The stories listed here are my favorites. I DIDN'T WRITE THESE STORIES. CREDIT GOES TO THE ORIGINAL AUTHORS. ENJOY READING
Thursday, November 28, 2013
Kabilang Mundo (part 11)
by Fiction-Factory
(Kapitulo Biente-Siete)
Maaga pa ay umalis na kaagad kaming apat.
Ang kotse ni Tony ang ginamit namin, isang modified 4x4 hi-lux Off-Road Smartcar.
"Mahigit isang daang kilometro mula rito."
sabi ni tony habang sini-set ang router sa GPS Navigator ng kotse niya.
Katabi niya si jacob, habang kaming dalawa ni maya ay magkatabi sa backseat.
"Maya, tunay na makasaysayan ang bundok na 'yon... Iba't-ibang kwento ang naririnig ko"
sambit ko kay maya para basagin ang katahimikan, pareho pa kaming nakadungaw sa magkabilang bintana ng sasakyan.
Mabilis namang magpatakbo si tony ngunit sadyang nakakainip ang biyahe.
"Ayon sa isang theorya, may isang babae na pagala-gala sa bundok na 'yon, ang tinatawag nilang Maria Makiling"
paglathala ko.
"oo, tama ate maita, at siya ang hinahanap natin, si Maria, ang kaisa-isang anak ni Gretel at ang kahuli-huliang witchcrafter na nabubuhay"
pagsang-ayon niya.
"ngunit walang nabanggit ang theorya na isa siyang witch, kundi isang sawing-palad na babae na iniwan ng kanyang kasintahan, at hanggang ngayo'y kanyang hinihintay at hinahanap sa bundok na 'yon, at gabi-gabi daw na umiiyak..."
patuloy ko.
Nagkibit-balikat si maya kasabay ng pagtawa ng malakas ni jacob na parang nakakainsulto.
"bwahaha maita, maita, maita... Saan mo ba nabasa ang theoryang yaon?! Nakakatawa talaga ang tao, kung ano-anong kasulatan ang sinasaliksik malaman lang nila ang katotohanan. Bubulagin ka lang ng mga binabasa mo maita, mga kuro-kuro lamang yan na gawa-gawa lang ng tao."
sambit niya.
"ano ka ba jacob! Kung ayaw mong maniwala, tumahimik ka nalang! Pwede?!"
medyo may pagka-asar ang pagkasabi ko.
Napansin ata ako ni maya na nawawala ako sa mood kaya iniba niya ang usapan.
"ate, kumusta ka na? Ikatlong araw mo na ngayon, pero parang wala namang nagbago sayo"
wika niya sabay patong ng kamay niya sa kamay ko.
"ayos lang ako maya..."
maikling sagot ko.
Napansin ko ang nagmamanehong si tony na nagtuon ng paningin sa akin gamit ang rear mirror.
Nagkatinginan kami at tila punong-puno ng pag-aalala ang mga mata niya.
Naalala ko ang nangyari kagabi.
O tony, napaka-buti mo, nawa'y mapalitan ng pagmamahal ang pagmamalasakit mo sa akin, dahil ako, parang nahuhulog na ang kalooban ko sa mga ipinapamalas mong katangian sa akin.
Tinitignan ko ang reflection ko sa salamin ng bintana ng sasakyan.
"Ako nga ba ito?"
sa puso ko.
Parang hindi ko na kilala ang sarili ko, parang ibang tao ang nakikita ko.
Sa mga nagdaang araw ay napakarami ng nangyari sa buhay ko, sa maikling panahon ay napakarami kong nalaman at natutunan.
Nakatagpo ako ng mga bagong kaibigan na pinakilala sa akin ang kabilang mundo, na kahit pinakamatalinong taong nabubuhay ay hindi alam at hindi pa nakikita.
Maswerte nga ba akong maituturin?
Habang papalapit ang araw ng muling pagkabuhay ni marcus ay parang pinanghihinaan ako ng loob, na parang nawawalan na ng pag-asa.
Sana'y magkaroon naman ng kabuluhan itong ikalawa kong buhay na ipinagkaloob sa akin.
Naging emosyonal ako sa nangyayaring ito, lalo na ngayong naalala ko si daddy.
Kumusta na kaya siya?
Siguradong nag-aalala na siya sa akin ng husto.
Sa mga nagdaang taon ay naging sutil akong anak sa kanya, ngayon ko unti-unting napapagtanto ang mga naging kasalanan ko sa kanya.
Kung kailan nalalapit na ang aking kamatayan.
Ni hindi man lang ako makakahingi ng tawad o mayayapos man lamang siya sa aking mga huling sandali.
Sana'y nasa mabuti siyang kalagayan sa mga oras na ito.
Sa 'di kalayuan ay natatanaw na namin ang tuktok ng bundok Makiling.
"Malapit na tayo, iliko mo sa kanto Kuya!"
utos ni maya kay tony.
Bako-bako at makipot ang daan, sakto lang ang sinasakyan namin, tamang-tama dahil talagang pang-off road ang sasakyan ni tony, ni hindi nabawasan ang bilis namin at hindi man lang namin naramdaman ang baku-bakong kalsada.
Maalikabok at walang kabahay-bahay ang dinaanan namin, hanggang makarating kami sa dulo kung saan nakatayo ang bahay ng lola ni maya, isang maliit na dampa na halos nasa paanan na ng bundok.
"Sinong kasama ng lola mo dyan?"
tanong ko kay maya.
"wala, siya lang mag-isa..."
tugon niya.
"ilang taon na ba ang lola mo? Paano niya nagagawang mamuhay sa ganitong klase ng lugar at mag-isa pa? Ba't di mo siya isama sa bahay mo sa siyudad?"
naging sunod-sunod na ang mga tanong ko.
"ayaw niyang iwanan ang lugar na ito, kahit anong pilit ko. ako ma'y nagtataka kung paano siya namumuhay dito."
bigla pang nalungkot itong si maya.
(Kapitulo Biente-Otso)
Pagbaba namin ng sasakyan, kailangan pa naming maglakad papunta sa bahay-kubo ng lola ni maya, hindi na kasi makapasok ang sasakyan namin gawa ng makapal na damo at ng mga malalaking punong nakaharang.
Tinahak namin ang kakurampot na malinis na daan kung saan dalawang tao lang ang magkakasya dito, ngunit sa kalagitnaan ng aming paglalakad ay biglang nagsilabasan ang pitong higanteng wolf ni Jacob.
Nagulat kami ni maya at bigla kaming napahinto at nagyakapan.
"Anong nangyayari?"
tanong agad ni maya, alalang-alala siya at natakot sa pitong nagsulputang malalaking wolf.
Nanatiling nakatayo lang si jacob at nakayuko, habang ang mga wolves niya ay nakaharap sa mga punong-kahoy sa gilid ng daan sa parteng kanan namin.
Mababangis, galit na galit at parang handang-handa sa laban, nasa malayo ang tingin nila, parang may inaabangan silang papalapit.
"Gggrrrrrr..... Rooaaaarr"
Nagkatinginan sina Tony at Jacob, tapos nilapitan kami ni tony.
"Dito lang kayo sa likod ko."
sabi niya sa amin ni maya.
Bigla ko nalang naramdaman na parang gumagalaw ang lupa, parang nagkakalindol, mahina hanggang palakas ng palakas, parang may kung anong naglalakad na nagpapayanig ng lupa sa bawat hakbang nito.
Bhag! Bhag! Bhag!
Mula sa mga punong kahoy kung saan nakatanaw ang mga wolves ay may nakita akong isang higanteng nilalang na papalapit sa amin, mga isang kilometro pa ang layo niya o baka higit pa, dahil sa tangkad niya ay nakita agad namin siya ng gano'n kalayo, at bawat madaanan at masagi niyang puno ay natutumba.
Kinilabutan ako ng husto at gayundin si maya, sabay pa kaming napapaatras, at napatago sa likod ng pinakamalapit na punong aming nakita, ngunit nakadungaw parin kami ni maya para masaksihan ang mga mangyayari pa.
Napakalaki niya, mas matangkad pa siya sa mga nakaabang na wolves ni jacob.
Parang tao rin siya.
Tama! parang isang lalaki na ang tanging suot ay bahag.
Kulay berde ang matipunong katawan niya ngunit medyo malaki ang tiyan niya, napakadungis niya, at ang talagang kinatakot ko ay ang mata niya, malaki at nag-iisa lang, oo, isa lang ang mata niya.
"Cyclops ba yan? Totoo nga ba 'to?"
si maya na punong-puno ng pagtataka, nagawa pa talaga niyang magtanong gayong nanginginig na kami pareho.
"Hindi! Isa 'yang Orc na nabuhay dahil sa pighati ng mga witchcrafter."
sagot naman ni tony.
"anong ibig mong sabihing nabuhay sa pighati?"
pagtataka ko.
"Hindi ko rin sila gaanong kabisado, pero ayon sa kasaysayan, may isang batang witchcrafter na binihag ng mga blackwitch, iyak lang siya ng iyak dahil hindi niya kayang ipagtanggol ang kanyang sarili, at ang luha niya ay binigyang buhay ng galit at pighati sa puso niya, at 'yon ang mga naging orcs.
Hindi mo ba alam 'yon maya?"
paliwanag niya sabay lingon kay maya.
"Hindi. Hindi naikwento ni lola ang bagay na 'yon"
sagot naman ni maya.
Ako naman ay talagang nahihiwagaan dahil hindi gano'n ang pagkakaalam ko na pinanggalingan ng mga orcs.
Ibang-iba sa mga napapanood ko sa telebisyon.
Pabalik sa nangyayari.
Sinalubong ng mga wolves ni jacob ang higanteng Orc, pinasok nila ang gubat, matulin ang kanilang pagtakbo sa pagitan ng mga punong-kahoy, tapos nang makalapit na sila sa Orc ay sunod-sunod silang nagtatatalon at sumalakay,
ngunit huminto ang higanteng Orc at mabilis na bumunot ng isang malaking punong-kahoy, parang bumunot lang siya ng hibla ng buhok sa ulo.
Bawat wolf na lumalapit sa kanya ay hinahampas niya nito.
Masyado siyang malakas dahil nagsipagtalsikan lang ang bawat tamaan niyang wolf, pero hindi rin maawat ang mga matatapang na wolves dahil patuloy parin nila itong inaatake kahit ilang beses na silang tumilapon at natumba.
Nagalit na ata ng husto si Jacob sa nakita niyang sinasapit ng mga wolves niya, nahihirapan kasi ang mga ito at hindi man lang makalapit sa Orc.
Napansin ko agad ang paghaba ng sampung kuko ni jacob sa daliri sa magkabila niyang kamay, tapos lumingon siya kay tony na nasa harapan namin ni maya.
Nakita ko ang mga mata niya na puting-puti at wala nanamang eyeballs, sabi na nga bat galit na galit na siya.
May sinenyas siya kay tony na mukhang silang dalawa lang ang nakakaalam.
Humakbang ng dalawang beses si tony palapit kay jacob.
"Maita, d'yan lang kayo"
sabi pa niya.
Kami naman ni maya ay nanonood lang sakanila, nandun parin yung tensyon at kaba kung kaya't nagkayakapan nalang kami.
Biglang tumakbo ng matulin si jacob papunta sa direksyon ng higanteng Orc para salubungin niya at umatake, mabilis, sigurado at desidido, habang si tony naman ay nakatayo at kung ano-anong hugis nanaman ang ginagawa niya sa kanyang dalawang kamay.
Ginagamit nanaman niya ang sining ng Genjitsu, pinupustura niya ngayon ang sarili niyang jitsu.
Bigla namang humarang ang isang wolf sa dadaanan ni jacob, ngunit kasama pala 'yon sa plano, biglang tumalon si jacob at inapakan niya ang ibabaw ng wolf para makagawa ng mas malakas at mas mataas na pagtalon, gayundin sa ikalawang wolf na inabangan ang pagbagsak ni jacob, inapakan din niya ang wolf at muling gumawa ng mataas na pagtalon, nagsi-pila naman ang mga natitirang wolf niya at nagtatatalon si jacob sa ibabaw ng mga wolves,
Hanggang sa huling pagtalon niya ay nagawa niyang makalapit sa mukha ng higanteng Orc.
Ang galing! Ginawa niyang tulay ang mga wolf para maabot niya ang mukha ng Orc, ang puntirya niya ay ang mata ng Orc, ito marahil ang nakikita niyang pinakamahinang parte ng orc.
Biglang itinaas ng Orc ang hawak niyang Puno at inihanda niya para hatawin si jacob.
Ngunit nang matapos na ang ritwal ng jitsu ni tony ay bigla nalang napahinto ang Orc.
Tulad ng inaasahan ay nagmistulan siyang estatwa, nanatili lang nakataas ang hawak niyang punong-kahoy na ihahampas sana kay jacob, at dahil tumalab sa kanya ang kapangyarihan ni tony ay hindi na nga ito makagalaw kung kaya't malayang-malaya si jacob na tusukin ng mga kuko niya ang mata ng Orc, mas matulis pa sa dulo ng espada.
Isang dangkal nalang ang pagitan ng mga kuko ni jacob sa mata ng Orc nang biglang may babaeng nagsalita sa likod namin nina maya at tony.
"Huwag! Huwag ninyo siyang papatulan"
sigaw niya, boses matanda.
Pagtingin ko, nakita ko siyang naglalakad papalapit sa amin, isang ordinaryong matandang babae na may hawak ng mahabang tungkod pang-alalay.
"Lola!"
paglingon naman ni maya sakanya.
Napatindig si tony at bigla nalang niyang mabilis na pinagdikit ang dalawang daliri niya, ang hintuturo at ang sentrong daliri na mabilis niyang idinampi sa noo niya.
Pagkadamping-pagkadampi palang ng dalawang daliri niya sa noo niya ay bigla nalang siyang naglahong parang bula.
Teka! Hindi! Hindi siya naglaho, kundi nag-teleport siya mula dito ay nando'n na siya ngayon sa kinaroroonan ni jacob, sa likuran niya, para silang lumilipad sa ere malapit mismo sa mukha ng nakatayo at naka-steady na Orc, at pagkahawak na pagkahawak ni tony sa balikat ni jacob ay muli nanaman niyang idinampi ang dalawang daliri sa kanyang noo at muli nanaman silang naglaho sa hangin at sumulpot nalang bigla sa tapat ng isang malaking punong-kahoy.
Dumiretso naman ang mga kuko ni jacob sa katawan ng puno na kanina'y para sana sa mata ng Orc, ang lakas ng impact.
Nabutas ang puno, tumagos at lumusot ang kamay niya sa kabilang side ng puno.
Ang tindi, paano nalang kung sa mata ng Orc ito dumiretso, siguradong hindi lang mata niya ang mabubutas kundi pati ang ulo niya, na pwede pa niyang ikamatay.
Biglang napaluhod si jacob at muli na namang hinimatay tulad ng dati, kasabay ng pagkalaho ng mga wolf niya sa hangin.
Samantalang ang higanteng orc ay tumakbo pabalik matapos ang sampung segundo.
Bigla siyang huminahon nang makita niya ang matanda.
"Hindi ako maaaring magkamali, kayo nga ang magkapatid na vampire at werewolf.
Ang orc na 'yon ay ang nagbabantay sa akin para sa mga nilalang na tulad niyo na supernatural being."
nasambit ng matanda.
Teka, tama ba ang narinig ko, si Tony at Jacob ay magkapatid?
Paaano'ng nangyari na ang isang vampire ay kapatid ng isang werewolf?
Mukhang maraming alam ang matandang babae na ito.
