Saturday, December 17, 2011

Katleah’s Sexcapades: Barkada (chapters 1-10)

Katleah’s Sexcapades: Barkada 1

MULA SA TERASA, tanaw ni Jordan ang tindera sa maliit na sari-sari store na nasa harap ng boarding house niya. Baguhan yata. Ngayon niya lang nakita. Nasa second floor ang kuwarto niya. Sandali siyang tumayo sa terasa para magpahangin. Para magpaalis ng bad trip. Sa professor niya na pinag-iinitan na yata siya. Panay ang bigay ng research. Nakabubuwang na. Sa girlfriend niya, si Joana, na ewan niya kung bakit pinalalaki ang hindi niya agad pag-reply sa text nito sa kanya.
“Wala akong load! Ano ka ba?” Paliwanag ni Jordan. Kanina.
Umismid lang si Joana. Bumilis ang lakad papalayo sa kanya. Hindi niya na hinabol pa. Nangangamoy ng matinding away kung susundan niya pa.
“Baka meron, ‘tol!” Biro ni Rexy. Sabay-tawa. “O, baka naglilihi?!” Sundot pa nito. “Tagay ka na lang muna.”
Inabutan siya ng isang baso na ang laman ay pinaghalong gin at orange juice. Tunaw na ang yelo.
“Inumin mo na, wala nang lasa ‘yan,” utos ni Rexy.
Itinapat niya sa ilong ang baso. Inamoy. “Sandali, ‘dre. Text ko lang muna si Joana. Pa-load lang ako sa baba.”
Sa malapitan, may hitsura ang tindera. Kahit kayumanggi ang balat, halata namang makinis.
“Bente. Pa-load,” sabi ni Jordan, sabay-abot ng pera
Isinulat ng tindera ang cell number niya. Itinipa sa hawak na cellphone. “Okey?” Sabay pakita sa kanya.
“Bago ka? Ngayon lang kita nakita,” sabi niya.
“Opo,” matipid na sagot ng tindera.
Tumunog ang cellphone niya. Si Rexy, nag-text, huwag daw muna siyang umakyat, dumating ang girlfriend nito. Kinse minutos lang daw. Alam na ni Jordan ang eksena.
Maghahalikan sina Rexy at syota nito, si Chona. Mas agresibo ang babae. Ito lagi ang nagsisimula. Malikot ang dila. Parang may hinahanap. Parang laging nagmamadali. Parang may sariling isip.
“Dila pa lang ni Chona ‘yon, ‘tol!” Pagyayabang ni Rexy. “Sisimulan ako sa bibig nu’n, ‘tol. Sibasib. Sisipsipin ang dila ko. Gustung-gusto niya ‘yon. Hindi halik, ‘tol… himod ang ginagawa ni Chona sa katawan ko!”
Patuloy na kuwento ng kaibigan na madalas sabayan ng pagtawa, “Palipat-lipat, didilaan niya ang mga utong ko. Patitigasin. Alam niya kasing trip ko rin ‘yon. Habang ginagawa niya ‘yon, hinihimas niya ang tarugo ko, ‘tol! Pakakatasin! Padudulasin ang pinaka-ulo!” Sandaling titigil sa kuwento niya si Rexy. Hihithitin ang sigarilyong hawak o lalagok muna ng beer.
“Grabeng sumuso si Chona! Kung may pakontes sa blowjob, isasali ko ‘yon, ‘tol! ‘Di ko makayanan ‘yung sarap ‘pag sinisipsip niya ‘yung yagbols ko. Masakit na masarap. Pero suwabeng magtrabaho ro’n si Chona. Sasalsalin niya muna ako nang husto saka niya isusubo. Gano’n ka-expert ang syota ko! ‘Yun nga lang, hanggang blowjob lang ang trip nu’n. ‘Pag nilabasan na ‘ko, tapos na. Magpapa-finger lang ‘yon para makaraos siya. Takot daw mabuntis. ‘T***na, takot ma-devirginize!” Ang ending lagi ng kuwento ni Rexy.
Muling tumunog ang cellphone niya. Si Rexy. Akyat na raw siya. Tapos na sila ni Chona.
“Jordan,” baling niya sa tindera.
“Reylita,” tugon naman nito. Imbi ang ngiti.
Pag-akyat niya, magkukuwento na naman si Rexy nang ginawa nila ni Chona. Kabisado na ni Jordan. Kahit hindi na ikuwento ng kaibigan niya. Alam na alam niya naman ang bawat detalye.
Naka-save sa cellphone niya. (ITUTULOY)
=============================================================
Katleah’s Sexcapades: Barkada 2

