Saturday, December 17, 2011

Katleah’s Sexcapades: The Unfaithful (1-5)

BIGLANG BUMUKAS ANG bintana sa silid ni Sofia dahil sa malakas na ihip ng hangin. Sa lakas, tinatangay ng hangin ang nakasabit na kurtinang kulay puti.
Si Sofia ay pabaling-baling sa kamang kinahihigaan. Alumpihit. Umuungol. Nanaginip. Binabangungot…
NAPASINGHAP SA HANGIN si Sofia nang makarating na ang mainit na mga labi ni Dave sa pagitan ng kanyang malulusog na dibdib. Mas lalo pa siyang napasinghap nang lihain na iyon ng dila ng binata. Kinapos tuloy siya sa paghinga.
“Ohhhhhhh…. ohhhhhhh… ohhhh.” Papalakas nang papalakas ang kanyang mga naging pag-ungol.
Pakiramdam ni Sofia, mauupos siyang parang kandila dahil nakapanghihina ang romansang marino na pinatitikim sa kanya ng binatang si Dave. Sunud-sunuran na siya.
Agresibong-agresibo si Dave na halos pangasin ang dalawang nipols ng kambal na dibdib ni Sofia. Isinubo iyon. At doon pinaglaro ang sariling dila. Init-it.
“D-Dave… ohhh.” Halos itirik na ni Sofia ang kanyang mga mata sa magkahalong init at sarap na ninanamnam niya sa mga sandaling iyon.
Saksi ang apat na sulok ng silid sa inupahang nilang cottage sa isang beach resort. Napasandal na lamang si Sofia sa likuran ng bintanang kapis. Mabuti na lamang at nakasarado pa iyon. At kung sakaling nakabukas ay tiyak na may makakikita sa ginagawa nilang dalawa.
Kapwa hubad ang kanilang itaas na mga bahagi. Kaya naman kapwa rin nila dama ang init, ang nag-aapoy na init sa kani-kaniyang mga katawan.
Hindi tinigilan si Sofia ni Dave sa pagpapainit sa kanya. Sa walang patid na romansang talagang nagpapabaliw sa kanyang kaluluwa.
Kapwa nakapikit ang kanilang mga mata habang ninanamnam ang mga sandaling iyon na pinagsasaluhan nila. Ang likot ng mga kamay ni Dave na panay ang himas at haplos sa kanyang katawan. Hanggang sa pumaibaba naman iyon at magtagal sa kanyang beywang. Pilit ibinababa ng dalawang kamay ni Dave ang suot-suot niyang skinny jeans.
Mas tumindi pa ang pananabik nila sa isa’t isa. Kaya naman sa sobrang kasabikan ng lalaking atat na atat na siyang maangkin nang lubusan ay hinubo na rin nito ang suot-suot na maong pants. Tuluyan na nitong hinubad hanggang tuhod ang suot-suot.
“Sabik na sabik na akong makatalik ka, Sofia.” Humhingal pa nitong sambit sa kanya. At pagkatapos, kinuha ang isa niyang kamay at ipinatong sa kahindigan nitong galit na galit ang mga ugat.
Batid ni Sofia ang gustong ipagawa sa kanya ng karelasyon. Pinagbigyan niya ang hilig nito na simulan ang paglapat ng kanyang mga labi sa pawisan nitong dibdib. Pababa nang pababa ang kanyang mga halik na iniiwanan niya ng maliliit na kagat. Kiss mark. Mariin namang napakagat sa mga labi si Dave. Tirik ang mga mata lalo pa’t naroon na ang kanyang mga labi sa maselang bahagi nito. Ipinagdiinan ang kanyang mukha.
Biglang bumukas ang kandadong pintuan ng silid na kinaroronan nilang dalawa. Kapwa pareho silang natigilan. Kapwa gimbal nang bumulaga sa kanilang dalawa ang nakatutok na baril.
“D-Dave!” Si Sofia.
Pumailanlang ang tatlong sunud-sunod na putok ng baril. Bang! Bang! Bang!
NAGHIHIYAW NA BUMALIKWAS ng bangon si Sofia sa kamang kanyang kinahihigaan. Bumulaga sa kanya ang malamig na haplos ng hangin. Paulit-ulit na tinatangay ng hangin ang kurtinang palamuting nakasabit sa bintanang nasa tapat ng kamang kinahihigaan niya.
Panay ang habol ni Sofia sa kanyang hininga. Hindi rin mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
“M-malalim na pala ang gabi,” aniya na nakatingin sa labas ng bintana.
Naglagom na kasi ang dilim sa buong paligid. Buong araw na nakatulog lamang sa kanyang silid si Sofia. Lipas na ang epekto ng sleeping pills na ininom niya. Alipin na naman siya ng matinding pangamba.
Ang tunog lamang ng telepono ay nagdudulot ng matinding pagkagulat kay Sofia. Halatang-halata na mayroon siyang kinatatakutan. (Itutuloy)