"Lola Esme, sila po ay mga kaibigan ko, at naparito po kami par-"
hindi pa man natatapos si maya ay bigla na siyang binara ng matanda.
"Alam ko maya. Inasahan ko na ang araw na ito. Nailathala na ang propesiya tungkol sa Diablong si Marcus, ngunit darating ang huling witchcrafter na siyang pupuksa sa kanya."
sambit ng matanda.
Panandaliang tumahimik ang paligid kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin.
Totoo ba ang narinig ko na isa itong propesiya na nakatakdang mangyari?
Inanyayahan kami ng lola ni maya sa bahay niya.
Pinasan ni Tony si Jacob at nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa bahay-kubo kasama ang matanda.
(Kapitulo Biente-Nueve)
"Saan po namin matatagpuan ang huling witchcrafter?"
tanong agad ni tony pagkalapag niya kay jacob sa katre sa loob ng kubo.
Nagpukol ng tingin sa kanya si lola esme.
"Ang witchcrafter ay naninirahan sa tuktok ng bundok sinai, marami nang nakaakyat sa bundok na 'yan, ngunit ni isang nilalang ay wala pang nakakakita sa kanya"
ayon kay lola esme.
"paano po namin siya matatagpuan?"
sabat ko.
"makikita niyo lang siya kapag nakita niyo na ang apat na elemento ng daigdig."
kumunot ang kilay ko sa sinabi ni lola.
"apat na elemento? Ang ibig niyo po bang sabihin, Hangin, Tubig, Apoy at Lupa?"
paniniguro ko.
Mukhang matinding palaisipan ito.
Lumapit si lola esme kay jacob at idinampi niya ang kanyang kamay sa noo ni Jacob, tapos bigla nalang nagising ang walang-malay na si jacob.
"hanggang ngayon ay hindi mo parin kayang kontrolin ang kapangyarihan mo. Tanggalin mo ang poot sa puso mo at ika'y hindi na pipikit pa."
sabi niya kay jacob.
Nagtataka si jacob at minulat-mulat niya ang mga mata niya habang hawak-hawak ang batok niya.
"Lola, saan po namin matatagpuan ang apat na elemento?"
muling nagsalita si tony.
Matiyaga nanaman siyang nagsisindi ng sigarilyo gamit ang zippo lighter niyang nagloloko-loko.
"makikita niyo lang ang apat na elemento sa ilalim ng liwanag ng buwan. Kapag nangyari iyon, magpapakita na sa inyo ang tinatawag nilang Maria Makiling, o ang huling witchcrafter na may likha ng mga supernaturals sa mundo."
sagot ni lola esme.
"teka po lola, mukhang kay hirap intindihin ng sinasabi niyo. Ba't di nyo nalang po kami diretsahin?"
sambit ko.
Napatindig ako sa matalim na tingin na ipinukol sa akin ni lola kasabay ng paghakbang niya papalapit sa akin.
"Hija, direkta ang talinhaga ng witchcrafter, dapat mong maunawaan na ang lahat ay may tamang panahon."
mariin ang pagkabanggit niya habang hinihipo ng kamay niya ang pisngi ko.
"maaari akong gumawa sa ilalim ng buwan ng apoy, maglagay ng lupa at tubig, at ang hangin ay nandiyan lang sa paligid. Sagayon po ba, lilitaw na ang witchcrafter?"
muling tanong ni tony.
"Hindi ginoo. Hinding-hindi, dahil sagrado ang tinutukoy kong apat na elemento. Sa puso ito manggagaling at sa puso din ito uusbong, sa gayon, magpapakita na ang huling witchcrafter."
nalilito ako at naguguluhan na ang isip ko sa sinasabi ni lola esme.
Malalalim ang mga katagang binibitawan niya, marahil ay wala na talaga akong pag-asa, mukhang imposible ang sinasabi niya.
"Nagsasayang lang tayo ng oras, umakyat na tayo sa bundok makiling at nang maliwanagan na tayong lahat."
si jacob, na mukhang naiirita na.
"Ikaw na anak ni William, ipanatag mo ang iyong sarili tulad ng kapatid mong ito na anak ni Marcus. Baka kapag nangyari na ang mangyayari ay baka pagsisihan mo pa."
kalmado talaga si lola esme.
Binanggit nanaman niya ang kapatiran ng dalawa.
"magkapatid po sina tony at jacob? Papanong ang isang vampire at isang werewolf ay magkapatid?"
paniniyak ko.
"simple lang hija, magkapatid sila sa ina. Ang asawa ni William na pinagsamantalahan ni Marcus"
sagot ni lola.
Natigilan ang lahat at umusbong ang katahimikan.
Nagpukol ako ng tingin kina tony at jacob, ngunit umiiwas sila ng tingin at hindi makatingin ng diretso sa akin.
Sa kinikilos nila ay mukhang alam na nilang magkapatid sila pero ito'y inilihim nila sa akin.
Kaya pala mula noo'y hindi na sila magkasundo.
"bakit naman po ako magsisisi?"
pagbabasag niya sa katahimikan.
"hindi mo nanaising magpakita ang huling witchcrafter, dahil kapag nangyari iyon, ang lahat ng napahiran ng nilikha niyang witchhazel ay babawian niya ng kapangyarihan. Lahat sila mamamatay. Kasama na kayong dalawa."
Nakakatakot na ang mga sinasabi ni lola.
Si maya naman ay taimtim lang na nakikinig, halata ang pagiging edukada niya, ngunit alam kong natatakot din siya para sa amin.
Nandito kami para iligtas ako, ngunit ang kapalit pala nito ay ang buhay ng dalawa kong kaibigan.
Hindi ko na alam ang gagawin at iisipin ko.
Nalilito na talaga ako.
Bigla naman nalungkot ang dalawa, pati ako ay nalulungkot narin sa nangyayari.
Nagulat ako nang biglang humaba ang mga kuko ni jacob at bigla siyang lumapit sa akin, ngunit hinarangan siya ni tony.
"tony, 'wag kang makialam, patayin nalang natin si maita, kaysa tayo ang mamatay, tapos patayin nalang din natin si marcus"
nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko kay jacob.
Gano'n paman, maluha-luha siya na parang tutol na tutol parin ang kalooban niya.
Naiintindihan ko siya, sino nga ba ako para isakripisyo niya ang kanyang sariling buhay.
Dito nasusubok ang pagmamahal na binabanggit niya kagabi.
"Mag-hunos-dili ka jake, kapag pinatay mo si maita, sa tingin mo ba makakaya nating patayin si marcus?"
katwiran ni tony.
"ngunit kung hindi natin papatayin si maita, tayo ang mamamatay tony!"
mukhang desidido talaga si jacob.
"no'ng una pa lang, alam ko na ang bagay na 'yan jake..."
sambit ni tony.
Nagkatinginan ang dalawa, maging ako ay nabigla sa sinabi ni tony.
Alam na pala niyang mamamatay siya kapag nagpakita ang huling witchcrafter pero itinuloy parin niya.
"alam mo na pala, pero bakit mo parin ito ginagawa? Nagpapakamatay ka ba?!"
naiinis na si jacob.
"jake, hindi ka pa ba nagsasawa? Ilang daang taon na tayong nabubuhay sa mundong ito, lahat ng karahasan, kamatayan ay nasaksihan ko na jake. Gusto ko naring magpahinga..."
sagot ni tony.
"paano naman ako tony? Gano'n na lang ba 'yon? Ayoko pang mamatay tony!"
napaiyak na ng tuluyan si jacob at hinawakan ang magkabilang kuwelyo ng leather jacket ni tony.
Hindi ko na matiis pa ang pagtatalo nila kaya nagdesisyon na ako.
"Marahil tama si Jacob. Patayin niyo na lamang ako para matapos na ito."
pagsabat ko sa usapan nila.
Nagkatinginan kami ni jacob, pakiramdam ko kumalma na siya, dama ko ang pangamba at kalungkutan niya.
Matapang siya at malakas ang katawan, pero mahina parin siya.
Unti-unti ng umaatras ang mga kuko niya at tumigil narin sa pag-iyak.
"Patawarin mo 'ko maita....nadala lamang ako ng pangamba ko....marahil tama kayo, oras na ng pagsasakripisyo."
sabi niya.
"Nauunawaan kita. Ako man ay hindi sigurado kung mabubuhay pa pagkatapos nito"
pagtatapos ko ng usapan.
"Kailangan niyo ng umalis. Mataas ang bundok, tatlo o apat na araw ang dadanasin niyo bago niyo marating ang tuktok."
sumabat narin si lola esme.
"wala pong problema, tatlong oras lang po yan sa amin"
pagyayabang pa ni tony.
"imposible hijo, dahil pagpasok niyo sa bundok, hindi niyo na magagamit ang mga kapangyarihan niyo"
pailing-iling na sabi niya.
Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni lola esme.
(Kapitulo Trienta)
Pagdating namin sa paanan ng bundok ay dumiretso agad si tony sa kagubatan.
"Hindi d'yan ang daan sa bundok sinai. Hindi niyo basta-basta maaakyat ang bundok na 'yan tulad ng ginagawa ng mga ordinaryong tao."
ayon kay lola esme.
Nagkatinginan kaming lahat at sumunod lang sa bawat sinasabi ni lola.
Idinala kami ni Lola esme sa tapat ng isang pinto. Isang pintuan na ginagapangan na ng makapal na damo.
Hinawi-hawi nina tony at jacob ang damo at nilinis nila ang kabuuan ng pinto.
Nagtataka kami dahil wala namang kinakapitan simento o anuman, basta nakatayo lang ito. Isang ordinaryong pinto.
"Dito. Sa pintuang yan ang daan papunta sa kabilang mundo ng bundok makiling, sa mundo ng bundok sinai, kung saan marami kayong makikita na hindi makikita ng mga ordinaryong tao na ang inaakyat ay ang bundok makiling."
sambit ni lola.
"ang ibig niyo pong sabihin, kung hindi kami dadaan sa pintuang iyan ay hindi kami makakarating sa bundok sinai?"
pagkokumpirma ko.
"Oo. at piling-pili lang ang mga taong maaaring makapasok diyan, dahil hindi yan nabubuksan ng mga mortal na nilalang lang"
dagdag pa ni lola.
"O ano pang hinihintay natin?! Pumasok na tayo!"
pagmamadali ni Jacob.
Pagkasabi niya'y pinihit agad niya ang doorknob at dumiretso na siyang pumasok agad.
Pagkapasok niya ay bigla nalang siyang napaluhod sa lupa, hinahawakan niya ang ulo niya na parang masakit na masakit.
"Aaahhhhgggg"
daing niya.
"Lola, ano pong nangyayari?"
"Lola, bakit po siya nangingisay?"
nagkasabay pa sina tony at maya.
Biglang lumabas ang isang wolf ni jacob.
"Saiyha!"
pagsambit ni jacob sa wolf niya, at naging sunod-sunod na ang paglabas ng iba pang mga wolf sa katawan ni jacob.
"Nadare, Setsuna!"
bawat lumalabas ay tinatawag ni jacob ang mga ito sa pangalan nila.
Biglang tumayo si jacob at mabilis niyang hinubad ang kanyang damit.
Napansin ko ang mga tattoo niya sa magkabilang braso, nagnining-ning ang tinta ng mga tattoo niya, parang mga titik sa lenguaheng chinese.
Marahil ang mga titik na ito ay ang mga pangalan ng wolves niya.
Tama, dahil sa bawat paglabas ng wolf sa katawan niya ay isa-isa ring nabubura ang mga tattoo niya.
"Madohka, Ruyi, Coque!"
tuloy-tuloy lang ang paglabas ng mga wolf niya at isa-isang nagsilabasan sa pintuan.
"Obeshi!"
naiiyak na si jacob.
"bakit?! Anong nangyayari?"
sigaw ni jacob pagkatapos makalabas ng huling wolf.
"oo nga pala, pasensya na, nakalimutan kong sabihin na mawawalan kayo ng kapangyarihan pagkapasok niyo sa bundok sinai."
sagot ni lola esme.
"ngunit 'wag kang mag-alala, babalik din sa'yo ang mga alaga mo sa muli mong paglabas sa bundok"
patuloy niya.
Buti nalang at kalmado ang mga alaga niyang wolves na nagkaipong nakaupo at nahiga lang sa isang tabi.
"Hayaan mo na jake, para may magbantay narin sa pintuan at kay lola esme."
sabi naman ni tony.
"'Wag niyo na akong alalahanin. Maya, ikaw na ang bahala sa kanila, gabayan mo sila sa kanilang mithiin.
Hanggang dito na lamang ako, maaari na akong magpahinga ngayon dahil tapos na ang misyon ko.
Nawa'y magtagumpay kayo. Paalam!"
sambit ni lola esme.
Biglang umihip ang hangin kasabay ng paglalaho ni lola esme.
Ang katawan niya'y nagkapira-pisaso at nagsiliparan sa paligid, sa anyo ng paro-paro.
"lola esme!"
sigaw ni maya at tumakbo papalapit kay lola para sana yakapin.
Ngunit nahuli na siya dahil naglaho na si lola esme at ang yakap niya'y sinapo nalang ng hangin.
Natigilan si maya at nanatili lang nakatayo, parang nag-iisip kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.
"Tayo na! Gawin na natin ang nararapat!"
Nasabi nalang ni maya habang nagpupunas ng luha.
Nang kalmado na si jacob ay sunod ng pumasok si tony, nag-aalangan pa siya no'ng una pero bigla siyang itinulak ni maya papasok ng pinto.
Tulad ng inaasahan ay nangisay din siya tulad ni jacob, ngunit dahil wala siyang alaga ay walang lumabas sa katawan niya kundi itim na usok na lumabas din sa labas ng pintuan.
"Ano 'yang usok na 'yan?!"
nagtatakang tanong ni jacob nang mahimasmasan na si tony.
"Jake, ang usok na 'yan ay mga kaluluwa ng mga Hokage sa panahon ng Yuan Dynasty."
sagot naman ni tony.
"Kakaiba talaga ang trip mo! Bakit mga hokage? Hindi ka na naawa sa mga hari."
pailing-iling pa si jacob.
Napangiti lang si tony.
Sumunod narin kaming dalawa ni maya, at dahil wala naman kaming kapangyarihan ni maya ay wala namang kakaibang nangyari sa amin.
Pero itong si maya ay nag-iba ang hitsura.
Lalo siyang gumanda at nag-iba ang kulay ng kanyang buhok, ang dating kulay itim ay naging kulay puti na ngayon.
"Aba maya, para kang prinsesa!"
biglang puri ni jacob.
Nagtataka naman si maya dahil hindi pa niya napapansin ang pagbabagong hitsura niya.
"Ano ka ba jake! Syempre, teritoryo ni maya ito, kaya ingat ka na ngayon sa kanya!"
pagbibiro pa ni tony.
Sabay-sabay kaming lumingon sa tatahakin naming kagubatan.
Matataas ang mga puno at maging mga damo ay matataas at makapal din.
"Para lang tayong mga ordinaryong tao nito tony.
Mukhang mahirap na pakikibaka ang haharapin natin"
ayon kay jacob.
Nanatili pa kaming nakatayo at nakatulala sa kagubatan ng ilang sandali.
Ano na kayang mangyayari sa amin ngayon?
Sana'y mapagtagumpayan namin ito.
To be continued...
Kabilang Mundo (part 10)
by Fiction-Factory
(Kapitulo Biente-Kwatro)
Nawala na ang sakit ng tiyan ko, ngunit napalitan naman ng kakaibang kaba sa damdamin nang makita ko ang isang lalaking naglalakad sa may likuran ni lisa.