“Hi, Jordan!” Bati ni Chona. Aktong kalalabas lang ng CR. Medyo basa ang mukha. Naghilamos. “’Musta na?”
“Parang kahapon lang, nagkita tayo, ‘di ba?” Pormal na sagot ni Jordan. Hindi makatingin nang diretso kay Chona.
“Suplado naman nito!”
“’Pre, baba muna ‘ko.” Si Rexy, palabas din nang CR. “Iskor lang ng yosi saka beer. May pabibili ka ba?”
Puta, sa kubeta nagbanatan ang dalawang ito! Isip ni Jordan. Paano sila nagkasya sa masikip na kubetang ‘yon?
Si Chona nakasalampak sa inidoro, nakatayo si Rexy. Ibinaba lang ang maong shorts. Taas-baba ang ulo ni Chona sa pagitan ng mga hita ng nobyo. Bahagyang nasasabunutan ni Rexy ang girlfriend. ‘Pag sumasabit ang ngipin, palayo ang pagsabunot sa ulo. Idinudukdok naman ‘pag matindi ang sarap na nararamdaman. Kung puwede lang isabay na ni Chona ang yagbols ni Rexy sa pagsuso nito. Pagsambulat ni Rexy, pipigilan nito si Chona, para masalo sa bibig nito ang lahat ng katas niya. Kahit na magkandabilaok pa si Chona, ‘di ito bibitiwan ni Rexy.
Kaya pala parang naghilamos si Chona. Hindi. Hinilamusan na pala ito ni Rexy.
“Ano, pare, may ipabibili ka ba?” Tanong uli ni Rexy.
“W-wala.”
“’T***na, ‘pre! Lumilipad ang utak mo! Text mo na kasi si Joann para matigil na ‘yang tampurorot n’yo. Sige, d’yan muna kayo,” paalam ni Rexy.
Binuksan ni Jordan ang pinto patungong terasa. Pahangin na nga lang muna uli siya.
“O, ba’t lalabas ka d’yan?” Tanong ni Chona.
Lumangitngit ang double deck. Pumuwesto si Chona sa taas. Nakalaylay ang mga paa habang nakasandal sa dingding na puno ng posters ng mga seksing babae.
“Kuwentuhan muna tayo rito,” banggit ni Chona.
“Wala naman akong ikukuwento. Bad trip araw ko.”
“’Di ikuwento mo’ng pagka-bad trip mo! Nasa ‘yo pa ba ‘yung video? ‘Di mo pa dinelete, ‘no?” Biglang nasabi ni Chona. ‘Pinagjakolan mo na, ‘no!” Biro pa nito.
“Gusto mo, i-delete ko na?”
“Pikon naman nito! Regalo ko nga sa ‘yo ‘yan tapos idi-delete mo lang? ‘Lika panoorin natin ulit.”
“O, ‘eto!” Inihagis ni Jordan ang cellphone kay Chona. Lumapag ‘yon sa puson ng babae. Bahagyang nalilis ang maiksing palda nito. Walang panty.
“Nakita mo?” Sabi ni Chona sabay malakas na tawa. “Gusto mong makita pa?” Itinaas na nito ang kanyang palda. At ipinatong ang magkabilang paa sa gilid ng katre. “Okay na ba ang view?”
Bagong ahit si Chona. Wala ni katiting na balahibo. Matambok.
“Tatayo ka na lang ba d’yan?”
“Si Rexy…”
“Matagal pa ‘yon. Ayaw mo ba nito?” Sabi ni Chona, sabay himas sa kanyang harapan. Ipinaluwa pa ang mapulang kuntil.
Lumapit si Jordan. Alam niya kung ano ang gusto ni Chona. Napasinghap ito nang simulan niyang marahang dilaan ang mapulang kuntil sa kaselanan ng syota ng kaibigan niya. Naramdaman ni Jordan ang masuyong paghaplos ni Chona sa kanyang buhok. Tulad din ng masuyong pagdila niya sa guhit ni Chona.
Pasimpleng pinindot ni Chona ang video capture sa cellphone niya. Nakapikit si Jordan. Hindi alam na kinukunan ni Chona ang ginagawa niya. (Itutuloy)

=============================================================
Katleah’s Sexcapades: Barkada 3

