ng taong kausap niya. Biglang pumailanlang ang isang putok ng baril. Naghumiyaw naman sa pamimilipit ang taong kausap niya.
“EEEHHH… EEEHHH… EEEHHH!!!” Si Sofia. (Itutuloy)

=============================================================
Katleah’s Sexcapades: The Unfaithful 9
TAKOT NA TAKOT na si Sofia. Matindi ang pangangatog ng kanyang buong katawan. Siya na ba ang isusunod?
Nagkandaiyak na si Sofia sa sobrang takot. Hindi pa rin siya makawala sa mahigpit na pagkakagapos sa kanya.
“H-hu… waaaaggg! Maa… wa ka kay So… fiaaaa.”
“Huwag! Huwag po! Huwag po!” Nagkakandaiyak na pakiusap ni Sofia sa taong papatay sa kanya.
Napahiyaw na rin si Sofia nang hablutin ang kanyang mahabang buhok. Hanggang sa may itinutok sa kanyang sintido. Ang baril. Nanangis na si Sofia.
“H’wag po, maawa ka sa akin. H’wag, ayoko pang mamatay.”
Nanangis pa ulit si Sofia dahil sa papariin nang papariin ang pagkakasabunot sa kanyang buhok ng taong papatay sa kanya. Ang siste pa ay itinutok naman ang dulo ng baril sa kanyang bibig. Nanlalamig na siya sa sobrang takot.
Basang-basa ng luha ang mukha ni Sofia. Hanggang sa biglang kalasin na lamang ang piring sa kanyang mga mata.
Ang katotohanan.
“Nasopresa ba kita?!”
“I-ikaw Dave… ang taong gustong pumatay sa akin?!”
“Nakapagtataka ba?”
Napaiyak na naman si Sofia. Hindi kasi niya maubos maisip na ang lalaking kanyang pinagkatiwalaan nang lubos ay ang taong papatay sa kanya.
“Pinaniwala mo ako sa mga salita mo! Kinuha mo ang tiwala ko at nagpaloko naman ako sa ‘yo!”
“Mahina rin kasi ang ulo mo, tanga!” Sabay tutok naman ng baril sa leeg ni Sofia.
“Napakawalanghiya mo talaga! Kinasangkapan mo ako para lamang sa sarili mo! Sana ay hindi ako nagtiwala sa’yo! Sana ay hindi ko nagawang magtaksil sa asawa ko!”
“Bravo!” Saka sinabayan ng palakpak ni Dave.
“Pagbabayaran mo ito sa batas!” Sigaw ni Sofia kay Dave.
“Kung mabubuhay ka pa at pati na rin ang kasama mo,” makahulugan nitong sambit sa kanya.
Tatawa kay Sofia si Dave bago nito itinihaya ang sugatang lalaking iyon.
Nanlaki ang mga mata ni Sofia nang makilala na ang lalaking tinutukoy sa kanya ni Dave.
“A-ALREX?!”
Buhay si Alrex.
“Hindi ka ba natutuwa Sofia at buhay ang asawang pinagtaksiklan mo. Nagtataka ka siguro kung paano nangyari iyon?”
Hindi kaagad nakaimik si Sofia. Gimbal. Gimbal na gimbal.
Nagpatuloy sa pagkukuwento si Dave.
“Hindi ba’t itinapon natin ang katawan ni Alrex sa may pampang. Pero binalikan ko siya dahil gusto kong makasigurado. Kinunsensiya naman ako at dinala ang asawa mo sa lugar na hindi mo alam.”
Nagkuwento pa si Dave.
“Nakuha ko na ang gusto ko sa asawa mo. Nailipat na ni Alrex ang lahat ng mga kayamanan niya sa pangalan ko. Hindi na kita kailangan pa Sofia.”
May magagawa pa ba si Sofia?
“Wala kang kasingsama Dave! Demonyo kaaa!!!” Gigil na gigil na sumbat ni Sofia sa pinagkatiwalaang kasabwat.
Sunud-sunod na malulutong na halakhak ang iginanti naman sa kanya ni Dave. Saka sinalit-salit itutok ang hawak-hawak nitong baril sa kanilang dalawa ni Alrex.
