Monday, December 19, 2011

Kaway ng kasalanan (chapter 1-14)

Kaway ng kasalanan (Unang Labas)
KABILANG ANG MAG-ASAWANG Alfred at Myra sa mga magkatuwang sa buhay na naghahangad mabigyan ng magandang bukas ang dalawang anak at magkaroon ng katuparan ang mga binuong pangarap. At tulad ng marami, natutok ang kanilang isipan sa pagtatrabaho sa ibang bansa para sa katuparan ng kanilang mga mithiin sa buhay. Pangkaraniwang empleyado si Alfred at registered nurse si Myra nagtatrabaho sa isang pribadong ospital sa Metro Manila. Malugod at maluwag sa kaloobang tinanggap ni Alfred na higit dapat makapagtrabaho sa abroad ang asawa dahil kikita nang malaki kaysa siya ang magtatrabaho.
Wala siyang technical skills para sa pag-a-abroad kaya mahihirapang maghanap ng trabahong may magandang sahod. Tiyak niyang mas malaki ang kikitain ng asawa kapag ito ang nagtrabaho sa ibang bansa dahil isang nurse. At upang magkaroon ng katuparan ang kanilang pangarap, nag-aplay sa abroad si Myra bilang nurse sa bansang Bahrain. Dahil mahusay at hitik sa karanasan sa pagtatrabaho, agad siyang natanggap dahilan upang puspusan at masusi nilang pag-usapan ang nalalapit na pansamantalang paghihiwalay.
Hindi lang araw, mga buwan, kundi dalawang taon ang kontrata ni Myra. Para sa tulad nilang nasanay magkatuwang sa pagbaka sa hamon ng buhay sa simula’t simula ng pagsasama bilang mag-asawa, hindi pangkaraniwang pagsubok ang kanilang kakaharapin. Kapwa nila kailangan ang tatag ng kalooban at isipan sa paghihiwalay na maraming kuwentong ugat ng pagkawasak ng maraming tahanan at relasyon sa ngalan ng pag-ibig.
“Tiyak na makakapag-abroad ako sabi no’ng recruiter.” Paniniyak ni Myra kay Alfred. “Gusto raw ng may-ari ng ospital ang aking work experience at school credentials!”
“Kailangan talagang mangyari ‘yon,” sagot ni Alfred. “Kailangan nating kumita nang malaki para sa ating mga anak at sa katuparan ng pangarap sa buhay!”
“May balak ka pa bukod sa mga bagay na ito?” Urirat ni Myra sa asawang tiyak niyang may naglalaro pang iba sa isipan liban sa mga sinabi.
“Kapag may salaping magagamit sa puhunan, magtatayo ako ng negosyo para magamit ko ang pinag-aralan sa kolehiyo sa kursong komersyo!” Wika ni Alfred. “At kapag maunlad na ito, titigil ka na sa pagtatrabaho sa ibang bansa at ako naman ang kakayod sa pagnenegosyo!”
“May-edad na ako kaya mahihirapan nang maghanap ng trabaho sa panahong ‘yon!” Dagdag ni Alfred.
“Anong negosyo ang plano mo?” Tanong ni Myra.
“Kahit ano, basta ‘yung tiyak na lalago at aasenso!” Sagot ni Alfred. “Kaya habang nagtatrabaho ka sa ibang bansa, pag-aaralan ko naman kung anong negosyo ang puwede nating itayo!”
“Kailangan mong tumigil sa pagtatrabaho kapag natuloy ako sa Bahrain. Hindi dapat nating iasa sa katulong ang pag-aasikaso sa dalawa nating anak!” Wika ni Myra.
“Ako ang personal na mag-aasikaso sa kanila. Kailangan kong magamit ang aking pagiging ‘tigasin’!” Natatawang sagot ni Alfred. “Tigalaba, tigasaing, tigaplantsa at iba pang gawaing gawain ng babae sa bahay!”
“Talagang kengkoy ka, kahit kailan!” Wika ni Myra.
“Hindi ba isa ‘yun sa mga katangian kong nagustuhan mo?”
“Hindi lang nagustuhan…” sagot ni Myra. “Minahal nang labis!”                        (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-2 Labas)
MATAPOS ANG MADAMDAMING pagsasalita ni Myra, yumakap siya kay Alfred nang mahigpit, muling ipinadama ang kahalagahan sa kanya ng asawa. Bigla, may lumukob sa kanyang kalungkutan at pangungulila dahil sa nalalapit na paghihiwalay, dahil sa kanyang balak na pagtatrabaho sa ibang bansa. Ngunit tulad niya, naramdaman din ni Alfred ang kalungkutan at pangungulilang lumukob sa asawa. Mahigpit silang nagyakap. Dinama ang katawang tiyak nilang kasasabikan sa pansamantalang paghihiwalay. Kaunos ng mahigpit na yakap, muling naghinang ang kanilang mga labing nananatiling uhaw sa isa’t isa kahit may sampung taon nang magkasama sa iisang bubong.
“Fertile ako…” Pabulong na wika ni Myra nang maramdamang nasa kanyang kaselanan ang isang kamay ng asawa.
Walang problema…” sagot ni Alfred. “Gagamit ako ng condom.” Sumagot si Myra. Ngunit mabilis na sumang-ayon ang isipan at diwa sa sinabi ng asawang nagnanais ng isang maalab at naglalagablab na pagtatalik sa kamunduhan. Sinundan na lamang niya ng tingin ang asawang tumindig at nagtungo sa plastic cabinet na lalagyan ng kanilang personal at iba’t ibang mahalagang gamit. Nagmamadaling hinugot ni Alfred ang isang drawer at kinuha ang isang sachet ng condom. Matapos maisara ang drawer bumalik siya sa kama at nahiga sa tabi ng asawa. Muli, kumilos ang kamay ni Alfred, isa-isang tinanggal ang lahat ng damit at saplot sa katawan ng asawa. Walang itinira kahit isang piraso dahilan upang mabuyangyang ang hubo’t hubad na katawan ng asawang tuwina, labis niyang kinasasabikan!
At muli ginawa ni Alfred ang ritwal ng pag-ibig hindi lang upang antigin at pag-initin ang katawan ni Myra sa kamunduhan kung hindi bigyan ang sarili ng kaligayahan. At tulad naman ng dati, buong-buong ipinagkaloob ni Myra ang hubo’t-hubad na katawan sa asawang patuloy sa walang sawang paghalik sa nakabuyangyang niyang dibdib. Ngunit makaraan ang ilang sandali, inangkin naman nito ang korona ng dalawa niyang bundok dahilan upang mamutawi sa kanyang bibig ang malakas na ungol at halinghing. Ingay na nagpapahayag ng labis niyang kaligayahan sa ginagawang kapilyuhan ng asawa sa ma-seselang bahagi ng kanyang katawang sadyang ginawa ng Dakilang Manlilikha sa ganitong kaganapan!
At muli, dahil sa ingay na namutawi ng asawa, natiyak ni Alfred na darang na darang na sa kamunduhan ang asawa. Nagmamadaling bumaba ang kanyang paghalik patungo sa nakabuyangyang nitong kaselanan. At tulad ng kanyang ginawa sa mayamang dibdib ng asawa, walang sawa niya itong hinalikan at tuluyang inangkin. Nagmistula namang isang talunang mandrigma si Myra na tuluyang isinuko ang natitirang lakas sa isang labanang tiyak na kanyang pagwawagian sa huling bahagi ng labanan. Hindi siya tumutol nang higit pang paghiwalayin ng asawa ang kanyang makinis, maputi at hugis-kandilang legs.