IMPIT NA HALINGHING at pabilis na paghinga. Malapit na sa sukdulan si Chona. Madulas na ang kanyang lagusan. Nang ipasok ni Jordan ang dalawang daliri, at animo’y nanunukso pang marahan itong pinaikot, kumanyod na si Chona.
Ilang segundo na lang ‘to. Isip-isip ni Jordan. Sinipsip-sipsip pa ang kuntil ng syota ni Rexy. Nais ubusin ang anumang katas na manggagaling doon. Naramdaman na niya ang kuko ni Chona sa anit ng kanyang ulo. Konti na lang.
“Aahh..Jordan…” pabulong na halinghing ni Chona. “Bilisan mo na…”
May sariling isip na ang dalawang daliri ni Jordan na naglalabas-masok sa napakadulas nang lagusan ni Chona. Parang buhay na barena. Mabilis. Walang humpay naman ang dila niya sa paglilinis ng buong kaselanan ng dalaga.
Tinakpan ni Chona ang kanyang bibig. “Ummpphhh…” Ang pigil na ungol na namutawi sa kanya. Nalingkis ng mga hita niya ang ulo ni Jordan. Dahil milyun-milyong boltahe ng kuryente ng luwalhati ang nanalaytay sa kabuuan niya. Ikalawa niyang sukdulan. Kay Jordan. Sa kaibigan ng boyfriend niya.
“Tama na… tama na,” pigil niya kay Jordan. Kung kanina ay idinudukdok niya ito sa harapan niya, ngayon ay itinutulak niya na ito. “Jordan… nakikiliti na ako!” Ngunit tila ayaw pa siyang tigilan ng binata.
Alam kaya ni Joan na ito ang hilig ni Jordan? Napangiti si Chona nang maisip niya ‘yon.
“Ano ba… ‘yoko na, Jordan. Ikaw naman.” Sa sinabi niya, tumigil si Jordan. “Ikaw naman, okay?”
Pumuwesto ang binata sa katre. Ibinaba ang maong shorts kasabay ang briefs. Umalpas ang naghuhumindig na pagkalalake nang ibuka ang mga hita. Nangingintab na ang ulo sa konting katas na tumulo sa butas nu’n.
“Ako naman ang bahala sa ‘yo,” malanding sabi ni Chona. Nakaluhod sa harapan ni Jordan. Ibinaba ng dalaga ang tube na suot. Lumuwa ang malulusog nitong suso. Iginiya ang mga ito sa pagkalalake ni Jordan. Tila ipinangmasahe ang malambot na mga suso. Una, sa mga itlog ni Jordan. Ipinaikot-ikot. Tapos ay inipit sa pagitan nito ang kahabaan ng pagkalalaki ng binata.
Taas-baba na ikiniskis-kiskis ni Chona ang kanyang mga suso. May lumabas na katas kay Jordan. Ikinalat ‘yon ng dalaga sa kanyang mga mapupulang utong. Parang ipinaiinom pa ang katas ni Jordan sa kanyang mga utong nang halinhinan niya itong ikiskis sa ulo ng pagkalalaki ng binata.
“Hayop ka talaga, Chona… ‘Tangna, ka!” Mahinang sabi ni Jordan. Tiim ang bagang. Pinipigilan ang maagang pagsambulat ng lahat ng kanyang katas. Marami pang kalokohan si Chona. Gusto niyang matikman lahat ‘yon. Ngayon.
Tumigil ang dalaga sa ginagawa niya. Mabilis na pumaibabaw kay Jordan. Inapuhap ang bibig nito. Nagpingkian ang mga dila ng dalawa. Naglandian. Totoo ang sabi ni Rexy, hilig ni Chona ang sumipsip ng dila.
Naramdaman ni Jordan ang pagkiskis ng hiwa ni Chona sa kahabaan ng kanyang madulas na ring pagkalalaki. Nasa bukana na siya ng langit. Bahagya siyang kumadyot. Sinubukang tuhugin si Chona. Mabilis na tumaas ang puwitan ng dalaga. Tumigil sa paghalik si Chona “’T***na ka, Jordan! Hindi kasali ‘yan!” Sabi nito.
“Oo nga pala, virgin ka pa!” Biro ni Jordan. Sinampal siya ni Chona. “Sige na, tapusin mo na,” natatawang utos ni Jordan.
“Si Rexy nga, ‘di pa nakukuha sa ‘kin ‘yan, e!”
“Sorry,” nakangising sabi ni Jordan. “Dalian na natin, baka dumating na si Rexy.”
‘”Yoko na!” Sabi ni Chona, sabay-alis sa ibabaw ni Jordan. Tinungo agad ang CR. Nag-lock.
“Puta naman…” mura ni Jordan. “Pa’no, ‘to?” Sigaw niya kay Chona. Tindig na tindig ang kanyang pagkalalaki. Masakit ‘to ‘pag hindi nilabasan! Naisip pa niya.
“Salsalin mo!” Sagot ni Chona.
Lumangitngit ang tarangkahan ng gate. May papaakyat. Dali-daling isinuot ni Jordan ang maong shorts niya. Inayos ang magulong buhok. Pati ang nagulong mga kumot at unan sa katre.
“Jordan… nand’yan ka ba?” Sigaw ng tao sa baba. Boses ng babae. Si Joan. (Itutuloy)

=============================================================
Katleah’s Sexcapades: Barkada 4
Not available on the website (missing chapter)

=============================================================
Katleah’s Sexcapades: Barkada 5