Hindi ako pwedeng magkamali. Siya si Ron na nobyo ko, bakit siya nandito?
Papalapit ba siya sa akin?
Hinawi-hawi ko ang buhok ko sa harap para matakpan ang mukha ko, tapos yumuko ako ng bahagya para hindi niya ako makilala.
Ewan ko ba kung bakit parang hindi pa ako handang magpakita sa kanya.
Laking gulat ko nang huminto siya sa likod ni lisa, dahil pagkalapit na pagkalapit niya kay lisa ay bigla niya itong hinalikan sa pisngi mula sa likod ni lisa.
"aay!"
pagkagulat ni lisa.
Kung gano'n siya pala ang lalaking tinutukoy ni lisa na boyfriend niya at nakabuntis sakanya.
Kumakabog ang dibdib ko, ang sama-sama ng loob ko.
Ngayon sa halik na 'yon ay natitiyak kong nangangalunya sa akin si Ron, lalo na't naglilihi na si Lisa, ibig sabihin, matagal na rin ang relasyon nila, at ibig sabihin ay matagal na akong niloloko ni ron.
"Hon, i would like you to meet, maita..."
tila natigilan si ron nang marinig niya ang pangalan ko.
Inayos ko ang aking sarili.
Marahan siyang lumingon sa akin na aking namang inabangan.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako, nakilala niya siguro ako, tapos hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
"ehem!!! Ah, lisa, mauna na ako sa inyo, mukhang sumasama nanaman ang pakiramdam ko.."
paalam ko para iwasan na itong nasasaksihan ko.
"gano'n ba. Ihahatid ka na namin"
alok naman ni lisa.
"hindi. Hindi na, baka maabala ko pa kayo."
sagot ko, pero ang totoo ay hindi ko na kayang makita pa si ron. Hindi ko na siya masikmura. Nasusuka ako sakanya at nasusuklam.
Pagtayo ko ay bigla nalang akong nakaramdam ng pagkahilo, parang nayanig ang buong paligid, marahil dala lang ng gutom.
Minulat-mulat ko ang mga mata ko at hindi ako nagpahalata sa kanila.
"sigurado ka ba maita? Ingat nalang ha? Kinagagalak kong makilala ka."
habilin ni lisa sa akin.
Napakatamis ng kanyang ngiti, gusto ko man siyang awayin at komprontahin ay hindi ko magawa. Napakabait niya, magiliw at matulungin. Hahayaan ko na lamang sila, para narin sa magiging anak nila.
Kawawang lisa, kung alam mo lang ang gawain ng lalaking kinakasama mo.
Lumayo na ako sakanila.
Naglakad na ako pabalik sa bahay nina maya kahit gutom na gutom parin ako.
Nilingon ko pa sila sa huling pagkakataon.
Napansin ko si ron na naglalakad papunta sa akin habang si lisa ay sumakay sa kotse ni ron.
Mukhang hinahabol ako ni ron kasabay ng pagsenyas niya sa akin para huminto.
Ayoko na siyang makausap pa! Nanggagalaiti ako sa kanya, at para hindi niya matunton ang tinutuluyan ko ay nilampasan ko ang apartment ni maya.
Dumiretso ako, tapos may nakita akong eskinita, isang eskinita na nagawa dahil sa magkabilang matataas na pader ng gusali, siguro isang kotse lang ang kakasya dito.
Kahit madilim ay lakas-loob parin akong pumasok, buti nalang at medyo nasisinagan parin ng sikat ng buwan.
Napahinto ako sa kalagitnaan dahil biglang nanlabo ang paningin ko. Minulat-mulat ko ang aking mga mata at sa huli ay biglang nag-iba ang paligid, ang kaninang madilim ay biglang nagliwanag, ngunit parang natapalan ng ibang kulay, naging kulay pula, at kahit saan ako lumingon ay nando'n parin talaga ang mamula-mulang kulay, parang monochromatic reddish.
Napalunok ako at nagsimulang magtaka.
"ano nanaman kayang nangyayari sa'kin ngayon?" sa isip ko.
"Mai, ikaw nga ba 'yan?!"
biglang may nagsalita mula sa likod ko.
Heto na, nagawa akong habulin ni ron.
paglingon ko, nagulantang nalang ako sa nakita ko sa kanya, parang x-ray vision, tumatagos ang tingin ko sa kanya, kahit pa balot na balot ng pantalon at jocket ang katawan niya.
Kitang-kita ang puso niya, kitang-kita ko ang pagtibok nito at ang mga ugat niyang nakakalat sa buong katawan niya, ugat sa kamay, sa paa, buong katawan at sa leeg niya, mga ugat na nakakonekta lahat sa puso niya.
"'wag kang lalapit!"
mariin kong sabi dahil bigla akong nakaramdam ng takot.
"patawarin mo'ko mai, hindi ko nasabi sa'yo"
patuloy siyang nagsasalita habang nag-aalangang humakbang papalapit sa akin.
Biglang sumakit ang mga ngipin ko. Napakasakit. Napahawak ako sa bibig ko at napaupo sa sobrang sakit.
"aaaahhhhggg ahhhh aaahh"
parang may kung anong gumagalaw sa mga ngipin ko. Parang binubunot na hindi ko maipaliwanag.
"ayos ka lang mai? Anong nangyayari sa'yo?!" pag-aalala ni Ron.
"aahh aaahhh aaahh"
Patuloy ang pagdaing ko sa mga ngipin ko, namimilipit ako sa sakit at hindi ko mawari kung papa'no ko iiikot ang aking katawan.
"mai, mai, ayos ka lang ba?!"
si ron na ngayo'y sinamantala ang pagkakataon para himasin ang likod ko.
Itinaas ko ang aking kamay at hinarang ko siya para senyasan na huwag akong hawakan at layuan niya ako.
Hindi ko talaga magawang magsalita, at biglang may magkabilang ngipin ko na humaba at sumayad sa lower lip ko.
"Huh?!"
Nanlaki bigla ang mga mata ko nang matiyak ko sa sarili ko na tinutubuan ako ng pangil.
Tama! Humaba nga ang mga pangil ko.
Pero wala pang ikatlong-araw ha!
Pinilit kong tumayo at hinarap ko si ron, tinaboy-taboy ko siya habang tinatakpan ang bibig ko.
"huh?! Mai, bakit pula ang mga mata mo?! Ano bang nangyayari sa'yo?!"
nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Pulang-pula ang paningin ko tapos pula din ang mga mata ko?
Hindi kaya't bampira na ako?!
Medyo humuhupa na ang sakit na nadarama ko ngunit itong si ron ay ayaw talagang umalis.
Pumikit ako at huminga ng malalim, hindi ko parin matanggal ang kamay ko sa bibig ko.
Ayokong makita niya ang mga pangil ko.
Bigla akong niyakap ni ron. Yakap ng pagkasabik, mahigpit na mahigpit.
Gusto ko mang pumalag ngunit aaminin kong gusto ko rin ang yakap niya. Aaminin kong namimiss ko pa rin siya kahit papa'no. Ang masarap niyang halik at ang mainit niyang katawan.
Bigla nalang tumulo ang luha ko sa dulo ng aking mata. Luha para sakanya na minahal ko ngunit ngayo'y pagmamay-ari ng iba.
Napatingin ako sa leeg niya, kitang-kita ko ang matabang ugat na humuhulma dito, nakaramdam ako ng kakaiba, parang inaakit ako ng husto. Naramdaman kong muli ang pagkagutom, ngunit nakakapagtakang hindi kanin o ulam ang hinahanap ko.
Natutuyo na ang lalamunan ko, parang may gayuma ang dugo ni ron na umaakit sa akin.
Yakap-yakap niya ang katawan ko at bigla niya akong iniangat at isinandal sa pader.
Unti-unti namang nag-iinit ang buong katawan ko nang bigla niya akong halikan sa aking leeg.
"uuhhhmmmm"
Napayakap ako sa kanya.
Hindi ko naman mapigilan ang pagbuka ng bibig ko at paglabas ng mga pangil ko.
Nalilibugan na ata si ron at mabilis niyang ipinasok ang magkabila niyang kamay sa loob ng damit ko, nilamas-lamas niya ang mga suso ko habang patuloy ang masidhing halik niyang ginagawa sa leeg ko.
Ngunit nanatili akong nakatikom ang bibig.
Ayokong gumanti ng halik, ayokong malaman niya na gusto ko ang ginagawa niya at isa pa, ayokong makita niya ang mga pangil ko, ganunpaman ay walang sawa parin niya akong pinaghahalikan.
Hinayaan ko lang siya sa gusto niya, habang ako'y nakatulala at tinatanggap lang ang bawat laway niya.
Hindi pa siya nakuntento at pati ang puwet ko ay hinipo-hipo niya, nilamas-lamas niya, at ang puke ko'y sinalat-salat niya.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Habang abala siya sa pagroromansa sa akin ay heto naman ako na ngayo'y titig na titig sa leeg niya, hindi ko maalis ang paningin ko sa kumikirot-kirot niyang ugat.
Punong-puno ng dugo, dugong gusto kong sipsipin.
Parang nanlalambot ang aking katawan, pakiramdam ko'y nanghihina ako, pinaikot ko ang dila ko sa mga labi ko para lawayan, para akong nawawala sa sarili, natatakam na talaga ako't bigla ko na lamang kinagat ang ugat sa leeg ni ron.
"aaaahhhhgggg"
Naramdaman ko ang paglubog ng mga pangil ko sa leeg niya sabay sipsip sa dugo niya.
Ang sarap! Ang inaakala kong mapait na lasa ay ubod pala ng tamis! Parang lasa ng sparkling wine.
"aaahhh aaaahhh mmaaaii annonng!"
Nagpupumiglas si ron, at sa kakapumiglas niya ay nagawa niya akong itulak, nasaldak ako sa pader habang siya'y napaatras papalayo sa akin.
Hawak-hawak niya ang kanyang leeg na patuloy parin sa pagdaloy ng dugo mula sa dalawang butas.
Pinunasan ko ang dugo sa bibig ko.
"bakit mo 'ko kinagat?! Nahihibang ka na ba?!"
Sambit niya habang patuloy na pinipigilan ang pagdaloy ng dugo sa leeg niya.
Napagtanto ko ang nangyayari.
Para akong natauhan.
Bigla akong napaupo at muli kong tinakpan ng kamay ko ang bibig ko.
"huhu umalis ka na Ron! Umalis ka naaah!"
paulit-ulit kong sinasabi kay ron kasabay ng masakit kong pag-iyak.
Walang humpay ang pag-agos ng luha ko sa mga mata ko, at ang tinig ko'y nasasakdal.
Hindi ko matanggap ang nangyayari sa'kin ngayon.
Bakit ako nagkakaganito?
Bakit sa akin pa ibinigay ang sumpang ito?
Biglang tumakbo si Ron papalayo sa akin nang maaninag niya ang hitsura ko. Ngayon, nasusubok ko ang pagmamahal niya sa akin, at napagtanto kong walang kwenta! Napaka-walang kwenta niya!
Kung mahal mo ang isang tao, hinding-hindi mo siya iiwan sa kalagitnaan ng pangangailangan, ngunit siya'y takot na takot, parang batang nakakita ng multo.
(Kapitulo Biente-Singko)
"Nagsisimula na ang propesiya ni Drakula"
Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa kung saan. Paglingon ko, nakita ko si Tony.
Kulay pula parin ang nakikita ko, ngunit parang normal lang ang katawang nakikita ko sakanya, hindi tulad ng kay Ron kanina na nakikita ko ang dumadaloy na dugo sa kanyang puso at mga ugat sa katawan.
"Tony! Buti't nar'yan ka, ano'ng nangyayari sa'kin?!"
Tanong ko nang mahimasmasan na ako.
Tumayo ako at pilit na inaayos ang sarili ko.
"'wag kang magtaka, normal lang 'yan, natural na natural"
sagot niya habang pilit na sinisindihan ng kanyang naglolokong lighter ang nakasalpak na sigarilyo sa bibig niya.
"Maita, tibayan mo ang loob mo, magmula sa gabing ito hanggang sa ikapitong araw ay hindi kana kakain ng kanin o ano mang klase ng pagkain."
"huh?!x?? Bakit?!"
"Dahil mula ngayon, mabubuhay ka na sa pamamagitan ng dugo at tanging dugo lamang"
bigla siyang tumingin ng diretso sa mga mata ko, kitang-kita ko ang sinseridad niya sa kanyang sinasabi, totoong-totoo.
Mula sa loob ng kanyang jacket ay dinukot niya ang alak na lagi niyang iniinom.
"Heto, kunin mo."
Iniabot niya ito sa akin at ang mga mata niya'y nangungusap na kunin ko nga.
Walang sabi-sabi ay kinuha ko ang alak niya at ininom, para narin kumalma ako.
"ngayon lang ako nakatikim ng ganitong klase ng wine, anong tatak ng wine na ito?"
Naitanong ko pa sabay inom ulit.
"tama nga ang hinala ko, unti-unti ka nang nagiging bampira! Hindi yan alak kundi dugo, at kaya masarap yan dahil dugo yan ng isang birhen na babae"
ayon sakanya.
"ano?! dugo ito ng isang birhen?! Pumatay ka?!"
pagkagulat ko at napalunok pa ako.
"hindi ako pumapatay maita, pero aaminin kong nagnanakaw ako! Tara!"
pagkasabi niya'y binuhat niya ako na parang bumuhat ng sanggol, tapos isang simpleng pagtalon lang ang ginawa niya ngunit napakataas ng inabot niya.
Napakapit ako sa balikat niya at nakatingin sa mukha niya. Nasa itaas na kami ng gusali, sa rooftop at patalon-talon lang siya sa mga bubungan ngunit hindi man lang ako nakakadama ng kaba, pakiramdam ko safe na safe ako sa mga braso niya, walang bahid ng pag-aalala na baka mahulog ako.
Napakaamo talaga ng mukha niya, kahit pa sabihin nang nasa kategorya ng kadiliman ang mga vampires na tulad niya ay talagang ibang-iba siya.
Likas sa kanya ang kabaitan, mas nangingibabaw parin ang pagiging tao niya.
Dinala niya ako sa rooftop ng isang malaki at tanyag na ospital.
"hintayin mo 'ko dito maita"
sabi niya sa akin.
Tumango lang ako at tumalon na siya pababa ng rooftop.
Umupo ako sa isang pasamano na yari sa simento.
Medyo nanlalambot parin ako.
Malamig ang hanging dumadampi sa aking balat, napakaganda ng gabi, napakaraming bituin.
Sinasalat-salat ko ang mga pangil na lumabas sa aking bibig. Matitigas at matatalim ang mga ito. Hindi talaga ako makapaniwala na nagiging bampira ako. Bampira na ni minsan sa talambuhay ko ay hindi ko pinaniwalaan.
Sa pagmumuni-muni ko ay hindi ko napansing tumutulo na pala ang luha ko, at hindi ko rin napansing nasa tabi ko na pala si tony.
Pinahiran ko ng mga daliri ko ang mumunting patak ng luha ko atsaka ko liningon si tony.
"oh ang bilis mo ha! Ano 'yan?!"
ang tinutukoy ko ay ang hawak niyang limang piraso ng plastic pouch bag.
"ano pa! Edi dugo!"
sabi niya sabay abot sa akin ng isa at ang lalagyan niya'y kanyang ni-refill.
"salamat nalang sa mga masugid na nagdo-donate ng dugo at kahit papano'y may nananakaw ako"
matamis ang ngiting pinapakita ng mukha niya.
"o ano pang hinihintay mo? 'wag kang mag-alala, lahat ng dugong nai-donate ay malinis"
sambit niya at binuksan pa niya ang pouch ng dugo na binigay niya para sa akin.