At tulad ng dati, ginawa ni Alfred ang kakaibang ritwal ng pag-ibig upang muling buhayin ang makamundong pananabik sa katawan ng asawang pansamantalang naglaho dahil sa sabay nilang pagsapit sa rurok ng kaluwalhatian. At minsan pa, naramdaman ni Myra ang hindi mapapantayang ligayang idinudulot ng ginagawang kapilyuhan ng asawa sa mga maseselang bahagi ng kanyang katawang nakabuyangyang. Naramdaman niya ito sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang nag-iinit na laman. Muli, lumutang sa loob ng kanilang silid ang ingay na nagpapahayag ng suko sa langit na kaligayahan ni Myra.                    (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-3 Labas)
“TIYAKIN MONG NAKASUOT nang maayos ang condom!” Pabulong na wika ni Myra habang pinagmamasdan ang asawang isinusuot ang plastic na supot na magsisilbing proteksyon upang hindi siya mabuntis.
“Baka matulad ‘yon noong nangyari noon, nabutas ang condom kaya nabuo nang wala sa panahon ang ating bunsong si Ray-ann!” Dagdag ni Myra na nananatiling nakatingin sa ginagawa ng asawa.
“Ikaw talaga, hindi na malimutan ang pangyayaring ‘yon…” natatawang wika ni Alfred. “Ano ka ba naman, hanggang ngayon hindi pa naaalis ang phobia sa condom?!”
“Mahirap na,” sagot ni Myra. “Baka mabutas, lobo ring tiyak ang tiyan ko. Masyadong mabagsik ang kamandag mo sa babae!”
“Nagkataon lang ‘yon…” natatawang sagot ni Alfred. “Suwerte-suwerte lang ang pagbubuntis ng babae!”
“Heh! Tumigil ka!” Natatawang wika ni Myra. “Pati ba naman ako, lolokohin mo pa sa kamandag ng iyong punlay!”
“Baka lamang makalusot!” Natatawa ring wika ni Alfred.
At makaraan ang ilang sandali, pinagsaluhan nina Alfred at Myra ang walang kapantay na kaligayahang idinudulot ng pagtatalik sa kamunduhan ng babae at lalaki. Dahil sa walang katulad na sarap at kiliting idinudulot ng ritwal ng pag-ibig na kanilang pinagsaluhan, tuluyan nang nalimutan ni Myra ang takot sa condom na mabutas at muli siyang mabuntis. Hindi niya malimutan ang isang insidenteng nabutas ang condom habang maigting at maalab silang nagtatalik ng asawa. Bagama’t maituturing itong isang hindi pangkaraniwang pangyayari, natatak sa kanyang isipan at paulit-ulit nagbabalik tuwing magtatalik silang fertile siya at kailangang gumamit ng condom ng asawa. At tulad ng dati, sabay nilang narating sa rurok ng kaluwalhatian!
“Mami-miss ko ang ganitong pangyayari kapag nasa abroad ka na.” Naglalambing at masuyong wika ni Alfred habang yakap si Myra.
“Ikaw lang ba? Kahit ako mami-miss ko.” Sagot ni Myra na damang-dama sa tinig ang lumulukob na kalungkutan at pangungulila sa napipinto nilang paghihiwalay.
“Minsan nga, iniisip kong hindi na mag-abroad!” Dagdag ni Myra, “Dito na lamang ako sa Pilipinas magtrabaho para hindi na tayo magkalayo!”
“Bakit naman?” Urirat ni Alfred.
“Baka mawasak lamang ang ating pagsasama!” Wika ni Myra, ibig ipahiwatig at ipinaalala sa asawa ang mga totoong kuwento ng paghihiwalay na nangyari sa mag-asawang nagpunta ang iasa sa abroad upang magtrabaho.
“Pinagduduhan mo yata ang kadakilaan ng pag-ibig ko sa ‘yo?” Tanong ni Alfred.
“Hindi naman,” sagot ni Myra. “Nadadala lamang ako ng maraming kuwentong totoong naganap sa paghihiwalay ng mag-asawa kapag isa ang nagpupunta sa ibang bansa upang magtrabaho!”
“Manalig ka sa pag-ibig natin, hindi mangyayari ang kinatatakutan mo. Mahal na mahal kita kaya pangangalagaan ko ang matrimonya ng ating kasal!” Wika ni Alfred na damang-dama ang sinseridad sa sinasabi sa asawang nana-natiling yakap.
“Sumpa, ikaw lamang ang mamahalin ko buong buhay. Walang ibang magmamay-ari sa aking puso at katawan kung hindi ikaw!”
“Salamat, Alfred!” Sagot ni Myra na nakadama ng kapanatagan sa pangako ng asawa. “Aalis akong hindi babagabagin ng anumang isipin at hinalang pagtataksilan mo ako!”
“Hindi ko susuklian ng kalokohan ang gagawin mong sakripisyo para sa ating pamilya, Myra!” Sagot ni Alfred. “Ikaw at ikaw lamang ang pag-hahandugan ko ng aking wagas at dalisay na pag-ibig!”
(Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-4 na labas)
MULI, MAHIGPIT NAGYAKAP sina Alfred at Myra dahil muli silang inalipin ng hindi mapigilang init ng kamunduhan. Muli, matagal naghinang ang kanilang mga labing uhaw sa labi ng isa’t isa. At tulad ng dati, hindi nila pansin ang pagkaubos ng hangin sa dibdib, ang mahalaga, masimsim ang labing labis nilang pinagnanasaan. At tulad pa rin ng dati, matapos ang matagal na paghihinang ng labi, bumaba ang paghalik ni Alfred sa nakabuyangyang na dibdib ng asawang nananatiling walang anumang suot na damit o saplot. Hindi rin tumutol si Myra nang muling pasukin ng asawa ang nakabuyangyang niyang paraisong nananatiling sabik sa kanyang pag-ibig at pagmamahal!
Kapwa may ngiti sa labing nakatulog sina Alfred at Myra. Halos hindi nila namalayan ang paglipas ng sandali dahil sa pagod sa dalawang ulit na pagtatampisaw sa mundo ng kakaibang ritwal ng pag-ibig. Kapwa sila may pansariling dahilan kung bakit mainit at mapusok. Nais nilang samantalahin ang mga sandaling magkasama dahil sa nalalapit na pagpunta ni Myra ibang bansa. Kapwa nila tiyak na kasasabikan ang maigting at maalab na pagtatalik sa kamunduhang mahigit sampung taon nilang pinagsasaluhan. Ngunit masakit man at mahapdi ang napipintong
paghihiwalay, kailangan ito para sa kinabukasan ng anak at sa katuparan ng kanilang mga binuong pangarap.
Kinabukasan, hindi pumasok si Alfred sa opisina dahil magkasama silang pupunta sa recruitment agency na magpapadala kay Myra bilang nurse sa bansang Bahrain. Muli, ang kasambahay nilang si Geralyn ang nag-asikaso sa dalawa nilang anak na papasok sa elementary school. Grade three ang panganay na si Michelle at grade two ang bunsong si Ray-ann. Pamangkin sa pinsan ni Myra ang dalagang may limang taon na nilang kasambahay. Pinalitan nito ang kapatid na nag-abroad na domestic helper sa Hong Kong. Labis din ang kasiyahan ni Geralyn dahil makakapagtrabaho na siya sa pinag-aplayang pabrika dahil may mag-aasikaso na sa dalawang batang inaalagaan.
