Mabibilis ang hakbang nilang dalawa ng marating nila ang kanilang nayon
na kasalukuyang tinutupok ng apoy. Kaalinsabay noo'y ang nakabibinging
palahaw ng mga babae at mga bata. Mga sigawan at daing ng nalalapit na
kamatayan. Hindi pa man batid kung sino ang may kagagawan at sa anong
kadahilan, mabilis nilang tinungo ang kanilang tahanan.
"Eeeeeeeekkk!"
"Huwag pooooo!"
"Saklolooooooooooooooooooooo!"
Natatakot man sa kanilang nakikita sa mga oras na iyon, patuloy lamang
ang dalawa. Isang tagpo ang pumukaw sa kanila ng madaanan nila ang isang
lalaking may hawak na espada at hustong kikitlan ng buhay ang isang
batang lalaki.
"Bwahahahahaha!..." nakakalokong halakhak ng lalaki kasunod ang
pagwasiwas ng kanyang espadang uhaw sa dugo.
"Wag poooooo!" daing ng bata na halos magsumiksik sa isang sulok upang
salagin at nag aakalang kahit papaano ay maililigtas siya sa tiyak na
kamatayan.
Ting!.
Tunog iyon ng dalawang bakal na nagtagis.
"Huh!" gulat ng lalaki.
"Andrei, kunin mo ang bata at tumakbo na kayo!" utos ni Rupert. "Ako ng
bahala dito. Bilis!" gamit ang maliit na kutsilyong ginagamit nila sa
pangunguha ng mga halamang gamot at lamang-ugat sa gubat. Nagawa niyang
salagin ang espada nito upang mailigtas ang kawawang bata.
Nanginginig man sa takot ay dali-daling pinangko ni Andrei ang bata at
mabilis na tumakbo sa direksyon kanilang tinatahak. Lumingon pa siya sa
kanyang likuran at nasulyapan pa niyang nagpapambuno ang kanyang
kaibigan at ang armadong lalaki. Tumulo ang kanyang mga luha. Hanggang
ganun na lang ba siya habang buhay? Ang maging pabigat sa mga taong
nagiging malapit sa kanya. Lagi na lang ba siyang aasa kay Rupert upang
maipagtanggol siya o sinumang nangangailangan ng tulong. Paano kung ito
ang nasa panganib? Paano niya magagawang matulungan ito gayong ito ang
may lakas at may kakayahang magtanggol dahil isa itong ninja.
Samantalang siya ay isang simpleng anak ng magsasaka. Anong silbi ng
katawan niya, anupama't nagiging kaligayahan ito ni Rupert, subalit
hindi sa gaanong paraan lamang ito may silbi. Kailangan magkaroon siya
ng lakas upang sa susunod naman siya na ang magtatanggol sa mga taong
mahalaga sa kanya. Sa lalim ng kanyang iniisip hindi na niya na pansin
na nakasunod na si Rupert.
Patuloy ang lakad-takbo nila Andrei at Rupert. Hanggang sa marating nila
ang kanilang mumunting tahanan. Ilang armadong nilalang ang inabutan
nila na nakapaligid sa kanilang bahay. May mga ninja, mga kawal, ilang
mga mukhang kapre at tikbalang. May mga madudungis ding tulisan.
Nanlaki ang mata ni Andrei ng makita niya sa di kalayuan ang isang
nakahandusay na katawan ng tao. Sa katayuan nito, naliligo sa sariling
dugo, alam na niyang wala na itong buhay.
"I-i-i-itaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyy!" sigaw ni Andrei.
Tumawag ng pansin ang ginawa niyang pagsigaw na yaon. Kinailangan niyang
gawin ang ganoon upang maibulalas ang pighating nararamdaman.
"Meron tatlo pa dito!" sigaw ng isang maskaradong lalaki na nakapansin
sa kanilang pagdating. Isa-isang nagsilingon ang mga natititra pang mga
armadong lalaki. Ang ila'y nakangising parang mga demonyo at may ilan
din tila tuwang-tuwa sa kanilang pagdating. Marahil magkakaroon na naman
ng kabuluhan ang kanilang mga sandata. Ang pumaslang ng buhay at
malagyan ng dugo ang bawat talim nito. Tila walang katapusang pagka-uhaw
sa dugo.
"Mga anak...tumakas na kayo!" sigaw ng isang pamilyar na boses sa
kanila. "Iligtas nyong mga sarili nyo!" palahaw nito.
