Tuesday, April 23, 2013

Basketball- Drei's Adventure pt.03


Basketball- Drei's Adventure
by : ovhell

Chapter 3: Basketball
 ngumiti lang si Mutya.
 "magaling talaga xa, sige magpasikat ka lang,oras mo ngayon" ika ng dalaga sa sarili.
 dalawang minuto ang nalalabi sa laro, tulala ang lahat sa nasaksihan, ang iniwang signature move ni Derek.
 sa loob ng 2 minutong iyon ay hindi nakapag concentrate ang Varsity Team, kaya tuloy tuloy na ang pagtambak nila Drei sa kanila.
 matapos ang laro ay pinakilala na ang natanggap sa Varsity. sina Drei, Santino at Manuel. Kasunod nito ay agad na tinabihan sila ni Pong at Mike para kumpletuhin ang First Five ng St. John University. Nagpalakpakan ang ilang manunuod, bawat isa ay may malaking ambag sa team.
sa gitna ng pagsasaya ay nilapitan ni Coach Piko si Drei.
"congrats iho" ika nito. Ngumiti lang ang binata, bitin man sa laro masaya pa rin xa.

 tinitigan na lang ni Coach Piko ang binata, nais man nyang tanungin ito tungkol sa kanyang Ama,e napa atras na lang xa, marahil hindi ito alam ng binata. Ang gumugulo sa isip ng matanda ay ang naiisip nya na kapatid ni Dirk si Drei.
napangiti ang matanda, masyadong marami na xang naiisip, iba si Dirk,at iba si Drei, parehas magaling pero aminado xa na di kayang pantayan ni Drei si Dirk, bahala na, basta ang mahalaga, may chance na sila ngayon.
 matamis na ngiti naman ang salubong ni Mutya kay Drei,hawak hawak nito ang towel ng binata, kung iba ang makakakita iisipin na magsyota sila,pero para sa kanilang dalawa,kaibigan lang ang hanganan nila.
"congrats Drei" ika ng dalaga.
Ngumiti lang ang binata, maya maya'y inakbayan ang dalaga at saka kinutos kutosan ito.
"letse ka Drei,masakit" ika ng dalaga. Tawanan pa sila at nagumpisa ng maghabulan.
" tang ina mo ka Drei, wag kang sasabay pauwi sakin" pagmamaktol ng dalaga ng di na nya maabutan si Drei.
agad naman xang nilapitan ni Drei.
"ang pikon neto. Lika na nga Mutya ng Buhay ko" pang aasar pa ng binata habang inaalalayan maglakad ang napagod na dalaga.
"pinagod mo ako mag habol" nagmamaktol pa din ang dalaga. Di naman nagsasalita si Drei, bagkus ay agad nya  sinakay sa likod nya ang dalaga, napangiti naman si Mutya sa ginawa ng binata.
"kaya mahal na mahal kita e" ika ng dalaga.
"naawa lang ako sa Mutya ng Buhay ko," sagot ng binata.
"baka magselos si Aira nyan" pang aasar ng dalaga.
 napatawa ng malakas ang binata.mistulang nagblush.
"di ko naman nililigawan yun e," pag dipensa ng binata.
"naku,pag niligawan ka nun, sa ganda at laki ng boobs nun sigurado oo ka agad" ika ni Mutya. Nagtawanan sila.
"boobs na naman napansin,porket wala ka nun" biro ni Drei.
"meron noh,maliit lang " sagot ng dalaga.
"lalaki yan pag nalamas.kaya mag boypren ka na" sagot ni Drei sabay tawa.
 "fuck u" ika ng dalaga at binatukan ang binata.
"mag boypren ka na kasi" ika ni Drei. Niyakap naman ng dalaga ang binata mula sa likod bago sumagot.
"me manliligaw ako. Player din xa, si Dirk" sagot ng dalaga. Katahimikan.
 "sinagot mo na xa?" seryoso ang binata. Naramdaman naman yun ng dalaga.
"malapit na" seryoso din ang dalaga.
 katahikan muli. .
"nice,me lalamas na kay flat" putol ni Drei sa gitna ng katamikan.
"tang ina mo"sagot ng dalaga.
 ilang minutong katahimikan pa hanggang makarating sila sa labas ng campus, dito binaba ni Drei si Mutya, pumara ng taxi at isinakay ang dalaga.
"di ka sasabay?" tanong ng dalaga ng makitang iiwanan xani Drei.
"me pupuntahan pa ko" sagot ng binata.
"selos" ngising aso ang dalaga.
"hindi ah.sige na, teteks kita pag nakauwi na ako" sabi ng binata para mapa alis na ang dalaga.
"san ka muna pupunta?" pangungulit ni Mutya.
 "huhuntingin si Dirk" biro ni Drei at tumawa.
"selos nga xa oh" ika ng dalaga. Tumawa na lang si Drei at nag heart sign sa kamay, ginaya din xa ng dalaga at umalis na ang taxi.
 agad nagtungo si Drei sa court, baka nandun pa si Coach,pero laking gulat nya ng makitang si Arah ang nandun,kasama pa ang dalawang 4th yr student. Agad tumalikod si Drei, patungong pinto, ngunit bago pa man xa lumabas ay napasampal na xa sa mukha.
 "drei, halika dito, turuan mu naman kami magbasketball" malanding sigaw ni Arah.
"patay" bulong ni Drei.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.