Tinititigan ko ang hawak kong dugo, parang kayhirap inumin sa pangunawang dugo ito ng tao. Ngunit natikman ko narin lang kanina kaya lakas loob ko narin itong ininom.
Napapikit pa ako sa sobrang linamnam ng iniinom ko. Hindi ko tinigilan hanggang makalahati ko, habang tumatagal ang pagdaloy ng dugo sa lalamunan ko ay nagiiba ang lasa nito, nagiging lasa ng gatas, ang sarap.
Nanumbalik ang lakas ko, pakirandam ko nga eh parang mas lalo pa akong sumigla.
Wala akong ibang magawa kundi ang tanggapin ang kapalaran ko. Ano pa kaya ang mga kakaibang mangyayari pa sa akin?
"teka, ba't nawala na ang mga pangil ko? pati ang kulay pula sa paningin ko ay hindi ko man napansing nawala..."
Napagtanto ko nang matapos na akong makalunok ng dugo.
"humahaba lang ang mga pangil mo kapag gutom ka, at kusa ding aatras kapag busog ka na. Gayundin ang paningin mo, at 'yan ay mararanasan mo sa tuwing magugutom ka sa dugo."
paliwanag niya.
"tibayan mo ang sarili mo maita, hindi rin magtatagal ay manunumbalik ka rin sa dati, konting tiis na lang"
pag-comfort pa sa akin ni tony.
"salamat tony. Sa tingin ko sa ngayon, wala rin namang saysay pa ang mabuhay pa."
ang tinutukoy ko ay si ron na nangalunyaya sa akin.
"sa limang taon naming relasyon ay minahal ko siya, at tanging siya lamang ang minahal ko ng ganito. Ngunit ngayon, dumating ang araw na kinakatakutan ko, niloko niya lang ako. May mahal na pala siyang iba."
patuloy ko.
Naging malungkot ang emosyon ko. Bigla akong napaiyak. Napakasakit ng dinadala ko, napakabigat sa puso.
Inakbayan ako ni tony at niyakap niya ako. Kahit pa hindi siya nagsasalita ay damang-dama ko parin ang pagmamalasakit niya sa akin. Tumahimik ang paligid at tanging pagiyak ko ang maririnig. Salamat sa yapos ni tony at unti-unting lumuluwag ang pakiramdam ko.
"Sa muling pagbaba ng Hari, mawawala din ang lahat ng bagay sa mundo, lahat ng nagdurusa alang-alang sa pangalan niya ay magdiriwang.
Mawawalan ng ulirat ang tao at hindi na sila magkakakilala pa sa panibago nilang buhay na walang hanggan sa paraiso ng kanyang kaharian."
napakunot-kilay ako, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Ang tinutukoy ko ay si Emmanuel.
Ang isang tao na ipinanganak na bulag na nabubuhay sa kadiliman at walang ginawa kundi magreklamo at walang ibang iniisip kundi ang makakita ay mananatiling bulag magpakailanman, ngunit ang isang tao na ipinanganak na bulag ngunit nabubuhay parin sa liwanag at sa pangalan Niya ay makakakita sa araw ng pagbaba Niya at hindi na muling mabubulag magpakailanman"
patuloy pa niya.
"Ano ka ba tony! Ang lalim ng mga binibitawan mong salita!"
pagrereklamo ko.
Napakalas tuloy ako sa yakap niya at nagkatinginan kami.
"ang pagmamahal mo para kay Ron ay pansamantala lang, katulad ng mundong ginagalawan mo. Ang sinasabi ko maita, hindi si Ron ang pinakamahalaga, kaya 'wag mong sabihing wala narin saysay pa ang mabuhay!"
pagkasabi niya'y bigla siyang tumayo at tumindig. May isang bagay akong na-realize sa sinabi niya.
"bumalik na tayo maita, kailangan mong magpahinga, maaga pa tayong aalis bukas.
At bukas, isa ka ng ganap na bampira."
pahuling salita niya.
Lumuhod siya at sinenyasan ako na umangkas sa likod niya.
Walang dalawang isip ay yumakap agad ako sa balikat niya, tapos pagpasan ko sa likod niya ay marahan siyang tumayo at sinalo ng magkabila niyang kamay ang magkabila kong mga hita.
Bigla siyang tumalon, napakataas na talon at nanatili kami ng matagal sa ere, sa ilalim ng bilog na buwan.
Ligaya ang nadarama ko sa moment naming ito, napayakap ako ng mahigpit, komportable talaga ako kapag siya ang kasama ko.
(Kapitulo Biente-Sais)
Alas-onse impunto.
Bagsak ang katawan ko sa kama pagdating namin ni tony sa bahay.
Ito namang si maya ay tulog na tulog sa tabi ko.
Kinumutan ko siya, pinatay ko ang ilaw at sinindihan ang lampshade.
Si tony naman ay pumuwesto sa sofa, sa may sala, habang si jacob ay nakaupo sa sahig at nakasandal lang sa pader.
Dahil sa pagod, nakatulog agad ako.
Sa kahimbingan ng tulog ko, nakaramdam ako ng panlalamig sa may parteng tiyan ko, tapos may nararamdaman din akong mga palad na humihimas-himas sa magkabila kong suso.
"uuhhmmmm...."
Unti-unting nabubuhay ang ulirat ko, at nang hindi na ako mapakali ay bigla kong naimulat ang mga mata ko.
"aahhmmmppp!"
Suminghot ako ng hangin at huminga ng malalim.
Laking gulat ko nang makita kong nakalilis ang damit ko, nakataas hanggang sa leeg ko, at maging ang suot kong bra na mabilis kong inayos.
Nagtataka ako kung bakit naka-lantad ang mga suso ko, ngunit wala namang tao sa paligid.
"hmm...mukhang iniisahan ako ng dalawan 'to ah!"
sa isip ko.
Sino kaya sa kanilang dalawa ang di na matiis ang kalibugan, at pati ako'y pinag-interesan?
Ito namang katabi ko ay parang patay kung matulog!
Nang maayos ko na ang sarili ko ay bumalik na ako sa pagtulog.
Sa pagkakataong ito ay hindi na ako makatulog.
Pumikit na lang ako at pinilit ko ang sarili ko na matulog, ngunit pagpikit na pagpikit ko ay may biglang isang kamay na tumakip sa aking bibig.
"uhmp! uhmp!"
pagmulat ko, ang mukha ni jacob ang nakita ko. Sa isang iglap lang ay nagawa niyang pumatong sa akin. Napabukaka ang mga hita ko tapos dinaganan niya ako, ito namang si maya ay walang pakialam kahit nasisipa ko na siya sa pagkakabilak ko.
Lapat na lapat ang mga katawan namin ni jacob sa isa't-isa.
"shhh..."
Huni niya sa akin habang magkatinginan kami.
Ikinalma ko ang katawan ko para senyasan siya na hindi ako papalag, at dahil do'n ay marahan niyang tinanggal ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko.
"jake, bakit?!"
unang tanong ko.
"mahal kita maita, mahal na mahal. Pagbigyan mo na ako!"
sagot niya.
Umiling-iling ako habang patuloy niyang ikinikiskis ang titi niya sa kiki ko.
"kung talagang mahal mo 'ko jake, bakit mo sa'kin ginagawa ito?"
mariin kong sabi.
"para patunayan kong mahal nga kita maita! 'diba ganito ang ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan?!"
"tama ka jake, pero tinanong mo na ba ako kung mahal kita?"
Hindi ako makapaniwalang magagawa ni jacob sa akin 'to.
Alam kong hindi napipigilan ang pag-ibig, pero hindi sa ganitong paraan.
"uhmp! Wala akong panahong makipagligawan maita, sa panaginip lang nangyayari ang fairy tales."
Bigla niya akong hinalikan sa labi.
Napatulala lang ako sa kisame at itinikom ko lang ang aking bibig.
"kung katawan ko ang gusto mo jake, heto, handa kong ipaubaya sa 'yo, dahil sa laki ng utang na loob ko sayo, pero 'wag na 'wag mong sasabihing mahal mo ako para lang makuha ang gusto mo!"
bulong ko sakanya kasabay ng pagtulo ng luha ko.
Tameme ako at nakatingin lang sa kisame, habang siya ay patuloy lang sa ginagawang paghalik sa aking mga labi at maging sa leeg ko.
Mga ilang saglit pa ay bigla siyang napahinto at nagdukmo sa balikat ko.
Sa katahimikan ng gabi ay narinig ko ang kanyang pagtangis, nasasakdal ang tinig niya sa biglaan niyang pag-iyak.
"Maita, mahal kita! mahal na mahal! Hukhuhuh"
patuloy lang siya sa pag-iyak.
"pero alam kong siya ang mahal mo...patawarin mo'ko maita..."
Naaawa na ako sa kanya. Ngayon nauunawaan ko na siya ng husto.
Kay hirap talagang magmahal, lalo na kung ang taong 'yon ay may mahal ng iba.
Niyakap ko siya ng mahigpit para i-comfort siya.
"tahan na jake! tahan na..."
Tumayo siya at umupo sa tabi ko, sa gilid ng kama. Sinapo ng magkabilang kamay niya ang kanyang mukha.
"Ano bang nangyayari sa'kin?"
tanong niya sa sarili niya.
Hinarap niya ako at naglabas ng matamis na ngiti.
"pasensya ka na maita, wala akong inaatrasan, pero sumusuko ako sa damdamin ko..."
"ayos lang...basta huwag na 'wag mo ng uulitin 'yon ha?"
nginitian ko rin siya.
"ilang daan taon na akong nabubuhay pero ngayon ko lang naramdaman 'to. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil ikaw lang ang babaeng pumansin at nagmalasakit sa akin..."
buong puso niyang pagtatapat.
"jake, mananatili ka sa edad mo habang buhay, kung sakaling makaligtas man ako, paano na kapag tumanda na ako? Siguradong mawawala na 'yang sinasabi mong pagmamahal. Unfair sakin 'yon 'di ba?"
Paliwanag ko.
"kaya mas okay ng magkaibigan nalang tayo, para walang nagkakasakitan..."
patuloy ko.
Hindi na siya sumagot pa.
Lumabas nalang siya ng silid dala ang kalungkutan at pagkabigo niya sa'kin.
Iniisip ko na kung si tony kaya ang gumawa sa akin no'n?
Siguradong wala ng sali-salita at bibigay talaga ako.
To be continued...
Kabilang Mundo (part 9)
by Fiction-Factory
(Kapitulo Biente-Uno)
Napakalakas ni Jacob, lumiyad lang siya ng bahagya at napaalsa na agad ako.
Napabitaw ako sa kanya.
Napaatras ako, natumba at napaupo sa lupa.
Mukhang hindi na siya magpapaawat.
Nagalit na siya ng husto.
Ganito pala siya magalit, nakakatakot, nakakasindak.
Napansin ko ang mga kasama ng lalaki, magsisipagtayuan na sana sila ngunit hindi pa man nila nagagawang tumayo ay inihagis ni jacob ang sinasakal niyang lalaki sa mesa nila.
Tumilapon at parang lumipad ang lalaki sa ibabaw ng mesang pinag-iinuman nila na nasa gitna nila, mesang yari sa kahoy, at sa sobrang lakas ng pagkakahagis niya ay nagsipagtalsikan ang mga baso, bote at lahat ng nakapatong doon, atsaka nawasak ang mesa.
Humandusay ang lalaki at nangingisay sa sakit. Hindi makatayo at namimilipit ang katawan.
Nagulantang naman ang mga kasama niya, akala ko ay susugurin nila at pagtutulong-tulungan nila si jacob, ngunit lahat sila'y nagsitakbuhan maliban sa isang nagtatapang-tapangang tampalasan.
Parang hindi man lang natinag sa pinamalas na paglampaso ni jacob sa kasama niya.
Matangkad siya, mas matangkad kay jacob at bato-bato pa ang matipunong katawan. Wala pa siyang damit at napaka-barumbado niyang tignan.
Lumapit siya kay jacob, ngunit bago pa siya makaporma ay mas nauna ng nakalapit si jacob sa kanya.
Ang bilis! parang hangin si jacob, tapos binigyan niya ng simpleng suntok ang tampalasang lalaki. Isang banayad na suntok sa sikmura.
Pagdampi ng kamao ni jacob sa tiyan ng lalaki ay nanlaki ang mga mata nito, halos lumuwa na ang mga mata niya, napansin ko pang umalsa ang mga paa niya sa lupa at napaatras siya.
Pagkatapos no'n, hinawakan niya ang tiyan niya.
Namimilipit sa sakit at nagsususuka ng dugo habang hindi mawari kung saang direksyon siya tatakbo.
Kanhindig-hindik! Alam kong mahina lang ang pinakawalang suntok ni jacob ngunit napakatindi ng epekto sa lalaki.
Pagtingin ko kay jacob.
Kakaiba na ang aura niya, ang mga mata niya'y naging kulay puti at nawala ang mga eyeballs niya.
Nakakapangilabot ang hitsura niya.
Ganito pala siya magalit!
Kaya pala pinipigilan niya ang sarili niya kanina.
Naku pa'no ko kaya siya pipigilan?
Bakit ko ba siya pinasubo sa away kalye?
Lumapit sa akin ang babaeng ipinagtanggol namin, niyakap niya ako at pareho kaming nakatingin kay jacob.
"Pigilan mo siya! kundi mawawala siya sa kanyang sarili at kahit tayo'y hindi na niya makikilala! Baka may mapatay siya at baka pati tayo ay patayin niya."
sabi niya.
Nagulat ako sakanya, pa'no niya nalaman ang bagay na 'yon? Kilala ba niya si jacob? Ba't gano'n siya magsalita?
Mula sa hindi kalayuan ay may isang lalaking papalapit sa amin, papalapit kay jacob.
Natitiyak kong hindi siya kasama ng mga balasubas na 'yon.
Magpapakamatay ba ang lalaking ito?
Kung ako sakanya ay hindi ko na lalabanan si jacob, dahil sa pambihirang lakas niya ay siguradong mamamatay lang din ako.
Nilingon siya ni jacob, tapos biglang lumabas ang nakakapangilabot niyang higanteng wolf na si saiyha sa harap niya na hindi ko alam kung saan nanaman nagmula.
Teka, mukhang hindi lang si saiyha, kundi tatlong wolf ang lumabas kay jacob.
RROOOAAAARRR
Tumakbo sila ng mabilis.
Sinalubong nila ang lalaking papalapit,
at habang naglalakad ang lalaki ay may iba't-ibang anyo at hugis ang nililikha ng kanyang mga daliri, tapos parang may mga katagang binubulong siya, at nang mapatingin ako sa mga mata niya, biglang may kulay pulang umiikot-ikot sa mga eyeballs niya. Napakabilis at parang aspiral.
Biglang nanikip ang dibdib ko, nahihirapan akong huminga.
"ano kayang nangyayari?"
sa isip ko habang hinahabol-habol ang hininga ko.
Teka! Ba't hindi ako makagalaw?
at bakit lahat sila ay napahinto rin?
Parang mga estatwa at sa isang iglap lang ay natigilan ang lahat.
Maging ang tatlong wolf ay natigilan din.
An all of a sudden pause.
Hindi ako makakilos at wala akong magawa kundi isunod ang mga eyeballs ko sa lalaki.
Siya lang ang natatanging tao ngayon na nakakakilos at nakakalakad sa mga oras na 'to.
Ibig sabihin, siya ang dahilan kung bakit hindi kami makagalaw! Anong klaseng majika kaya ang ginagamit niya?
Lumapit siya kay jacob, tapos narinig ko siyang nagsalita.