Si Alrex ay matindi ang tama ng baril sa kanang balikat. Nakagapos din ito katulad ni Sofia.
“Magkabagay nga kayong dalawa. Pare-pareho kayong madaling utuin. Isang babaeng kulang na kulang sa dilig. At isa namang lalaking inutil!” (Itutuloy)
=============================================================
Katleah’s Sexcapades: The Unfaithful 10
“Sinasabi ko na nga bang ikaw ang paulit-ulit na tumatawag sa akin. Tinatakot mo rin ako para pag-isipan kong pinagmumultuhan ako ng asawa ko!”
“Tanga ka kasi! Maganda ka lang pero ang kitid-kitid ng utak mo!
Poot at galit ang nananaig sa puso at isipan ni Sofia dahil naisahan siya ni Dave. At matinding pagkapahiya naman ang nadarama niya sa harapan ng lalaking pinakasalan niya. Totoong naging mahina siya. At nagawa pa niya itong pagtaksilan at pagtangkaang patayin.
Planadong-planado ang istratehiyang ginawa ni Dave sa mag-asawang Sofia at Alrex. Malinis na malinis na makakagawa ito ng krimen.
“Mag-usap na kayong mag-asawa dahil ito na ang huling magkakapatawaran kayong dalawa. Sabagay, baka magkita naman kayong dalawa sa impiyerno!”
“AKO NA LANG ANG PATAYIN MO DAVE. H’WAG MUNANG IDAMAY SI ALREX SA KABUWANGAN MO!” Singhal ni Sofia.
“AKO NA LANG ANG PATAYIN MO DAVE AT PAKAWALAN MO NA SI SOFIA.” Pakiusap naman ni Alrex sa kinakapatid.
Natigilan si Dave saka bumulanghit ng napakalutong na pagtawa. Hindi kasi nito akalain na magpaparaya ang bawat isa para sa kamatayan.
“Biruin mo, pareho kayong gustong isakripisyo ang sariling buhay para sa kaligtasan ng isa sa inyo. Ibig sabihin pala, may natitira pa rin kayong pag-ibig sa isa’t isa.”
Umamin na si Sofia.
“Pinagsisisihan ko ang ginawa kong pagtataksil sa ‘yo Alrex. Hindi ko dapat ginawa iyon sa ‘yo. Hindi ako dapat nasilaw sa mga kayamanan mo. At hindi rin ako nagpauto sa demonyong kinakapatid mo! Patawarin mo ako.”
Hindi naman umiimik si Alrex. Mas iniinda nito ang pagkirot ng sariwang sugat sa bandang balikat. Napahiyaw pa ito nang pigain ni Dave ang balikat nitong sugatan.
“H’waaaaggg!!!” Sigaw naman ni Sofia kay Dave.
“AAAAHHH!!! AAAHHH!!!” Hiyaw ulit ni Alrex.
Kitang-kita ni Sofia ang pagdurugo ng sugat sa balikat ng asawa habang patuloy na pinipiga iyon ni Dave. Si Dave naman ay pinagtatawanan ang kinakapatid
Awang-awa si Sofia sa paghihirap ng kanyang asawa. Sising-sisi siya sa ginawa niyang kataksilan kay Alrex. Hindi ito daranas ng brutal kundi dahil sa kanyang mga kamalian.
“Tama na! Tama na Davvveee!!!”
Kahit anong pigil ni Sofia kay Dave ay ayaw nitong makinig sa kanya. Gusto niyang tulungan ang asawang si Alrex pero hindi niya magawa. Wala siyang magawa para iligtas ito ngayon.
Huli na. Huli na ang lahat para sa kanilang dalawa. Huli na ang lahat para pagsisihan ang mga kasalanan at kataksilang ginawa niya sa kanyang asawa.
Huli na nga ba?
Kapwa nangatog sa matinding takot ang mag-asawang Sofia at Alrex nang makita nilang dalawa na nilagyan ng dalawang bala lamang ang hawak-hawak na baril ni Dave.
Isa, para kay Sofia. At ang ikalawa ay para kay Alrex.