KINAPA NI CHONA ang harapan niya. Basa pa rin. Madulas. May kakaibang kiliti nang madampian ng kanyang daliri ang munting kuntil sa itaas ng kanyang hiwa. Muntik na siyang matawa. Tinakpan niya lang agad ang kanyang bibig.
Sa maliit na siwang ng pinto, kitang-kita niya na halos masabunutan na ni Jordan si Joan. Natatawa niyang naisip: Nabitin kasi kanina sa kanya. Marunong din pala ang mahinhin na si Joan, ang supladitang syota ni Jordan.
Bumuka ang mga hita ni Chona. Abala na ang dalawa niyang daliri sa kanyang basang-basang pagkababae. Makakatatlo pa yata siya ngayong gabi! Nagsimula na ring laruin ng kanyang kaliwang kamay ang malulusog niyang suso. May mahinang ungol na namutawi sa bibig ni Chona. Malapit na naman siya.
Syet! Ba’t ba ang libog ko? Naisip niya. Ang ‘t**gnang si Rexy kasi! Kung anu-ano ang itinuro sa kanya. Kung anu-anong kamunduhan ang itinanim sa utak niya.
“Pero virgin pa rin ako. Nakakatawa ka, Chona,” naibulong niya sa sarili.
Teka, ayaw niyang mauna pa siya kina Jordan at Rexy. Sasabayan niya ang dalawa. Binagalan niya ang paglalaro sa kanyang kaselanan.
Tumigil si Joan sa ginagawa niya. “Tama na. Baka dumating na si Rexy!” Sabi nito, nakatingala kay Jordan. Hawak-hawak ang basa sa pinaghalong laway niya at katas na alaga ni Jordan. “Punta na tayo sa amin.”
“Malapit na ako…” sumamo ni Jordan.
May nalaglag sa loob ng banyo. Sabay silang napatingin doon. “Ano ‘yon?” Tanong ni Joan.
“W-wala. Baka daga lang ‘yon,” sabi ni Jordan.
Marahang ipininid ni Chona ang awang ng pinto nang makitang nakatingin doon ang magsyota. Itinaas niya pa kasi ang mga hita sa dalawang timba. Bumukaka nang husto. Natabig niya tuloy ang tabo sa ibabaw ng Orocan.
“’Lika na, samahan mo na ako sa bahay. Gagabihin tayo,” sabi ni Joan, sabay-tayo. Ito pa ang nagtaas ng briefs ni Jordan. “Itago mo muna ‘yang alaga mo!” Natatawang pahabol pa nito.
“Syet naman…” nasabi na lang ng binata. “Bitin na naman!”
“Bitin na naman?” Biglang tanong ni Joan. “May ginagawa ka kanina, ‘no?” Biro pa nito.
Hindi na sumagot si Jordan. Kinuha ang nakasabit na pantalon. “Ano ba ang sira ng PC mo?” Tanong nito habang isinusuot ang pantalon.
“Hindi ko nga alam. Kaya nga kita pinuntahan, ‘di ba?”
Tumunog ang tarangka ng gate. Sinundan ‘yon nang mabilis na mga yabag na papaakyat.
“’Lika na!” Biglang aya ni Jordan. Hinawakan ang kamay ng nobya. Paglabas nila ng kuwarto, nasalubong nila si Rexy.
“O, kanina ka pa?” Tanong ni Rexy kay Joan nang makita ito.
“H-hindi naman,” sagot ng dalaga. Hindi komportable si Joan kay Rexy. Ewan niya ba kung bakit aloof siya rito.
“Sa’n kayo pupunta?”
Si Jordan na ang sumagot. “Nagpapasama si Joan, ayusin ko PC niya. Sira daw, e.”
“Si Chona…” hindi na naituloy ni Rexy ang sasabihin. Hinawakan siya ni Jordan sa balikat, bahagyang pinisil. May isinenyas.
“H-hindi pa dumarating, ‘tol,” sabi ni Jordan. Kinindatan pa nito ang kaibigan. “Ikaw na muna’ng bahala d’yan, solong-solo n’yo ‘yan!” Kunwa’y biro pa nito.
“Ahh… okay,” nasabi na lang ni Rexy.
“Sige, ‘tol,” paalam ni Jordan. Hatak sa kamay si Joan.
“Bye, Joan,” sabi pa ni Rexy.
Hindi lumingon si Joan, sumenyas lang na kumakaway. (Itutuloy)

=============================================================
Katleah’s Sexcapades: Barkada 6

“HI, JORDAN!” BATI ni Reylita nang mapadaan sila sa harapan ng tindahan. Kumaway lang si Jordan.
“Sino ‘yon?” Tanong ni Joan. May taray ang tono. Sinulyapan pa ang tindera nang nakalampas na sila rito.
“Bagong tindera d’yan,” sagot ni Jordan. “O, wala ‘yan, ha? Nakilala ko lang kanina,” agad na paliwanag ng binata, sabay-akbay sa syota.
“Nakilala mo na agad?” Tanong uli ni Joan.
“Teka, teka… sabi ko wala ‘yan, ‘di ba? ‘Wag nang makulit nang hindi na magalit!” Tugon ng binata, sabay-halik sa sentido ng nobya. “’Pag nagselos ka, iisipin kong ang guwapo-guwapo ko nang talaga!” Biro pa nito.
“Kapal naman ng mukha!” Ganting-biro ni Joan.
‘Yon din ang mga kataga niyang narinig kay Joan nang una niya itong ayain na mag-date sila. Hindi pa sila magsyota. Gusto lang niyang mag-sorry. Sa debate class nila, naka-debate nila ang grupo ni Joan. Medyo napikon sa mga banat niya. Mula nu’n, madalas na siyang supladahan. Kahit saan sila magkita.
Siguro, sa kasusuplada sa kanya, na-challenge na rin siya. Buyo na rin ng barkada, niligawan niya. Pero hindi ganoon kadali na napasagot niya ang dalaga.
“Ang kapal naman ng mukha mo, Mister Santiago. Ipinahiya mo na ako sa buong klase, ngayon, aayain mo ako ng date? Para ano?” Taray pa ni Joan sa kanya.
“Gusto ko lang bumawi sa ‘yo. Saka ba’t ba ang suplada mo sa akin? Friendly ka sa iba, sa akin, enemy ang turing mo.” Nakasunod siya kay Joan. Mabilis ang lakad sa corridor patungo ng library.
“’Wag mo nga akong sundan, puwede? Para kang langaw d’yan!” Panunuya pa nito.
“Kung langaw ako, e, ‘di…”
“Hoy, ‘wag mo nang ituloy ‘yan,” putol ni Joan sa sasabihin niya. Hinarap si Jordan na nakapamewang. “Napaka-pilosopo mo talaga. Papayag lang akong makipag-usap sa ‘yo kung magsusulat ka ng article na nagso-sorry at mai-publish mo sa school papers.”
Napangiti si Jordan nang makita niya ang naka-frame na article. “Talagang itinatago mo ‘to, ha?” Sabi niya kay Joan. Nasa kuwarto na sila ni Joan. “May sentimental value?”
“Kung hindi d’yan, wala ka sana rito. Hindi mo sana syota ang nasa harapan mo ngayon!” Sagot ni Joan.
Sabay na natawa ang dalawa. “Sa’n ang mommy mo?” Tanong ni Jordan.
“Sa’n pa, may session ng mahjong,” nakangiting sabi ni Joan. “Pero ‘wag kang mag-isip ng kalokohan. Hindi mangyayari ‘yang nasa kukote mo!”
“Talaga?” Sabi ni Jordan, sabay-yakap kay Joan. Hinalikan ang girlfriend sa labi nito.
“Mahal mo ba ako? Korni nang tanong ko, ‘no?”
“Oo naman. Gusto mo nang mas korning sagot?” Sagot ni Jordan, sabay-tawa.
Si Joan naman ang umapuhap sa mga labi ng nobyo. Masuyo niya muna itong hinalikan. Nang bumuka nang bahagya ang bibig ni Jordan, ipinasok niya rito ang kanyang dila. Makikipaglaro sa dila ng nobyo. Hinawakan ni Jordan sa batok ang nobya habang hinihimas ang likuran nito.
“J-Jordan…” bulong ni Joan. “P-Payag na ako sa gusto mo…” (Itutuloy)
=============================================================
Katleah’s Sexcapades: Barkada 7