======================================================
Katleah’s Sexcapades: The Unfaithful 2

KRINNNGGG… KRINNNGGG… KRINNNGGG… Kringgg!!!
Makailang ulit na tumunog ang teleponong nakalapag sa tabi ng lampshade. Titig na titig ang kanyang mga mata sa bagay na iyon. Nagdadalawang isip na damputin iyon.
Krinnnggg… Krinnnggg… Kringgg… Kringgg… Kringgg!!!
Walang patid ang pagtunog ng telepono.
Sa wakas, nagkalakas-loob din si Sofia na iangat ang receiver ng teleponong iyon. Kailangan niyang makatiyak. At kailangan din niyang makasiguro.
“H-hello!”
Music sounds ang naririnig sa kabilang linya. Rock music. Hard-hitting rock music.
“H-hello!” Aniya.
Lagaslas naman ng tubig mula sa shower room ang narinig ni Sofia sa kabilang linya. Malakas ang lagaslas ng tubig at dinig na dinig niya iyon.
Pagod nang maghintay si Sofia sa taong sasagot sa kanya mula sa kabilang linya. Ang kaninang pangamba ay napalitan ng pagkairita.
“Go to hell earthling!” Saka padabog na ibinaba ang receiver ng telepono.
Pressured na pressured na si Sofia sa mga problemang kinakaharap niya ngayon. At pagkatapos, may mystery caller pang gustong sirain ang gabi niya.
Ang cellphone naman ni Sofia ang nag-vibrate na mismong nasa kinahihigaan niyang kama. Kagad din niyang dinampot iyon.
“May nagpadala ng text message sa akin.”
Kaagad na binuksan ni Sofia ang inbox para basahin ang ipinadalang mensahe. Hindi nakarehistro sa phonebook ng cellphone niya ang numerong lumabas.
“Kanino kaya galing ang text message na ito?”
Tahimik na binasa ni Sofia ang nakasulat na text message sa in box. Bigla niyang nabitawan ang cellphone pagkatapos mabasa iyon. Ganito ang nakasulat na text message na ipinadala sa kanyang anonymous sender.
“Walang bangkay na natagpuan sa sinabi mong pinangyarihan ng krimen. Sigurado ka bang patay na si Alrex nang iwanan ninyo ng gabing iyon?”
Gulantang na naman ang isipan ni Sofia. Masisiraan na yata siya ng isip sa napakalaking problemang kinasangkutan niya. Ang hindi niya maisip ay kung sino ang nagpadala ng text messages na iyon sa kanya.
“S-sino ang taong iyon? B-bakit alam niya na may iniwan kaming bangkay sa…”
Biglang nagbalik kay Sofia ang tagpong napagkasunduan nilang dalawa ni Dave na patayin si Alrex. Biglang bumulagta ang katawan ni Alrex sa harapan ni Sofia nang hatawin ng bote ng alak ni Dave sa ulo.
“Ano, iputok mo na ngayon ang hawak-hawak mo!” Utos ni Dave kay Sofia.
Nangatog naman ang mga kamay ni Sofia habang hawak-hawak ang isang baril. Hindi niya iyon magawang iputok. Pinangungunahan siya ng takot.
Si Alrex naman ay nagpupumilit na ibangon ang sarili. Duguan ang ulo nito pati na rin ang mukha na nakatingin sa kanya.
“Sofia, bakit mo ito nagawa sa akin? Bakit?”
“Hindi kita magawang mahalin. At dahil ayoko ring mabuhay nang kasama ka. Hindi ako masaya sa piling mo!”
“Kaya gusto mo akong patayin?”
“IPUTOK MO NA KASI ANG HAWAK MO NANG MATAPOS NA ITO!” Sulsol naman ni Dave sa kanya.
“Minahal kita ng buong buhay ko Sofia. Ang tanging naging kasalanan ko sa ‘yo ay mahalin ka.”
Hindi na nakatiis pa si Dave at sumabat na rin.
“Hindi ka talaga mahal ng syota ko… kinakapatid ko. Napilitan lamang siyang magpakasal sa ‘yo dahil sa utos ko sa kanya. Ako ang mahal ni Sofia at hindi ikaw!”
“PINAGKAISAHAN NINYO AKONG DALAWA. MAGKASABWAT KAYO PARA PATAYIN AKO… MGA WALANGHIYA!” (Itutuloy)