“Maghanda ka na, Myra…” Wika ng may-ari ng recruitment agency. “Next week, lilipad ka na patungong Bahrain. Nakahabol ka sa batch ng mga pupunta sa bansang ‘yon ngayong buwan!”
“Salamat naman!” Tuwang-tuwang wika ni Myra. “Akala ko, aabutin pa ako ng ilang buwan sa paghihintay!”
“Hindi ‘yon mangyayari dahil kailangang-kailangan ang mga medical workers sa Bahrain. At isa pa, laging in-demand ang mga Filipina nurse sa Middle East dahil sa kanilang ipinakikitang pagmamahal at pagmamalasakit sa kanilang mga pasyente!” Dagdag ng may-ari ng recruitment agency.
“Sir, gagawin ko ho ang lahat upang masuklian ng tamang trabaho ang perang kikitain ko at hindi sasayangin ang pagkakataong ibinigay ninyo sa akin!” Sagot ni Myra.
Bagama’t nakikita lang at hindi naririnig ni Alfred ang pagpapalitan ng mga pangungusap ng asawa at ng may-ari ng recruitment agency, labis ang kanyang kasiyahan. Nababasa niya sa reaksyon ng asawa ang malaking kaligayahang alam niya ang kahulugan. Nalalapit na ang katuparan ng kanilang nais mangyari, ang makapagtrabahong nurse sa ibang bansa si Myra. Matapos ang mahabang pag-uusap ng may-ari ng recruitment agency at ni Myra, nagmamadaling sinalubong ni Alfred ang asawang palapit sa kanyang kinaroroonan. Ibig kaagad niyang malaman ang nangyari sa pag-uusap ng dalawa at kung tama ang naglalaro sa kanyang isipan sa naganap na pag-uusap.               (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-5 Labas)
“ANO’NG NANGYARI?” KAAGAD tinanong ni Alfred si Myra na papalapit sa kanyang kinaroroonan matapos ang pakikipag-usap sa may-ari ng recruitment agency.
“Lilipad na raw ako next week. Sila na raw ang kukuha ng ticket sa eroplano at iba ko pang kailangan sa pagpunta sa Bahrain!” Sagot ni Myra, dama sa tinig ang malaking kasiyahan.
“Buti kung gano’n, makakalipad ka nang mas maaga sa ating inaakala!” Tuwang-tuwang sagot ni Alfred.
“Kaya aasikasuhin ko na ang mga papeles para sa early retirement sa ospital. Ikaw na lang ang kukuha sa aking separation pay at iba pang benepisyo!” Sagot ni Myra.
“Tama ang gagawin mo.” Mabilis na sang-ayon ni Alfred. “Ako, magreretiro lang kapag nandoon ka na. ‘Yon ang dapat nating gawin upang matiyak na may matatag tayong pinagkikitaan. Paniguro, baka may problemang mangyari!”
“Pero tiyak ko, ayos ang magiging trabaho ko roon. Hindi basta-basta recruitment agency ang pinag-aplayan ko. Marami na itong mga napaalis na magtratrabaho sa medical services.” Sabi ni Myra.
“Saka tiniyak nating maganda ang record ng recruitment agency ito sa POEA!” Dagdag ni Alfred. “Walang aberya sa kanilang pagpapadala ng mga OFW!”
Masayang-masaya ang mag-asawa habang lulan ng taksi pabalik sa kanilang bahay. Patuloy nilang pinag-uusapan ang nalalapit na pag-alis ni Myra patungong Bahrain upang magtrabahong nurse. Hindi rin nila prinoproblema ang panggastos dahil pinahiram sila ng pera ng kapatid nitong may-ari ng bahay para sa placement at iba pang gastusin. Wala silang pagsidlan ng kaligayahan dahil tiyak na ang katuparan ng kanilang mga mithiin sa buhay kahit batid nilang magdudulot ito sa kanila ng kalungkutan at pangungulila.
Mga damdaming pangkaraniwang umaalipin sa mga nagmamahalang pansamantalang nagkakahiwalay kahit walang namagitang hidwaan o hindi pagkakaunawaan. Naging paksa rin ng kanilang usapan ang magiging sitwasyon sa bahay kapag si Alfred na ang mag-aasikaso dahil matagal nang nagpapaalam ang kasambahay nilang si Geralyn na magtatrabaho sa pabrika upang matutunan at maranasan ang buhay sa Metro Manila sa pagtindig sa sariling paa. Pamangkin sa pinsan ni Myra ang kasambahay na pumalit sa nakakatanda nitong kapatid nang mag-abroad. Muli, pinatunayan ni Alfred sa asawang kayang-kaya niyang gampanan ang trabahao sa bahay kasama na ang pag-aasikaso sa kanilang dalawang anak na sina Michelle at Ray-ann.
“Kaya tiyak ko, matutuwa nang husto si Geralyn dahil matutupad na ang pangarap niyang makapagtrabaho sa pabrika at mamuhay nang sarili sa Metro Manila!” Wika ni Myra.
“Pabor sa kanya ang gusto niyang mangyari,” sagot ni Alfred. “Hindi lang niya matututunan ang mga pasikut-sikot ng buhay sa Metro Manila kung hindi matututo pang tumindig sa sariling paa!”
“Kaya mo ba talaga ang trabaho sa bahay?” Muli, seryosong tanong ni Myra. “Kung hindi, puwede tayong kumuha ng bagong kasambahay!”
“Kayang-kaya!” Sagot ni Alfred. “Sa totoo lang nagpapasalamat ako dahil magagamit ko ang pagiging “tigasin” ko!”
“Ikaw talaga, pulos biro!” Putol ni Myra sa iba pang sa-sabihin ng asawa dahil sa hindi na mabilang na pag-ulit nito sa joke na hindi lamang gasgas, kung hindi pudpod na.
“Ngayon biro ito, kapag nakaalis ka na, hindi lang totoo, kundi, totoong-totoo!” (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-6 Labas)
HINDI NA SUMAGOT si Myra sa pagsasalitang pabiro ni Alfred dahil kahit alam niyang hindi sineseryoso ang sinasabi, totoo ito at kayang pangatawanan. Kampante lamang siyang sumandal sa balikat ng asawa upang damahin ang katawan nitong tiyak niyang kasasabikan at hahanap-hanapin kapag nagtatrabaho na sa ibang bansa. Wala siyang dudang kayang-kaya ni Alfred ang iba’t ibang trabaho sa bahay tulad ng paglalaba, pagluluto, paglilinis at iba pa dahil kapag wala siya, ang asawa ang guma-
gawa ng mga gawain. At hindi lamang basta nagagawa, kundi nagagampanan nang maayos at masinop ‘di tulad ng ibang mga lalaki. Kaya ngayong mag-aabroad siya, tiyak niyang hindi mapapabayaan ng asawa ang kanilang dalawang anak, pati ang kanilang bahay na pina-tirhan ng kanyang kapatid na nag-migrate sa Australia.
Mahusay na welder ang kanyang kapatid kaya tumulong ang gobyerno ng Australia upang maging permament resident ito ng kanilang bansa. At dahil sa maraming benepisyong ipinagkakaloob, nawalan na ng interes ang kapatid ni Myra na magbalik sa Pilipinas, kaya pinaalis sila sa apartment nilang tinitirahan at pinalipat sa iniwan nitong bahay. Sabi sa kanila, huwag nang maghanap ng bibilihing bahay, sa halip bayaran na lamang ang bahay kahit hulugan. Tuwang-tuwa ang mag-asawa dahil bukod sa sanay at kilala na sila sa lugar, maganda ang puwesto ng bahay. Malapit sa paaralan, pelengke, botika at iba pang lugar madalas puntahan ng mga tao para sa pangangailangan ng sarili at pamilya.