"Bakit mo sinasayang ang lakas mo sa mga mortal, Jake? Hanggang ngayon talaga hindi mo parin kayang pigilan ang sarili mo!"
sabi niya kay jacob habang pailing-iling ang ulo.
Mukhang kilala ng lalaking ito si jacob.
Tapos may dinukot siya sa loob ng jacket niya, parang stainless na lalagyan ng alak.
Tama, alak nga na kanyang ininom.
Hindi rin nagtagal ay nakagalaw din ako at nanumbalik sa normal ang paghinga ko, dahil kung nagtagal pa ako sa gano'n ay malamang ikamamatay ko.
Gayundin, nagbalik na sa dati ang lahat, parang bumalik na muli sa pagikot ang oras.
Bigla namang naglaho at nabura muli sa hangin ang mga wolf, habang si jacob ay napaluhod sa lupa.
Parang pagod na pagod at hingal na hingal, at ang mga kuko niya at mga mata ay nagbalik narin sa normal.
Ngunit bigla siyang nawalan ng malay at tuluyang bumagsak at napadukmo ang katawan niya sa lupa.
Sumunod ay lumapit ang misteryosong lalaki sa katabi kong babae.
Matatalim ang mga matang itinuon niya sa babae.
Pinagmasdan ko ang mukha niya, napakaamo at napakabait, tila ba nakita ko na siya kung saan, at parang magaan at panatag ang loob ko sakanya.
"Sino ka nga bang talaga huh?! bakit hindi ka tinablan ng jitsu ko?"
tanong niya sa babae.
Teka! Jitsu? Parang narinig ko na ang salita, pero 'di ko matukoy kung saan, at bakit kaya hindi tinablan ang babaeng ito?
"tignan mo nga naman ang pagkakataon, ito ba'y naka-tadhanang kapalaran?!"
ang malalim na katagang naisagot ng babae ng may matamis na ngiti sa mukha.
Ano kaya ang ibig niyang sabihin?
Panandaliang natahimik ang paligid.
Tumakbo ako papunta kay jacob, gayundin ang babae at iniwan lang ang kausap niyang misteryosong lalaki.
"tara kuya, magpunta tayo sa bahay ko, gamutin natin ang pasa mo sa mukha."
kinakausap niya si jacob kahit alam naman niyang wala siyang malay.
"teka binibini, sa kinikilos mo mukhang kilala mo si jacob, sino ka nga bang talaga?"
hindi ko na matiis kaya nagtanong na ako.
"hmp! Hindi lang si kuya jacob, pati ikaw at si kuya tony."
sagot niya habang ipinapatong ang kamay ni jacob sa balikat niya.
"huh?! tony preacher ba? kilala mo rin siya? Pa'no mo kami nakilala?!"
napahinto siya sa tanong ko at tinignan niya ako sa aking mga mata.
"hindi mo na ba ako natatandaan ate maita? Ako si maya."
nagtatakang tanong niya habang magkatinginan kami.
Panandalian akong nag-isip.
Humugot ng ala-ala sa aking isipan.
Kilala ako ng babaeng ito, samantalang ngayon ko lang siya nakita.
"Maya??x?!"
maya. maya. maya.
Binuhay ko ang ala-ala ko pero hindi ko talaga siya matandaan.
"talagang hindi mo siya maaalala dahil nakilala mo siya sa kabilang mundo"
sabat naman ng lalaking nasa likod namin.
Naalala ko bigla ang sinabi sa'kin ni jacob.
Hindi ko maaalala ang mga nangyari sa akin nung mga oras na patay ako.
"kung gayon, hindi ka rin niya natatandaan kuya tony?"
hinarap ni maya ang lalaki.
"Tony?!"
nanlaki ang mga mata ko at marahang nagpukol ng tingin sa lalaki.
Ang lalaking ito ba ay ang tinutukoy ni jacob na kauna-unahang human vampire?
Ang lalaking napagkamalan ni daddy na bumuhay sa 'kin at ang lalaking nakasama ko sa kabilang mundo?
Kaya pala napakagaan ng loob ko sakanya dahil malaki ang utang na loob ko sakanya.
Pero ang sabi ni daddy at ni jacob ay patay na si tony, pero heto ngayon siya nakatayo sa harapan ko at buhay na buhay.
"teka! teka! Pwede bang sa bahay na tayo mag-usap? Baka hindi na magising si kuya jacob niyan eh!"
si maya.
(Kapitulo Biente-Dos)
".....at 'yon ang totoong nangyari. Patawarin mo 'ko maita, kung ako lang sana ang nagbalik ng buhay mo ay hindi ka na hahantong sa ganito."
Pinaliwanag ni tony sa akin ang lahat ng nangyari sa amin sa kabilang mundo, at maging ang puno't-dulo ng misteryong nangyayari ngayon sa buhay ko.
Nakatayo siya sa tabi ng pinto, habang kami ni maya ay nakaupo sa sofa sa tapat ni jacob na nakahiga naman.
Si maya na nakasama din namin noon ang nagpatunay sa lahat ng kanyang sinabi, dahil kung hindi ay hindi ko talaga siya paniniwalaan dahil umiinom siya ng alak habang kinakausap ako.
May baon siyang lagayan ng alak, isang 250ml stainless steel na sakto lang sa bulsa.
Tinotongga niya 'yon paminsan-minsan.
"pero bakit si maya naaalala niyang lahat?!"
sumunod kong tanong.
"hmm... hindi ko nga rin alam eh! Hindi ko rin alam kung bakit hindi rin tumalab sa kanya ang genjitsu ko. maya, bakit nga ba?"
pagtataka din ni tony.
"dahil nagmula siya sa lipi ng mga matatapang na nilalang, walang bahid ni katiting na takot! Siya ang hinahanap natin"
si jacob ang sumagot na biglang bumangon sa sofa.
Sa wakas ay nagising din siya.
"huh?! Ikaw ang huling witchcrafter?"
Bigla kong hinarap si maya at napahawak sa mga balikat niya.
"naku naku hindi! Ako man nagtataka kung bakit ako muling nabuhay eh! at hindi ko rin alam kung bakit naaalala ko ang mga naganap sa kabilang mundo"
naging siryoso ang hitsura niya.
"pero ayon sa lola ko, nagmula din kami sa lahi ng mga witch! Mukhang siya ang makakasagot sa mga tanong niyo"
sambit niya.
"ah talaga?! Sa pagkakaalam ko, naputol na ang lahi ni King Potter sa panahon ni Hansel at Gretel."
ayon naman kay jacob.
"Tama! Ngunit galing kami sa lahi ng half-human, half-witch. Sa panibagong lahi ni Hansel."
sagot naman ni maya.
"edi isa ka ngang witch?!"
tanong ko.
"hindi nga ako witch! Sa pag-usad ng panahon, hindi na naisalin ang paggamit ng salamangka ng mga witchcrafter para sabayan ang makabagong panahon. Gawa narin ng takot nila na baka maulit nanaman ang ginawa ng taong-bayan sa mga ninuno namin. Walang awa nilang sinunog ang mga bahay at ang lahat ng witch, sinunog nila ng buhay."
paliwanag ni maya.
"pero maya, ayon sa mga ninuno ko, imortal daw ang huling witchcrafter, kung isa kang witch, siguradong kilala mo siya."
wika ni jacob.
"kilala ko siya pero hindi ko pa siya nakita. Siya ang kaisa-isang anak ni Gretel. Ang pangalan niya ay Maria. Si lola, mas higit niya tayong masasagot."
"kung gayon, ano pang hinihintay natin? Puntahan na natin ang lola mo"
Sabat ni tony habang tinotongga nanaman ang hawak niyang alak.
Naagaw niya ang pansin ni jacob.
"oh tony, buhay ka na pala..."
Naitanong niya.
Tatlo na kami ngayong namatay at muling nabuhay.
Napakahiwaga, hindi kapani-paniwala pero heto at nangyayari na nga.
"'wag kang magtaka jacob, alam mo namang immortal tayo."
Sagot ni tony sabay toma nanaman sa hawak niyang alak.
"magdiwang ka na tony, ilang beses ka na ring namatay at nabuhay, mukhang mamalasin ka na sa susunod!"
banta niya kay tony at masama ang tingin nila sa isa't-isa.
"uhm. Magpahinga muna kayo dito. Palipasin na natin ang gabi. Bukas, tatahakin natin ang bayang pinagmulan ko. Sa bundok makiling"
sambit ni maya.
Nagkatinginan kaming dalawa ni jacob nang marinig ang salitang bundok.
Mukhang ito na nga ang hinahanap naming bundok sinai.
Umaayon sa amin ang pagkakataon.
"bundok makiling?!"
pagkumpirma ko.
"oo. ang Bundok Makiling o ang makasaysayang bundok ng sinai"
Tumpak!
(Kapitulo Biente-Tres)
Malamig ang hangin at napakasarap matulog.
Ngunit heto ako, gising na gising at hindi makatulog.
Nakaramdam ako ng pagkagutom, nagtataka ako dahil kakakain lang namin kanina pero gutom nanaman ako.
Pagtingin ko sa wallclock, pumalo ng alas-diyes ng gabi.
Tutal maaga pa, bumangon ako para bumili ng makakain sa labas. Hindi ko na ginising ang katabi kong si maya, at maging si tony at jacob.
Paglabas ko ng apartment, suminghot agad ako ng hangin.
Maaliwalas ang gabi, kay daming tao sa kalsada. Isang tipikal na makabagong siyudad.
Naglakad ako at naghanap kung ano'ng makakain.
Nadaanan ko ang isang kainan ng mami, siomai at dimsum. Tamang-tama, ito ang gustong-gusto kong snacks sa mga ganitong oras.
Umorder ako ng mami at dimsum at pagkatapos umupo sa tabi ng isang babaeng kumakain din.
"miss, makikiupo ha?"
Paumanhin ko.
Tumango lang siya at hindi na kumibo.
Teka! Parang pumait ata ang panlasa ko ah! Wala naman akong lagnat o sakit, malamang mapait lang talaga ang mami na 'to. Dahil sa gutom ko ay tinuloy ko parin ang pagkain. Dire-diretso ang pagsubo ko ng noodles at dimsum, ngunit mga ilang saglit lang ay naramdaman kong biglang sumakit ang tiyan ko, parang bumaliktad ang sikmura ko.
"aaahhhggg"
ang sakit! Napahawak ako sa tiyan ko at nakabig ko pa ang bowl ng mami na tumilapon sa mesa.
"miss, ayos ka lang?!"
bigla namang naalarma ang babaeng katabi ko na hinimas-himas pa ang likod ko.
Pinagtinginan ako ng lahat ng taong nasa paligid.
"ayos lang ako"
Pagkukunwari ko para maiwasan ang ano mang eskandalo o kahihiyan kahit pa sobrang nahihirapan na ako.
Pakiramdam ko ay parang maduduwal ako at sa isang iglap lang ay bigla akong nagsususuka. Inilabas ko ang lahat ng kinain kong mami at dimsum.
Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit ganito ang pakiramdam ko?
Parang ayaw tanggapin ng sikmura ko ang kinain ko.
"Honey, pumunta ka muna dito bilis!"
isang tawag sa cellphone ang ginawa ng babaeng katabi ko.
"okay ka lang miss?! Hintayin natin yung boyfriend ko, dadalhin kita sa ospital"
pagmamalasakit niya.
"hindi na miss. Ayos lang ako. salamat nalang..."
pagtanggi ko.
Mukhang bumubuti narin kasi ang pakiramdam ko matapos kong isuka ang lahat ng kinain ko.
"sigurado ka? Naku baka naglilihi ka rin katulad ko?"
sabi pa niya.
"naku miss, hindi naman ako naglilihi. Wala lang ito, napakabuti mo"
pinunasan ko ang bibig ko maging ang mga mata ko.
Napaluha ako dahil sa pagsusuka, ngunit may halong luha nang maalala ko ang nobyo ko.
Paano ako maglilihi kung matagal ko ng hindi nakakapiling ang nobyo kong si Ron.
Kumusta na kaya siya? Alam kaya niya na muli akong nabuhay? Ano kayang ginawa niya nang mga panahong patay ako?
Teka! Naisip ko kaya na puntahan siya nang mga panahong kaluluwa ako? Ang tanga ko, ba't di ko naitanong kay maya ang bagay na 'yon?
"naglilihi ka pala? Sa tingin ko napakabata mo pa para magbuntis"
nakipagkwentuhan muna ako habang hinihintay ang tuluyang paghupa ng nararamdaman kong sakit.
"oo nga eh. Hindi kasi marunong mag-ingat ang boyfriend ko."
sagot niya.
"teka, ano nga palang pangalan mo?"
tanong niya ng may ngiti sa mga labi.
"maita. Eh ikaw?"
"ako nga pala si Lisa."
sagot niya habang inaabot niya ang kanyang kamay.
To be continued...
Kabilang Mundo (part 8)
by Fiction-Factory
(Kapitulo Disin-otso)
"teka, teka! ang wolverine ay isang uri ng mabangis na oso, at ang wolf ay isang uri ng aso naman. Paanong ang isang werewolf na tulad mo ay nagmula sa wolverine?"
pagtataka ko.
"uhm. Mali ka! Ang wolverine ay ang pinakamataas na uri ng Fox, at ang fox ay isang uri ng wolf"
"gano'n ba.... Eh ano naman ang kailangan nila sa akin?"
muling tanong ko.
"Si tony na nakasama mo at tumulong sa iyo sa kabilang mundo, hindi ko alam ang dahilan kung bakit ka niya tinulungan, pero si marcus, pinatay ka talaga niya para muli kang buhayin."
sagot niya.
"bakit nga?!"
naiirita na talaga ako dahil binibitin-bitin pa niya ako.
"para maging human vampire din siya."
patuloy niya.
"mula kaninang madaling-araw ng iyong pagkabuhay hanggang sa ikatlong araw ay magiging bampira ka na, pagkatapos, sa ikapitong araw naman ay kukunin na ni marcus ang katawan mo, para ito ay maging kanyang human body"
"huh?! Ang ibig mong sabihin, sasaniban niya ako?"
"Hindi siya sasanib sayo, siya ay magiging ikaw, at ikaw ay magiging siya, at kapag dumating ikapitong araw...."
bigla siyang natigilan at naging malungkot ang hitsura niya.
"ano?! ano'ng mangyayari?!"
"mamamatay ka na at siya na ang mabubuhay sa katawan mo, sa katauhan mo.."
nagulantang ako sa sinabi niya, hindi ko na alam kung anong iisipin ko.
Kukunin niya ang katawan ko at tatanggalin ang kamalayan ko?
Napakahirap isipin.
"at ano naman ang magagawa mo tungkol dito? at bakit mo'ko tinutulungan?"
gusto ko ng maiyak sa nangyayari, totoo man ito o hindi, mas mataas parin ang posibilidad na totoo nga ang kanyang sinasabi.
Sino ba naman ang magaakalang, mabubuhay pa ang dalawang araw ng patay, at sa pinakita niyang milagro sa pagiging werewolf niya.
Para akong nanlalambot at nawawalan ng pag-asa, gusto ko ng bumalik sa dati kong buhay, normal at payapa.
"'wag mong isiping tinutulungan kita. Kung tutuusin pwede na kitang patayin ngayon, ngunit 'pag ginawa ko 'yon, mapapadali lang ang pagkabuo ang ritwal ni marcus, at lalo lamang siyang lalakas"
Bigla naman akong natakot sakanya sa sinabi niyang 'yon.
Ako pala ay isa lang pain sa ngayon, walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ako o mamamatay.