Si Alrex, palihim na kinakalag ang taling nakagapos sa likuran. At nakita naman iyon ni Sofia. Gayundin ang ginawa niya. Nang makadampot sa likuran ng matalim na bagay. Piraso ng basag na bote. Pamantingin.
Demonyo talaga si Dave. Pinaglaruan pa nito ang hawak-hawak na baril habang palipat-lipat na itinututok sa mag-asawang bihag. Sa sintido ni Sofia. Sa ulo naman ni Alrex.
“Kung papatayin mo kami ni Sofia ay ‘wag mo nang patagalin pa! Iputok mo na… iputok mo na!!!” Udyok na ni Alrex sa kinakapatid. (Itutuloy)

=============================================================
Katleah’s Sexcapades: The Unfaithful 11
BIGLANG KINALABIT NI Dave ang baril. Sindak si Alrex. Palso. Hindi iyon pumutok. Inihit na naman ng tawa si Dave. Tuwang-tuwa na sindakin ang kinakapatid.
Si Sofia ay handa na ring magbuwis ng buhay. Pilit nilalabanan ang takot kahit nakatutok na sa kanyang sintido ang baril ni Dave. Hindi niya ipinikit ang kanyang mga mata. At nakipagtitigan pa siya sa lalaking papatay sa kanya.
“Iputok mo na! “
“Ayoko sana itong gawin sa ‘yo pero marami ka nang alam sa akin!”
“Iputok mo na Dave. Satsat ka pa nang satsat!”
“Ipuputok ko na… ipuputok ko na para manahimik ka na!” Singhal naman ni Dave na pinagdiinan ang pagtutok ng baril sa noo ng babae.
Wala nang kinatatakutan pa si Sofia. Patay kung patay. Sa pagkakataong iyon ay gumawa ng paraan si Alrex para iligtas naman sa kamatayan ang asawa. Nakalag na nito ang lubid na nakatali sa mga kamay. Sinunggaban na si Dave.
Nag-agawan ang mag-kinakapatid.
Sinamantala na rin ni Sofia na kalagin ang lubid na nakagapos sa kanyang mga kamay. Nagkasugat-sugat ang kamay niya dahil sa talim ng piraso ng basag na bote.Habang nag-aagawan naman ng baril ang dalawang lalaki.
Ikiniskis nang ikiniskis ni Sofia ang lubid na nakatali sa kanyang mga kamay. Kahit na madalas na sumablay ang talim niyon. Kahit na lumikha iyon ng sugat. Kahit magdugo pa. Nakalag na rin.
“Sofia, tumakas ka na!” Sigaw ni Alrex sa asawa.
Buong tapang na nakipag-agawan na rin si Sofia sa baril na pinag-aagawan ng dalawang lalaki. Naisalya naman si Alrex ni Dave kaya nakabitaw ito sa baril. Ipuputok na sana ni Dave ang baril sa kinakapatid pero inagaw na naman ni Sofia.
Sina Sofia at Dave na ngayon ang nag-aagawan sa naturang baril. Sa malas, nakalabit ni Dave ang gatilyo, biglang pumutok. Bang! May isang bala pa ang natitira.
“Sofiiiaaa!!!” Sigaw ni Alrex sa asawa.
“Ikaw na ang tumakas na Alrex! Pabayaan muna ako!” Aniya na patuloy sa pakikipag-agawan ng baril.
“Mahal kita Sofia! Hinding-hindi kita iiwanan!”
Sa patuloy na pag-aagawan ng baril nina Sofia at Dave ay kapwa nabitawan nila ang bagay na iyon. Unahan na sa pagdampot sa sahig na lupa. At bago pa makidampot si Alrex ay pumailanlang na ang isang putok ng baril.
Bang!
“SOFFFIIIAAA!!!”
Pumailanlang ang tinig ni Alrex na tinatawag ang pangalan ng asawa.
Nakahandusay ang duguang katawan ni Sofia. At nakahandusay din ang duguang katawan ni Dave. Si Sofia ang may hawak-hawak ng baril…
“Pinatatawad na kita… Sofia.”
“Al… reeexxx…”
“Asawa ko…,” saka kinuha ang baril sa kamay ni Sofia. (Wakas)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.