“Salamat at magkakaroon na rin ako ng pagkakataong magtrabaho at makatindig sa sariling paa.” Tuwang-tuwang wika ni Geralyn nang ibalita nina Alfred at Myra na tuloy na pag-aabroad ng huli sa Bahrain.
“Hindi naman sa ayaw kong magtrabaho at tumira sa inyo, gusto ko lamang matutunan ang buhay sa Metro Manila. At isa pa, tanggap ko ang katotohanang hindi habampanahong titira ako sa inyo!” Dagdag ni Geralyn.
“Alam namin ang gusto mong mangyari sa iyong buhay!” Sagot ni Myra. “At labis naming hinahangaan ang determinasyon mong umangat ang buhay sa sariling pagsisikap!”
“Tama ang desisyon mo, Geralyn!” Mabilis namang sang-ayon ni Alfred. “Napakahalaga sa taong matutong tumindig sa sariling paa dahil marami siyang matututuhan sa buhay!”
“At kapag nakaipon ako ng sapat na pera, mag-aaral ako sa TESDA. Ibig ko ring makapag-abroad para umasenso sa buhay at makatulong kina Itay at Inay.” Dagdag na wika ni Geralyn, damang-dama ang determinasyon sa hinahabing pangarap sa buhay.
“Sa nakikita naming tiyaga at determinasyon mo sa buhay, tiyak na matutupad ang mga gusto mong mangyari at pangarap sa buhay, Geralyn!” Nasisiyahang wika ni Alfred. “Kung sakaling kailangan mo ang aming tulong, huwag kang magdalawang-isip lumapit, hindi ka namin bibiguin!”
“Salamat, Ate Myra at Kuya Alfred, napakabuti talaga ninyong kamag-anak!” Tuwang-tuwang wika ni Geralyn. “Malaking tulong sa amin ang inyong kabutihan!”
“Sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo ring magkakamag-anak dito sa Metro Manila!” Konklusyon ni Alfred.
“Tama si Alfred, Geralyn…” Sagot ni Myra. “Kailangang magtulungan ang magkakamag-anak hindi lang ang magkakapamilya upang umasenso ang lahat sa buhay!”
“’Yun ang dapat gawin ng mga tulad nating nandayuhan sa Metro Manila!” Dagdag ni Myra. “Kung maghihiwalay at magkakani-kaniya, mawawalan ng saysay ang ating pagsisikap at pagtitiyaga!” (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng kasalanan (Ika-7 Labas)
AT MULI, NAPATUNAYAN nina Alfred at Myra na napakabilis ng paglipas ng araw dahil kinabukasan, lilipad na ang huli papunta sa Bahrain. Kaya nagkasundo silang ga-wing maalab, marubdob at naglalagablab ang huling gabi ng kanilang pagtatalik sa kamunduhan bilang mahalagang alaala sa pansamantalang pag-hihiwalay.
Dalawang taon ang kontrata ni Myra sa pagtatrabaho sa ibang bansa kaya kailangang masaid ang ningas at alab ng kamunduhan sa kanilang katawan. Napilitan din si Myra na uminom ng alak upang gatungan at pag-initin nang husto ang katawan sa ritwal ng pag-ibig na kanilang pagsasaluhan. Ngunit labis ang gulat niya sa kahilingan ng asawa sa huling gabi sa kanilang pag-uulayaw.
“Ako ang magtatrabaho?” Kahit pabulong ang tanong ni Myra, malakas ang kanyang boses dahil nasa impluwensya ng inuming nakalalasing. “Naku, alam mo namang hindi ko pa ‘yun ginagawa!”
“Kayang-kaya mo ‘yun…” sagot ni Alfred na nanghihikayat ang boses. “Kaya ng ibang babae, kaya tiyak ko kaya mo rin!”
“S-sige na nga…” napi-pilitang sagot ni Myra. “Tutal dalawang taon naman ito bago maulit.”
“Ngunit hindi lang ikaw ang magtatrabaho…” sabi ni Alfred. “Gagawin mo ang hindi pa ginagawang kaytagal ko nang hinihiling!”
“Ano ‘yon?”
Hindi sinabi ni Alfred sa asawa ang kanyang kahilingan sa gagawin nilang maigting, maalab at naglalagablab na pagtatalik. Sa halip, masuyo at malambing na ibinulong. Gulat na gulat si Myra sa sinabi ng asawa kaya pinagkukurot kasabay ng pagsasabing bastos, bastos at bastos pa. Ngunit muli, masuyo at malambing na nakiusap si Alfred na pagbigyan ang kanyang kahilingan dahil huling gabi ito ng kanilang pagtatalik. Pagtatalik na muling mauulit pagkatapos ng dalawang taon kaya dapat nilang bigyan ng walang kapantay na kaligayahan ang isa’t isa sa pagsasaluhang ritwal ng pag-ibig. Hindi tumutol si Myra. Sa halip, mahigpit na yumakap sa asawang hindi niya matitikman ang yakap at halik sa loob ng dalawang taon.
“Sige, gagawin ko ang gusto mong mangyari dahil mahal na mahal kita.” Wika ni Myra, naglalambing sa asawa. “Ngunit sa isang kundisyon…”
“Gagawin ko rin sa iyo ang ginawa mo sa akin?” Mabilis na tanong ni Alfred. “Payag ako, lagi ko namang ginagawa ‘yon sa ‘yo, ‘di ba?”
“Hindi!” Mabilis na sagot ni Myra.
“Ano ang kundisyon?”
“Ipapangako mo sa aking hindi ka gagawa ng kalokohan habang nagtatrabaho ako sa ibang bansa. Alam mo na ang ibig kong sabihin!”
“Okey na okey!” Mabilis na sagot ni Alfred mahigpit ding niyakap ang asawa. “Pangako, hindi ako magtataksil sa ating sumpaan!”
“Salamat, Alfred…” sabi ni Myra. “At sana, tuparin mo ang iyong pangako para sa ating dalawang anak at mga pangarap!”
Hindi sumagot si Alfred. Sa halip, lalong hinigpitan ang yakap sa asawa at mariing hinalikan sa labi. Dahil sa nalalapit nilang paghihiwalay ng dalawang taon, buong pananabik at pagnanasang gumanti ng mainit na halik si Myra sa asawa. Matagal naghinang ang kanilang mga labing sabik na sabik sa isa’t isa. At matapos ang ritwal na ito ng pag-ibig, isa-isa nilang tinanggal ang damit at saplot sa katawan hanggang magmistula silang mga bagong silang na sanggol. Muli, pinagmasdan nila ang katawan ng bawat isa na punung-puno ng pananabik at pagnanasa sa kamunduhan!  (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-8 Labas)
“DAHIL MAHAL na mahal kita, gagawin ko ang iyong kahilingan, Alfred…” masuyo at malambing na wika ni Myra. “Basta tuparin mo ang pangako sa aking hindi magta-taksil sa ating sumpaan.”
“Pangako, mahal…” sagot ni Alfred na itinaas pa ang kanang kamay na tila nanunum-pang nagsasabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang.