Pumukaw ang sandaling iyon na marinig ni Andrei na buhay pa ang kaniyang
ina at kasalukuyang hawak ito ng isang lalaki na sa pakiwari niya ay ang
pinuno ng pangkat na nagpasimula ng kahulagang nangyayari sa kanilang
mumunting nayon. Biglang nanlisik ang mga mata ni Andrei sa nakikitang
tagpo at kalagayang ng kanyang kawawang ina. Ito ma'y sugatan na rin sa
buong katawan at pati na rin ang puso nito dahil sa nakitang sinapit ng
asawa.
"H _ _ _ _ ka! Bitiwan mo ang aking ina!" sigaw ni Andrei, nakakuyom ang
mga palad at nagtagis ang kanyang mga bagang sa sobrang galit.
"At anong gagawin mo bata!" mapang-asar na sagot ng lalaking may hawak
sa kanyang ina. "Papatayin mo ako! Sige, lapit! Kung kaya mo!" kasunod
noo'y ang nakakalokong tawanan ng mga kasama nito. "Lapit!" kasabay ang
may lalong paghigpit sa pagkakahawak sa pobreng babae na mas lalong
ikinasakal nito. Napaubo ang babae.
Aktong susugod si Andrei subalit pinigilan siya ni Rupert. "Huminahon ka
Andrei...hindi ito ang panahon para magpadaig ka sa galit mo."
mahinahong turan ni Rupert. Subalit kahit siya man ay nalalagay sa
alangin, magawa man nilang mapaslang ang mga lalaking ito wala pa ring
kasiguraduhan na maililigtas nila ang babae. "Kailanagn nating umisip ng
paraan upang mailigtas ang inay ng hindi namimilgro ang buhay nito.
Subalit kung paano'y hindi ko man batid."
Nahabag si Andrei sa kalagayan ng ina subalit mas ang nararamdaman
niyang pagkainis at galit sa sarili dahil wala siyang magawa upang
matulungan ito. Wala siyang silbing anak. Kung maaari lamang na siya ang
nasa katayuan ngayon ng ina ay gagawin niya. Pero hindi iyon ang
nangyayari. Magulo na ang isip niya.
"Kung hindi kayo susugod, kami ang kikilos.!" anas ng isang lalaki na
may kakaibang kasuotan. Hindi pangkaraniwan sa mga suot ng ibang
kalalakihan na mistulang pangkaraniwang alagad. "PATAYIN SILA!" utos
nito at isa-isa nang patakbong lumapit sa deriksyon nila ang mga
armadong nilalang. Nag-uunahan na tila baga isang karangalan para sa
kanila kung sino ang unang makakapaslang. Abot-tenga ang mga ngisi nito.
Nahintakutan ang batang kasama nila kaya tumago ito sa likod ni Andrei.
Si Rupert nama'y pumusisyon agad sa harapan nila at humandang i-depensa
ang sarali upang maprotektahan sila laban sa mga nilalang na walang
awang papatay sa kanila.
"Andrei, dalhin mo ang bata at lumayo muna kayo." anas ni Rupert,
nagsimula na siyang gumawa ng hand signs.
"Pero paano ka?" a\nag-aalalang tanong ni Andrei sa kaibigan.
"Kaya kong sarili ko...wag ka mag-alala! Maililigtas ko ang inay sa
kanila." sabay ngiti. "Pangako!" Alam ni Rupert sa sarili na mahihirapan
siya na gawin iyon. Subalit dahil sa samahan nila ni Andrei at sa
malaking utang na loob niya sa pamilya nito. Gagawin nya ang lahat
masiguro lamang na ligtas ang mga ito. Kahit buhay nya pa ang maging
kapalit. Sa gantong paraan magagawa nya ang isang bagay na hindi nya
nagawa noon sa kanilang angkan. Nang nagsimulang lumakad palayo si
Andrei, muling hinarap ni Rupert ang mga papasugod na mga kaaway. Sa
kakayahan niyang pagalawin at kontrolin ang mga puno at iba pang bahagi
nito bilang opensa at depensa nagawa niyang lumikha ng debersyo upang
makalayo ang dalawa. Isa-isang humahandusay sa lupa ang mga walang buhay
na kalaban.
