The stories listed here are my favorites. I DIDN'T WRITE THESE STORIES. CREDIT GOES TO THE ORIGINAL AUTHORS. ENJOY READING
Tuesday, April 23, 2013
Basketball- Drei's Adventure pt.01
by : ovhell
"gusto kong lampasan lahat ng nagawa ng aking Ama, at kung siguro andito sya sa tabi ko ngaun, masasabi nya na ako ang pinakamagaling sa larangan ng Basketball. I want you to be proud for me Pa"
namumugto ang luha, malakas ang hiyaw ng binata na tila xa ang Coach ng team nya.
Chapter 1: Pagsibol.
"tita Beth, Lola, pasok na po ko," sigaw ni Drei, bitbit ang bag nya,posturang estudyante patungo sa eskwelahan nya.
May ngiting nakapinta sa labi ng binata,ngaun kasi ang unang araw ng pagsali nya sa Varsity ng Paaralan. Ngising demonyo pa xa sa naisip, magaling daw kasi. magbasketball ang Ama nya sabi ng Tita nya. Patunay ang mga litrato at tropeo na nakadisplay sa kwarto ng binata.
Pero buhat ng magka isip sya ay wala na syang balita sa kanyang Ama, di umano'y pumanaw na raw.
sa covered court ng St. John University nagtipon ang mga dating Varsity sa pangunguna ng Coach nilang si Sir Piko, matandang binata ito at sa unang tingin pa lang ay kutob ng malibog. Nagmamasid lang ang matandang nasa edad 40 na sa mga binatang mag tatry out, kabilang na nga rito si Andrei Salvador.
"Andrei Guerrero 5'6, galing sa Markus Highschool, pangarap ko pong higitan ang Papa ko sa paglalaro." sigaw ng binata ng isa isa silang magpakilala. Bakas sa mukha nito ang pagka desperado ngunit sa dimple nitong lumalabas sa tuwing ngingiti ay kaya nitong magpatili ng ilang kababaihan.
tahimik lang ang lahat.Tulala sa narinig, siguro magaling ang Ama ng binata, nacurious tuloy si Mike, ang team captain sa narinig sa binata.
Katamtaman lang ang tindig nito, ang katawan ay sakto lang sa height, masakit man ngunit tanggap nya na mas gwapo sa kanya ang binata.
"sana pumasa ka bata" sabi ni Mike sa sarili.
"mukhang magagaling ang mga magtatry out ngaun, malapit na ang competition kaya mabilisan lang ang pag seselect ko sa nyo" ika ng Coach nila. Tiwala si Mike sa coach nila, ilang taon din kasi nilang pinagharian ang Tournament,pero dahil naubos na rin ang ilang malulupit nilang players,di na din kayang igapang ni Coach Piko ang Team, sanhi nun ay ang pagkatalo nila sa All Star Team ika nga na Harrington University. Halos lahat na kasi ng manlalaro na magaling sa distrito ay nandun na,idagdag pa ang pagdating nung isang taon ng manlalarong nagpapanalo sa Team nila- si Dirk Salvador.
3rd year lang nuon si Dirk, kaparehas ni Mike,at sila nuon ang magkaribal sa Court,ngunit napag iwan xa ng kalaban, ngayon, balita nya e si Dirk ang tumatayong team Captain at Playing Coach sa Team.
Kokonti na lang ang naiwan na malakas sa St. John,ang ila'y di pa kayang sumabay, kaya naman tinititigan ni Mike ng mabuti ang mga magtatry out. Di malayong isa rito ang magdadala sa St. John.
"Captain., natutulala ka," sigaw bigla ni Rick, namunawan si Mike. Nag set pala si Coach Piko ng Laro sa pagitan ng dating Varsity at ang mga magtatry out.
Nasa Court na ang lahat , si Mike, Rick, Pong, Karlo at Elias ang first five ng Varsity, sa kabila naman ay sila Manuel, Rich, Robin, Kevin at Santino, at si Drei, nasa bench, naiinis sa matandang Coach.
Nag umpisa ang laro sa jumpball sa pagitan ni Mike at Manuel,pareho mataas ngunit natapik ni Mike ang bola na nakuha ni Santino.
Mabilis ang pasahan ng mga mag tatry out, paikot, hindi mahabol ng Varsity, sa huli'y bumalik kay Santino ang bola, tinitigan nya si Mike,mistulang nag hahamon, under 8 seconds sa shot clock. Inextend ni Santino ang kamay pakaliwa,ipapasa,sinundan ito ni Mike ngunit nagulat ng pafade away na tumalon ang binata, di nakaapak sa 3pt line.
"3 point fade away shot?" ika ni Mike.
pagbitaw ng bola ay kinuyom ni Santino ang kamay, hudyat na pasok ito.
"sshkk" sigawan ang lahat,what a nice way to start a game.
"ayos. ." bulong ni Mike habang tinapik si Santino,senyas na maganda ang ginawa ng binata.
Si Santino ang kilalang best 3 pointer nung highschool sila,at ngayong nasa St. John na xa.mas mapapadali ang pag hihiganti nila sa Harrington,ang pagbawi ng titulong kanila dapat.
Maganda ang takbo ng laro, sa 3rd Qtr ay 60-56 ang score,lamang ang Team Varsity.
marami na agad napansin ang ilang nanunuod, mukhang bumalik na ang halimaw na Team sa kumpletong manlalaro nito.
Si Mike, ang Team Capt kilala sa pagiging Halimaw sa rebound, Si Pong ang all around Scorer, Si Santino ang 3pointer, at Si Manuel ang blocker, napangiti tuloy si Coach Piko. May napili na xang Dalawang pasok sa try out.
mag uumpisa na ang 4th Qtr sa score na 72-63 ,lamang pa din sila Mike. At syempre, naka bench pa din si Drei.
Nakayuko na lang ang binata, mukhang busted xa sa pagpasok sa Team.
"bench ka?" ika ng dalaga na agad tumabi ke Drei. Lalong nainis ang binata sa sitwasyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.