At dahan-dahang lumuhod si Myra nang walang belo sa harapan ng asawang hubo’t hubad at lantad na lantad sa mukha ang naghuhumindig nitong pagkalalaki. Tila batikan at matikas itong mandirigma hindi susuko sa anumang balak niyang gawin at labanang nanaisin. At ginawa ni Myra ang kahilingan ni Alfred bago nila simulan ang maigting, maalab at naglalagablab na pagtatalik sa kamunduhan. Matagal siyang naging abala sa naghuhumindig na pagkalalaki ng asawang tiyak niyang kasasabikan at hahanap-hanapin sa kanilang paghihiwalay ng dalawang taon dahil sa pagtatrabaho niya sa bansang Bahrain. Labis naman ang kasiyahan ni Alfred dahil natuldukan ang mga bagay na gusto niyang maganap sa kanilang pagtatalik ng asawa sa kamunduhan.
At tulad ng dapat asahan, dama niya sa kaliit-liitang himaymay ng laman ang kakaibang sarap at kiliting idinudulot ng ginagawa ng asawa na patuloy na abala sa naghuhumindig niyang pagkalalaki. Patuloy namang isinagawa ni Myra ang kahilingan ng asawang nagbigay rin sa kanya ng hindi matingkalang kaligayahan sa mundo ng kalibugan at kahalayan. Ni sa guni-guni o imahinasyon, hindi niya akalaing magagawa ang matagal nang kahilingan ng asawa sa kanilang pagtatalik sa kamunduhan. Noong una, iniisip lamang niyang mga babaeng sobra ang ‘L’ sa pagtatalik ang gumagawa ng ganitong bagay. Tiyak na tiyak niya ang dahilan kung bakit sinunod ang
kahilingan ng asawa, mahal na mahal niya ito kaya bibigyan niya ng kaligayahang hindi malilimutan habang nagtatrabaho siya sa ibang bansa!
“Sabi ko na’t kayang-kaya mong gawin ang ganitong bagay!” Wika ni Alfred, damang-dama sa boses ang malaking kaligayahan sa pagpapaunlak ng asawa sa kanyang natatanging kahilingan sa huling gabi ng kanilang pagtatalik sa kamunduhan.
“Napakasarap ng kaligayahan mong ibinibigay sa akin, mahal. Hinding-hindi ko ito malilimutan.” Dagdag ni Alfred na pabiling-biling ang katawan at madalas napapakagat-labi. “Tiyak, hahanap-hanapin ko ang sarap at kiliting ito!”
Gustuhin mang sagutin ni Myra ang mga sinasabi ng asawang punung-puno ng papuri sa kanyang pagsunod sa kahilingan nito, hindi niya magawa. Abalang-abala siya sa buong pusong pagsunod sa kahilingan ng asawang gawin ang matagal nang hinihiling tuwing magtatalik sila nang maalab, maigting at naglalagablab sa mundo ng kalibugan at kahalayan. At makaraan pa ang ilang sandali, natiyak niyang handang-handa na siya upang gawin ang pinakatampok na ritwal ng pag-ibig na kanilang pagsasaluhan ng asawang nakatakda niyang iwan ng dalawang taon dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Itinigil niya ang ginagawa sa naghuhumindig na pagkalalaki ni Alfred at sinabing gagawin na ang huling yugto ng kanilang maalab, maigting at naglalagablab na pagtatalik sa kamunduhan!
“Mahal, titiyakin kong hindi mo malilimutan ang pagsasalong ito natin sa daigdig ng kamunduhan!” Dagdag na wika ni Myra na humanda upang gawin ang pinakatampok na ritwal ng pag-ibig nila ng asawa.
“Salamat, Myra…” tuwang-tuwang wika ni Alfred nanatiling nakatikhaya sa malapad at malambot nilang kama.
“Basta ipapangako mong hindi ka magtataksil sa ating sumpaan!” Ulit ni Myra habang hawak ang sandata ng asawang nakakabuhay kapag pumuputok sa halip na makamatay.
“Pangako!” Mabilis na sagot ni Alfred.                      (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-9 labas)
AT GINAWA ni Myra ang pagsunod sa huling yugto ng kahilingan ni Alfred sa huling gabi ng kanilang pagtatalik, dahil kinabukasan lilipad na siya papunta sa ibang bansa. Damang-dama ni Alfred ang walang kahulilip at kapantay na kaligayahan nang tuluy-tuloy bumulusok ang naghuhumindig niyang pagkalalaki sa basang-basang balon ng kaligayahan ng asawa. At tulad ni Alfred, labis ding kaligayahan ang naramdaman ni Myra nang madama sa kaibuturan ng sinapupunan ang naghuhumindig na pagkalalaki ng asawa. At sa mga sumunod na sandali, mabilis siyang nagbaba-taas sa kakaibang bandera ng asawang tiyak niyang susuko sa mga darating na sandali. At minsan pa, sabay nilang narating ang langit na nasa lupang pakay ng mga magsing-irog sa pagtatalik sa kamunduhan!
“Happy?” Tanong ni Myra habang nakahiga sila ni Alfred sa kama.
“Haping-hapi!” Sagot ni Alfred na hinalikan at mahigpit na niyakap ang asawang na nanatiling walang damit at saplot.
“Ngunit hindi pa tayo matutulog,” dagdag ni Alfred. “May gagawin pa tayo at ako naman ang magtatrabaho.”
“Kaya mo pa?” Tanong ni Myra na tila nagdududa at tinitiyak ang katotohanan sa sinabi ng asawang tumutukoy sa muli nilang pagtatalik sa kamunduhan.
“Sobra sa kaya!” Sagot ni Alfred. “Pinaghandaan ko ang ating romansa-despedida!”
“Ikaw talaga, sobrang likot ng isipan at diwa sa ganitong bagay.” Natatawang wika ni Myra. “Kaya tiyak mami-miss ko nang husto ang mga kalokohan mong ito!”
“Ako man, tiyak na mami-miss ang ginawa mong pagpapaunlak sa aking kahilingan. Hahanap-hanapin ko ang san-daling magkasama tayo!”
“Huwag kang mag-alaala, mabilis lamang matatapos ang dalawang taong kontrata ko sa abroad. Matagal lamang ang panahon sa mga taong nakatutok at nagbibilang sa paglipas ng mga araw!” Paliwanag ni Myra.
“Tama ka, Myra…” sagot ni Alfred. “Binigyan mo ako ng ideya kung paano lulunasan ang pangungulila kong madarama sa ating pansamantalang pagkakalayo!”
“Ikaw lang ba?” Tanong ni Myra. “Ako rin…”
“Kaya wala tayong dapat gawin kundi samantalahin ang panahong magkasama pa!” Sagot ni Alfred na nagsimulang kumilos upang muling ipadama sa asawa ang wagas at dalisay na pagmamahal.
At muli, inangkin niya ang hubo’t hubad na katawan ng asawang tiyak niyang kasa-sabikan sa mga darating na panahon dahil sa pagpunta sa ibang bansa. Kahit tiyak niyang alipin ng malaking kalungkutan at pangungulila sa kanilang pansamantalang paghihiwalay, hindi niya tinutulan ang pag-alis ng asawa. Kailangan mag-abroad si Myra para sa magandang kinabukasan ng kanilang dalawang anak at katuparan ng kanilang mga pangarap sa buhay. Kaya inubos nila ang ningas at alab ng kamunduhan sa katawan sa huling gabi ng pagniniig. At tulad ng dati, sabay silang sumapit sa sukdulan ng kamunduhan!