“PAYAG na ako, Jordan,” bulong ni Joan sa nobyo.
“Sigurado ka na bang talaga?” Tanong pang muli ni Jordan. Tumango lang si Joan. Hinigit ang nobyo at hinalikang muli ang mga labi nito. Naramdaman ni Jordan handa nang magparaya ang nobya. Nagsimulang lumikot ang mga kamay ng binata. Ipinasok sa blouse ni Joan. Pinalusot sa ilalim ng bra. At masuyong pinisil-pisil ang malambot na dibdib ng dalaga. Nilaro ang mga utong. Napaungol si Joan. Nagugustuhan ang ginagawa ng nobyo sa kanya.
“Sandali,” pigil ni Joan. Hinubad ang blouse at isinunod ang bra. Bahagyang hinimas ni Jordan ang dibdib ng nobya. Hinalikan. Sinupsop ang kaliwang utong habang ang kanan ay patuloy na pinaglalaruan. Napahawak sa batok niya si Joan. Napasinghap. Napapaliyad sa tuwing bahagyang kinakagat ni Jordan ang munting korona ng kanyang dibdib.
Nagpalipat-lipat si Jordan sa suso ng nobya. Nagmistulang sanggol. Ipinaiikot-ikot ang dila sa pagitan ng mga utong ni Joan. Ninanamnam ang mga ito.
Bumaba ang isang kamay ni Jordan. Inapuhap ang harapan ni Joan. Pero hindi tumigil sa pagsupsop sa utong ng nobya. Mainit na ang nasa pagitan ni Joan. Basa na pati ang shorts nito. Inihiga siya ni Jordan. At habang hinuhubad ang kanyang shorts, hinalik-halikan nito ang kanyang makinis na tiyan. Pansamantalang tumigil sa pusod. Nilaro ‘yon ng dila. Napaliyad si Joan.
“Ooohh…” ungol ng dalaga.
Basang-basa na ang panty ni Joan. Naamoy ni Jordan ang katas ng pagkababae nito. Imbes na tuluyang hubarin ang panty ng nobya, inilihis lang niya ang telang nakatabing sa hiwa nito. Nangingintab na ang kaselanan ni Joan sa dami ng katas na tumagas sa kanyang lagusan.
Dumampi ang labi ni Jordan sa umbok ni Joan. Masuyong hinalik-halikan muna ang paligid nito. Manipis pa ang buhok na nakapaligid sa pagkababae ng nobya. Hinaplos pa ‘yon ni Jordan bago tinungo ng kanyang daliri ang kuntil sa taas ng hiwa ni Joan. Paikot na nilaro ‘yon. Alumpihit na si Joan.
Sinulyapan ni Jordan ang nobya. Nakatirik ang mga mata nito. Nilalaro ang mga suso. Pinipisil ang mga utong. Bahagyang pinadausdos ni Jordan ang kanyang gitnang daliri sa lagusan ni Joan. Napaigtad si Joan. Nang maipasok ang kabuuang daliri sa kalooban ng nobya, dinila-dilaan niya ang kuntil nito.
“S-Shit. J-Jordan. Gusto ko ‘yan…” ungol ni Joan. Pabaling-baling ang ulo. Panay ang labas ng dila at binabasa ang sariling mga labi. Alam ni Jordan na may hinahanap ang bibig ng nobya. Hinubad niya ang kanyang pantalon isinabay na pati ang briefs.
Libog na libog na rin ang binata. Tila bakal na sa tigas ang kanyang alaga. Tuluyan na rin niyang hinubad ang panty ng nobya. Ibinuka nang husto ni Joan ang kanyang mga hita. Pulang-pula ang kaselanan ng dalaga. Naglalawa. Isinubsob ni Jordan ang mukha niya roon. Sinungkal-sungkal ang butas. Sinupsop ang magkabilang pisngi ng pagkababae ng nobya. At dinilaan ang kuntil ng kaselanan nito.
“Jordan…Oooh… Jordan…” ang tanging namumutawi sa bibig ni Joan.
Pumihit si Jordan. Itinapat ang naghuhumindig na pagkalalaki sa mukha ng nobya. Agad itong hinawakan ni Joan. Dinilaan muna ang hiwa sa ulo. Tinikman ang likido ng nobyo at saka isinubo. Pinaglaruan ng kanyang dila ang ulo nito sa loob ng kanyang bibig. Pinaikot-ikot. Pilit pang isinasagad sa kakayanin ng kanyang lalamunan. Bahagyang nabilaukan si Joan nang kumanyod si Jordan. Kaya nailuwa niyang bigla ang alaga ng nobyo. Kailangang kontrolin ni Jordan ang sarili. Malapit na siya. Pero dapat mauna sa kanya si Joan.
Muling pumihit si Jordan. Pumuwesto sa pagitan ng mga hita ng nobya. Nakadikit na sa bukana ni Joan ang kanyang naghuhumindig na sandata. Magiging madali ang pagsuong niya sa kalooban ng dalaga. Madulas na ang lagusan nito at lawang-lawa na.
Nagkatitigan sila ni Joan. Tumango ito. Senyas na handa na siya. Iginiya ni Jordan ang alaga sa butas ng nobya.
“Mahal kita, Jordan,” bulong ni Joan. Hinalikan ni Jordan ang nobya. At saka siya umulos. (Itutuloy)
=============================================================
Katleah’s Sexcapades: Barkada 8