"Ano naman ang gagawin natin ngayon para mapatay si marcus? at kapag namatay siya, may pag-asa pa ba akong mabuhay?"
pag-aalala ko.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"gaano ba kahalaga ang buhay mo? gaano ba kahalaga ang buhay ninyong mga tao sa lupa?
Hindi ba't sinasayang niyo lamang sa mga walang kwentang bagay? Nagtatrabaho kayo araw-araw, minimithi ninyo ay marangyang buhay, salapi, pag-aari, o anumang walang kwentang materyales.
Sinasabi niyo'y may pangarap kayo, ngunit ang katumbas naman ay pera.
Hindi kayo kikilos ng walang bayad.
Makakaya niyo bang magkawang-gawa ng walang kapalit?
Makakaya mo bang mamatay para sa iyong kapwa tulad ng inyong mga bayani?
Kaya mo bang magtiis sa kahirapan ng hindi naiinggit sa mas nakakaangat?
Hindi. Hinding-hindi! dahil nabubuhay kayo sa kasakiman, makasarili kayo at kayo-kayo lang din ay nagpapatayan, nagkakasakitan, nag-aagawan imbes na magbigayan. Sa paghahangad niyo ng labis, kayo-kayo lang nagnanakawan, naglalamangan. ni hindi ninyo alam kung ano ang pinakamahalagang bagay sa mundo, ni hindi ninyo alam kung bakit kayo nabubuhay sa mundo.
Ngayon sabihin mo, mahalaga pa ba ang buhay mo?"
Nanlaki ang mga mata ko sa mga mabibigat na katagang binitawan niya.
Kilalang-kilala niya ang mga tao, ngunit iba sa pagkakaunawa ko.
"huwag na huwag mong huhusgahan ang mga tao sa lupa. Hindi mo alam ang hirap na pinagdadaanan nila. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang dahilan sa kanilang kanya-kanyang gawa"
"walang kwenta! walang kwenta ang paghihirap niyo! Pare-pareho lang kayo! hindi mo ba napapansin? May trabaho na kayo pero hindi pa kayo makuntento, malaki na ang sahod niyo ngunit nagkukulang parin, marangya na ang buhay niyo pero nahihirapan parin kayo! Masyado kayong abala sa kakareklamo, ngunit ni minsa'y hindi nagpasalamat. Tignan mo ang taong asensado, may magarang kotse, marangyang buhay at matatag na hanap-buhay, ngunit masaya kaya siya kung maraming galit sa kanya? Tinitiyak ko sayo, hindi parin siya kuntento. hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao. Ngunit ang sinasamba niyo'y salapi at patuloy kayong nabubulag."
patuloy niya.
Hindi na ako makasagot sa sinasabi niya.
"maita, ang sinasabi ko lang, binigyan ka ng ikalawang buhay na ang katumbas ay ikalawang pagkakataon, sana'y wag mo ng sayangin at sana'y maging makabuluhan."
Nakuha ko na ang nais niyang iparating.
Na sana'y kaya kong isakripisyo ang buhay ko alang-alang sa kapakanan ng nakakarami, para hindi na mabuhay si marcus at para matigil na ang lahat ng ito.
Bahala na.
Kung sakaling mamatay ako, nawa'y maging makabuluhan.
Tumayo ako at tumindig.
"Jacob... Handa na ako!"
(Kapitulo Disin-Nueve)
Naglalakad kami sa gilid ng kalsada sa isang siyudad, sa bayan ng Koso.
"Sigurado ka ba sa pupuntahan natin?"
tanong ko kay jacob.
"uhm. sa totoo lang hindi, dahil ngayon lang ako pupunta don, pero ayon sa mga ninuno ko, dito nga ang daan papunta sa bundok ng Sinai."
sagot niya.
"ba't di kaya tayo magtanong-tanong?"
suwestiyon ko.
Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako.
"sa henerasyon ngayon, hindi na Sinai ang pangalan ng bundok na 'yon. Isa pa, walang dapat makaalam nito."
paliwanag niya.
"galit agad?"
inasar ko pa siya.
Umiling-iling lang siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Hapon na ng mga oras na 'yon.
Mga pasado alas-singko na.
"ano ba kasi ang bundok na 'yon?"
muli akong nagtanong.
"'yon ang makasaysayang bundok ng mga witchcrafters"
"mga mangkukulam o mangbabarang?"
"hindi. Hindi black magic ang gamit nila. Mga sorcerers sila na nagmula sa angkan ni King Potter na nabuhay ilang libong taon na ang lumipas"
"ilang libong taon? May matagpuan pa kaya tayo don?"
"uhm. Ayon sa kasaysayan ng mga ninuno ko, lahat ng angkan ni King Potter ay pinagpapatay ng mga masasamang blackwitch, ngunit may magkapatid na kambal na whitewitch ang nakaligtas.
Sila ang Legendary twin blackwitch hunters, sina Hansel at Gretel, ang mga kauna-unahang human witchcrafters.
Sila ang naghiganti para sa lahi nila, nilipol nila at inubos ang lahat ng blackwitch.
Sa kasamaang palad, namatay si Hansel sa malubhang sakit, ngunit si Gretel naman ay nagkaanak sa isang binatang tao, at ang anak nila ang hahanapin natin ngayon"
paliwanag niya.
Unti-unti ay nauunawaan ko na ang lahat, napagdugtong-dugtong ko na ang mga detalye.
"ilang siglo na ang nagdaan, buhay pa kaya ang anak nila?"
pagtataka ko.
"oo, dahil ang dalagang 'yon ay isang immortal, dahil sa nilikha niyang witch-hazel"
"witch-hazel? Ano naman 'yon?"
"ang witch-hazel ay isang magical potion na parang lotion na pinapahid, na kayang buhayin ang patay na. Ginawa niya 'yon dahil gusto niyang buhaying muli ang angkan niya. Ngunit nabigo siya, dahil hindi niya naperpekto ang potion"
nagsimula nanamang kumunot ang mga kilay ko.
"ah talaga? Eh anong nangyari?"
"imbes na bumuhay ng patay ang ginawa niyang witch-hazel, iba ang naging resulta, ang nilikha niya ay kayang gawing immortal ang sino mang mapahiran ng lotion na ito."
Napabugtong-hininga siya.
"sinubukan muna niya iyon sa isang patay na lobo, isang di pangkaraniwang lobo na kasingbangis ng jaguar, nabuhay ang lobong 'yon ngunit naging higante siya at naging supernatural being, gayun din, 'di sinasadyang napahid sa isang paniki, at ganun din ang nangyari sa paniki, nagkaroon sila ng kakaibang lakas at kapangyarihan. Ang lobong 'yon ay si william, ang ama ko...at ang paniki ay si marcus, ang ama ni tony. Gano'n ang naging epekto ng witch-hazel sa mga hayop."
Parang hindi ganito ang pagkakaalam kong pinagmulan ng vampire at werewolf ah! Ibang-iba sa mga napapanood kong pelikula.
Nalilito na ako ngunit kahit papa'no nakukuha ko parin ang tinutukoy niya.
"at kung sino ang lumikha, siya rin ang pupuksa, kaya dapat makita na natin ang babaeng iyon"
patuloy niya.
"ibig mong sabihin hindi mo kilala ang babaeng 'yon, ni hindi mo alam ang pangalan niya?"
pag-aalala ko. para kaming naghahanap ng karayom sa dayami nito.
"sa kasamaang palad, hindi ko pa siya nakikita, ni hindi ko alam kung anyong tao ba siya o kung ano pa man".
(Kapitulo Biente)
Sa kalagitnaan ng paglalakad namin, nakita namin ang isang babae na binabastos ng mga kalalakihang umiinom sa harap ng isang tindahan.
"bitawan mo akkoohh!"
pagmamakaawa ng babae sa isang lalaking hawak-hawak ang kamay niya.
"sige na miss, pagbigyan mo na kame! Hahaha"
pilit pinapaupo ng lalaking ito ang babae sa tabi niya habang ang mga kasamahan niya'y walang humpay na nagtatawanan.
Kumunot ang mga kilay ko, galit na galit ako sa nakikita kong pambabastos.
Lalapitan ko na sana sila para tulungan ang babae ngunit kinabig ni jacob ang balikat ko.
"'wag mo na silang pakialaman pa! Maaantala lang ang paghahanap natin sa last witchcrafter."
pagpipigil niya sa'kin.
Tinignan ko ng matalim si jacob.
"kung ikaw kaya mong tiisin 'to, ako hindi!"
buong puso kong sabi sabay tapik sa kamay niya.
Huminga siya ng pabagsak.
"mga tao talaga! masyadong pakialamero! Tara!"
hindi rin niya siguro matiis.
Lumapit kami sa kinaroroonan ng tindahan.
Panatag ako dahil werewolf ang kasama ko.
Kahit anim pa sila na puro malalaki ang katawan ay siguradong tataob kay jacob.
"ginoo, pwede po bang pakibitawan niyo ang babaeng ito?"
nabigla ako kay jacob, akala ko susugurin niya agad ng aksyon ang lalaki, ngunit bakit siya nakikiusap?
"bakit?! sino ka ba?!"
Napatingin sakanya ang lalaki, nangangalit ang mga mata, gayundin ang babae ay nagulat din sa entrada niya, habang ang mga kasama naman ng lalaki ay nagsipagtayuan sa kani-kanilang inuupuan.
"teka, teka mga ginoo, hindi ako naghahanap ng away, gusto ko lang sanang tigilan niyo na ang babaeng ito"
sambit ni jacob habang tinataas ang magkabilang kamay.
"o relax lang kayo d'yan. kayang-kaya ko na 'to!"
Sabi ng lalaki habang winawagayway ang kamay sa mga kasama niya, senyales na pinapaupo niya ang mga ito.
Muli naman silang nagsi-upo at itinuloy ang inuman.
"gano'n ba?! Edi tigilan! Hahaha"
nakakalokong sagot ng lalaki kay jacob.
Binitawan nga niya ang babae, ngunit bigla akong nakaramdam ng kaba nang humakbang ang lalaki palapit kay jacob.
Paglapit na paglapit palang ng lalaki ay inihanda niya ang kanyang kamao at biglang nagpakawala ng malakas na suntok sa mukha ni jacob.
PAK!
Sapul!
Sumalpok si jacob sa tabi ko.
Humandusay siya sa lupa, at hindi agad nakabangon.
"jacob! jacob!"
lumuhod ako sakanya at inalog-alog ko siya sa balikat.
Ba't kaya niya hinayaang masuntok ng lalaking 'yon?
Marahan siyang bumangon, at sa pagtayo niya ay napansin ko ang mga mata niya, napakatalim, parang mata ng isang tigre na nanlilisik sa galit, nakakatakot at lubhang mapanganib.
Muli niyang hinarap ang lalaki. Akala ko lalaban na siya ngunit iba nanaman ang narinig ko sakanya.
"Nakikiusap ako, tigilan mo na ang babaeng ito at hayaan mo na kaming makaalis"
Biglang natigilan ang lalaki sa sinabi ni jacob, maging ako ay natigilan, tapos bigla nalang silang lahat ay nagsipagtawanan.
"hahaha bakla ka ba? hahaha nakikiusap, ba't di ka lumaban? Duwag ka! Hahaha"
pinagtawanan nila si jacob.
Bakit nga ba ayaw lumaban ni jacob? kung tutuusin kayang-kaya naman niya ang mga mayayabang na 'to, o kaya nama'y palabasin niya nalang si saiyha, siguradong magsisipagtakbuhan na ang mga ito.
"ginoo, ayoko lang ng awa-ay-"
hindi pa man natatapos magsalita ni jacob ay muli na naman siyang sinuntok sa mukha ng lalaki.
PAK!
Muling tumalsik si jacob at napaluhod sa lupa.
"tama na!! tama na!!"
sigaw ko sa mga lalaki.
"hindi niyo ba nakikita?! Hindi siya lumalaban! Mga hangal kayo! sa tingin niyo matatapang na kayo? sa tingin niyo mga totoong lalaki kayo?!"
mariin kong pagbanggit.
Napansin kong palapit sa akin ang lalaki kaya sinalubong ko na siya.
"sige! sige! susuntukin mo 'ko?! sige lang! ikaw ata ang bakla eh! pumapatol sa babae! Mga hangal kayo! Mga salot sa lipunan!"
Buong tapang kong sinabi.
Napaatras ako nang mapansin ko siyang kumuha ng buwelo, tinaas ang kanang braso at pinorma ang kamay para sa isang malakas na sampal sa akin, ngunit hindi pa man niya naibabagsak ang palad niya sa pisngi ko ay biglang sumulpot si jacob sa harapan ko, sa mismong pagitan namin ng lalaki.
Sinakal niya ang lalaki gamit ang kaliwang kamay niya, tapos iniangat niya sa ere, pilit namang tinatanggal ng lalaki ang pagkakasakal ng kamay ni jacob sa kanya, pero hindi niya matanggal, umangat ang buong katawan ng lalaki kahit malaki ang katawan niya, ang mga paa niya'y hindi narin dumadampi sa lupa.
Napansin ko ang kanang kamay ni jacob, unti-unting humahaba ang mga kuko niya, napakatalim, napakatutulis, mukhang sing-tigas ng asero.
Bigla akong nakaramdam ng takot, takot na baka mapatay ni jacob ang lalaki, kaya mula sa likod ni jacob ay niyakap ko siya, ginapos ko ng yapos ang katawan niya.
"jacob, jacob! tama na!"
paulit-ulit kong sinasabi.
To be continued...
Kabilang Mundo (part 7)
by Fiction-Factory
(Kapitulo Katorse)
Malabo....
Malabong-malabo ang nakikita ko, nahihirapan kong ibuka at imulat ang mga mata ko. nanlalambot ang buo kong katawan, ni hindi ko maiangat ang aking mga kamay.
"Gising na po siya ginoong navarro"
May naririnig akong boses, parang boses ng mga lalaking nag-uusap.
Naaaninag ko ang dalawang anyo ng tao, ngunit hindi pa maklaro sa isip ko ang mga hitsura nila.
"Maita....maita....anak!"
Teka, boses ni daddy 'yon ah! Hindi ako pwedeng magkamali, boses nga ni daddy ang naririnig ko.
Pinipilit kong iminulat-mulat ang mga mata ko para luminaw ang aking paningin.
May apoy....
May naaaninag akong apoy.
Nagliliyab at mainit na dalawang tumpok ng apoy.
Pumikit ako at sa muling pagmulat ko ay nakita ko na ng malinaw ang mukha ni daddy, katabi ang isa pang lalaki.
Umiling ako ng bahagya, nakita ko rin ang tumpok ng nagliliyab na apoy sa tabi ko, at sa di kalayuan ay isa pang tumpok ng apoy.
Ano kaya ang mga apoy na 'yon?
Kinilabutan naman ako ng husto nang
napagtanto ko na nakahiga ako sa dayami at nang mapansin ko ang suot ko, hindi ako pwedeng magkamali, natitiyak kong wedding gown ito ni mommy.
Ngunit bakit ko ito suot ngayon?
at bakit may mga kandila at mga rosas na nakapalibot sa akin?
"maita! maita! Nabuhay ka nga anak ko! Huk! huk! huk!"
hindi ko maintindihan ang sinasabi ni daddy, at hindi ko alam kung bakit siya umiiyak.
Teka! Nasaan ako?
Malamlam kong iginala ang paningin ko sa paligid, bakit ako nandito? alam ko ang lugar na 'to. Ito ang ilog jordan, dahil dito namin sinunog ang bangkay ni mommy.
Pilit kong binubuhay ang ala-ala ko, pilit kong iniisip kung ano ba ang huli kong ginawa at kung bakit ako napadpad dito.