=============================================================
Katleah’s Sexcapades: The Unfaithful 3

“TOTOO. MAGKASABWAT KAMI ng babaeng pinakasalan mo. Ako, gusto kitang patayin dahil naiinggit ako sa’yo! Dahil ang suwerte-suwerte mo sa lahat.”
“Kung kayamanan lang ang gusto ninyong dalawa sa akin ay ibibigay ko. H’wag lamang ninyo akong patayin!” Pakiusap ni Alrex sa kinakapatid.
“Ngayon pang alam mo na ang lihim naming dalawa!” Si Sofia.
“Ganyan Sofia, at ‘wag kang pauuto kay Alrex. Tuloy ang plano nating dalawa na tapusin na ang buhay ng letseng iyan!” Sabat na naman ni Dave.
Ikinasa na ni Sofia ang hawak na baril sabay tutok sa sugatang asawa.
“Sa oras na mapatay kita ay sa akin mapupunta ang lahat ng mga kayamanan mo. At paniniwalaan ng lahat na namatay ka lang sa isang aksidente. Iyon ang palalabasin naming dalawa ni Dave.”
“Mga walanghiya kayo!!!”
Ipuputok na ni Sofia ang hawak na baril nang sugurin naman siya ni Alrex at makipag-agawan na sa kanya sa baril. Nakipag-agawan na rin sa kanila si Dave. Biglang pumailanlang ang isang putok ng baril…
BANG!
HINDI NA MAPAKALI SI Sofia. Binalot na siya ng matinding pangamba. Wala naman siyang maisip na tao na nakaalam ng kanyang lihim. Ng lihim nilang dalawa ni Dave. Subalit nasaan na nga ba ang lalaking kasabwat niya sa krimeng iyon? Nasaan na si Dave? Nasaan na?
“Mabuti na lamang at hindi ako napaghinalaan ng mga imbestigador na may kinalaman sa pagkamatay ng aking… ni  Alrex De Castro. Ano na kaya ang nangyari sa imbestigasyon ni  Mr. Crisostomo?”
Tatlong taon nang kasal si Sofia kay Alrex De Castro. Isang negosyante. Mabait na asawa si Alrex. Sa tatlong taon nilang pagsasama ay hindi pa rin sila nagkakaroon ng anak.
Planado ni Sofia ang lahat. Sinigurado kasi niya na hindi siya magbubuntis. Kahit pag-aari ni Alrex ang kanyang katawan. Asawa siya nito at tungkulin din niya bilang asawa na paglingkuran ang lalaking kanyang pinakasalan at pinili bilang asawa.
Ang katotohanan ay hindi mahal ni Sofia si Alrex. Napilitan siyang pakasalan ang lalaking ito dahil sa kayamanan. At dahil din sa udyok ni Dave. Si Dave ay kinakapatid ni Alrex.
Nag-hysterical na si Sofia na kaagad namang dinampot ang cellphone. “Kailangan malaman ni Dave na may ibang nakaaalam sa aming sikreto.”
Kaagad ding tinawagan ni Sofia ang numerong pag-aari ng kalaguyong si Dave. Kailangang magkausap silang dalawa. Kailangang makagawa kaagad sila ng hakbang para patahimikin ang texter na nakaaalam ng kanilang pinakaiingatang lihim.
Ring nang ring ang cellphone ni Dave. Paulit-ulit lamang.
“Dave, bakit ayaw mong sagutin ang tawag ko?”
Ring pa rin nang ring. Paulit-ulit lang ulit. Hanggang operator na ang sumasagot sa kanya.
“Dave, nasaan ka ba?!”
Biglang nag-brown out. Nagdilim ang buong kapaligiran.
“EEEHHHH… EEEHHH… EEEHHH!!!”
Pumailanlang ang mga sigaw ni Sofia sa kadiliman.
Takot na takot na si Sofia. Kakapa-kapa sa dilim. Kakabug-kabog ang kanyang dibdib. Walang patid ang abnormal na pintig ng kanyang puso.
Nang biglang umihip na naman ang hangin sa bungad ng bintana ay nagsisigaw na naman si Sofia. Hindi lang takot na takot, kundi sindak na sindak na.
Dinadaig talaga ng matinding takot at sindak si Sofia dahil baka pagpakitaan siya ng namatay na asawa. Baka ito na ang hudyat na nagpaparamdam na ito sa kanya. (Itutuloy)