NAPAKAGAT SA KANYANG labi si Joan. May hapdi ang pagkasira ng kanyang pagkabirhen. Halos makalmot niya ang likuran ni Jordan. Gusto niyang itulak ang nobyo. Pigilan ito pero huli na. Nasa kalooban na niya si Jordan.
“M-Masakit…” pabulong niyang nasabi. May luhang tumulo sa kanyang mga mata.
“Mahal din kita, Joan,” sambit ni Jordan. Kinuyumos nang halik ang bibig ng nobya. Marahang sinimulan ang sunud-sunod na pag-ulos. Nararamdaman niya ang pagtusok ng mga kuko ng nobya sa kanyang likuran. Mahapdi. Pero wala ‘yon kumpara sa sensasyong nakapaligid sa kalooban ng kaselanan ng nobya. Sa kakaibang kuryenteng nanunuot sa punong katawan sa bawat indayog niya sa pagitan ng mga hita ni Joan.
Bahagyang nakagat ng dalaga ang labi ni Jordan nang isagad nito ang kanyang pag-ulos. Nasa rurok na ang binata. Ilang segundo na lang ang natitira sa kanyang pagtitimpi. Aalpas na ang mainit na likido sa kanyang puson.
“Aahh…aahh,” hingal at ungol ni Jordan. Bumibilis ang pag-indayog. Gumaganti na rin si Joan sa bawat niyang pagkanyod. Wala ang sakit, naisip ni Jordan.
“Ooh… Jordan… Jordan…” paulit-ulit na sambit ng nobya. Inapuhap ng bibig ni Jordan ang kaliwang utong ng dalaga. Sinimulang supsupin. Habang panay ang lamas ng kanyang kanang kamay sa kabilang dibdib ni Joan.
Bigla siyang sinabunutan ni Joan. Lumingkis ang nakabukang hita sa kanyang puwitan. Nakaraos na si Joan! Naisip ni Jordan. Mainit na mainit sa kalooban nito. Madulas.
“Joan! Joan! Ahhh…” nasambit ni Jordan nang sumirit ang mainit niyang katas sa kalooban ng nobya. Hindi tumigil sa pagkanyod si Jordan. Tila gustong punuin ng kanyang masaganang katas ang sinapupunan ng dalaga. Milyong boltahe ng sensayon ang kumuryente sa katauhan ni Jordan. At nang unti-unting huminay ito, mariin niyang hinalikan si Joan. Nakipaglaro ang kanyang dila sa dila ng nobya. Nang magsawa sa kanyang ginagawa, tumihaya si Jordan.
Humilig sa kanyang dibdib si Joan. “Ikaw ang una, ha?” Sabi pa nito.
“Ows? Talaga?” Birong sambit ni Jordan.
“’Di tingnan mo… Ang hapdi-hapdi kaya!” Sagot ni Joan.
Bumangon ang binata. Sinipat ang kumot sa paanan ni Joan. May bakas ng dugo. Tinitigan niya ang nobya. Hinaplos ang buhok, ang mukha, at saka masuyong hinalikan ang mga labi nito.
“S-Safe ka ba?” Biglang naitanong ni Jordan.
“Hindi ko alam…” sagot ni Joan, pabangon. Ibinalumbon ang kumot sa katawan. Tinungo ang dresser at nag-brush ng buhok.
“Pa’no ‘yan?” Tanong muli ng binata.
“Saka na natin isipin, Jordan,” sabi ni Joan. “Bahala na.”
Tumayo si Jordan. Nagsimulang magbihis. “Nagpadala kasi tayo sa libog, e!” Ani Jordan na sinabayan ng pagtawa. “Malibog ka kasi!” Biro pa nito kay Joan.
“Mas malibog ka!” Ganti ng dalaga.
Pumuwesto si Jordan sa likuran ng nobya. Hinimas-himas ang dibdib habang panay rin ang halik sa batok nito.
“Kanina… nasa kuwarto n’yo si Chona, ‘di ba?” Biglang nasabi ni Joan. (Itutuloy)