Kinabukasan, tulad ng mga magkarelasyong nakatakdang maghiwalay sa airport, mahigpit na yakap at mainit na halik ang naging pamamaalam nina Alfred at Myra sa isa’t isa. Mahigpit ding niyakap ni Myra ang dalawang anak na iiwan kahit may bahagi sa kanyang puso at isipang tumututol sa kaganapan. At tulad pa rin ng ibang mga naghatid sa aalis na mahal sa buhay, nananatili sa paliparan si Alfred at dalawang anak habang natatanaw ang dambuhalang sasakyang panghimpapawid na mabilis na naglakbay palayo sa kalawakan. Hindi niya napigilan ang mga luhang dumalisdis sa pisnging tanda ng malaking kalungkutan at pangungulila sa kanilang pag-hihiwalay ng asawang si Myra.
(Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng kasalanan (Ika-10 Labas)
KINABUKASAN, KAHIT wala na si Myra, umikot ang buhay ni Alfred sa kanilang bahay na pansamantalang pinatirahan ng kapatid ng asawang nag-migrate sa Australia. Dahil nanga-ko ang kasambahay nilang si Geralyn na aalis lamang kapag natiyak nang okey ang trabaho sa Bahrain ng tiyahing si Myra, pumasok sa trabaho si Alfred. Ngunit buong-buo na sa isipan ang gagawing pagreretiro sa pinapasukang kumpanya kapag natiyak nang okey ang trabaho ng asawa sa abroad. Lalakarin niya ang pagreretiro sa trabaho upang siya na ang mag-aasikaso sa bahay at dalawang anak dahil aalis na sa kanila si Geralyn bilang kasambahay.
“Puwede ka nang magretiro, Alfred.” Balita ni Myra sa asawa makaraan ang isang buwang pagtatrabaho sa ospital sa bansang Bahrain nang mag-usap sila sa cellphone. “Okey ang suweldo at benepisyo sa aking trabaho. Tumupad ang ospital sa kontrata!”
“Okey kung ganoon!” Damang-dama sa tinig ni Alfred ang malaking tuwa at saya dahil natiyak niyang nasa magandang kalagayan ang asawa sa pagtatrabaho sa ibang bansa. “Tamang-tama ang tawag mo, nakahanda na ang mga papeles at dokumentong kailangan ko!”
“Tiyak, matutuwa si Geralyn sa balita kong ito,” dagdag ni Myra. “Magagawa na niya ang balak na pagpunta at pakiki-pagsapalaran sa Metro Manila.”
“Ibabalita ko agad sa kanya ang pagtawag mo!” Sagot ni Alfred. “Basta ‘yong bilin ko, lagi mong susundin. Kakain at matutulog sa tamang oras upang may sapat na lakas at resistensya sa trabaho.”
“Kung mayroon nga lang akong technical skill na kikita nang malaki sa pagtatrabaho sa ibang bansa, ako ang nag-abroad.” Dagdag ni Alfred damang-dama sa boses ang pag-aalala sa asawa.
“Sabi ko naman sa iyo, huwag mo nang sasabihin ang bagay na ‘yan. Tanggapin na lamang nating kailangan ta-yong pansamantalang magkahiwalay para sa magandang kinabukasan ng ating dalawang anak at katuparan ng ating mga pangarap sa buhay!”
“Okey, you’re the boss!” Sagot ni Alfred.
At tulad ng dati, bago matapos ang kanilang pag-uusap, muli nilang ipinaalaala ang dapat nilang gawin sa pansamantalang paghihiwalay at muli nilang ipinahayag sa pamamagitan ng salita ang marubdob na pag-ibig at pagmamahal sa isa’t isa. Mga katagang nagdagdag sa umaalipin sa kanilang matinding
kalungkutan at pangungulilang pangkaraniwang nararamdaman ng iniiwan at gayundin ng naiiwang karelasyon. Damdamin at emosyong tiyak nilang madadagdagan paglipas ng araw. Ngunit tiyak din nilang malalagpasan ang pagsubok dahil sa pagnanais mabigyan ng magandang bukas ang dalawang anak at magkaroon ng katuparan ang kanilang mga pangarap sa buhay.
“Totoo pong okey na si Ate Myra sa Bahrain?” Tuwang-tuwang tanong ni Geralyn nang ibalita sa kanya ni Alfred ang napag-usapan nila ni Myra.
“Okey na okey nang talaga, puwede ka nang magretiro!” Pabirong sagot ni Alfred. “At ibinilin din niyang bigyan kita ng bonus para makatulong sa iyong pagharap sa buhay nang nag-iisa sa Metro Manila.”
“Salamat Kuya, Alfred…” Sagot ni Geralyn.
“At tulad ng sinabi namin ni Myra sa iyo noong hindi pa siya umaalis, huwag kang mahiyang hingin ang aming tulong kung iyong kailangan,” dagdag pa ni Alfred.
“Salamat uli sa inyong dalawa, Kuya Alfred. Hindi ko ma-lilimutan ang inyong kaganda-hang-loob!” Tuwang-tuwa pang wika ni Geralyn.
“Huwag ka nang magpasa-lamat,” sagot ni Alfred. “Ginawa lang namin ang aming tungkulin sa kapamilya at kamag-anak!”
(Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-11 Labas)
MAKARAAN ANG ilang araw, natapos ni Alfred ang paglalakad sa kanyang pagreretiro sa trabaho. Dahil kumpleto sa mga papeles at iba pang kailangang dokumento, nakakuha siya ng separation pay pati ang iba pang benepisyong nakalaan sa magreretirong empleyado. Kinabukasan, hinarap niya nang nag-iisa ang buhay dahil umalis na si Geralyn upang hanapin ang kapalaran sa magulo at maingay na mundo ng Metro Manila. Maaga siyang gumi-sing at inihanda ang pagkain ng dalawang anak na papasok sa paaralan gayundin ang almusal at babauning pagkain. Lihim din ang kanyang pasasalamat dahil tinapos lahat ni Geralyn ang lalabhan at plantsahing damit bago umalis upang sumama sa isang kaibigang umuupa sa isang kuwarto.
Matapos mag-almusal, maligo, makapagbihis at makapag-handa ang dalawa nilang anak sa pagpasok, sinamahan niya ang mga ito sa pag-aabang sa school service sa pagpasok sa paaralan sa kalsada sa kanilang harapan. Dahil walang sama ng panahon, dumating ang sasakyan sa tamang oras. Nakaalis na ang dalawang bata ngunit nananatiling nakatindig sa kalsada si Alfred dahil sa isang babaeng kumakaway sa kabilang kalsada. Kasalukuyang naglilinis ang babae sa harapan ng apartment na nasa kabilang kalsada. Matagal at walang kurap niyang pinagmasdan ang kumakaway na tiyak niyang kilalang-kilala siya dahil tinawag pa ang kanyang pangalan.
“K-kilala niya ako. Tiyak, kilala ko rin siya!” Wika ni Alfred habang pinagmamasdan ang babaeng nasa harap ng apartment sa kabilang kalsada. “Hindi niya ako kakawayan kung hindi ako kilala!”
“Tama, kilala ko nga siya…” pabulong na wika ni Alfred na nanatiling nakatingin sa babaeng kumakaway at pinalalapit siya. “Si Cathy! Tama, si Cathy nga. Hindi ako maaaring magkamali!” Konklusyon niyang nananatiling nakatingin sa babaeng kumaway. “Maiksi lamang ang kanyang buhok at tumaba nang kaunti kaya hindi ko agad nakilala!”
