Tuesday, April 23, 2013

Basketball- Drei's Adventure pt.02


Basketball- Drei's Adventure
by : ovhell

Chapter 2: Mutya

 napasimangot si Drei sa pagdating ng dalaga. Heto sya't sabik ng maglaro at eto ang dalaga dumating para inisin na naman sya.
 "pasok ka ba?" tanong ng dalaga ngunit ngumisi.
 "wag ka nga dito, panira ka naman e" sagot ni Drei.
 "wow ang tapang ah, " sagot ng dalaga ,umupo sa tabi ni Drei at nanuod.
 nag umpisa na ang 4th Qtr at tutok din ang dalaga sa laro, maganda ang pinakitang come back sa laro ng mga mag tatry out sa pangunguna ni Santino. Nakagawa kasi ang binata ng 3 magkakasunod na 3point na kinagulat ni Coach Piko, malaki na tuloy ang tiwala ng matanda na malakas ang Team nya ngaun.
 hindi rin pahuhuli ang kasamahan ni Santino kaya nahabol nila ang kalaban sa score na 82- 78 with under 4mins remaining.
 sa gitna ng laro ay napatawa na lang bigla ang dalaga.
 "oi Drei, 4mins na lang oh,di ka pa lalaro?" tanong nito.
 "kaya na nila yan" ika ng binata. Marahil sumuko na din.
" tong matandang kasi to,ayaw ako paglaruin" ika ni Drei sa sarili, napatawa ng malakas si Mutya. .

 mula 1st year h.s ay magkaibigan na si Drei at Mutya, palaging magkasama kahit san. At xempre. , me mga sikreto sa isa't isa, bestfren kumbaga. Maganda ang dalaga, morena ito, 5'4 ang taas, maiksi ang tuwid na buhok ,at me pagkaboyish pumorma pero pusong dalaga.

 sa pagtawa ng dalaga ay napatingin sa gawi nila Mutya si Coach Piko at naalala na di pa naglalaro si Drei. Agad tumawag ng timeout ang coach, nacucurious din kasi sya sa binatang gustong higitan ang Ama nito,sino nga ba ang Ama nito.
 "Santino, labas ka muna iho, good games, congrats and welcome sa Varsity Team" ika ni Coach. Lalo naman nag init ang ulo ni Drei, ngunit napangiti ng marinig na tinawag sya ng coach nila.
"hoi,iho, ayaw mo maglaro?" ika ng coach nila.

"ayos" sigaw ni Drei at agad bumalikwas, kinalkal ang bag, hinubad ang damit sa harap ni Mutya.
"goodluck macho" ika ng dalaga.
ngumiti lang ang binata at sinuot ang jersey.
halos lahat ay tulala sa pagpasok ng binata sa court, lahat ay excited mapanuod ito.
ngiti lang ang tinapon ni Mike rito.
 3 minuto pa ang nalalabi sa 4th Qtr. 84-81 ang score, inbound ng mga nag tatry out, pinasa agad ni Manuel ang bola kay Drei, lahat ay nanahimik, di naman mapawi ang ngiti sa labi ng dalaga, kinakabhan sa excitement ang binata, at sa unang hakbang nya sa court ay hudyat na simula na ng buhay nya sa Basketball.

 mabilis na nagdribol ang binata, papunta sa ring, nilalampasan ang bawat daanan, napakamot sa ulo si Coach Piko, may naalala sya sa dribling style ng binata.

sumalaksak ang binata sa ring.
Kaharap nya ngaun si Mike, huminto , humakbang, pakanan,hindi pakaliwa,naiwan si Mike, ngunit agad xang sinalubong ni Pong,iniwas nya ang bola,umikot , tumalon, nakatingin sa ring. Sinabayan xa ni Elias para blockan xa ,ngunit binaba nya ang braso at hinagis ang bola sa libreng si Manuel na agad ni lay up ang bola.
 tulala ang lahat, pati si Coach. 3 malalakas na manlalaro ang di nakapigil kay Drei.
"sino ka ba bata, san ka galing, "bulong ng coach.
 nasa gitna pa lang ng pag iisip si Coach Piko ng iinbound ni Karlo ang bola papunta kay Pong, ngunit nagulat sila ng maintercept ito ng tumatakbong binata, agad bumulusok sa ring, nag iisa xa, oras na para magpasikat. nagsagawa ng eksibisyong lay up ang binata, ang kumpas ng dalawang kamay sa hangin upang bumuo ng hugis puso at pinasok ang bola.

 napatayo si Coach Piko sa nalaman, di xa maaaring magkamali, si Drei, nagtatry out sa team nila ang anak ng Hari ng Basketball.
ngumiti lang si Drei.tinuro si Mutya at ginawa ang sign ng puso sa kamay nito.


No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.