=============================================================
Katleah’s Sexcapades: Barkada 9

PAGPASOK ni Rexy ng kuwarto, papalabas naman ng CR si Chona. Pawisan.
“O ba’t pawis na pawis ka?” Tanong ng binata sa nobya.
“P**a! Ang init sa kubeta n’yo!” Banas na sagot ni Chona.
“Ano naman ang ginawa mo sa loob? ‘Di ba nandito sina Joan at Jordan?” Sabi ni Rexy. “Nasalubong ko pa nga sa hagdan, e.”
“Oo. Pero pinagtago ako ni Jordan sa lintek na CR. Nagmilagro ang dalawa!” Medyo palusot ni Chona.
“At namboso ka naman?” Tugon ni Rexy na sinabayan ng tawa. Iniabot ang isang bote ng beer sa nobya.
“’Yoko,” tanggi ng dalaga. Hinaltak siya ni Rexy pahiga sa katre. Agad na kinuyumos ng halik. Sapo agad ng nobyo ang malulusog niyang suso. Nilamas-lamas.
“Isa pa tayo,” bulong ni Rexy na mabilis na nakapaglakbay agad ang kanang kamay sa biyak ni Chona. Kinapa. “Basa pa rin, ah!”
“Natural, naghugas na ako, ‘no!” sambit ni Chona. Pinigilan ang nobyo sa paggalugad sa kaselanan niya. “Tama na ‘yan,” pigil niya. Masyado nang sensitibo ang pagkababae ni Chona. Gustuhin man niya, matatawa na lang siguro siya sa kiliti.
“’Di ako na lang blowjob-in mo!” Sabi ni Rexy.
“Pagod na ako, Rexy. Sa ibang araw na lang,” sambit ni Chona, sabay-tayo.
“Mabilis na lang naman ‘to,” kulit ni Rexy. Inilabas na ang matigas na alaga. Nilalaru-laro. Hinatak muli ng binata ang nobya paluhod sa harapan niya.
“Ang libog mo talaga!” Nasabi ni Chona. Halos isang dangkal lang sa mukha niya ang pagkalalaki ng nobyo. Nangingintab ang ulo sa tindi ng pagkakahumindig.
“Mabilis lang,” ani Rexy. Masuyong hinaplos ang pisngi ng nobya.
“Ikaw talaga…” tanging nasambit ni Chona. Ewan niya ba kung bakit hirap siyang tanggihan sa kalokohan niya ang nobyo. Hinawakan niya ang matigas na alaga ng nobyo. Sinimulan niyang itaas-baba muna ang kanyang kamay.
“Ahhh… ahhh…” ungol ni Rexy.
Habang nagtataas-baba ang kamay ni Chona sa kahabaan ng alaga ng nobyo, nagsimula nang galugarin ng kanyang dila ang dalawang itlog nito. Tuluyan nang hinubad ni Rexy ang shorts niya upang malayang makapaglibot ang dila ng nobya sa kanyang pagkalalake.
“Iba ka talaga, Chona…” sambit ng binata nang supsupin ng nobya ang kanyang mga itlog. May sakit na nahahaluan ng kakaibang sarap ang ginagawa ni Chona. Isang daliri ng dalaga ang nagsimulang kilitiin ang butas ng kanyang puwet. Tila tinutudyo pa nito kung ipapasok ‘yon.
Alam ni Rexy kung ano ang gusto pang gawin ni Chona. “Teka,” pigil niya sa nobya. “Hihiga lang ako.” Pero hindi tumigil ang dalaga sa ginagawa niya. Patuloy nitong hinimod ang pagkalalaki ng nobyo habang pahiga ito sa katre.
Bumukaka si Rexy. Ipinatong ang magkabilang hita sa balikat ni Chona. Iniangat ang puwet upang maabot ‘yon ng dila ng nobya. Ilang beses na bang ginawa ni Chona ito sa kanya?
“Ooohh…” tiim ang bagang na napaungol si Rexy nang maramdaman ang tulis ng dila ni Chona na sumungkal sa butas ng kanyang puwet. Umiikot ‘yon sa bukana. Naglalaro. Pinaliliguan ng laway. Pinadudulas ni Chona ang kanyang butas. Ramdam na ramdam ni Rexy nang hagurin ng dila ng nobya ang kanyang puwet patungo sa kanyang itlog na sinupsop pasumandali. Hinimod nito ang kahabaan ng kanyang alaga hanggang makarating sa pinakaulo nito. Nilaru-laro ng tulis ng dila ni Chona ang butas, nilalasahan ang mga katas na umaalpas doon. At saka tuluy-tuloy na isinubo.
Bahagyang nasabunutan ni Rexy ang nobya nang magtaas-baba na ang ulo nito. Sa tuwing isinasagad ang pagkakasubo, napapaangat ang puwitan ni Rexy.
“Malapit na ako…” ungol ng binata.
Tila hudyat ‘yon kay Chona na muling pinalikot ang isang daliri sa butas ng puwet ng nobyo. Dahan-dahan ay ipinasok nito ang daliri habang bumibilis ang pagtaas-baba ng ulo sa alaga ni Rexy.
“Oooh…Uuungg…” ang magkasabay na ire at ungol ni Rexy nang simulang ilabas-pasok ni Chona ang daliri nito sa kanyang butas.
“’T***na… ‘t***na…!” Ang tila mapapasigaw na sambit ni Rexy. “Lalabasan na ako…!” (Itutuloy)