"aaahhhgg"
Biglang kumirot ang ulo ko, parang may naipit na ugat sa utak ko.
Inilusot ni daddy ang kamay niya sa likod ko tapos Iniangat niya ang balikat ko atsaka niya ako niyakap ng mahigpit.
Tuloy parin siya sa pag-iyak niya.
"maita anak ko! Muli ka ngang nabuhay! Isa itong himala! Huhuhu"
paulit-ulit niyang sinasambit.
Nasasakdal pa ang kanyang tinig.
Bigla nalang umikot ang paningin ko, bigla akong nahilo.
May kamay na lumusot sa ilalim ng mga hita ko, tapos naramdaman kong biglang umangat ang buo kong katawan, natitiyak kong binuhat ako ni daddy.
"Dalhin natin siya sa ospital!"
narinig ko sakanya.
Kalong-kalong ako ni daddy atsaka siya tumayo at itinakbo niya ako.
Muling kumikipot ang paningin ko, parang nayayanig ang buong paligid dahil sa kakatakbo ni daddy.
Kasunod namin ang hindi ko nakikilalang lalaki, tama, completely stranger siya dahil ngayon ko lang siya nakita.
Nakilala ko ang loob ng sasakyan ni daddy, inihiga niya ako sa backseat.
Sumakay agad sila sa harapan, si daddy sa driver seat at ang lalaki ay sa tabi niya.
Pagkaandar ng sasakyan, nawalan ako ng malay at ulirat.
(Kapitulo Kinse)
TICTAC TICTAC TICTAC
rumerehistso sa isipan ko ang tunog ng wallclock.
Pagmulat ko nakita ko si daddy na nakadukmo sa tagiliran ko.
Hawak niya ang kamay kong may nakatusok na karayom.
Ahh nakahiga ako ngayon dito sa ospital.
Ginalaw-galaw ko ang mga daliri ko para gisingin si daddy.
"huh??!x!"
nagulat ko pa ata siya at napaharap sa akin.
"o anak, gising ka na pala!"
Isang matamis na ngiti ang nakita ko sa mukha niya.
Parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, tila ba kay tagal-tagal ko na siyang hindi nakikita.
"Dad, gutom po ako..."
malamlam at mahinang sambit ko.
Tumayo si daddy at hinalikan niya ako sa noo, kasabay ng pagdampi ng palad niya sa pisngi ko.
"Anak, hintiyan mo'ko, bibilhin ko yung paborito mong pagkain"
masiglang sabi niya.
Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya palabas ng pinto.
Parang ibang tao siya, parang hindi ko siya kilala na para bang ngayon ko lamang siya nakita.
Iginala ko ang mga mata ko sa paligid.
Bukod sa tipikal na kwarto ng ospital ay napansin ko rin ang suot ko,
alam ko kanina suot ko ang damit pang-kasal ni mommy.
Uh marahil pinalitan na ng ospital.
Pumikit ako at pilit kong inaalala ang mga lumipas na pangyayari.
Sa pagkakatanda ko, natutulog ako nang gabing 'yon sa kwarto ko, oo tama! sa mismong kwarto ko, tapos........ tapos nagising na ako sa ilog jordan?! at napadpad na ako dito sa ospital??x?!
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay biglang bumukas ang pinto.
Si daddy! bitbit ang paborito kong Mr. Crab's beef burger in spicy corned carne sauce.
Tinulungan akong umupo ni daddy, inalalayan niya ang balikat ko, inabot sa akin ang burger atsaka siya umupo sa tapat ko.
"ano po bang nangyari dad? ba't nasa ilog jordan tayo kanina?"
tanong ko sabay kagat sa burger.
Naging siryoso ang kanyang aura, humugot ng malalim na hininga.
"pa'no ko ba ipapaliwanag anak. uhm.."
para siyang nagaalinlangan magsalita, parang bumubuo pa ng magagandang katagang kanyang sasabihin.
"diretsahin niyo nalang po ako dad. Bakit suot ko kanina ang wedding gown ni mommy"
napatingin siya sa akin na parang may pagkagulat.
"kase anak..uhm.."
muli siyang nagpakawala ng malalim na hininga.
"kase anak, iki-cremate ko na sana ang bangkay mo kanina sa ilog jordan, tulad ng ginawa natin sa bangkay ng mommy mo..."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni daddy at napatigil pa ako sa pagnguya ng burger.
"oo anak. tama ang narinig mo! Susunugin ko na sana ang katawan mo dahil patay ka na"
patuloy niya.
"patay??x?!"
kinapa-kapa ko pa ang sarili ko.
"oo anak. Dalawang araw ka ng namatay ngunit kanina, muli kang nabuhay.."
paliwanag niya.
"dalawang araw?! ako po namatay at muling nabuhay?!"
kayhirap paniwalaan ang sinasabi ni daddy, paano pa mabubuhay ang isang taong dalawang araw ng patay?
"kung namatay na po ako dad, papa'no po ako muling nabuhay?!"
halos hindi ko na malunok ang kinakain ko.
"dahil sa isang binata, si Tony Preacher"
sagot niya.
Bigla kong naalala ang estrangherong lalaking kasama niya kanina.
"siya po ba yung kasama ninyong lalaki kanina?!"
"hindi! Ang kasama ko kanina ay si Jacob.
Sa kasamaang palad, namatay na si Tony Preacher. Kung napansin mo yung apoy sa tabi mo kanina, siya 'yon! siya na nasunog ang katawan."
sagot ni daddy.
Naalala ko nga ang tinutukoy niyang apoy, pero bakit naman kaya siya nasunog?
"ah talaga dad! Sayang naman at hindi man lang ako nakapagpasalamat sakanya"
malungkot kong banggit pero may binubuo paring pala-isipan sa isip ko.
"o siya sige anak, magpahinga ka nalang muna, 'wag mo munang isipin yan, ang importante ngayon ay buhay ka at kasama kita"
Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"dad, salamat."
ang tanging naisagot ko.
(Kapitulo Disin-Sais)
Dumadampi sa pisngi ko ang ray of light sa siwang ng kurtina na nagmumula sa sikat ng araw.
Umaga na pala.
Inunat-unat ko ang aking mga kamay, sa ngayon ay medyo malakas narin ako.
Bumangon ako sa aking higaan, tinungo ko ang bintana para muling masilayan ang kagandahan ng umaga.
Paghawi ko sa kurtina, laking gulat ko nang makita ko ang isang lalaki na nakakapit sa labas ng bintana.
Hindi ako pwedeng magkamali, siya ang lalaking nakasama ni daddy kaninang madaling-araw, ang tinutukoy niyang si jacob.
Binuksan ko ang sliding window.
"ginoo, anong ginagawa mo d'yan? Pwede ka naman dumaan sa pinto"
sambit ko habang papasok siya sa loob, at nang makapasok na siya, inilabas ko ang ulo ko sa bintana, tinignan ko ang labas ng bintana, paano siya nakakapit dito gayong wala naman siyang kakapitan?
"wala ng oras maita, sumama ka sa akin!"
sambit niya sabay hawak sa wrist ko.
Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"teka! teka! Ni hindi nga kita kilala tapos ganyan nalang kung hatakin mo'ko?"
sabi ko.
"ah. pasensya na. ako lamang ang tanging nakakaalam sa nangyari sa'yo, at sa mangyayari pa sa'yo sa hinaharap."
pagpapakilala niya.
"ano bang pinagsasabi mo? ba't mo 'ko kilala, at ano bang tinutukoy mong nangyari at mangyayari pa sa akin?"
nagsimula na akong malito at maguluhan.
"tsaka ko na ikukwento sa'yo, ang importante ngayon makalayo ka dito, makalayo ka sa ama mo!"
muli niyang hinawakan ang kamay ko.
"ano ba?! bitawan mo nga ako! bakit ko naman iiwan si daddy?!"
hindi na ako makapalag dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.
"kung mahal mo ang ama mo, hindi mo siya idadamay, iiwan mo siya at sasama ka sa akin, dahil kung hindi..."
Natigilan siya at nagpukol ng matalim na tingin sa akin.
"kung hindi ano??x!?"
"dahil kung hindi ka sasama sa akin, tuluyan ka ng magiging bampira at ikaw mismo ang papatay sa daddy mo"
Kinikilabutan ako sa pinagsasabi ng binatang ito.
Ako magiging bampira? Nahihibang na ata ang lalaking ito!
"baliw ka ba?! Paano kita paniniwalaan n'yan?! Myth lang ang bampira ah! At wala pang nakakapagpatunay kung nag-eexist ba talaga sila"
naiirita na ako sa kanya.
"uhm. alam mo ba kung anong kinamatay mo? ba't 'di mo haplosin sa leeg mo ang bakat ng pangil ng bampira"
pagsalat ko sa leeg ko, may sugat nga, may dalawang parang butas akong nakapa sa leeg ko.
Ba't 'di ko nga ba natanong kay daddy ang kinamatay ko?
Biglang may kumatok sa pintuan.
"maita, nandito na ako"
boses ni daddy 'yon!
Ngunit bago pa man ako malingon sa pinto ay naramdaman kong umangat ang buo kong katawan.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na naka-kalong sa balikat ni jacob, at bago ko pa makitang bumukas ang pinto ay nakatalon na si jacob sa bintana.
"Dad! Dad! Dad!"
Paulit-ulit kong sigaw.
Masyadong mabilis ang pangyayari, ni hindi ko na nagawang magpumiglas pa, ngunit ang pinagtataka ko ay kung paano nakatalon ang lalaking ito mula sa ika-limang palapag ng ospital hanggang lupa ng hindi man lang natumba.
Ang bilis niyang tumakbo, sakto ko palang nakita si daddy na dumungaw sa bintana ngunit bigla agad siyang naglaho sa paningin ko.
Napansin ko pa ang isang matulin na black BMW Twin Turbo X100 na nilampasan lang namin.
Parang gusto ko na siyang paniwalaan dahil sa nasasaksihan kong pinapakita niyang di-pangkaraniwang pagtalon at pagtakbo.
"patawarin mo'ko. kailangan kong gawin 'to"
sabi niya habang patuloy parin siya sa pagtakbo, parang hindi man lang siya nahihirapan sa pagbuhat sa akin.
Unti-unti niya na akong nakukumbinsi at hindi na ako makapaghintay sa susunod pa niyang sasabihin.
(Kapitulo Disin-Siyete)
Nilapag niya ako sa isang upuan.
Dinala niya ako sa isang gusali. Isang abandonado at lumang gusali na malayo sa kabiyasnan.
"Bakit mo 'ko dinala dito?"
unang tanong ko habang hinahabol-habol ang hininga ko.
Parang ako pa ang napagod sa ginawa niyang pagbuhat sa akin.
"Hindi mo naiintidihan! Hinding-hindi! Dapat nung namatay ka, hindi mo na hinangad pa na muling mabuhay pa!"
Mukhang galit ang aura na ipinapakita niya sa akin.
"ano'ng ibig mong sabihin? Bakit, alam ko bang patay na ako? at alam ko bang mabubuhay ako? Ni hindi ko nga alam ang nangyari sa akin sa dalawang araw na patay ako"
Napapaluha na ako at nagsisitayuan ang mga balahibo ko dahil sa sinasabi ko.
Hindi talaga ako makapaniwalang namatay ako ng dalawang araw at heto ako ngayon, buhay na buhay.
"Alam mo maita! Alam na alam mo! Hindi mo lang maalala, ngunit darating ang araw na maaalala mo rin, sana lang ay hindi pa huli ang lahat..."
Biglang huminahon ang tinig niya at tumayo siya sa tapat ng bintana, nakatingin sa kawalan.
Huminga ng malalim.
"ako si Jacob. Ang kauna-unahang nabubuhay na werewolf"
muli siyang nagsalita.
"werewolf??x?! huh!"
kay hirap paniwalaan ang sinasabi niya.
Kanina mga bampira ang binabanggit niya, ngayon naman werewolf?
Biglang may nilalang na apat ang paa ang unti-unting lumalabas sa may likod niya na nagmula sa kawalan.
Nakakatakot at nakakasindak!
Isang mabalahibo at higanteng nasa anyo aso na may apat na mata ang umupo sa tabi niya!
Parang napapaamo sakanya.
RROOOAAARR
Napaliyad ako sa kinauupuan ko sa tindi ng tinig nito. Ano bang klaseng nilalang ito, at saan siya nagmula?
"huwag kang matakot, hindi ka niya gagalawin. Siya si Saiyha, ang ikalawa sa pito kong wolf"
sabi niya.
"wolf?! ang nilalang na 'yan ay wolf?! at 'di lang siya nag-iisa?!"
punong-puno ako ng pagtataka.
"oo, bahagi siya ng pagiging werewolf ko. Siguro naman maniniwala ka na? o kailangan ko pang palabasin ang natitirang anim?"
"naku 'wag na, 'wag na! Naniniwala na ako!"
Sa takot ko na maglabas pa siya ng anim na gano'ng uri ng nilalang.
"hindi ko alam kung sino ka at kung saan ka nanggaling, pero mukhang totoo ang sinasabi mo kaya sige, sige, pagkakatiwalaan kita. Para narin sa ama ko."
Paliwanag ko.
Panandaliang tumahimik ang paligid, umihip lang ang hangin at muli na akong nagtanong.
"bakit ako magiging bampira?"
Naging siryoso na ang tanong ko habang ang tinatawag niyang saiyha ay muling naglakad sa likod niya at naglaho sa kawalan, para siyang nabubura sa hangin.
"dahil sa dugo ni marcus......na bumuhay sa iyo!"
sagot niya.
"marcus?! Nabanggit ni daddy na ang nagngangalang Tony Preacher ang bumuhay sa akin"
sambit ko.
"hmm..akala ko rin no'ng una ay si tony nga ang bumuhay sa'yo, pero mali ako."
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"bago napatay ni marcus si tony ay nagawa niyang idampi ang sugatan niyang kamay sa bibig mo, ngunit mas nauna palang nakapag-patak ng dugo si marcus sa iyo, kaysa sakanya"
paliwanag niya.
"sino ba si marcus, at si tony? atsaka bakit sa akin nangyayari ito? Isa lang naman akong ordinaryong tao!"
naging sunod-sunod na ang pagtatanong ko.
Huminga ng malalim si jacob.
"si marcus ay isang paniking bampira na ginahasa ang isang babae, at ang naging bunga ay si tony, kung kaya't siya ang kauna-unahang human vampire."
"alam mo jacob, hindi talaga kita makuha. Sinasabi mo na si tony ang unang human vampire dahil anak siya ng isang bat vampire? Eh ikaw, pa'no ka naging unang werewolf na may pitong wolf?"
"dahil anak ako ni William, isang wolverine"
To be continued...
Kabilang Mundo (part 6)
by Fiction-Factory
(Kapitulo Triese)
"heto na maita! dito tayo, dali!"
hinila ako ni tony papunta sa isang malaking puno.
Umupo kami at nagtago sa likod ng makakapal at madahon na gumamela na nakatanim sa baba ng puno.
"ano ba talaga 'yon tony?"
tanong ko sa kanya habang tinatanaw-tanaw namin sila.
Nakita ko ang linya ng mga nakahilerang nilalang.
"yan ang prosesyon ng kamatayan, o ang pinapaniwalaan ninyong Grim Reaper"
sagot niya.
"Grim reaper? Diba siya yung kumukuha sa kaluluwa ng mga taong namatay na?"
"hindi! 'di ba nga si Lucifer ang sumusundo ng soul of death? Walang anyo ang kamatayan (grim reaper). Ito ay masamang pangitain lamang na lumalabas para magbigay hudyat na mamatay na ang isang tao."