Subalit dahil sa napagmamasdang isa-isang pagkagupo ng kanyang mga
alagad sa kamay ng isang ninja. Nanlilisik ang mga mata ng pinuno ng
pangkat sa sobrang galit at inis. Sa angkin nitong kagalingan sa
pagkontrol sa mga puno hindi siya maaaring magkamali na nagmula ito sa
angkan ng Kageyama. Ang nayon na sinalakay ng kabilang pangkat ilang
buwan na ang nakakalipas. Ito marahil ang anak ng kage ng nayong iyon na
himalang nakaligtas sa mabagsik na pangkat ni Ministro Abaracus, na isa
sa kinatatakutang pangunahing alagad ng kanilang pinuno, malaya nitong
nagagamit ang mga salamangkang itim na lubos na ipinagbabawal ng Konseho
ng Fiore sa Larangan ng Mahika. Sa madaing salita, mahusay talaga ang
ama nito na magawang patakasin ang anak ng hindi namamalayan ng ministro
o marahil hindi ito kasama ng mga panahong iyon. Ipinaubaya na lamang sa
mga tapat na alagad ang pagpuksa sa pangkat na tumutuligsa at hahadlang
sa plano ng kanilang pinuno.
Tumawag ng kanyang pansin ang papalayong lalaki na may akay-akay na
batang lalaki. Pabalibag niyang isinalya sa isang tabi ang hawak na
babae na wala ng malay. Mula sa kanyang kaliwa kung saan nakapuwesto ang
isang nilalang, nilingon niya ito at sa isang simpleng pagtango ay
naintindihan na ng huli ang ibig niyang ipahiwatig. Inihanda ng nilalang
na iyon na nasa ibabaw ng bubungan ang kakaibang uri ng sandata na
nahahawig sa isang pana at maayos na ipinusisyon ang direksyon patungo
sa tumatakbong si Andrei. Nang maasinta ang lalaki agad nitong binitawan
ang palaso. Mabilis itong naglakbay sa ere.
Mula sa kinatatayuan ni Rupert, agad niyang napansin ang mga naging
kakaibang pagkilos ng pinuno, Mula sa pagbalibag nito sa ina ni Andrei
hanggang sa magbigay ito ng utos sa isang nilalang na nasa ibabaw ng
bubing ng bahay. Bago pa man niya mahulaan ang ikikilos ng nilalang na
iyon, mabilis nitong pinawalan ang hawak na palaso. Tuloy-tuloy na
lumipad ito sa ere sa isang deriksyon na alam ni Rupert na magiging
sanhi ng kapahamakan kung hindi niya mapipigilan. Agad na nagpakawala si
Rupert ng jutsu na maaaring depensa nila Andrei sa paparating na palaso.
Mula naman sa kinaroroonan nila Andrei ay napalingon ito dahil sa
biglang pagtubo ng isang malaking puno sa kanilang likuran. Subalit
dahil sa bilis at lakas ng paparating na palaso hindi naging sapat ang
ginawang harang ni Rupert.
"Ah!" tanging nabigkas ni Andrei na tumama sa katawan niya ang palaso.
Agad na humandusay siya sa lupa at kasabay noo'y ang pagtilapon ng
kakawang paslit sa di kalayuan na kinabagsakan niya.
"Andreeeeeeiiiiiiiiiiiiiiii!" pasigaw na tawag ni Rupert sa duguang
kaibigan na bumagsak sa lupa. Subalit sa pagkalingat niya, agad namang
sumunggab ang mga kalaban. Nagawa man niyang salagin ang pag-atake ng
mga kalaban. Malakas at naging mapaminsala pa rin ito sa kanya. Duguan
din tumilapon sa lupa ang kanyang pagal na katawan.
Sa kinaroroonan ni Andrei, kitang-kita niya kung anong nangyari sa
kanyang kaibigan. Sa pag-aatubili nitong mailigtas sila kahit gumagawa
ito ng paraan upang mailigtas sila. Gusto niyang bumangon subalit ayaw
sumunod ng kanyang katawan. Tumusok ang palaso sa kanyang kanang balikat
at hindi iyon ganun kadilekado subalit tila siya nauupos na kandila ng
mga sandaling iyon. Marahil may lason ang palaso at unti-unti itong
kumakalat sa buo niyang katawan. Nagsisimula na nga siyang mamandin.
Unti-unti ng nawawala ang kanyang pandama. Wala na siya halos maramdaman
sa buo niyang katawan. Tanging ang isip na lamang niya ang gumagana.