Bigla, salabat-salabat na alaala ang nagbalik sa isipan at diwa ni Alfred nang maki-lala ang babaeng kumakaway mula sa apartment na nasa kabilang kalsada ng kanilang bahay. Ang apartment na nabakante dahil sa pag-alis ng dating nangungupahan na kanyang katrabahong lumipat sa kinuhang hulugang bahay sa isang subdibisyon. Hindi lang niya kilala ang babae, kung hindi kilalang-kilala. Kababata, kabarangay at dati niyang karelasyon ang babaeng kumakaway sa apartment na nasa kabilang kalsada. Childhood sweetheart sa tuwirang salita. Tiyak niya, kalilipat lang ng dating karelasyon dahil puspusan ang ginagawang paglilinis sa harapan ng apartment na ilang araw ring nabakante.
Tanda rin ni Alfred na nakasabit pa ang karatulang may nakasulat na ‘apartment for rent’ nang minsan niya itong mapagmasdan ng nagdaang araw. At tulak ng mga damdaming nararamdaman kapag nakakakita ng taong dating kakilala, mabilis siyang naglakad patawid sa kalsada. Hindi naman umalis sa harapan ng apartment ang kumaway na babae at hinintay ang kanyang pagdating. Matapos magkalapit, saglit na tinitigan ni Alfred ang babae upang tiyaking hindi nagkamali ng pagkilala, hindi kamukha o kahawig ng taong matagal na niyang kakilala. Makaraan ang ilang sandali, natiyak niyang hindi siya nagkamali sa pagkikilala sa babaeng kumaway upang lumapit siya at mag-usap. Isang babaeng hindi dapat niya nakita sa panahong wala ang kanyang asawa dahil maaaring maging hadlang sa pagtupad niya sa binitiwang sumpa. (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-12 Labas)
“CATHY?” TILA namamalikmatang wika ni Alfred nang makaharap ang babaeng kumaway sa kanya upang lumapit sa apartment na nasa tapat ng kanilang bahay sa kabilang kalsada.
“Ikaw ba talaga ‘yan? Hindi ako dinadaya ng paningin!” Dagdag niyang wika habang pinagmamasdan ang mukha ng nilapitang babae.
“Ako nga ito, Alfred…” sagot ng babae. “Ano ka ba naman, hindi mo kaagad ako nakilala!”
“Maiksi kasi ang gupit ng buhok mo at tumaba ka nang kaunti kaya hindi agad kita na-kilala. At isa pa, lalo kang pumuti at kuminis ang kutis!” Dagdag ni Alfred, pinagmasdan nang mabuti ang dating karelasyon.
“Ikaw pa rin talaga si Alfred na bolero at palabiro!” Wika ni Cathy na inaya ang dating ka-relasyon sa loob ng apartment.
“Kalilipat mo lang ba?” Tanong ni Alfred, iginala ang paningin sa loob ng apartment na hindi pa lubusang naisasaayos ang mga gamit at kasangkapang nakatambak sa isang tabi. “Kung hindi ako nagkakamali, kagabi!”
“Oo!” Sagot ni Cathy. “Nakasanayan kong lumipat nang gabi para hindi usyosohin ng mga tao ang aking pagdating!”
Matapos ang ilan pang pagpapalitan ng salita, saglit nagpaalam si Cathy sa dating karelasyon upang kumuha ng meryenda. Patuloy namang nag-iisip si Alfred sa biglaang pagku-krus ng kanilang landas ng babaeng dating iniibig at minamahal. At tila pinagtiyap ng pagkakataong wala ang kanyang asawa kaya uhaw na uhaw siya sa pag-ibig at pagmamahal ng babae. Ngunit nang bumalik sa isipan ang pagsumpa kay Myra na hindi magtataksil, pilit iwinaksi sa isipan ang naglalarong mga bagay na may kaugnayan sa kamunduhan.
“Ang mister mo?” Tanong ni Alfred nang bumalik si Cathy mula sa kusina. Hindi napigilan ang sariling magtanong sa asawa ng dating karelasyon.
“Nasa Amerika pa!” Sagot ni Cathy habang inaayos ang dalang meryenda sa center table.
“Foreigner nga ba ang napangasawa mo?” Walang ma-sabi si Alfred kung hindi tiyakin sa dating karelasyon ang impormasyong matagal na niyang nalaman.
“Oo!” Mabilis na sagot ni Cathy. “Hindi mo ba naalaalang ang pagkikipag-chat ko sa internet ang ugat ng ating hindi pagkakaunawaan at tuluyang pagkaputol ng komunikasyon!”
“Ay, oo nga pala!” Mabilis na sagot ni Alfred. “Nagiging makakalimutin na yata ako. Pasensya na, nagkaka-edad na kasi!”
“Ikaw? Nasaan ang misis mo?” Tanong ni Cathy na sinabayan ng pagtanaw sa bahay ng dating karelasyong nasa harap ng inuupahan niyang apartment.
“Nasa abroad. Doon siya nagtatrabaho, magdadalawang buwan na!” Sagot ni Alfred. “Ang hirap pala kapag wala ang asawa at nag-iisa sa buhay!”
“Sinabi mo pa!” Mabilis na sang-ayong ni Cathy.
At sa patuloy nilang pag-uusap sa kani-kaniyang buhay, nalaman ni Alfred na nasa Amerika pa ang asawa ni Cathy at marami pang bagay na inaasikaso bago sumunod sa Pilipinas. Nauna raw siyang umuwi sa Pilipinas upang maghanap ng pansamantalang tirahan habang naghahanap ng mabibiling lupa at bahay sa probinsiya. Umuwi raw sila sa Pilipinas dahil maysakit ang asawa at gustong manirahan sa Pilipinas sa pagbabakasakaling gumaling sa mga faith healer at herbal medicine sa Pilipinas. Ayon pa kay Cathy, pinili ng asawa ang Tagaytay City o lugar na tanaw ang bulkang Taal at ang kagandahan sa mga pamayanang nasa mataas na lugar at nakatunghay sa lawa ng Taal tulad ng nabanggit na siyudad.
(Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-13 Labas)
AT DAHIL wala ang kani-kaniyang asawa, hindi maiwasan nina Alfred at Cathy na pag-usapan ang mga bagay na nagdudulot sa kanila ng pa-ngungulila at kalungkutan. Dahil minsang naging karelasyon, naihinga ni Cathy kay Alfred ang hirap at pasakit na tiniis sa asawang dayuhang madalas nag-iinit ang ulo dahil sa karamdaman. Sinabi naman ni Alfred na baka matagpuan ng asawa ng dating karelasyon ang lunas sa Pilipinas sa sakit na hindi nagagamot ng makabagong syensya ng medisina. At tulad ng dapat asahan, naging paksa rin ng kanilang usapan ang pangungulila at kalungkutan sa mga bagay na pinagsasaluhan ng mag-asawa tulad ng pagdadamayan, pagtutulungan at higit sa lahat ang kaligaya-hang pinagsasaluhan sa mundo ng kahalayan at kalibugan.