=============================================================
Katleah’s Sexcapades: Barkada 10

PUMULANDIT ang masaganang katas ni Rexy. Pinigilan niya si Chona na huwag tanggalin ang pagkakasubo nito sa kanya. Halos mabilaukan ang nobya nang magtuluy-tuloy ang mainit na katas sa lalamunan nito.
“Ummphh…” ang tanging namutawi kay Chona. Mariin ang pagkakahawak ni Rexy sa ulo niya. Kumakadyot pa ito. Kaya umaabot sa dulo ng lalamunan niya ang ulo ng kargada ng nobyo. Tila masusuka na siya.
May kinapa si Chona sa loob ng puwet ni Rexy. Pataas. Lalong tila naulol sa sensasyon ang binata. Panay ang pintig ng kanyang alaga sa loob ng bibig ng nobya.
“Hayooopp…!” Ungol ni Rexy. “Haah.. ahhh…” hingal pa niya.
Nang masaid ang katas, lumuwag ang pagkakahawak ng binata sa ulo ni Chona.
“’T***na ka, Rexy! Papatayin mo ba ako? Hindi ako makahinga!” Agad na sabi ng dalaga pagkaluwa sa kargada ni Rexy.
Hindi sumagot ang nobyo, agad na sinibasib ng halik si Chona. Walang pakialam kung matikman man niya sa bibig ng nobya ang sariling katas. Sinipsip ang dila ng dalaga. Nilaro-laro. Pero itinulak siya ni Chona.
“Tama na. Ayoko na, Rexy!” Pigil nito sa nobyo. “Gabi na. Kelangan ko nang umuwi. Saka pagod na ako. Manhid na ang kepyas ko!”
Natawa si Rexy sa tinuran ni Chona. “Nasobrahan ba?” Biro pa nito.
“Letse ka, Rexy! Amoy-clorox na naman ako nito!” Sabi ni Chona, tumayo at tinungo ang CR. “Nasa’n ang mouthwash mo?”
“Nand’yan,” sagot ni Rexy. Tumayo na rin ito at nagbihis. Kinuha ang bote ng beer at tuluy-tuloy na tinungga. “Ihahatid pa ba kita?” Tanong niya.
“’Wag na. Ako na lang,” sagot ni Chona. Palabas ng CR at nag-spray ng cologne sa katawan niya. “Paano pala sa Sabado, sama tayo sa Batangas?” Tanong nito habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin.
“Bahala na. Kulang pa budget natin, e,” sabi ni Rexy.
“Wednesday pa lang naman ngayon, tipirin ko na lang ‘tong allowance ko. Gusto ko talagang sumama sa barkda,” ani Chona. Palambing na yumakap sa nobyo. Hahalikan sana siya sa bibig ni Rexy pero umiwas na agad siya. Pero mabilis na tinuka ang bibig ni Rexy. “Uwi na ako,” agad na sabi niya. Yumakap muli si Chona kay Rexy at may ibinulong. “Basta sama tayo, may sorpresa ako sa ‘yo.”
“Ano?” Tanong agad ni Rexy.
“Sorpresa nga, e. Do’n mo na malalaman,” nakangiting tugon ni Chona.
Inubos muna ni Rexy ang dalawa pang bote ng beer nang makaalis na ang nobya. Sinimulang ayusin ang magulong higaan. Habang tinitiklop ang kumot, nalaglag ang cellphone ni Chona. “Naiwan pa,” sambit niya habang dinadampot ang telepono. Nakapatay ito. Low-batt siguro, tantiya ni Rexy.
Kinuha niya ang charger sa study table. “’Buti na lang puwede,” bulong sa sarili ng binata nang sumakto ang charger sa cellphone. Umilaw ito nang maisaksak sa kuryente. Charging. Iniwan ni Rexy ang cellphone at itinuloy ang pag-aayos ng higaan. Nang matapos, kinuha ang tuwalya niya na naka-hanger.
“Makaligo nga muna. Amoy-laway pa ako,” natatawang sabi pa ni Rexy nang tunguhin ang kubeta.
Tiyempong nagsasabon na ng katawan ang binata nang marinig ang tawag ni Chona sa labas ng kuwarto. “Rexy!” sigaw nito.
Bahagyang sumilip ang binata sa pintuan ng kubeta. “Sandali, naliligo ako!” pasigaw na tugon ni Rexy.  “Hindi naman naka-lock ‘yan.”
Pumasok si Chona. “Naiwan ko ang cellphone ko,” sabi nito.
“’Ayun, tsina-charge ko,” nguso ni Rexy.
Kinabahan si Chona nang makita ang cellphone. “Ba’t mo tsina-charge?”
“Low-batt,” sagot ng nobyo.
Parang nabunutan ng tinik ang dalaga ng makitang ‘charging’ lang ang telepono at hindi pa naka-on. “Alis na uli ako. Binalikan ko lang ito,” sabi ni Chona patungo nang pintuan.
“Samahan mo muna ako rito!” Biro ni Rexy. (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.