Napapikit si Andrei sa isiping iyon. Hanggang doon na lamang ba ang
lahat. Namatay ang kanyang ama na wala siyang nagawa. Nasa panganib ang
kanyang ina subalit wala siyang lakas para maisalba ito. Ang kanyang
matalik na kaibigan na nagawang ipagtanggol sila sa mga nilalang na ito
na kahit lumalaban na ay nagawa pa rin iligtas sila. At ngayo'y walang
malay o buhay itong nakahandusay sa lupa. Unti-unti ng nawawala ang
kanyang diwa. Mamamatay na nga ba siya? Dito na ba matatapos ang
lahat-lahat? Wala nga ba siyang lakas upang sa ngayon ay siya na man ang
maging tagapagligtas. Siya naman ang magtatanggol sa mga naaapi laban sa
mga mapang-api.
Mahabang katahimikan.
Madilim.
Nahuhulog si Andrei sa isang mundo ng kawalan.
"Nais mo ba ng kapangyarihan?" isang tinig iyon mula sa kawalan.
"Sino ka?" nagtatakang tanong niya. "Asan ako? Patay na ba ako
"Ako si Pyrus, isa sa mga pangunahing elemento na bumubuo sa Reyalberuh.
Ako ang pinagmumulan ng lakas at aking alab ang nagsisilbing liwanag ng
lahat ng bagay. " wika nito. "Ako ay ang lakas na nananahan sa loob.
Matagal na akong nahimlay at ngayon lang muling nagising. Subalit
nakikita ko at nalalaman ko ang lahat-lahat sayo mula ng mabuo ka sa
sinapupunan ng iyong ina." pagpapatuloy ng tinig. "
Patuloy pa rin ang pagbagsak ni Andrei sa kawalan subalit ngayon ay may
nakikita na siyang kabutil na liwanag.
"Ninanais mo bang maangkin ang aking lakas at gamitin ito sa iyong ibig?"
"Kung ang lakas na ito ang magiging paraan ko upang maipagtanggol ko ang
mga mahahalaga para sa akin." usal niya. " Mariin ko itong tatanggapin. "
"Bilang lakas na nananahan sa loob mo at ang kamatayan mo'y kamatayan ko
din. Ipinagkakaloob ko sa'yo ang aking lakas. "
Biglang nagliwanag ang paligid ni Andrei
Mula sa realidad, nanlaki ang mga mata ng mga nakakikita sa nagaganap na
kakaiba sa lalaking tinamaan ng palaso. Ang buong katawan nito ay
binabalot ng naglalagablab na apoy. Nakakatupok. Kakaibang init ang
kanilang nararamdaman. Sobrang nakakapaso. Patuloy ang paglaki ang tila
baluteng apoy sa paligid ni Andrei na kasalukuyan pa ring walang malay.
Hanggang sa isang napakatinding liwanag na may napakalakas na init ang
bumalot sa buong lugar na iyon. Hindi na nagawa pang umiwas ng mga
alagad ni Ator ng mga sandaling iyon. Ang mga pangkaraniwang alagad ni
Ator ay nilamon ng apoy at nangaglusaw ito. Nag mistulang mga abo na
tinangay na lamang ng hangin. Dahil sa pangyayari, natulala man,
nagawang umiwas nila Ator at ng iba niyang pangunahing alagad. Agad
silang nakalayo sa pagsabog.
"Mukhang nagising natin ang nakahimlay na lakas sa binatang iyon,
pinunong Ator. " wika ni Alona, isang babaeng dalubhasa sa paggamit ng
Heylel (isang uri ng pana na hawig sa crescent moon) at ang mga palaso
nito'y balot sa kumplikadong formula ng iba't iba uri ng lason.
"Ang masama pa nito hindi pangkaraniwang lakas ang taglay ng lalaking
yaon." sabad ni Paragos, ang salamangkero ng pangkat at nagsisilbing
mata dahil sa kakayahan nito. Nagagawa nitong kontrolin ang sinuman sa
pamamagitan ng hipnotismo.
"Kailangan malaman ito ng ating Kamahalan." saad ni Ator, kitang-kita sa
kanyang anyo ang labis na pagkagulat sa pangyayari subalit mas nananaig
ang labis na takot dahil sa maaaring kaparusahan na kanilang daranasin
sa oras na malaman ng kanilang pinuno ang buong kaganapan.
Sa kabilang banda, sa Kaharian ng Fiore, may mga aninong nagsisimulang
magsikilos sa kalaliman ng gabi. Mabibilis at tahimik ang kanilang mga
galaw.....
"Eeeeeeekkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk!"
Itutuloy.......

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.