Kay Alfred ang pagpunta ng asawang si Myra sa ibang bansa upang magtrabaho. Kay Cathy, ang pagkakaroon ng karamdaman ng asawang hindi nabibigyan ng sapat na lunas sa Amerika. Saglit silang nagkatitigan dahil inalipin ng kakaibang init ng katawan na minsan nilang pinagsaluhan noong magkarelasyon pa. Hindi niya basta-basta malilimutan si Alfred dahil ito ang unang lalaki sa kanyang buhay. Ito ang nagmulat sa kanya sa walang kasing sarap na mundo ng kahalayan at kalibugan. Naputol lamang ang kanilang relasyon dahil sa pagnanais niyang magkaroon ng katuparan ang pangarap na makapag-asawa ng dayuhan at makapanirahan sa ibang bansa. Natigil sa pagsasalita si Alfred nang makita ang wall clock na nakasabit sa dingding.
“Bakit?” Tanong ni Cathy.
“Ten thirty na pala, uuwi muna ako. Magluluto ako ng tanghalian para sa dalawa kong anak na nag-aaral sa elementarya.”
“Sige!” Sagot ni Cathy. “Basta mangako kang ipagpapa-tuloy natin ang pagbabalitaan!”
“Okey…” Sagot ni Alfred na itinaas ang isang palad na nakabukas. Nag-apir sila ng dating karelasyon. “Kawayan mo ako kung hindi pa nagbabago ang iyong isipan sa pakikipagbalitaan sa akin!”
“Sure!” Mabilis na sagot ni Cathy na inihatid ang dating karelasyon sa pintuan ng apartment na kanyang nirerentahan.
Hindi man aminin ni Alfred sa sarili, nagkaroon siya ng ibayong sigla at saya sa muling pagku-krus ng landas ng dating karelasyong si Cathy. Damang-dama niyang magaan ang kanyang kilos at galaw habang naghahanda ng panang-halian. Paminsan-minsan, sinasabayan niya ng pagkanta at paminsang-minsang pagtanaw sa apartment na nasa kabilang kalsadang tinitirhan ng dati niyang karelasyong nagbalik-bayan mula sa Amerika. At ayaw man niyang aminin, tila nakadikit sa kanyang isipan at diwa ang hitsura at anyo ng dating karelasyong paulit-ulit niyang inangkin noong masidhi at maalab pa ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa. Noong hindi pa natutuldukan ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.
At hindi rin maitatatwa ni Alfred ang katotohanang tuluyang nabuhay sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang laman ang makamundong pagnanasa sa dating karelasyon. At ayaw man niyang aminin o tanggapin, nagsusumiksik sa kanyang isipan at diwa si Cathy, ang papawi sa makamundong pagnanasang umaalipin sa kanyang katawan at isipan dahil sa pag-a-abroad ng asawang si Myra. Nakarehistro sa kanyang diwang hindi pa rin nababawasan ang alindog at kariktan ng dating karelasyong minsan niyang sinamba at paulit-ulit inangkin. Taglay pa rin ng dating karelasyon ang mga katangiang hindi lang nagpapainit ng kanyang damdamin, kundi nagdudulot din ng maalab at masidhing makamundong pagnanasa. Ang manipis at malambot na labi, ang mayamang dibdib, ang mabilog at maumbok na balakang at makinis, maputi at hugis-kandilang legs! (Itutuloy)
=======================================================
Kaway ng Kasalanan (Ika-14 Labas)
“PAPA ANG saya, saya ninyo, nagkausap ba kayo ni mama?” Tanong ng panganay na si Cheryl kay Alfred nang mapansing masaya ang ama habang inihahanda ang kanilang tanghalian.
“Oo nga papa. Nagkausap ba kayo ni Mama?” Tanong naman ng nakababata nitong kapatid na si Patrick.
“Tama kayo!” Sagot ni Alfred, nagsinungaling sa dalawang anak sa kauna-unahang pagkakataon. “Hindi kasi ako sanay na wala ang inyong ina kaya labis ang tuwa ko at saya nang magkausap kami!”
Ngunit hanggang makaalis ang dalawang anak papunta sa eskuwelahan, tuloy pa rin ang pagsisinungaling sa sarili ni Alfred. Dahil ng mga sandaling ‘yon, tuloy ang lihim niyang nararamdamang tuwa at saya sa muling pagku-krus ng landas ng dating karelasyong si Cathy. At tiyak niya, hindi lang matatapos sa pagku-krus ng landas ang kanilang muling pagkikita dahil kitang-kita niya sa mata ng babae ang dating pananabik na naramdaman sa kanya noong sila pa ang nagmamahalan. Hindi siya maaaring magkamali dahil kilalang-kilala niya ang dating karelasyon, simula nang pagkabata kaya madali niyang nababasa ang naglalaro sa isip nito at kahit pa sa puso!
“May lihim pa rin siyang pagtingin sa akin…” Nasisiyahang wika ni Alfred habang paminsan-minsang tinatanaw ang apartment na nasa tapat ng kanilang bahay. “Talagang minsan, mapaglaro ang tadhana, ang taong ayaw mong makita, dahil sa isang masakit at mahapding nakaraan, biglang nakikita!”
“At ang mahirap, sa sandaling kailangan ng isang tao ang pag-ibig at pagmamahal dahil sa pansamantalang paglayo ng kanyang bagong minamahal, tulad ko!” Malinaw na tinutukoy ni Alfred sa sinasabi ang asawang si Myra.
“Kung hindi lamang ako nakapangakong hindi magtataksil madali akong magkakasala dahil hindi ko maiiwasan ang kaway ni Cathy na isang KAWAY NG KASALANAN!” Konklusyon ni Alfred. “Dahil tulad niya, uhaw na uhaw rin ako sa ligayang dulot ng kamunduhan!”
Natigil ang malalim na pag-himay ni Alfred sa mga pangyayaring kinasangkutan nang biglaang pagku-krus nila ng landas ng dating karelasyong si Myra. Payak lamang ang dahilan, nakita niyang nakatanaw ito sa kanya at nang makitang nakatingin siya, kinawayan at pinapupunta sa apartment na kinaroonan. At bugso ng hindi maipaliwanag na saya at tuwang naramdaman sa ginawa ng dating karelasyon, kumaway rin si Alfred at nagbigay ng senyas na sandali lamang. Matamis na ngiti ang namutawi sa labi ni Cathy na nagbigay rin ng hindi matingkalang kaligayahan kay Alfred na nagmamadaling pumunta sa banyo at naligo. Ibig niyang humarap nang mabango at malinis ang katawan sa babaeng paulit-ulit niyang nakasalo sa makamundong kaligayahan nang nagdaang panahon.
“Okey na ang porma ko,” wika ni Alfred, pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin.
Saglit siyang tumingin sa orasan bago tuluyang lumabas sa pinto ng kanilang bahay. Dalawang minuto bago sumapit ang ika-walo ng umaga, mahigit pang dalawang oras silang mag-usap ni Cathy. At nagmamadali siyang naglakad patawid sa kalsada upang puntahan ang dating karelasyon upang ipagpatuloy ang kanilang balitaang kusa niyang pinutol kahapon dahil sa pagsapit ng oras sa
pagluluto ng pananghalian para sa dalawang anak na uuwi mula sa eskwelahan. Buong giliw naman siyang pinapasok sa loob ng apartment ng dating kare-lasyong tulad niya, bagong ligo at umaalingasaw sa katawan ang iwinisik na mamahalin at imported na pabango. (Itutuloy)

4 comments:

  1. sa gusto ng threesome pm nyo ako sa email ko laczonjack@yahoo.com join ako sa inyo or pwd rin join kayo s aamin ng wife ko babae or lalaki pwd

    ReplyDelete
  2. san na po ang ang continuation ?
    45-50 ?

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.