=============================================================

Katleah’s Sexcapades: The Unfaithful 4

NANGALISAG ANG MGA balahibo ni Sofia sa katawan. Ang lamig-lamig pa naman ng dampi ng hangin sa kanyang balat. Sadyang nakapangingilabot iyon.
Ang likot ng mga mata ni Sofia na nakatitig sa may tapat ng bintana. Doon lang kasi sa bahaging iyon may konting liwanag na nagmumula sa labas.
“H-hindi ako dapat matakot sa multo. K-kalokohan lamang ang kuwento tungkol sa mga nagbabalik na patay at nagmumulto. Hindi ako dapat magpaapekto. Hindi.” Pilit niyang kinukumbinsi ang sariling ‘wag matakot.
Mas nadagdagan pa ang takot ni Sofia nang makarinig ng mga yabag ng paa mula sa labas ng silid na kinaroroonan niya. Tahimik na tahimik kasi ang gabi. Kaya naman kaluskos lang ay alam na niya kaagad.
“M-may tao sa labas?!”
Nangangatog pa ang kanyang mga kamay na dinampot ang kumot na itinalukbong sa sarili. Pakiramdam tuloy niya ay hihimatayin na siya sa sobrang nerbiyos.
“A-ang mga yabag ng mga paang iyon ay papalapit mismo sa kinaroroonan ko. M-may nakapasok kayang ibang tao? Nakalimutan ko bang i-lock ang pinto sa ibaba?”
Urong-sulong naman si Sofia na lumabas sa kanyang silid.  Kinakabahan na rin. Hindi iyon maitatago sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.
Nagdadalawang isip na talaga si Sofia na lumabas sa kanyang silid. Isa pang malaking balakid sa kanya ay ang brownout.  Ni hindi man lamang siya nakapagtabi ng kahit kandila man lamang.
“Teka, may itinago nga palang flashlight si Alrex noon dito sa kuwarto namin. Saan nga ba niya iyon itinago?” Isip nang isip si Sofia.
“Ang alam ko’y dito lamang iyon niya itinago.” Ang problema ay hindi naman niya maalala ang eksaktong pinagtaguan ng flashlight ng kanyang namayapang asawa.
Kakabug-kabog na naman ang dibdib ni Sofia. Sa kabila ng nagpupumilit siyang magtapang-tapangan sa mga sandaling iyon. Subalit, kapag lumalakas ang simoy ng hangin ay nangangalisag ang kanyang mga balahibo. Kinikilabutan siya nang husto.
“H-hindi ako dapat magpaapekto sa takot na nararamdaman ko.”
Nakarinig na naman si Sofia nang yabag ng mga paa sa labas ng kanyang silid. Halos kapusin siya ng hininga. Halos panuyuan siya ng laway sa kanyang bibig. Nerbiyos na nerbiyos. Aatakihin na ‘ata siya sa puso kahit wala naman siyang sakit.
“S-sino ‘yan?” Lakas-loob naman niyang sambit.
Tumigil ang mga yabag ng paa sa labas ng silid na kinaroroonan niya. Sa puntong iyon ay nasa harapan na mismo ng pintuan si Sofia. Nakarating siya sa bahaging iyon na kakapa-kapa lamang.
Biglang nagtitili si Sofia sa sindak nang bigla ring may magtangkang magbukas ng doorknob ng pintuang iyon. Napaatras tuloy siya. Takot na takot.
“EEEHHH… EEEHHH… EEEHHH!!!” Tili ni Sofia.
Patuloy sa pagpupumilit na mabuksan ang doorknob ng pintuang iyon ng kung sinong tao sa labas. Walang magawa si Sofia kundi ang magtitili nang magtitili. Takot na takot pa rin. Sindak na sindak na rin. Pati buong katawan, nangatog nang husto.
Nabuksan na ang pintuang iyon na hindi alam ni Sofia kung sino. Napaatras na naman si Sofia. Dahan-dahang lumangitngit pabukas ang pintuan ng kanyang silid.
“S-sino ka?!” Habul-habol ang kanyang paghinga.
Nagtitili na naman si Sofia nang biglang may liwanag na nagmula sa  bungad mismo ng pintuang iyon. Liwanag na nagmula sa isang flashlight na nakatutok sa mga paang nakasuot ng itim na sapatos.
Pakiramdam ni Sofia ay hihimatayin na siya. Hindi na kasi niya maintindihan ang nararamdaman sa puntong iyon. Takot na takot. Sindak na sindak. Nangangatog. Nanlalamig ang buong katawan. Hanggang sa mapaiyak na rin. (Itutuloy)