"eh ano'ng ibig sabihin ng prosesyon na 'yan?"
"may.....may ma-mamatay ngayong gabi!"
halos hindi pa niya masabi-sabi.
Nag-alala naman ako ng husto, na baka hindi na ako makabalik pa sa katawan ko at tuluyan na akong mamamatay.
"hindi na ba ito mapipigila-"
napahinto ako nang maaninag ko ang nakakagimbal na nilalang na nakatayo sa sa likod namin ni tony.
Abala kaming nakaupo at naninilip, ni hindi namin namalayan na may halimaw na palang nakatayo sa likod namin.
"tony...tony..."
pabulong kong sigaw.
Ni hindi ako makalingon sa likod, baka kung ano pa ang gawin niya sa amin.
"Sssshhhhhh... Tahimik..."
Huni sa akin ni tony at patuloy at abala pa rin sa paghawi at pagsilip sa mga dahon ng gumamela.
"tony! tony!"
nagsimula ko ng alog-alugin ang balikat niya para bumalikwas siya.
"bakit-b-"
bigla siyang natigilan nang mapatingin siya sa akin. Malamang naaaninag din niya ang katawang nakatayo sa likod namin.
Nagkatinginan kami ni tony at
sabay kaming lumingon sa likod.
Nakakapangilabot!
Isang mabalahibong nilalang na ang ulo ay kabayo, ngunit ang kulay berde niyang katawan ay parang katawan ng matikas na lalaki, gutay-gutay ang mga suot niyang damit.
Tapos nagulantang nalang ako nang bigla nalang siyang tumakbo papalayo at sa isang iglap lang ay nilamon na siya ng kadiliman.
Pagtingin ko kay tony, mas natakot ako sa hitsura niya, nanlilisik ang mga mata niya, napakabangis ng aura niya.
Kaya pala gano'n na lamang kung tumakbo ang tikbalang, dahil mabangis na bampira pala ang kasama ko.
Muli naming liningon ang sinasabi niyang prosesyon, parang naaaninag ko na sila ng detalyado, nakapila at nagmamartcha sa daan.
Sa unang linya ay may dalawang matatabang bata, mga batang walang mukha, hubo't-hubad at ang balat nila'y nangingitim at naaagnas na.
Pareho silang may hawak na sibat, ngunit sa dulo ng sibat ng isa ay may nakabaliktad na krus, at ang sa dulo naman ng isang sibat ay puting bandila, at may nakaukit na simbolo dito.
Isang tatsulok na may bituwin sa gitna.
Diretso lang ang paglakad ng mga batang ito, ni hindi lumilingon.
Sa likod nila'y kasunod ang tatlong babae na may hawak na tig-iisang puting kandila, sa kanila nanggagaling ang liwanag na aming naaninag kanina, nakasuot sila ng puting saya at ang mga ulo nila'y nakatalukbong ng puti ding belo.
Malamlam ang kanilang paglakad.
at ang nasa pinakahuli ay isang nagniningning na kabaong. Isang puti at bagong kabaong na buhat-buhat sa balikat ng anim na nilalang, dalawa sa magkabilang dulo at dalawa sa gitna, at lahat sila'y pugot-ulo at wangis ay katawan parin ng tao.
Nakapalibot sa kanila ang mga lumulutang na pulang kandila.
Nagulat ako nang mapansin kong nakalingon sa akin ang tatlong babaeng nakabelo. Nasindak ako nang sa isang iglap ay bigla nalang silang nakatayo sa tapat ko mismo.
Bigla akong kinabig ni tony, nakaupo at nakasandal siya sa puno, idinukmo niya ang mukha ko sa dibdib niya.
"kahit anong mangyari, 'wag na 'wag kang lilingon"
utos niya sa akin, pagkatapos niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.
Napayakap din ako sakanya, ramdam na ramdam ko ang pagmamalasakit niya sa akin sa tindi ng pagkakayapos niya.
"pumikit ka lang!"
pagkasabing-pagkasabi pa lang niya ay pumikit agad ako. pikit na pikit.
Kahit sa kadiliman ng pagkakapikit ko ay nakikita ko parin ang tatlong babae, hindi lang makita ang mga mukha nila gawa ng nakatago sa puting belo. Inaabot nila sa akin ang hawak nilang kandila.
"Ito ang tatlong kandila ng kamatayan...may mamamatay...ito ang tatlong kandila ng kamatayan...may mamamatay"
Paulit-ulit at sabay-sabay nilang binabanggit.
Tinanggal nila ang kanilang mga belo, lumantad sa akin ang mga mukha nila, katawan nila'y wangis sa katawan ng babae ngunit ang mga mukha nila'y wangis ng ulo ng kambing, may magkabilang sungay, napakapangit nila!
at lahat sila ay umiiyak ng dugo, pula at saganang dugo na dumanak sa suot nilang puting saya.
Hindi sila mawala-wala sa paningin ko.
Tapos bigla nalang nalalagas ang mga ngipin nila, nabubunot at nalalaglag sa kadiliman.
Dumilat na ako para maiwasan sila.
"mukhang wala na sila, bumalik na sila sa kanilang parada"
sambit ni tony.
Binitawan na niya ako at pareho na kaming muling sumilip sa parada ng mga demonyong nilalang.
"tony, kanina pagpikit ko nakita ko yung tatlong babaeng nakabelo, lagi nilang sinasabi na may mamamatay"
"nakita ko rin 'yon maita. Ibig sabihin hindi lang isa ang mamamatay ngayong gabi, pwedeng dalawa, tatlo o higit pa"
parang gusto kong maiyak sa sinabi niya.
Pagkalampas na pagkalampas ng prosesyon ng kadiliman ay tumuloy na kami sa paglalakad.
Narating namin ang ilog jordan.
Napansin agad namin ang liwanag sa pangpang ng ilog.
Paglapit namin ni tony, nadatnan namin si daddy na nakaluhod sa tabi ng nakahiga kong bangkay.
Kaparang na kaparang ng gayak ng bangkay ni mommy ang gayak ng bangkay ko.
Ang bangkay ko ay nakasapin ng pulang tela.
Nakahiga sa makapal na dayami na napapaligiran ng maraming white roses, napapalibutan ng mga puting kandila.
Ang kasuotan ko'y puting wedding gown, at hindi ako pweding magkamali, damit pangkasal 'yon na ginamit ni mama.
Naaawa ako kay daddy dahil sa kasisinghot-singhot niya, parang pinigilan niya ang pag-iyak kasabay ng pagbigkas niya ng mumunting latin prayer.
"Ginoo, 'wag n'yo pong gawin 'yan!!"
Napasigaw itong si tony nang mapansin niyang sisindihan na ni daddy ang dayami sa kinahihigaan ng bangkay ko.
"Sino ka?!"
pagkagulat ni daddy at napalingon sa katabi kong si tony.
Biglang lumiwanag ang buong paligid dahil sa sinag ng buwan, mabilis ang paggalaw ng langit, unti-unting nagsisilihis ang mga ulap na kanina'y nakaharang sa buwan.
Tapos, sa may parteng kabilang dulo ng ilog ay nakita ko ang mga kaluluwang-ligaw na nakatayo at nakahilera sa kabilang pangpang, lahat sila ay hubo't-hubad at ang buong katawan ay kulay puti na nakalutang sa ere.
May babae, may lalaki, matanda't bata, samu't-sari at lahat sila ay puro nakatagilid ang ulo at nakatingin sa kawalan.
"ano ang mga iyon tony?"
tanong ko kay tony sabay turo sa mga kaluluwa.
"hmm..mukhang marami ng namatay sa ilog na ito ah! 'wag kang mag-alala, hindi nila tayo gagalawin ni pakikialaman"
sabi niya ngunit hindi ko man nakitang bumuka ang bibig niya.
Marahil dahil nakikita siya ni daddy kaya kinausap niya ako gamit ang telepathy niya.
"hijo, sino ka ba talaga?!"
muling tanong ni daddy kay tony dahil inagaw ko ang atensyon niya.
"ah..eh.. Ako po si Tony Preacher ginoo"
nagulat naman itong si tony.
"tony preacher?! Anong kailangan mo sa akin, at bakit mo ako pinipigilan sa mithiin ko?"
Pagtataka ni daddy. Punong-puno ng katanungan ang mga mata niya.
Lumapit si tony kay daddy at lumuhod sa tabi niya.
Hinawakan niya ang batok ng bangkay ko at iniangat ng bahagya ang balikat ko.
"Ginoong Navarro, nasa harap niyo po ngayon ang kaluluwa ni maita. Hinihintay lang po niya na muli ko siyang buhayin ngayon."
Nagkatinginan silang dalawa at panandaliang tumahimik ang paligid, sa hitsura ni daddy ay parang binubuo pa niya sa isip niya ang sinabi ni tony.
"nahihibang ka na ba? Paano mo bubuhayin ang taong dalawang araw ng patay?"
Hindi parin makapaniwala si daddy.
Binitawan ni tony ang bangkay ko at binunot naman niya ang isang maliit na balisong na dinukot niya mula sa sapatos niya, tapos ipinatong niya ang talim nito sa palad niya at itinapat niya sa bibig ko.
"sa pamamagitan po ng dugo ko"
natigilan si daddy at natameme sa sinabi ni tony. Tila hindi na niya alam kung ano'ng
sasabihin pa.
Nagpatuloy sa pagsasalita si tony.
"maita, ilang saglit nalang at mabubuhay ka na, at sa oras na 'yon, mabubura na ako sa 'yong ala-ala..."
Bigla niya akong tinignan, nakatitig sa aking mga mata.
Nakakalungkot isiping nakilala ko siya sa ganitong sitwasyon, at nakasama sa kabilang mundo.
"pahalagahan mo ang iyong ikalawang buhay"
pagkasabing-pagkasabi palang nito ni tony ay bigla nalang niyang nilaslas ang palad niya.
Sumibol dito ang malapot at pulang-pulang dugo niya na umagos sa dulo ng palad niya.
Inaabangan namin ang patak ng dugo niya na babagsak sa bibig ko nang biglang umihip ang di pangkariniwang lakas ng hangin, parang hangin ng malakas na bagyo, sa ilalim ng matinding sinag ng bilog na buwan.
Natumba pa si daddy at napaupo sa lupa sa tindi ng hangin.
Hindi pa man nagagawang pumatak ng dugo ni tony sa bibig ng nakahimlay kong bangkay nang may isang nilalang na nagmula sa ere ang bigla na lamang bumunggo kay tony.
Masyadong mabilis ang pangyayari, ni hindi ko napansin kung ano ang ginawa ng nilalang na 'yon kay tony para tumalsik siya at tumilapon sa damuhan.
Sinundan ko ng paningin ang nilalang na 'yon ngunit hindi ko mahabol, at bigla nalang siyang naglaho sa ere.
Hindi parin bumabangon si tony kaya nilapitan ko siya. Nakahilata siya sa damuhan at mukhang nawalan ng malay.
"tony! tony!"
inaalog-alog ko ang katawan niya.
"hhaaaaahhhhh"
biglang napasigaw si daddy.
Paglingon ko sa kanya, nakita ko siya na nakaupo parin sa lupa at inuusad ang katawan paatras.
Nasa harapan niya ang nilalang na sumugod kay tony.
Nakatayo siya sa tabi ng bangkay ko.
"demonyo! Layuan mo ang anak ko!"
napapaiyak na si daddy at papaatras parin siya. Takot na takot siya pero hindi parin niya iniiwan ang bangkay ko.
Humakbang palapit sa kanya ang nilalang, isang nilalang na may pakpak na katulad ng sa mga paniki, matangkad siya, parang pitong talampakan sa tantya ko.
Bumuka ang mga pakpak niya, ang katawan niya'y parang katawan ng makisig na lalaki, ngunit apat ang kamay niya, tig-dalawa sa magkabilang balikat, tapos may mahaba at matulis na buntot na hugis palaso ang dulo.
Hindi kaya siya ang tinutukoy ni tony na Bat Vampire?
Napahinto sa paglalakad ang nakakakilabot na nilalang na ito at
nagulat ako nang bigla ko nalang nakita si tony na nakatayo sa harap ni daddy.
paglingon ko sa damuhan, wala na nga siya dito.
Ang galing, kanina nandito lang siya sa tabi ko pero ngayon nandun na siya sa eksena, parang teleportation.
Nag-kaharap si tony at ang nilalang, nagkatitigan sila, habang si daddy ay nakaupo parin sa likuran ni tony at patuloy na tumatangis.
"marcus, huwag mong idamay ang lalaking ito!"
sambit ni tony sakanya.
sabi na nga ba't siya si marcus.
"tony, tony, tony....kailan ka pa nagkaroon ng malasakit sa tao?! Huh?!"
sagot ni marcus kasabay ng muling pagtiklop ng mga pakpak niya.
Bilog at napakapino ng nakakayanig niyang boses.
"ano pa bang gusto mo anak ko?! Ayaw mo bang maging human vampire din ang ama mo, tulad mo?"
patuloy ni marcus.
Anak? Ama ni tony si marcus? Kung human vampire si tony, ibig sabihin ang ina niya ay isang tao!
Pero bakit gusto niyang patayin si marcus na ama niya?
"hindi ka pwedeng maging human vampire kailan man, dahil isinilang kang halimaw! At kaya ako naging halimaw dahil sa'yo! ikaw! ikaw ang pumatay kay Ina, hindi ako!"
mariing sagot ni tony.
Mukhang mabigat ang saloobin niya para sa kanyang ina.
Parang unti-unti kong nakikilala ang kwento ng pagkatao ni tony.
"bwahahaha hindi mo na ako mapipigilan ngayon tony! Hinding-hindi. Ako ang bubuhay sa babaeng ito para makumpleto na ang ritual para sa pagiging human vampire ko."
nakangising sambit ni marcus.
"hindi ko hahayaan ang gusto mo!"
Biglang tumakbo ng matulin si tony papunta kay marcus kasabay ng paghaba ng mga matutulis niyang kuko sa kamay.
Ang bilis! Sa isang iglap lang ay nasugod agad niya si marcus.
At sa sobrang bilis ng mga kilos nila, hindi ko man lang napansin o nakita kung papa'no sila naglaban,
nakita ko na lamang si tony na nakaluhod sa harapan ni marcus.
Nakalaglag ang mga kamay niya sa kanyang tagiliran.
Nakadilat ang mga mata at nakatulala siya,
nakatusok mula sa likod niya ang matulis na pakpak ni marcus na lumusot sa dibdib niya, sakto sa puso niya.
tapos bigla nalang nalalagas ang mukha niya, parang nagka-crack ang mukha niya at laking gulat ko nang bigla nalang nagliyab sa apoy ang mga kasuotan niya, kasabay ng unti-unting pagliyab ng buong katawan niya.
"tony! tony! tony!"
wala akong magawa kundi isigaw lang ang pangalan niya.
Humakbang ako at handa ko ng lapitan siya ngunit may kakaiba akong naramdaman sa aking sarili.
Parang may humihigop sa akin at unti-unting naninikip ang dibdib ko.
Nakakaramdam ako ng tibok sa aking puso, at parang umiinit ang buong katawan ko.
Bago pa ako tuluyang mahigop ng kawalan ay nakita ko ang pagdating ng mga wolf, pinalibutan nila si marcus at nang magpukol ako ng paningin kay daddy, nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa tabi niya.
Hindi ako pwedeng magkamali, siya yung tinutukoy na werewolf ni tony na nakatayo sa tapat ng bahay namin kanina.
Si Jacob.
Tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.
To be continued...
Subscribe to:
Posts (Atom)