=============================================================
Katleah’s Sexcapades: The Unfaithful 5

“Maawa ka sa akin. Hindi ko naman gustong gawin iyon, e. N-naguluhan lang ako. Ang totoo ay naudyukan lamang ako… maniwala ka… nagsasabi ako ng totoo.” Humagulgol na siya ng iyak.
Aamin na ba si Sofia sa pakikipagsabwatan niya sa pagpatay sa asawang si Alrex? Kinukunsensiya na siya?
Panay ang pawid ng mga luha ni Sofia sa kanyang pisngi pero patuloy pa rin iyon sa pag-agos. Hindi maampat.
Pakiramdam din ni Sofia na hihimatayin na siya. Ang tindi ng pangangatog ng kanyang mga tuhod. Ang tindi ng kanyang panlalamig. Pawisang-pawisan dahil sa sobrang takot.
Sa malas, hindi na niya ito makakayanan pa. Nanlambot ang kanyang mga tuhod hanggang sa maupo na siya sa sahig.
Sa puntong iyon, humakbang naman papalapit sa kanya ang mga paang iyon na natatanglawan ng liwanag mula sa flashlight.
Napalakas na ng iyak si Sofia. Titingalain sana niya iyon para makilala pero biglang pinatay naman ang liwanag ng flashlight.
Umiiyak. Natatakot. Gustong tumakas ni Sofia pero may dumampi sa kanyang pisngi na malamig na malamig. Mas lumakas pa ang kanyang pag-iyak. Pati ang kanyang balikat na apektado ng pangangatog ay dinantayan ng palad na iyon.
Ipinikit na lamang ni Sofia ang kanyang mga mata. Ang totoo ay takot siya sa multo. Sa multo ng asawang pinagtulungan nilang patayin ni Dave.
Hinaplus-haplos ng malamig na kamay na iyon ang kanyang luhaang mukha. Gusto sana niyang iiwas pero wala siyang kalakas-lakas na gawin iyon.
Ramdam na ramdam na rin ni Sofia na ang mukha ng taong iyon ay nakatapat sa kanyang mukha. Nalanghap kasi niya ang hininga nitong kay init na naghahalo ang amoy-alak.
Hindi isang multo ang nasa harapan niya ngayon. Hindi ang inaakala niyang multo ni Alrex.
“Maawa ka sa akin. H’wag mo akong patayin. Nakawin mo na ang lahat ng gusto mong nakawin sa loob ng bahay na ito. Bahala ka na. Basta, ‘wag mo akong patayin.” Nagsusumamo niyang pakiusap.
Lumikha na naman ng liwanag ang flashlight mismo sa tapat ng kanyang mukha. Hanggang sa yanigin pa siya ng napakalutong na pagtawa ng isang lalaki. At nang magdilat siya ng kanyang mga mata ay…
“I-ikaw?!”
“Sino pa sa akala mo?” Saka sinabayan na naman nang malutong na pagtawa ni Dave.
“Demonyo ka talaga!” Sabay tulak sa dibdib ng lalaki na ikinaatras naman nito sa kanya. Napaupo na rin sa sahig.
Tawa pa rin nang tawa sa kanyang harapan ang lihim na kasabwat na binata. Hindi makapagtimpi sa kanyang sarili si Sofia. Bukod kasi sa natakot siya nang husto, ang buong akala niya’y katapusan na rin niya.
“Napaka-demonyo mo talaga! Ikaw na ang pinakaugaling demonyong nakilala ko sa buong buhay ko!”
Hindi naman sineryoso ni Dave ang anumang masakit na sabihin niya. Bagkus, hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa.
Nagkataon namang nagliwanag ang buong kabahayan. May kuryente na.
Iritada na si Sofia.
“Ano ba ang nakakatawa? Sabihin mo nga sa akin, Dave?”
Sinipat lamang si Sofia nang tingin ng lalaking kasabwat niya. Bumuntong hininga ng malalim. At saka sinabayan na pungayan siya ng mga mata nito.
“Magkaliwanagan nga tayong dalawa, Dave. Isinugal ko ang buong buhay ko ng dahil sa’yo, ‘tapos paglalaruan mo ako ng ganito?!”
Pigil na ang pagbungisngis ni Dave sa kanya. Saka sinabayan ng inat ng dalawang braso bago ilatag ang likuran ng katawan sa sahig.
“Hindi mo ba ako na-miss, babe?” (Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.